4 - Isa Pa!

2593 Words
Naramdaman ko na lang na iniangat nya ako mula sa pool at pinaupo sa gilid. I was still clutching for my leg although umuubo ako ng paulit ulit dahil sa nainom ko na tubig. "Ayos ka lang ba?" Ramdam ko na ikinulong ni Ram ang mukha ko sa mga kamay nya habang titig na titig sa akin. Tuloy tuloy akong tumango pero napapangiwi ako dahil sa sakin ng hita ko. Sinundan nya ng tingin kung saan ako nakahawak. I heard him groan. "Pulikat?" Mahinang tanong nya bago gumalaw at hinawi ang kamay ko. Beforr I knew it, sya na ang may hawak sa hita ko. "A-aray!" Mahinang sabi ko. Ngayon ko lang napansin na halos hubad na pala si Ram! He was just wearing a boxer na halata ang bakat ng p*********i nya. Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang init na tumaas sa mga pisngi ko. Bawat pag galaw nya ay nakikita ko rin ang pag flex ng msucles nya in the right places. "Masakit pa rin ba?" Tanong nya. He was massaging it at halatang focus na focus sya. Masakit pa rin pero halos hindi ko na ramdam dahil iba na ang iniisip ko. Sobrang lapit namin, he was caressing me and the heat from his body radiates at ramdam na ramdam ko iyon. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa lower body nya. Which is ang hirap hirap sa ganitong sitwasyon. "Ayos ka na ba?" Tinignan ko sya. Doon ko na realize na kunot na sya at parang nagtataka sa reaction ko. Napatitig ako sa mga labi nya na parang ang sarap sarap halikan. Napansin ko na napa awang ng bahagya ang labi nya, marahil ay dahil sa pagtataka. Natauhan ako. Agad akong tumayo at umatras ng kaunti mula sa kanya. "Ah ano.. Pasensya na. Hindi kasi ako makatulog kaya naisip ko lumangoy.." Umiwas ako ng tingin sa kanya. He was almost naked, for hell's sake. He was standing in front of me like he was waiting for the photographers to take photo of him. He's just so.. So perfect! "Naka bikini ka." It wasn't a question, but a statement. Gulo gulo ang basang buhok nya. Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at doon pa lang ako nakaramdam ng conciousness. Tinignan ko sya at kita ko na galit sya. Napa atras ako. s**t. Oo nga pala, bawal magsuot ng revealing. Eh malay ko ba na makikita nya? Nakakuyom ang mga kamay nya. Napa atras ako. "Ram ano kasi.." Para akong bata na nahuling nang aaway. "Akala ko ba napag usapan na natin na hindi ka magsusuot ng ganyan?" Malumanay pa rin nag boses nya pero ramdam ko na may kalakip iyon na galit. I just kept on stepping backward at sya naman sinusundan ako. He was walking sexily towards me. Alam ko di nya yon sadya pero bakit ang sexy ng lahat ng ginagawa ni Ram? Kahit ngayon na halatang galit sya. "A-ano ba ang inaasahan mo, magpapajama ako pag nag swimming?" Kabado ako pero nagawa ko sumagot. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang malamig na pader na tumama sa likod ko. Great. May isang pillar na nasa inaatrasan ko. In a minute ay na corner na niya ako. Napakagat ako ng labi nang makalapit na sya. Ramdam ko na naman ang init ng katawan nya kahit basa kami pareho. Bumaba ang tingin nya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nya. "R-ram.." "Matigas ang ulo mo, Beatriz." Anas nya. Nakatingin pa rin sya sa labi ko. I was so damn frozen and conscious at the same time! Gusto ko pang umatras pero wala na ako ma atrasan dahil sa pillar na nasa likod ko. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko. "A-are you.. are you gonna kiss me or what?" Wala na yata ako sa ulirat dahil nagawa kong magtanong ng ganon. Unti unting umangat ang sulok ng bibig nya pero nakatingin pa rin sa labi ko. Doon ko na realize how stupid I sounded. s**t. Humunga ako ng malalim at marahan na itinulak sya gamit ang dalawang kamay ko sa dibdib nya. I was ready to run, but he caught my hand. Mabilis nya akong nahila pabalik sa kanya, and it was too late when I realized na nasa likod na ng ulo ko ang kamay nya as he was guiding it closer to him. Okay, our lips are going to meet so I closed my eyes. I felt his soft lips crushing mine at ang init na nararamdaman ko ay hindi na normal. His one arm on my waist, pulling me closer. Ramdam na ramdam ko sa tyan ko ang tigas ng abs nya. My breasts was I opened my mouth at hindi sya nag aksaya ng panahon. His tongue went in and I melted in his arms. It's been three years since I last kissed someone, and just when I thought na hindi na ako marunong, nagkamali ako. Bago ko pa ma realize, I am all over him. My hands caressing his soft and wet hair. I heard him groaned when I bit his lower lip. Para akong lasing sa sensasyon na nararamdaman ko. We were kissing like there's no tomorrow. Mahigpit ang pagkaka hapit nya sa bewang ko at bigla akong napatigil when I felt his hard member on my tummy. Automatic na napalayo ang labi ko sa kanya. Rinig ko pa ang tunog ng paghihiwalay ng mga labi namin. Nagtaas lang sya ng kilay pero walang bumibitaw sa amin. Hindi ako nagsalita, nakiramdam lang ako. Maya maya pa, I saw him licked his lower lip at bigla akong binitiwan. Bigla akong nilamig at nagsisi kung bakit pa ako lumayo. "Matulog ka na." Maya maya ay sabi nya, then he slowly walked away. "Ram." Mabilis na tawag ko. Tumigil sya pero hindi pa rin tumitingin pabalik. "Uh.. Isa pa?" Mahinang sabi ko. Tumalikod sya at humarap sa akin. Now, I can visibly see his hard on underneath his boxers. Hindi ko alam kung aware sya how he looked like a Greek God looking like that pero ako, aware na aware. Ngumisi sya. "Matulog ka na." Tapos umalis rin. Shit. Ano bang nangyayari sa akin? I am so perverse! Hindi ako 'to. It all happened dahil inaakit nya ako! Tama! He's seducing me! Napasabunot ako bago nagpasya na muling lumublob sa pool, pero sa gilid na lang. Mas lalo ako'ng hindi makakatulog nito, for sure. Ang nangyari, three hours lang ako nakatulog. Seven am ako nagpa alarm dahil alas otso y media ang simula ng planned schedule ko. May oras kasi halos ng mga pupuntahan ko dahil may kinausap na silang mag aassist sa akin. Sana lang talaga ay makasundo ko si Noah na syang sasama raw sa akin dahil for sure, magiging mainit ang ulo ko buong araw. Bitin ako sa halik kagabi ni Ram. Hindi ko alam bakit nangyari yun pero pagka gising ko, hiyang hiya na ako sa mga pinagsasasabi ko kagabi. Sana naka alis na si Ram kung saan man sya pumupunta. Nakasalubong ko si Raisa na papunta na pala sa kwarto ko para sana gisingin ako. "Masarap ulam natin today. Tapa and lumpiang shanghai." Magiliw na sabi nya. Hindi ako nagsuklay ng buhok, hinahayaan ko lang kasi sya na matuyo at wala naman tangles. Napalunok ako ng maabutan namin ni Raisa si Ram sa table. Nagbabasa sya ng news paper at may tasa ng kape sa harap nya. "Tito, gising na si Bee. Kain ka tayo." Ibinaba ni Ram ang hawak nyang news paper at tiningnan kaming dalawa. Umiwas ako ng tingin. Ninenerbyos ako sa tingin nya. Umupo na kami ni Raisa at automatic na nagdala ng pagkain ang ilang kasambahay. Kung ang hapunan kagabi ay ilang beses lang nag usap si Raisa at Ram, ngayon ay wala. Feel na feel ko ang buhay probinsya dahil halatang fresh ang lahat. Pati gatas ng baka ay fresh na fresh! Naunang natapos kumain si Raisa at nagpaalam na dahil maliligo na raw sya. Naiwan kaming dalawa ni Ram at ang seryoso nya. "Uhm wala pa ba si Noah?" Hindi ko napigilan magtanong. Tumigil sya sa pag subo at napatingin sa akin. "Bakit mo kilala si Noah?" "Sabi ni Raisa sya raw makakasama ko. Baka kasi ma late kami." Tiningnan ko pa kunwari ang suot ko'ng wrist watch para makaiwas ng tingin sa kanya. Di ako mapakali, laging sumasagi sa isip ko yung halik ni Ram pati pag moan nya nung kinagat ko lower lip nya. Gusto ko tuloy maiyak that moment. Nakakahiya talaga pinag gagagawa ko. "Ako na ang sasama sayo." Tapos nagkibit balikat sya na muling kumain. I gasped for air. "Bakit ikaw?" "Bakit hindi ako?" "Eh!" Sa kawalan ko ng masasabi ay iyon ang nasabi ko. "Personal ka pa naman na ibinilin sa akin ni Gov. kaya naisip ko na ako na lang ang sasama sayo." "Eh..." "Nahihiya ka ba sa nangyari kagabi?" Napatingin ako sa kanya. Seryoso yung mukha nya at nakatitig lang sya sa akin. Mahina ako'ng tumango. Maya maya ay tumawa sya. "Pareho naman nating ginusto. Isa pa.. nasa tamang edad ka naman na. Diba?" Tumango ako ulit. Para ako'ng paslit na tinuturuan ng GMRC. This is not cool. Wala na ulit nagsalita sa amin at tahimik kaming nag resume na kumain. Sumusulyap sulyap ako sa kanya. Naka suot sya ng puting v neck t shirt na kagaya kahapon ay hapit na hapit sa kanya. His muscles in the right places feels like screaming at me to appreciate them. His tanned skin made him look more drop dead gorgeous. Bagay na bagay sa kanya. His messy hair compliments his sculpted nose and deep set of dark eyes. Malalago ang kanyang kilay at lalaking lalaki tingnan sa kahit ano'ng anggulo ang kanyang mukha. His facial hairs are now gone. Mas bagay sana sa kanya may balbas pero gwapo pa rin naman sya ngayon. Eksaktong alas otso nang umalis kami sa Hacienda Esquillo. Sumakay kami sa pulang chevy silverado nya at walang imik lang sya na nag drive. "Saan tayo unang pupunta?" Imbes na sumagot ay inabot ko sa kanya ang papel kung saan nakalista ang mga pupuntahan namin. Hawak hawak ko na ang camera. Hindi sya nagsalita at ibinalik na lang sa akin matapos nya mabasa. "Pwedeng buksan na lang natin yung bintana?" "Maalikabok yung daan mamaya, hindi pwede." "Sige." Iyon lang ang naging conversation namin hanggang sa marating na namin ang unang destination namin. Ilagan Sanctuary is a lot of things. may mini zoo, butterfly garden, may ATV rides at may zip line pa. Hindi na ako nagtaka na buong kalahating araw ang schedule ko dito. "Ramiel! What brought you here?" Kakababa pa lang namin ng silverado ni Ram nang may sumalubong sa amin na babae. Morena pero maganda. Kasing tangkad ko pero mas payat sa akin. Naka puting sando lang sya at short shorts tapos naka baseball cap. Napa tanga na lang ako ng lumapit sya kay Ramiel at nakipag beso na nga, yumakap pa. Nakita ko naman na gumanti ng yakap si Ramiel at nakangiti pa. "Sab, nakauwi ka na pala." Flat ang tono ng boses ni Ramiel pero nakangiti sya. "Kahapon lang. Kasama ko mga friends ko kaya pinapasyal ko sila rito sa Sanctuary. May kasama ka?" The woman looked delighted seeing Ram. "Ah, oo." Automatic na dumulas ang kamay ni Ramiel sa bewang ng babae tapos sabay silang lumingon sa akin. "Si Beatriz." I smiled at the woman, pero nawala ang ngiti ko dahil biglang tumalikod ang babae at humarap ulit kay Ram. "Nag asawa ka na?" Gulat na tanong nya. "Hindi pa, pero malapit na." Tumawa si Ram, pero hindi ang babae. Nakanguso na humarap sya sa akin. "Lucky bitch." "Hey." Saway ni Ram. Nakatanga lang ako sa kanila. "Sorry. Sige, goodluck. Una na kami." Kumaway pa ang babae at naglakad palayo sa amin. Napakurap kurap lang ako. Linapitan ako ni Ram at sa bewang ko naman nag landing ang kamay nya. Napalunok ako pero hindi ko pinansin. "Pasensya na, ganoon talaga magsalita si Sabina." Tiningala ko sya. "Ex mo?" Mabilis syang umiling. "Kababata. Pamangkin ni Gov." Hindi na ako nagsalita. Tinulungan nya akong kunin ang tripod sa sasakyan nya tapos pumasok na rin kami. As much as possible ay humihiwalay ako sa kanya. Nakasunod lang sya sa akin at siguro naman, hindi nya mahahalata na umiiwas ako dahil kumukuha ako ng pictures. Pasado alas onse kami nagpasya na umalis. Maraming kakilala si Ram sa lugar. May iba na halatang piniflirt sya at nagpiflirt rin naman sya. Hindi ko akalain na ganoon pala sya, but what do I know about this person? Tsaka kasama sa stupid rule nya na bawal alamin ang personal na buhay nya. Sucks, I know. Lalo na at nagiging interisado na talaga ako sa kanya. We ate at a resto along the way papunta sa next place. Sobrang na appreciate ko ang ganda ng Isabela. Kahit mainit at medyo maalikabok nga ang daan, I still look at the road on the way. "Malapit na tayo sa Pinza falls." Nilingon ko si Ram nang marinig ko syang nagsalita. Masungit tingnan si Ram at medyo weird, kagaya nung first two encounter namin, pero okay naman syang kasama. Kaya lang minsan kapag magkalapit kami, nahihirapan ako i resist ang charm nya. Gwapong haciendero na ayaw sa nag i english. Hay. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkuha ng picture sa falls nang maalala ko yung sinabi ni Raisa sa akin so I stopped for a while and looked at him. "Sabi nga pala ni Raisa may falls sa hacienda?" He chewed his lower lip and put his hands on his pockets. Ang cute nya lang tingnan. "Oo, pero malayo sa bahay." "Pwede naman daw basta may sasakyan o kabayo. Punta tayo, sige na." I really want to see the falls. Sa pagkaka describe ni Raisa ay mukhang masarap nga pumunta roon, isa pa, private ang lugar. Tumawa sya then got his hands out of his pocket to put it on his waist. Para tuloy syang kinukuhaan na naman ng picture at nag iiba lang sya ng pose. I am so damn delighted. Pinagtitinginan na kami ng iilang tao roon pero wala akong pake. I am with this hunk and he's mine. "Kaya mo ba akong halikan dito?" Tapos ay sabi nya. Napatigil ako. "Huh?" "Sasamahan kita sa falls kung hahalikan mo ako dito. Ngayon." He even stretched his hands na parang sinasabi na 'help yourself' while he was smiling wide. "You're crazy." Naiiling pero kinikilig na sabi ko. Yumuko ako para itago ang kilig ko. Narinig ko sya na humalakhak. It sounded like music to my ears. "Palalagpasin ko yan, wala tayo sa bahay." Tapos umiling iling sya pero natatawa pa rin. "So hindi ka seryoso sa sinabi mo?" "Gusto mo ba na seryoso ako?" He teased, then bit his lower lip. Ngumuso ako. "Siguro." Okay, I am flirting. God, I am flirting! Kumindat sya at naglakad palapit sa akin. Madidisappoint na sana ako dahil inaasahan ko na lalagpasan nya ako, pero imbesy nagulat ako nang hapitin nya ako sa bewang at hinalikan. Nanlalaki ang mga mata ko. Pero mabilis lang iyon dahil agad ko'ng naramdaman na naghiwalay na ang mga labi namin. Binitawan nya ako at natatawa sya na tumingin sa akin. "Tara na." Sabi nya. Nauna na syang naglakad palapit pa sa falls. "Ram!" Tawag ko sa kanya. Napansin ko na wala naman yata nakakita dahil focus sila sa falls. Lumingon sya sa akin. "Isa pa!" Sigaw ko at itinaas ko ang isang daliri ko. His laugh resonated the place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD