Nahihiya ako'ng yumuko at umiwas ng tingin, but before I knew it nasa harap na namin sya. Tumayo sila Daisy at Raisa para batiin ang lalaki pero ako, gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko.
His familiar scent lingered. Grabe, bakit ba ang sarap amuyin ng amoy nya?
"Tito, this is Bee!" Ramdam ko na itinuro na ako ni Raisa. Ayoko maging bastos kaya tumayo ako at humarap sa kanya.
Bahala na.
Kita ko ang gulat sa mukha nya pero mabilis iyon nawala. Hindi sya ngumingiti at seryoso lang syang nakatingin sa akin. He cleared his throat at iniabot ang kamay nya sa akin.
"Ramiel Esquillo. Ikinagagalak kitang makilala."
I pressed my lips at hindi na ako nag isip na nakipag kamay sa lalaki. I felt him squeezed my arm at hindi ko alam kung bakit may malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa akin. Mabilis kong binawi ang kamay ko.
"B-Beatriz Palmez. B-bee na lang." Nauutal na sagot ko. Mabilis akong umiwas ng tingin.
"So paano? Nandito naman na si Ramiel. Aalis na ako at sabi ko kay Gov. sasaglit lang ako." Narinig ko na sabi ni Daisy.
Bigla ay parang gusto ko kumapit sa kamay nya at magmakaawa na isama nya na lang ako pabalik. I feel uneasy lalo na at alam at ramdam ko na tinititigan nya ako. What the hell is he doing? Nakakatunaw sya tumingin! Gusto ko tuloy tumalikod.
"Maaga pa naman po, ipapakuha ko kayo ng mga prutas sa mga trabahador." Maya maya ay rinig ko na sabi ni Ramiel. Swabeng swabe ang boses nito, lalaking lalaki. Bedroom voice. Tipong sa boses pa lang, pwede ka na magla gusto sa kanya.
Tapos makikita mo pa na ganito sya ka gwapo.
Pero bastos. Hay.
"Hindi na, Ram. Sa uulitin na lang. Paki alagaan na lang si Bee. Daldalin mo na lang dahil listener yan. O kung sino man ang pasasamahin nyo sa kanya mag tour."
Napalunok ako. Oo nga pala. Of course, kung sya ang may ari ng Hacienda na 'to, napaka impossible na sya yung sumama sa akin. Lalo naman si Raisa. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Malaki naman ang bahay nila. Malay ko ba, baka last na pagkikita na talaga namin kasi aalis alis naman ako hanggang sa susunod na araw.
Nagpaalam na rin ako aky Daisy.
"Ihahatid ko lang sa labas si Ate Daisy." Magiliw na sabi ni Raisa.
Wala na akong nagawa. I guess, we were really destined to meet. Kahit naman gaano ako na inis sa lalaking ito, there's something about him that pulls me in. And it's a bad thing.
Umupo ako ulit nang maka alis na sila Daisy at Raisa. Hindi ko alam ang sasabihin. Nakayuko lang ako.
Naramdaman ko na gumalaw sya. Umupo sya sa upuan opposite of where I was sitting. Unti unti ko'ng tiningala ang lalaki at kita ko na nakatitig sya sa akin. Nakasandal na sya sa upuan. His arms curled up in his chest. May malilit na facial hairs ka and it made him looked so damn sexy and hot.
"Uhm.." Nakaharap ako sa kanya pero naglilibot ang mga mata ko.
"Miss na taga Manila, gusto ko'ng malaman mo na may tatlong bagay ako'ng ipinagbabawal sa bahay na ito. At dahil dito ka tutuloy ng tatlong araw, sana malaman mo na hindi iyon magiging dahilan para gawin mo pa rin ang mga ayaw ko." He c****d his head to his side.
I bit my lower lip, and I saw his eyes narrowed on me.
Nag iwas na naman ako ng tingin. Damn. Hindi ako makatitig sa lalaing ito. Nakaka intimidate ang aura at kagwapuhan at hotness nya.
"Nakikinig ka ba?" Untag nya sa akin.
Umayos ako ng upo. Parang bigla akong naging bata sa harap nya. "Y-yes."
"Unang una." Mabilis na sabi nya. His cold and husky voice gives me shivers on my skin. "Hanggat maaari, ayoko makakarinig ng Ingles sa pamamahay na ito. Maaari kang gumamit ng salita ng banyaga kung wala ako sa paligid."
Napangiwi ako. Seriously? I blurt out things in English randomly.
"Pangalawa."
Nagpigil ako ng hininga. Baka naman mas madali ito'ng pangalawa.
"Ayoko na nakakakita ng babae na maiiksi ang suot o nagpapakita ng maraming balat. Ayaw ko sa babaeng ganoon." Diretso pa rin ang titig nya sa akin.
"H-hindi naman ako naka short shorts noon, eh." Agad na depensa ko.
"Pero madaming balat mo na ang nakikita roon. Maraming lalaking trabahador ang hacienda, Miss na taga Maynila. Gusto ko lang na maging maayos ang pag tira mo rito, pati na rin ang buhay ng mga trabahador ko."
Damn, he's serious about this.
"S-sige."
"Pangatlo." He stopped, but he's still looking at me. "Ayoko na pakekealaman ako lalo na ang personal na buhay ko. Alam ko na tatlong araw ka lang naman rito, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ka na magkakaroon ng interes sa akin, lalo na sa personal ko'ng buhay."Natapos sya na wala pa rin syang reaction.
Napangiwi ako. "Okay, fine- I mean- Ang ibig ko'ng sabihin, sumasang ayon ako." Ang tanging nasabi ko na lang.
He sat forward. Inilagay nya ang mga braso nya sa mga hita nya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Huhulaan ko na itim ang bra mo." Taas ang kilay na sabi nya at dumako sa dibdib ko ang mga mata nya,
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, automatic na nagka urge ako na takpan ang dibdib ko.
Narinig ko syang tumawa.
"That wasn't funny!" I hissed.
Tumigil sya sa pagtawa ay kunot ang noo na tumingin sa akin. "Pakiulit?"
"Ang ibig ko'ng sabihin, walang nakakatawa! Bastos!" Gigil na sabi ko. Tumayo ako at akmang aalis na when he caught my hand.
Hinila nya ako at nawalan ako ng balance kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at lumayo sa kanya. Agad ko'ng hinimas ang ilong ko.
"Ano bang problema mo?" Gigil na sabi ko. Hindi na ako natutuwa sa kanya.
"Nagpakita lang ako ng halimbawa ng pwedeng gawing biro ng kahit na sino sayo rito sa Hacienda. At sa nakita ko, mukhang hindi ka tatagal kaya ngayon pa lang, gusto ko'ng huwag kang lumabas sa bahay na ito, o sa malapait ka lamang... depende na lamang kung kailangan na talaga." Swabeng paliwanag nya. Nakayuko sya sa akin.
I am so close to him, amoy ko na naman yung amoy nya. Parang gusto ko mawala sa sarili at yakapin na lang sya pero ikinuyom ko ang mga kamao ko para makakuha ng lakas.
"Naiintindihan mo ba ako, Beatriz?" Ulit nya. Malumanay na ang tono nya ngayon, at mas lalo nya pang ibinaba ang tingin nya sa akin. Halos malanghap ko na ang minty nyang hininga.
"O-opo." Wala sa sarili na sagot ko. Para akong nahuhulog sa patibong ng lalaking ito. I feel hypnotized.
Iniangat nya ang kamay nya at naramdaman ko na lang na ginulo nya ang buhok ko. "Pumasok na tayo."
Napatanga na lang ako habang sinusundan sya ng tingin papalayo. Did he just acted like we did not argued twice plus a while ago? Sa huli ay napa iling na lang ako at sinundan sya.
Ilang metro lang ang layo ko sa kanya. At dahil tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ay hindi ko napansin na tumigil sya, kaya nabangga ako sa kanya. Tumingala pa ako kaya natamaan ng noo ko ang baba nya. Pareho kaming lumayo sa isa't isa.
"Aw! Bakit ka ba nangbabangga?" Inis na sabi ko. I caressed my forehead.
Sya naman ay parang wala lang na nagkibit ng balikat at naglakad ulit papasok. Nakasalubong namin si Raisa na papasok pa lang. Hinila nya ako at may ipapakita raw sya sa akin.
Nagpasama na lang ako kay Raisa na maglibot malapit sa main house after namin mag lunch. Umukilkil sa isip ko yung sinabi ni Ram sa akin. May point naman sya, kaya lang bakit sya pa mismo ang kailangan magbiro ng ganoon? I am not used in having that kind of jokes with someone.
Kaya nga nakipag hiwalay ako sa ex boyfriend ko for one year three years ago ay dahil nag away kami because ang tagal ko daw maging ready na may mangyari sa amin. I don't know, nasaktan ako pero hindi ganoon kasakit because I thought he was an asshole for giving up on me because of s*x that I can't give him yet.
I guess many women all around the world has this kind of struggles too.
I realized that along the way, a woman can never really be ready. It will just happen if she feels that she wants it too. Mapa disi sais ka man o trenta anyos, kung nandyan na at nagustuhan mo yung tao, it will happen. Pero kung hindi, aayaw ka talaga.
So yeah, that's what happened to me and my ex. Ayaw ko lang siguro talaga na ibigay sa kanya ang virginity ko. Good riddance in a way.
"Yung secretary ni tito Ram yung sasama sayo mag tour starting tomorrow. Mabait yun, medyo weird nga lang sya."
"Weird how?" Kasalukuyan kaming naglalakad sa manggahan sa bandang likod lang ng main house. Hindi ko na alam kung nasaan na si Ram, pero sa pagkaka kwento ni Raisa ay malamang na nasa barn raw ang tito nya. May mga kabayo raw sila at baka at iba pang hayop at hands on si Ram sa pag aalaga sa kanila.
"Matalino naman sana sya, kaya lang parang slow? Alam mo yun? Magjojoke ka tapos magtatawanan na ang lahat pero sya, nag iisip parin." Nakangiwi na kwento ni Raisa.
I really like how she's awkwardly witty.
Tumawa ako. "Oh, you really can't have it all. Maganda ba?"
"Lalaki sya, Bee. And gwapo sya." Mahinang sabi ni Raisa at napayuko.
Call it a woman's instinct pero naramdaman ko na may lama ang huling sinabi ni Raisa. So I decided to play with the poor girl's emotion.
"Gwapo ba? I wonder if magustuhan nya ako." Kunwari ay nakatingala na sabi ko. Naglakad lakad pa rin kami. I was holding a camera.
Ramdam ko na tumingala sya. "M-magustuhan? B-bakit?" There, I saw the fear in his little teenage eyes.
Matamis ako'ng ngumiti. "Eh syempre, magkakasama kami ng tatlong araw tapos di kami magkakasundo. Pangit naman ng ganoon." I said.
Kita ko na napalunok sya. Gusto ko'ng matawa.
"Ilang taon na ba yon?"
"T-twenty three na si Noah." Hindi na bumalik sa pagkasigla ang boses nya.
"Matanda pala ako sa kanya ng dalawang taon." Tumatango tango na sabi ko.
Silence engulfed us. Hindi sumagot si Raisa, patuloy lang kaming naglalakad. Nakalimutan ko itali ang lagpas balikat ko'ng buhok kaya inililipad iyon ngayon ng sariwang hangin. The sun was blasting heat pero dahil sa mga malalago na puno ng mangga at ibang puno ay hindi kami nasisikatan, plus the cool breeze.
"Secretary sya ng tito mo?" Late reaction na tanong ko.
"Uhm oo, yung papa ni Noah ang family lawyer namin, tapos gusto rin mag trabaho ni Noah sa family namin kaya sya na lang kinuhang secretary ni tito Ram nung umalis na si Sylvia."
Hindi ko alam kung bakit nagpantig ang tenga ko when I realized Raisa just mentioned a woman's name and sa pagkaka intindi ko ay dating secretary ni Ram? Okay, nainis ako bigla. Crush ko ba talaga si Ram?
"Sylvia?" Kunwari ay pasimpleng tanong ko.
"Yep, ex secretary and well, ex girlfriend rin ni tito Ram. Three years ago pa. Balita ko nakapangasawa na sya sa Australia." Kibit balikat na sabi nya.
Tumango tango lang ako.
"Ay, kung hindi ka gagabihin bukas, gusto sana kita isama sa falls dito sa Hacienda. Kailangan kasi natin ng sasakyan or kabayo. Marunong ka ba mag kabayo?" The brightness in her eyes came back.
Umiling ako. "Nakasakay na ako once, pero bata pa ako. No proper training. Ngayon na lang tayo pumunta, malayo ba? Baka pwede lakarin?" Bigla ako na excite. Naalala ko kasi nung pumunta kami ni Daisy sa isang beahc ni Daisy. Gusto ko maligo pero inisip ko na trabaho ang pinunta ko.
"Mahahaba kasi talahib doon, eh. Baka masugatan at may mga insects on the way sa falls. Tsaka papagalitan tayo ni tito for sure."
"Bakit naman?"
"Delikado daw doon. Hindi naman, eh. Sarap nga maligo, sobrang linaw ng tubig."
Ayan, temp na temp na ako.
"Gusto ko na pumunta." Parang bata na sabi ko.
Tumawa si Raisa. "Tsaka kung now tayo pupunta, magmamadali tayo kasi hapon na. Mas okay if mas maaga tayo pupunta para enjoy."
Maya maya lang ay nag ring ang cellphone ni Raisa. Si Ram daw at pinapabalik na kami sa main house. Pakiramdam ko ay bisitang pandanga talaga nila ako. Very accommodating ni Raisa.
Ram, on the other hand, well, hinahanap hanap na sya ng mga mata ko the moment na tumapak kami sa bahay.
"Nasaan po si tito?" Tinanong ni Raisa ang isa sa mga nakasalubong namin na kasambahay.
"Nasa kwarto nya, maliligo raw muna sya tapos sya na ang magluluto ng hapunan."
Napataas ang kilay ko nang marinig ko iyon.
"Marunong magluto si-" Napatigil ako. "Ang tito mo?"
"Yep! He does it from time to time." Nakangiti na sabi ni Raisa.
Inaya nya ako na pumunta sa kwarto nya. May dalawang pasilyo sa second floor. Yung sa may kwarto ko, sa kaliwa. Yung sa kwarto ni Raisa, sa kanan. Doon daw ang mga kwarto nila. Sa kaliwa, puro sa mga guests and other rooms.
Pakiramdam ko bumalik ako sa pagka bata habang kasama ko si Raisa. I am actually enjoying this. Kaninang nasa byahe kami ay naiisip ko na mas magiging pagod ako sa last three days ko pero nakilala ko pa si Raisa.. at well, si Ram na apparently, sa kabila ng pagka inis ko ay aminado ako na crush ko.
Sino ba naman ang hindi? I bet, even in his sun kissed skin, he'll still stand out in the city where men struggle in keeping their skin whiter. There's something in him that's pulling me in. Gusto ko na sya makita ulit.
I seriously felt younger twice. One, dahil kay Raisa at pangalawa, ang pagkaka crush ko kay Ram.
Pero hindi ako dapat magpahalata. Nakakahiya.
Tinawag kami ng isa sa mga kasambahay at sinabi na maghahapunan na raw. Doon lang namin na realize ni Raisa na gabi na pala. Nagtawanan pa kami dahil ang dami na pala naming napag usapan.
Naabutan namin si Ram na suot pa ang gray na apron habang tumutulong sa dalawang kasambahay na maglagay ng pagkain sa hapag.
"Wow, tito! Sarap naman nyan!" Agad na bulalas ni Raisa.
Halos limang putahe ang nakikita ko ngayon. Sarsiadong isda, sinigang na hipon, daing na bangus, adobong manok at fish rolls. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nakita ko pa na half naked pala si Ram underneath the apron at may hairnet syang suot.
I am seriously impressed with the guy. Pero kailangan ba naka half naked ka kapag magluluto? Lalo tuloy ako'ng na frustrated. Kinikilig ako na di malaman.
Tahimik ang hapunan. Nag uusap sila Raisa at Ram pero panaka naka. Bumulong si Raisa sa akin na actually, ayaw ni Ram na nagsasalita habang kumakain. Pero nagpapalitan naman raw sila minsan ng usapan once in a while.
Inasar pa ako ni Raisa na parang buntis sa laki ng tyan ko matapos kumain. Para akong maiiyak sa busog. Ram can get me pregnant in other ways, and that's cooking and making me eat what he cooked!
Kinagabihan ay iilan lang naman na pictures ang kailangan ko isend dahil sa daan papunta sa Hacienda Esquillo at kaninang naglalakad lang kami ni Raisa ang mga nakuha ko. Random facts na lang rin ang naka attach na information.
Nang akala ko ay makakatulog na ako, I was dead wrong. Hindi ko maintindihan kung namamahay ako o ano dahil nakakatulog naman ako agad sa hotel. My room here is like half size of my condo already. Canopy bed and the interior is really elegant and classy. Wood works ang displays at ilang glass designs rin.
Kung anu ano na ang idea na pumapasok sa isip ko until I looked at the clock. Pasado alas diyes na. Napabalikwas ako ng bangon when I realized na may pool nga pala dito. Hindi naman siguro magagalit si Ram kung maliligo ako. Magpapa pagod lang ako para makatulog agad.
May dala ako'ng dalawang pair of bikinis dahil plano ko nga na dumiretso na either sa Cebu or Puerto Galera after my stint here in Isabela. Pinili ko yun red skimpy bikinis ko na kakabili ko lang. May fishnet akong pang patong dahil hindi pa rin ako ganoon ka comfortable na naka two piece lang, pero hindi na ako nagpatong rito dahil ako lang naman.
Nagpatong ako ng bathrobe at tiptoed na lumabas sa kwarto. Bungad lang naman ang kwarto ko at nakita ko ang daan papunta sa pool. Closed area naman pati, mataas ang bakod doon kaya mas lalo lumakas ang loob ko. tanging ilaw lang ng mga lamps ang liwanag sa paligid.
Hinubad ko ang bathrobe na suot ko at inilagay iyon sa plastic table na nasa gilid lang rin ng pool. Hindi ko na naisip kung lamigin ako, I badly wanna swim now! I dipped my foot on the water at hindi naman ako gaano na malamig. Umupo ako sa gilid at isinawsaw ang mga paa ko. Maya maya pa ay lumubog na ako.
"Brrr!" Yinakap ko ang sarili ko. I know na later on ay masasanay lang ang katawan ko sa lamig.
Naglakad ako papunta sa five feet at naglaro muna sa tubig. Hindi muna ako lumulubog.
Patalon talon pa ako na papunta sa six feet when I felt a sudden pain in my leg.
"s**t!" Mahinang mura ko na lang ng marealize ko na hindi ko kinondisyon ang katawan ko bago lumubog at mag gagagalaw sa pool.
I bit my lower lip para hindi ako makasigaw. Pilit kong inaabot ang paa ko dahil sa sakit pero lumulubog ako. Kinakawag ko ang isang kamay ko hoping na madala ako sa mababaw but it was useless.
Sobrang sakit! Naluluha na ako pero pinipigilan ko ang makagawa ng ingay.
Nakakainom na akong tubig dahil lumulubog na ako.
When I felt two hands went around my waist and pulled me from the water.