Nawalan na ako ng gana mag ikot ikot kahit maaga pa after that incident. Luminga linga pa ako sa paligid bago ko ko na check na nakababa nga ang zipper ko. The guy who told me na bukas ang zipper ko just walked away. Nakita ko na lang ang matipunong likod nya at sexy na pang upo habang naglalakad sya palayo.
He was wearing a dark blue long sleeves na hapit sa katawan nya. Pati ang acid washed pants nya ay hakab sa hita nya. Nagka crush pa yata ako sa likod ng lalaking namahiya sa akin. He looked so lean. Plus point pa na maumbok ang pang upo nya.
Ipinilig ko ang ulo ko para maialis na ang tingin ko sa estranger.
Nakarating na ako sa hotel pero pakiramdam ko namumula pa rin ako dahil sa nangyari.
I have never been humiliated like this all my life! Although sya lang naman yata ang nakapansin.. Kahit na! Nakakahiya. I have been walking around the city at hindi ko alam kung saan bumukas ang zipper ng pants ko. Sigurado naman ako na isinara ko ito kanina.
Feeling frustrated and still embarrassed, umorder na lang ako ng food, which is automatic naman na ang resibo ay naka charge na sa kanila. I enjoyed my snack habang nanunuod ng tv. The hotel room I got was okay. Malinis naman at malakas ang wifi. I am already impressed.
After ko kumain ng dinner ay tinawagan ako ni Via para kamustahin. I told her my systematic plans. Every night ay isesend ko sa kanya ang mga kuha ko, as well as mga information na nakuha ko which is kailangan ko pa i sort kung alin sa tingin ko ang dapat makasama sa article and which are not.
Kung noong nasa Manila ako ay tingin ko, mapapatanga lang ako sa trabaho na ito, now, I changed my mind. Parang nagka thrill ang buhay ko. Don't get me wrong, my life before this was pretty awesome too, pero hindi pa ako nagtrabaho sa field like this. Nag a out of town rin naman ako with some friends pero hindi pa ganito kalayo. I am more on work, gimmick and more work.
The next morning, ang naka ngiting si Daisy pa rin ang kasama ko. Sya ang guide ko tapos may service kami. Tinutulungan nya rin ako sa pagdala ng gamit at sya ang nagbibigay ng facts sa akin.
Pinuntahan namin ang Our Lady of the Pillar Church at San Pablo de Cabigan Church Ruins na nasa Cauayan lang rin. Pinapatay ko na lang ang aircon ng sasakyan para buksan ang bintana. Inilalabas ko minsan ang ulo ko lalo na kapag sarili namin ang daan at wala kaming kasalubong na ibang sasakyan.
Galing na rin kami sa muschroom farms sa isang baranggay at ang sabi ni Daisy, next stop namin ang Isabela Green Valley Farm in Brgy. Sillawit matapos namin mag lunch sa isang restaurant na mga specialty food ang ihinain. On the way to the farm ay tinawagan na naman ako ni Via for update.
Pakiramdam ko nasa bakasyon na rin ako. Medyo kailangan ko lang maging attentive sa mga sinasabi ni Daisy.
"Pwedeng doon na tayo mag stay muna hanggang mamaya maya since ito na ang last stop natin ngayong araw. Baka pagod ka na, hija?" Magiliw na tanong sa akin ni Daisy. Nasa sasakyan pa rin kami pero malapit na raw.
"Ay, hindi naman po." I was holding the company's camera at nasanay na akong hawakan iyon kaya parang gumaan na sa kamay ko.
"Medyo relaxing sa pupuntahan natin. Tourist attraction talaga."
And true to Daisy's words, nakita ko kung gaano ka ganda at nakaka relax ang Isabela Green Valley Farm. May hilera ng mga ornamental plants at iba pang tanim. Marami raming tao. Sabi ni Daisy pati mga local sa Isabela ay bumibisita roon at namimili ng mga products.
"Ang laki 'no? Mas malaki pa rito yung pupuntahan mo sa last three days mo." Sabi ni Daisy sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
Inilibot nila ako roon at tuwang tuwa ako sa pagkuha ng pictures. Kumain rin kami ng mga prutas. Pasado alas kwatro na ako nag aya umuwi. Madami dami kasing pictures ang kailangan ko i process at ipadala kay Via. Isosort ko pa mga information na nalaman ko kay Daisy.
Nauna na ako sa labas, I was holding the camera while I was walking dahil natutuwa ako sa pagtingin sa mga pictures when I heard someone screamed at me at my back.
"Miss, tabi!" A husky and very manly voice screamed.
Hindi ko alam kung bakit imbes na tumabi ako kagaya ng sinabi ng boses ay nakatayo lang ako roon at na frozen. Unti unti ako'ng lumingon and saw three half naked men coming my way na may dala dalang sako sa balikat nila. Doon ako natauhan at gumilid.
Tagaktak ang pawis nila at namangha ako sa pag flex ng mga muscle nila as they went my way habang naka awang ang labi ko. Their tanned skin looked glorious with their properly chiseled bodies na malamang ay naging ganoon dahil sa pagbubuhat.
Doon ko na realize na yung dalawang lalaki lang pala ang dumiretso at nasa harap ko na yung isa. Ibinaba nya ang sukbit nyang sako at humihingal na humarap sa akin. Bahagya pa akong napa atras.
Tumatahip ang dibdib nya and I find it very sexy. Ipinunas nya sa mukha nya ang puting face towel na naka sampay sa kabilang balikat nya. Very visible rin ang abs nya na parang ang sarap padaanan ng kamay ko.
"Bingi ka ba, Miss?" Humihingal pa rin na sabi nya, but damn, his voice is so husky, so close.. so.. wait, familiar yung matangos na ilong at deep set of dark eyes ng lalaking nasa harap ko. But unlike yesterday, he looked so pissed right now.
But I still find it sexy. Everything about this man in front of me is sexy.
Imbes na sumagot sa tanong nya ay nangunot ang noo ko at tiningnan lang sya mula ulo hanggang paa, pabalik sa mukha nya na may ilan pang butil ng pawis. "I-ikaw.." Turo ko.
"Ah, taga Manila ka. Turista. Kaya pala." Tiningnan nya rin ako mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko. He smirked, pero ramdam ko na may kasamang disappointment ang ngisi na iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tingin na ibinigay nya.
Parang napahiya nya na naman ako dahil lang sa sinabi at pag ngisi nya.
"What do you mean?" Bigla ay nainis ako sa way ng pagtingin nya sa akin. Humigpit ang hawak ko ng camer at napa atras ako sa kanya.
"Hindi ka pwedeng pagala gala rito sa daanan na ito dahil dito rin dumadaan ang mga trabahador na naghahakot ng mga order. Sako sako ang dala nila at kung naka balandra ka sa daan na mabagal ang paglalakad mo at ganyan lang kaiksi ang suot mo.." He trailed of, then maliciously looked at my leg then back at me. Imbes na ituloy ang sasabihin nya ay ngumisi sya ulit but this time ay nakaka loko na.
Sinundan ko ang tingin nya. Naka maong ako na ang haba ay above the knee, for God's sake! Kung makapagsalita sya ay parang naka short shorts ako. "Excuse me? I am wearing a decent piece of clothing at wala kang karapatan paratangan ako ng ganyan! Pervert!" Hindi ko napigilan ang inis.
To think na ang gwapo gwapo ng lalaki. Bagay na bagay sa kanya ang sun kissed skin nya at lean and chiseled body nya. His prominent nose and deep set of dark eyes captured me yesterday and today.
Only to be disappointed dahil ganito pala sya.
Kita ko na tumaas ang kilay nya kasabay ng pagka wala ng ngisi nya. "Nasa probinsya ka, Miss. At hindi ka naman galing sa ibang bansa, wag kang magsalita ng Ingles." Umiling iling ito. Kinailangan ko'ng tumingala dahil matangkad sya sa akin.
His skin smells of sun and cool breeze. I don't know, mabango iyon sa pang amoy ko. He was sweating pero hindi katulad ng iba ay mukhang masarap pa rin yakapin ang lalaki.
"Aba't! Ano bang problema mo? Hindi ka pa nakuntento mapahiya ako kahapon, hanggang ngayon makikita pa rin kita rito at pagsasabihan mo ako ng ganyan?!" I was horrified. Hindi ko na naisip na wala sa loob kong pinaalala sa lalaki na ako yung babaeng bukas ang zipper na nakita nya kahapon.
Akmang yuyuko na sya para isukbit ulit ang nakasandal sa hita nya na sako nang tumingin sya ulit sa akin. "Ah. Ikaw. Natatandaan na kita. Ikaw yung babae na naglalakad sa kalsada na bukas ang zipper." Tumawa pa sya ng nakakaloko. "Hindi na ako nagtataka." Nagkibit balikat sya at parang wala lang na sinukbit sa balikat ang sako at umalis na.
I was once again left stunned! The nerve of that guy!
Kuyom ang kamao ko na sinundan ko lang nga tingin ang lalaki hanggang sa lumiko na ito palabas. Hindi ko na naappreciate ang likod nya dahil inis na inis ako, to think na half naked sya ngayon.
"Hija, pasensya na at natagalan kami. May nakita ako'ng kakilala." Bungad ni Daisy. Nasa likod nya ang driver namin.
Pinilit ko ngumiti. "Okay lang po."
"Mabuti at nasa gilid ka lang. Madaming dumadaan rito na trabahador na may mga bitbit-"
"Na sako." Pagtutuloy ko sa sasabihin ni Daisy.
Tumawa sya. "Napansin mo ba? May mga orders kasi sa farm na talagang maramihan. Mga galing pa sa ibang bayan minsan."
"M-mukha nga po." I don't want them to know how upset I am, just because of that apparently 'trabahador' of this farm.
Sana lang talaga ay wag na mag tagpo ang mga landas namin hanggang sa huling araw ko rito. He can make me feel so damn embarrassed about something na kung tutuusin ay hindi naman dapat pag usapan. Hindi ko ginusto na mabuksan ang zipper ko at well, obviously ay problema nya na yun kung tingin nya ay maikli pa rin ang above the knee maong shorts na suot ko.
He was so damn good looking pero magaspang ang ugali. Sayang.
The night came at light dinner lang ang inorder ko sa hotel. Medyo natagtag ang katawan ko dahil sa byahe ng mga pinuntahan namin kaya maaga ako nakatulog. Pilit ko na lang tinatanggal ang inis ko sa trabahador na nakasagutan ko kanina.
Hindi ko talaga alam pero sobrang nanghihinayang ako.
Ano ba ako, teenager? May crush ako sa lalaking yon?
I drowned my disappointments towards the guy na pinagdarasal ko talaga na hindi ko na makita. Kahit gaano kalaki ang Isabela, akalain ko ba naman na in two days ay nasa iisang lugar kami ng lalaki at dalawang beses pa nag clash?
Marami rami kaming pinuntahan the next day, kasama na ang Sierra Madre Natural Forest Park at ipinangako ko na babalik ako sa lugar na iyon. Naging mabilis ang mga sumunod na araw hanggang sa last three days ko na at kailangan na ako ihatid sa sinasabi nila na Hacienda Esquillo.
Katabi lang ng Cauayan kung tutuusin ang Ilagan kung saan nandoon ang pupuntahan namin, pero inuna na muna namin ang mga pwedeng tourist spots sa Cauayan at sa mga kalapit na lugar. Now, sa Hacienda Esquillo naman ako tutuloy.
"Hindi na kita masasamahan. May magto-tour naman sayo doon, taga Hacienda. Sila na rin ang nag arrange ng lahat ng kailangan mo. Wag ka mahiya, ha? Mababait mga tao roon." Paalala pa ni Daisy.
Pakiramdam ko mami-miss ko ang kadaldalan ni Daisy. Pero sinabi nya naman sa akin na sya pa rin ang makakasama ko sa huli dahil sasama raw sya sa pagsundo sa akin at paghatid sa airport.
Mahaba ang daan na tinahak namin na puro lupain lang.
"Dito magsisimula ang Hacienda. Lahat ng nakikita mo ay parte ng Hacienda Esquillo hanggang sa makarating tayo sa main gate." Turo ni Daisy.
Okay, I wasn't ready for this. Alam ko na Haciendas are supposed to be really wide and I know the saying 'lahat ng nakikita mo ay pag aari ko' and I never thought ngayon ko sya maeexperience. Namangha ako. I can see the crops lined, may mga tao na nasa initan ay may ginagawa sa field.
A few minutes ay nakita ko na ang sign board na 1 kilometer away na lang kami from the main gate of the Hacienda and a huge metal gates welcomed us. May nakaukit na ESQUILLO sa steel bars at malaking HACIENDA ESQUILLO naman sa taas.
The gates opened at yeah. malayo pa kami sa main house. Dumaan pa kami sa ilang mga puno. Kita ko sa malayo ang malaking bahay. It can be called mansion if that was that big. May mga nakakasalubong yung sasakyan namin namga naka motor na halatang trabahador doon.
Speaking of trabahador.. Naalala ko na naman yung nakakainis na walang modong poging trabahador na dalawang beses ko naka encounter. Tatlong araw na lang naman at wala na siguro ang sumpa na magkikita kami ulit.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang tumigil ang makina ng sasakyan at maramdaman ko na bumaba na si Daisy mula sa tabi ko. Nakatigil na pala kami sa tapat ng malaking pintuan ng main house. Labas pasok ang ibang tao roon. Pumikit ako at nilanghap ako ang hangin nang makababa na ako.
"Hay, jusko! Sariwang sariwa ang hangin!" Sambit ni Daisy.
Nagtawanan kami.
"Ate Daisy! Napakatagal nyo naman sa byahe." Mula sa pintuan ay may lumabas na babaeng teenager. May kulay ang buhok nya at may braces. Sa tantya ko ay edad disiotso ang babae. Parang hindi taga rito. Masyado ito'ng maputi, almost as white as me. At sa kulay ng buhok nya? Halatang salon. Maaaaring
Sinalubong sya ni Daisy at nagyakapan sila.
"Nako, Raisa! Nandito ka pala. Wala ba kayong pasok? Hindi ba at hindi nyo pa bakasyon?" Halata ang tuwa sa boses ni Daisy. Hinawi hawi nya ang buhok ng babae.
"This weekend lang po. Sa Monday morning may flight ako pabalik. Binisita ko lang sila lola at tito." Magalang at malambing na sabi ng babae.
"Ay, halika. Ito yung kasama ko na mag i stay muna sa inyo." Hinila ni Daisy ang babae palapit sa akin. The girl was all smiles. Ang cute cute nya.
"Hello." Kumaway ang babae sa akin.
"H-hi." Awkward na itinaas ko naman ang kamay ko.
"Raisa, ito si Beatriz. Pwede mo sya tawagin na Bee. Sya yung sa magazine." Pagpapakilala ni Daisy.
"Opo, nabanggit na po sa akin ni tito. Since wala po sya ngayon ay ako ang pinapasalubong sa inyo." Magiliw naman na sabi ng babae.
Inilahad ko ang palad ko. "Hi Raisa. I'm Bee." Malapad ang ngiti na pakilala ko.
Maya maya lang ay pumasok na kami. Bitbit ng driver ang ilan sa mga dala ko. Si Raisa ang nag estima sa amin.
"Sasamahan na muna kita sa room mo, ate. Pwede ba kita tawagin na ate?" She asked smiling.
"Pwedeng Bee na lang? Parang ang tanda ko na kasi kapag may ate." Biro ko.
Tumawa lang si Raisa. Sinundan ko lang sya hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang kwarto sa second floor. Napaka laki ng bahay, siguradong mawawala ako kung hindi ko kabisado ang pasikot sikot.
"Here. This is one of the best guest rooms in the house. Ilagay mo na muna mga gamit mo then merienda muna tayo sa baba. Para rin hindi muna umalis si Ate Daisy. She's my tutor before, eh."
That explained why close na close ang dalawa.
"Sige."
Bumaba kami ulit at dinala ako ni Raisa sa bandang likod ng bahay. Paglabas namin ay bumungad sa akin ang isang olympic size pool. Sa gilid noon ay may malaking parang kubo kung saan nandoon na si Daisy at may mga pagkain na sa mesa.
Nakapalagayan ko na rin ng loob ang bata. Doon ko na kumpirma na disisiete pa lang sya at nag aaral sa Ateneo. Gusto nya lang daw bumisita sa Lola at tito nya na nandito sa Hacienda since na cancel ang pasok nila para ngayon. Kanina lang rin sya dumating.
"Oh, ayan na pala si Ramiel." Biglang sabi ni Daisy habang nakatingin sa likod ko. "Mukhang galing na naman sa gubat." Naiiling pero napapangiti na sabi ni Daisy.
Na curious ako at unti unti akong lumingon.
May lalaki na papalapit sa amin. He was wearing a plain white v neck shirt na hakab na hakab sa kanya and a tight acid washed pants. Nanlamig ako nang makita ko na ng malinaw ang mukha nya as he slowly approaching.
None other than the 'trabahador' na nakainisan ko sa Isabela Green Valley Farm at yung lalaking nakakita na bukas ang zipper ko.
And looks like hindi naman talaga sya simpleng trabahador dahil tinawag sya'ng tito ni Raisa.