21 - Her Name Should Start With B

2691 Words
Sinundo ako ni Heron using his owner type jeep, pero kumain muna kami sa Cauayan. Hindi pa naman ako nagugutom pero gutom daw kasi si Heron. He really looked dashing at natatawa na lang kami kapag may napapalingon sa kanya na nakakasalubong namin. "Pasensya ka na, nasa lahi eh." Biro nya. Tumawa ako. "Asus. Oo na lang." "Bakit, patay na patay ka nga kay Ram, diba?" Tapos humalakhak sya. May mga napalingon na naman sa gawi namin. Pinalo ko sya ng mahina sa braso nya bago kami sabay na sumakay sa owner nya nang mailagay nya na sa likod ang mga gamit ko. Umulan daw kahapon kaya hindi naman masyado maalikabok ang daan. Nag handa na ako sa malayo layong byahe. Panay ang kwentuhan namin habang nasa daan. Habang patagal ng patagal ang byahe namin ay lalo akong naeexcite dahil gusto ko na makita ang reaction ni Ram kapag nakita nya ako sa hacienda. I texted him a Good Morning message a while ago pero hindi pa sya nagrereply. Hindi naman yun unusual. Minsan ay hapon na sya nakakapag reply o tumatawag sya ng gabi na pagkatapos ng trabaho. And that's real fine with me. Mas gusto ko nga na focus sya sa trabaho nya. Gumagaan ang loob ko knowing na nang maging kami ay hindi naman talaga iyon hadlang para ma distract sa trabaho sa hacienda si Ram. Na mapansin iyon ng mama nya at kahit papaano ay mag iba ang pagtingin nya sa akin at sa kung anuman ang mayroon sa amin ni Ram. I want to prove to those people who thinks I'm like Sylvia that I am far from her. Pareho kaming moderna pero walang wala sa isip ko na iwan si Ram. Not now, not ever. Kita ko na ang palayan na sakop ng Hacienda Esquillo when Heron stopped. Nag ring kasi ang cellphone nya. I focused my eyes on the nearby gate of the place habang sinagot ni Heron ang cellphone nya. Ano kaya magiging reaction ni Ram? I mean, I know he'll be surprised. Pero sana nasa main house sya. O kahit nasa mismong trabaho sya, papasama na lang ako kay Heron para puntahan sya. Ibinaba na ni Heron ang hawak nyang cellphone tapos pinaandar nya na ulit ang owner nya. Bumusina sya at may nagbukas ng gate. It felt nostalgic coming here again. Medyo natatakot nga lang ako na baka nandito ang mama ni Ram. I might not know what to say. Baka isipin nya na feel na feel ko pumunta sa hacienda in my own will. Huminga ako ng malalim habang papalapit na kami sa entrance ng main house. Heron got my luggage and one traveling bag. Hawak ko naman ang shoulder bag ko. Kinakabahan ako pero excited at the same time. Walang nagbago nang makapasok na ako. Well, eight months pa lang naman ang nakakalipas pero if I think about it, this is where it all started. Tumatalon ang puso ko sa idea. "Your room last time or Ram's?" Nakangiti na tanong ni Heron. Tumawa ako. "Sa dating kwarto ko na lang." Tumango sya at sabay kaming umakyat. May mga katulong na sumilip nang dumating ako pero hindi ko na lang sila pinansin. I'll just deal with them once na makita ko na si Ram. Nang mailapag na namin ang mga gamit ko ay nauna bumaba si Heron para itanong sa mga katulong kung nasaan si Ram dahil hindi sumasagot sa cellphone. "Nasa kubli daw yata si Ram. Let's go." Seryoso at walang kagana gana ang boses na sabi ni Heron. "Oh. What happened? Parang galit ka?" Natatawa na tanong ko. Umiling lang si Heron. "Let's just.. go." Tapos mabilis sya na tumalikod at nauna na bumaba. Kunot ang noo na sinundan ko na lang sya matapos ko'ng mabilis na mag freshen up. I saw Heron waiting at the driver's seat of his owner. Nakatulala lang sya. I snapped my fingers nang pasakay na ako sa tabi nya. Mabilis syang ngumiti nang makita ako. "Something wrong?" Umiling sya. "Wala. Let's just look for Ram." Nagkibit balikat na lang ako. Mamaya ko na lang sya kukulitin sa sudden change of mood nya. Napuno ako ng excitement habang papalapit kami sa kubli. Sarado ang mga bahay na nandoon dahil malamang na nasa kabilang parte ng hacienda at tumutulong mag bungkal ng lupa at mag linis ng damo sabi ni Heron. Patakbo pa ako na pumunta sa kubli habang may inaayos pa yata si Heron sa jeep nya. I can already hear the water falls. It felt nostalgic walking towards the woods. Silip ko na ang falls when I heard set of laughter. I am sure na si Ram ang isa, pero boses ng babae ang isa. Bumilis lalo ang pag galaw ko until I am out of the woods at kita ko na ang buong lugar ng kubli. Lumingon ako sa kaliwa ang saw Ram coming out of the small hut na katabi lang ng banlawan. It was new, I can tell. Wala ang kubo na iyon noon doon at halatang bago ang mga pawid. Kasunod nyang lumabas doon ay si Veronica. I just stood frozen. Bumilis ang kabog ng dibdib ko, but they were just laughing so pilit ko'ng kinakalma ang sarili ko. Nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin. Nakasunod na pala si Heron. Tiningala ko sya at kita ko na nakatingin din sya sa dalawa. Nagulat na lang ako ng bigla nyang tinawag si Ram. Napapitlag ako kaya automatic na napayuko ako. Ayoko makita ang reaction ni Ram. Ang sakit makita na ang saya saya nya kasama pa si Veronica tapos nandito sila sa kubli. I felt Heron tugged me to walk forward but I was stubborn. Nagulat na lang ako nang hawakan ni Ram ang kamay ko at hilahin ako sa pagkaka akbay ni Heron. "Bee! Oh God. You're here!" Bigla nya akong yinakap at napasubsob ako sa dibdib nya. Dumirekta ang tingin ko sa kaliwa nya at nakita na tumayo sa tabi nya si Veronica. Nawala na ang ngiti nya at naka taas ang kilay na nakatingin kay Heron. Nawalan ako ng gana, so mahinang tinulak ko si Ram at tumayo ako ulit pabalik sa tabi ni Heron. Nangunot ang noo ni Ram. "Hindi mo sinabi na pupunta ka." Pero nakangiti sya nang sinabi iyon. "Y-yeah, I wanted to surprise you. N-nag leave ako." Hindi ko alam kung bakit gusto ko na lang maiyak. Pakiramdam ko, out of place ako sa kanilang tatlo bigla. Bakit pa nga ba ako biglaang pumunta dito? "Why are you with her, Heron? Sinundo mo sya?" Si Veronica iyon. Her voice was cheerful, pero hindi ko alam kung bakit parang may sarcasm iyon sa pandinig ko. "Yeah, I did." Tipid na sabi ni Heron na hindi man lang tumitingin sa babae. "So.. may ginagawa pa ba kayo ni Veronica? Should I take back Bee in the mansion?" Seryosong tanong ni Heron kay Ram. Binato ng makahulugan na tingin ni Ram si Heron bago ako muling hinila ni Ram at pinatayo sa tabi nya. "Bee's gonna ride with me. Si Veronica na lang ang isabay mo pabalik sa main house." Matigas rin na sabi nya. Palipat lipat lang ako ng tingin sa kanila. There's definitely a tension between these two. "Ah, h-hindi na ako dadaan sa main house. Kukunin ko na lang yung bag ko sa sasakyan mo tapos magpapahatid na lang ako kay Heron sa bahay." Mabilis na sagot ni Veronica. Lumapit sya kay Heron at bigla na lang hinila ang kamay ni Heron paalis. We were just standing there habang tinitingnan ang mga likod nila papunta sa kakahuyan. Hindi ako makagalaw. Lumingon pa sa amin si Heron bago sila tuluyang mawala sa paningin namin. Biglang humarap sa akin si Ram. "That's not what it looks like." Hinawakan nya ang dalawang balikat ko. Tiningala ko sya. "Wala naman ako'ng sinasabi." There's bitterness in my voice, at ayoko talaga mag selos pero nasaktan ako sa nakita ko. What are they even doing here? Tapos anong ginawa nila sa bagong tayo na kubo na yon? "Bee.." Tumawa ako. "C'mon, gusto ko na sana magpahinga." Nauna ako maglakad sa kanya. Naramdaman ko na lang na sumunod si Ram at inabot ang kamay ko. "Honey." Mabilis syang tumayo sa harap ko. Damn, I so miss this guy. Gusto kong itaas ang kamay ko at haplusin ang mukha nya. I want to hug him tight right there and then pero masama ang loob ko. Alam nya naman na nagseselos ako sa babae na iyon, pero kasama nya pa yun kanina sa kubli at tumatawa pa sila. "Ram-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko when he lowered his self and claimed my lips. Automatic rin na napapikit ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagtugon ko sa halik nya. He pulled me closer and hugged me tight. Yinakap ko rin sya while I feel like my bones will be crushed anytime sa higpit ng pagkaka yakap nya. Naghiwalay kami na kapwa humihingal. "I missed you. Sana sinabi mo na pupunta ka para ako na nag sundo sayo." He caressed my face with his two hands as if hindi pa rin sya makapaniwala na nasa harap nya ako. "I wanted to surprise you.. at alam ko naman na marami kang ginagawa." Yumuko ako. Ayoko maging sarcastic. "Let's talk at home. Tara." Hinila nya ako at magka akbay kaming naglakad. Palayo na ang owner ni Heron nang makasakay kami sa sasakyan ni Ram. Bukas iyon, nasa ignition pa ang susi. At wala na ako makita na bag, so malamang na nakuha na iyon ni Veronica. Wala kaming imikan hanggang sa makababa na kami sa sasakyan. Ginagap nya ang kamay ko nang paakyat na kami sa main entrance. I felt the familiar electricity. Pero sa ngayon ay mas curious ako sa kung ano ang ipapaliwanag nya. Dumaan kami sa kusina. Kahit magka holding hands kami ni Ram ay nagpapahuli ako ng lakad sa kanya. Ayoko harapin ang mga kasambahay sa bahay na iyon. Pakiramdam ko, wala ako karapatan. Nagbilin sya ng kung ano ang magiging hapunan bago nya ako hinila sa kwarto nya. He opened the air conditioner and pulled me into the bed. He hugged me and gave me small kisses in my face. "God, I missed you. So damn much. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon na nandito ka." He kissed me in my lips while caressing my hair. Dahan dahan syang pumatong sa akin, pero bahagya ko syang tinulak. "Let's talk first." Bumuntong hininga sya. He rolled over at tumagilid paharap sa akin. "Alright. What do you want to know?" "What were you two doing there? Sa kubli? Bakit may malaki nang kubo doon?" "The hut was recently made. May mga bakasyonista kasi na nagbabakasyon sa kamag anak ng mga trabahador sa hacienda. May mga kaibigan rin daw mula Manila na magbabakasyon dito si Veronica kaya nakipag usap sya sa mga trabahador about her idea, na gumawa ng maliit na kubo doon para mapaglagyan ng mga gamit. And we came to check the hut a while ago." "Magiging tourists spot na ang kubli?" Tumayo ako at nag Indian seat sa harap nya. Ganoon din ang ginawa nya, paharap sa akin. "Not really. Pili na tao lang naman. Besides, I told them na kailangan nilang pangalagaan ang kubli. The moment I learned na hindi maayos ang pag gamit nila ng lugar, it will be closed again. Intimate gatherings lang ang papayagan ko." Tumango tango ako. "Eh ano naman ang pinag uusapan nyo at parang ang saya saya nyo?" "Bee, we were just talking about random things." "You know I'm jealous about her. I don't want to be a b***h about it-" "Your language, please." Agad na saway nya. "Eh kasi nakaka frustrate! Excited pa naman ako makita ka tapos makikita ko na magkasama kayo at parang ang saya saya nyo pa." Tumawa lang si Ram. "Come here." Lumapit ako sa kanya at mabilis nya akong nadaganan ulit. He started kissing me on my neck while his hands squeezed with my breast. The other one's busy in caressing my legs. I pulled his shirt para mahubad nya na iyon. Tinulungan nya rin ako hubarin ang suot ko na blouse by unbuttoning the buttons. He unhooked my bra and pulled down my shorts when his phone rang. He groaned. "Damn it." Tumawa ako. "Answer it. We can still do this later." Bumangon ako nang umalis na sya sa pagkaka dagan sa akin. He grabbed his phone. Kunot ang noo nya nang tiningnan kung sino iyon. Tumalikod sya sa akin at mahina ang boses habang nakikipag usap sya. "I have to go for a while." Sabi nya nang humarap sya sa akin. "What? Why?" Tiningnan nya ako tapos bumuntong hininga sya. "Look, Honey. I know I told you na hindi na kami magkikita ni Sylvia. And I meant that." Napa awang ng kaunti ang mga labi ko sa gulat when I heard the name. "Sylvia.." "Honey, one week ago, inuwi ni Veronica si Sylvia dito para mapagamot. Sylvia doesn't want Veronica to know that she's sick or any of their family members here, but I told Veronica about it dahil hindi kaya ng konsensya ko na hayaan lang sya." "And what's that got to do with you?" "I.. I visit her sometimes. But it's nothing. Concern lang ako sa kanya. And she had a seizure a while ago. Tumawag sa akin yung mismong nurse. Hinahanap nya daw ako." I blinked. Kita ko naman na totoo ang sinasabi nya. "Alright. I'll come with you." Mabilis ako na tumayo. Maybe oras na rin para makita ko si Sylvia. "A-are you sure?" Tumango ako. "Magbibihis lang ako." I kissed him before I went into the room I was using. I feel stupid when I started looking for my best clothes. Bigla akong nakaramdam ng insecurity sa taong may sakit. But she's still Ram's ex! And first love, for that matter. Sa huli ay nag settle na lang ako sa skinny jeans at pink na blouse, total alam ko na ayaw na ayaw ni Ram ng medyo revealing attire. Kapag nag uusap nga kami at kahit nasa bahay lang ako, tinatanong nya pa kung ano ang suot ko just to prove a point. Tahimik lang kami ni Ram habang papunta sa bayan kung saan nandoon ang hospital. Mahigit forty minutes ang byahe at inis na inis ako nang maabutan si Veronica doon na mabilis sinalubong ng yakap si Ram. Teary eyed ang babae at hindi na lang ako nagsalita. "Hey, everything will be fine." Pag aalo naman ni Ram. Hinahagod nya ang likod ni Veronica na halatang feel na feel ang pagkaka yakap sa kanya. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanila. Dahil nakatalikod si Ram sa akin ay nakaharap sa akin si Veronica. Napakurap ako nang makita ko sya na bahagyang ngumisi habang nakatingin sa akin. I'll be damned. This b***h is really a b***h! Humiwalay sya kay Ram pero halatang nagdadrama pa rin. Pinahiran ni Ram ang luha ni Veronica using his finger. Lumapit ako sa kanika. "So where's Sylvia? Yung taong ipinunta natin dito?" Matigas na tanong ko kay Ram. "Nasa ICU sya." Si Veronica ang sumagot at ang amo amo ng mukha nya. Gusto ko hilahin ang buhok nya at ingudngod sa sahig ang mukha nya dahil unti unti nang lumalabas ang sungay nya, but I will not stoop that low. Kalma lang, Bee. Darating din ang oras ng babaeng yan. "Let's go, Ram." Nagulat ako nang biglang ipinulupot ni Veronica ang mga kamay nya sa braso ni Ram at nauna silang naglakad. Wow. Parang ako pa yung epal sa kanila, ganon? Kahit inis na inis ako ay sumunod lang ako sa kanila. She was telling things about Sylvia at attentive naman si Ram. Doon ko naisip kung gaano talaga kabait si Ram. I mean, alam ko, gusto nya lang talaga tulungan yung babae and this b***h's getting benefit from it. I can see it now. Kaya pala siguro naisip ko rin dumalaw dito. After a while ay dumating si Heron. At para akong nabunutan ng tinik ng ayain nya ako na samahan sya sa canteen.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD