Pangalawang Pahina

2197 Words
Page 2 out of 30 PANGALAWANG PANG-ALAY SA DIYOS Ivan Matias Serrano -Isang sikat na lalaki sa aming unibersidad na pinag-aaralan. Ang dami ding nagkakagusto rito dahil isa siyang varsity sa larong Basketball. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Siya ang tinutukoy kong gusto ko na may gusto kay Samantha. Halos perpektong lalaki ngunit... Taliwas sa isipan ng iba, may tinatago siyang baho na napag-alaman ko lang. Kabuuang kuwento: Si Ivan ay isang basketball player sa aming unibersidad. Madaming naghahabol sa kanyang babae dahil sa sobrang guwapo niya. Kalakip ng pagiging perpekto niya, isa siyang babaero at mahilig manakit ng damdamin. Alam ko na kung sino ang isusunod ko ngayong pangalawang araw ng Pebrero dahil napag-alaman ko ang napakabaho niyang sekreto. Pangyayari: Kasalukuyan akong narito sa classroom. Kalat na kalat na ngayon ang pagkamatay ni Samantha. Akala ng lahat ay si Emil ang pumatay sa kanya. Ang hindi nila alam, ako ang may pakana nu'n. Ngayon ay tinitingnan ko lang si Ivan na nakahalukipkip sa lamesa niya. Ngayon ko lang siya nakitang tulala at tahimik sa isang tabi. Hindi lang kasi siya womanizer, isa din siyang bully. I wonder kung bakit siya ganito kumilos ngayon. But I would try to figure it out. Mabuti na lang at maaga ang uwian namin dahil exam ngayon. Mas madali ko pa siyang maoobserbahan. Halos umabot lang ng tatlong oras ang klase namin. And as of now, mayroon pa akong mga gagawin but I chose to stalk Ivan. Katulad ng ginawa ko kay Samantha, minanmanan ko rin siya. I'm now here, near at 7/11. Naghihintay lang ako sa kawalan dahil nandito rin si Ivan. I don't know kung bakit wala pa rin siyang kibo. Many minutes had passed, may natanaw na akong lalaki na matalim ang tingin sa kanya. Tumingin-tingin lang siya sa paligid niya. Napasiksik naman ako sa pinagtataguan kong likod ng tricycle dahil baka mahuli niya ako. Siguro, tinitingnan niya kung may mga taong nag-aaral sa school namin na puwedeng makakita sa kanya. Napahinga na lang siya at tumingin sa lalaki ng deretso. Napaabante naman ako nang masiguro kong hindi na siya titingin pa kung saan-saan, para na rin mas marinig ko pa ng detalyado ang mga sasabihin niya. Wala akong kasiguraduhan sa papasukin kong ito, pero may pakiramdam akong may malaking sekreto siyang tinatago. My feelings never cheated on me. I know what is right and wrong about someone. Because... I'm a torture killer. "Nasaan na siya?" tanong ni Ivan sa lalaking naka-shades. "Nandoon pa rin. Huwag mo akong madamay-damay diyan sa kalokohan mo, Ivan. Ngayong gabi na lang kita tutulungan." malakas na bulong ng lalaki. Napangiti naman si Ivan sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "Walang problema, Gabriel. Tara, puntahan na natin. Baka masabit pa tayo e." Tumango naman siya. "Gege, tara." Naglakad naman sila ng mabilis. Napagtanto kong mag-momotor sila kaya pumara ako ng tricycle. "Saan ho kayo, ma'am?" tanong ng driver. "Nakikita niyo ba 'yung motor na 'yun?" sabay turo ko sa motor na pinahaharurot ni Ivan. Tumango lang ang driver. "Sundan mo 'yun, Kuya. Huwag ka lang papahalata. Kung puwede lang, humanap ka ng shortcut para 'di nila tayo mahalata." utos ko. "Huwag kang mag-alala, Kuya, bibigyan naman kita ng tip." sunod kong usal. "Sige ho, ma'am." pagsang-ayon niya. Sinundan na nga ng driver ang motor nina Ivan. Kung saan-saan din kami nag-shortcut para lang hindi kami mahalata. Salamat naman at may nasakyan akong maayos na tricycle. Nang huminto ang motor ni Ivan sa may liblib na lugar, pinahinto ko na rin ang tricycle. "Dito na lang ako." malamig kong saad. Ibinigay ko na ang limang daan sa driver at bumaba na. Nang naramdamang kong paalis na ang tricycle, nagtago ako sa likod ng puno at kinuha na ang pocket mula sa bag ko. "Kung sineswerte ka nga naman, dalawa pa yata ang mapapatay ko ngayong araw." sabay tawa ko. Pumasok na sila sa abandondong bahay. Sila lang marahil ang nakakaalam nito kaya puwede ko na silang iwan rito kapag pinatay ko na sila. Nagtataka talaga ako, ano kayang tinatago nila? Nang makapasok ako, palihim rin akong sumunod sa kanila. Mabuti nalang at malaki-laki ang bahay para na rin madami akong mapagtaguan. Kailangan, bago mag-umaga ay mapatay ko na 'tong dalawa, kung hindi ay ako ang kukuhanan ng buhay ng Diyos namin. Pumasok na sila sa isang kuwarto, samantalang ako ay patagong nakikinig sa kanila. Hindi ko pa alam kung ano ang nasa loob pero aalamim ko 'yon mamaya. Hindi puwedeng hindi. "Anong gagawin natin dito pagkatapos nating gahasain?" tanong nu'ng Gabriel. Nagkibit balikat lang si Ivan. "Ilibing ng buhay? 'Yun lang naiisip ko, brad. Ikaw ba?" "Iyon nalang din siguro, ano? Kasi ang hirap 'pag pino-pino pa ang gawin nating pagpatay dito. Masyadong hassle." pagsasang-ayon ni Gabriel. Tss, mahihina pa kayo pumatay. "Sige sige." tugon ni Ivan. Sabay sipa. Narinig ko naman ang g****a kaya sa tingin ko'y tao ang sinisipa niya. "Hoy, gising! Kung hindi lang kita gusto, matagal na kitang pinatay!" barumbadong sigaw ni Ivan. Narinig ko naman ang kadena kaya sa tingin ko ay nakatali ang babaeng gagahasain nila. Mabuti nalang at may butas ang pintuan, kaagad namam akong sumilip dito. Tama nga at mayroon silang ginagahasang babae. Tinanggal naman nila ang tape sa bunganga ng babae. Ramdam mo rito na matagal na siyang ginagahasa dahil sa dumi ng damit nito. At may amoy na rin ang kuwarto dahil kulog ito. "Ano bang gusto niyo sa akin!? Patayin niyo nalang ako kaysa pahirapan niyo ako ng ganito!" sigaw ng babae. Marahas namang hinawakan ni Ivan ang buhok ng babae. "At ano kami, tanga!?" Pinatuwad naman ni Ivan ang babae. Si Ivan ay nasa puwetan ng babae samantalang si Gabriel naman ay nasa mukha ng babae. Pinakain ni Gabriel ang kanyang ari sa babae, sa kabilang dako, pinasok naman ni Ivan ang kanyang ari sa loob ng ari ng babae. Ayoko nang mapanood lahat, mas minabuti ko munang bumili ng mga kasangkapan na gagamitin ko sa pagpatay. Dalawa silang lalaki, hindi ko sila kaya kapag sumugod kaagad ako. Dapat ay planuhin ko ito bago mag-umaga. Naisipan kong bumili ng handcuffs, lubid, honey, isang powder na pampatulog, marahil ay dito sila magpapalipas ng gabi, kaya ako na ang bahala sa lahat ng plano. Bibili rin ako ng mga iba't ibang insekto at gasul sapagkat may panggagamitan ako nito. Umalis na ako sa abandonadong bahay, mabuti na lang at kinabisado ko lahat ng daan. Ilang oras ang lumipas at nabili ko na lahat ng dapat kong bilhin kaya bumalik na ako sa bahay ng palihim. Rinig ko pa rin ang ugong sa lapag at ungol at sigaw ng babae kaya sa tingin ko ay hindi pa rin sila natigil sa panggagahasa sa babae. Napangisi naman ako nang may makitang tubig na siguro ay binili nila bago sila pumunta rito para inumin kapag napagod. Nilagyan ko naman ito ng pangpatulog at naghintay upang lumabas sila. Ilang oras ang lumipas at gabi na sila lumabas. Nagtago lang ako sa isang sulok, gabi na at marahil ay hindi na nila ako mapapansin dahil sa kaliitan at kapayatan ko. Tama nga ako at ininom na nila ang tubig. Nang ininom nila ay iyon na ang pagkakataon ko upang puntahan ang babae. Sinilip ko naman siya at nakitang humahagulgol at hirap na hirap siya sa isang sulok. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan at pumasok. Tumambad naman sa akin ang gulat na gulat niyang mukha. Sinenyasan ko lang siya na huwag maingay. "Shh.." bulong ko. "Huwag kang magsusumbong sa pulis. Utang na loob mo na sa akin ang pagligtas ko sa'yo." agad siyang tumango. Unti-onti kong tinanggal ang tape sa bunganga niya, sunod naman ang tali sa paa niya. "Hindi ko matatanggal ang kadena sa kamay mo. Ikaw na ang bahala diyan. Basta hindi 'to makakarating sa kapulisan." malamig kong usal. "Maraming salamat... Utang na loob ko sa iyo ang bagay na ito." bulong ng babae. Nang mapakawalan ko siya ay sinilip ko na ang mga lalaki. Nakahilata na sila gawa ng gamot na pangpatulog. "Dalian mo." utos ko rito. Nang makalabas siya ay nginitian niya lang ako. "Maraming salamat talaga..." Nginitian ko rin siya pabalik. "Mag-iingat ka..." sabay talikod ko. Ngayon ay ang dalawa naman na lalaking ito ang pagbabayarin ko sa kasalanang ginawa nila sa pamamagitan ng pag-totorture. Hinila ko na si Ivan at tinali ng maigi ang mga paa niya gamit ang lubid, nilagyan ko naman ng handcuffs ang kamay niya. Sunod kong hinila si Gabriel at ginawa rin ang ginawa ko kay Ivan. Hinubadan ko naman si Ivan at pinahidan siya ng honey sa buong katawan niya. Samantalang si Gabriel ay nakabihis pa rin. Ilang oras ako naghintay bago sila magising. Halos gulat na gulat sila nang makita ako. Sumilay naman ang ngisi sa mga labi ko. "M-Meziah? Anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Ivan. Humalakhak naman ako. "Ang hina niyong pumatay. Gusto mo, turuan kita?" sabay ngiti. "Nasaan si Althea!? Nasaan siya!?" sigaw niya. Umupo naman ako para maging magpantay kami. "Edi pinatakas ko." sabay tawa. "Aba'y siraulo naman pala 'to, pare! Sino ba 'yan!?" sigaw nu'ng Gabriel. "Tangina, kaklase ko 'yan... Paano kung magsumbong 'yan! Gumawa ka ng paraan gago!" nag-papanic na sigaw ni Ivan. "Nakaposas tayo. Paano natin malalaban 'yan!?" bulong nito. "Hays, malapit na mag-umaga... Ayoko nang patagalin pa 'to." malamig kong sambit. "Anong gagawin mo sa'min!?" malakas na sigaw ni Ivan. "Edi papahirapan." then his jaw dropped. Kinuha ko na ang gas at pinukpok ang katabi niyang si Gabriel. Halos manlaki ang mga mata ni Ivan. "GABRIEL!" sigaw niya. Halos magwala naman si Ivan. "Hayop kang babae ka! Kapag ako nakawala rito, ililibing kita ng buhay!"  "Oh, I'm scared!" sarkastik kong usal. Ngumisi naman ako ng malawak. "Ayun ay kung... Makatakas ka pa?" Ilang beses ko namang pinukpok si Gabriel ng gasul hanggang mawarak ang bungo niya. Umagos naman ang dugo niya sa sahig, tumalsik rin pati sa akin. Halos hindi mo na makilala ang mukha nito dahil warak-warak na. Halos mangilid nalang ang luha ni Ivan sa mga nakikita niya. "Tangina mo! Mas masahol ka pa sa hayop! Walang hiya ka! Walang hiya ka!" malakas na sigaw niya. "Sige... Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin bago kita isunod tulad nalang ng ginawa ko sa kaibigan mo." sabay hagikhik. Ilang minuto ang lumipas at natapos na rin ako sa paghampas ng gasul sa iba't ibang katawan ni Gabriel. Halos lagas-lagas at hiwa-hiwalay na ang parte ng katawan ni Gabriel. Napuno na rin ng dugo ang kuwarto. "Gabriel for gasul... Isang tao na ang napatay ko. Maghanda ka na, isusunod na kita... Kung hindi lang umepal 'yang kaibigan mo... Edi sana, ikaw lang ang pinatay ko." Kaagad ko namang kinuha ang mga iba't ibang insekto mula sa bag ko. "A-Anong gagawin mo!?" nauutal na tanong ni Ivan. "Hulaan mo..." sabay lapit ko sa kanya. Dinilaan ko naman ang mukha nito. "Hmm... Ang sarap." bulong ko sa tainga nito. "f**k you! Pakawalan mo 'ko, Meziah! Please! Ayoko pang mamatay! Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko kay Althea!" Halos umagos ang luha nito. "Magbabago na ako please! Pakawalan mo lang ako! Nagawa ko lang naman 'yun dahil lasing siya at napakaigsi ng damit niya! Bagay lang sa kanya 'yon dahil hindi siya desente manamit!" "Shut the f**k up, Ivan... r**e is r**e, no matter what the context is... You deserve to suffer... So I'll give you pain that you deserved." "PLEASE MEZIAH! 'WAG MONG GAWIN 'TO! I love my life, please... May pamilya pa akong naghihintay!" sigaw niya. "Bye, rapist... The hell is waiting for you. May you get your peace there... Rot in hell, b***h!" I shouted. Binuhos ko na lahat ng insekto sa lapag at tumakbo papalabas. Umalingawngaw naman ang malakas na sigaw nito sa buong kuwarto. Napangisi ako nang makita siyang nasasaktan. Halos kainin ng mga insekto ang katawan niya. Halos mawalan na rin siya ng balat dahil pinapakyaw ito ng iba't ibang insekto. Sila lang ang nakakaalam ng lugar na ito kaya naman wala na akong poproblemahin pa. Siguro ay bago pa makita ng mga pulis ang bahay na ito ay buto-buto nalang sila at hindi na makikilala pa. Dalawa ang napatay ko ngayon kaya naman makakapagpahinga ako bukas at kahit walang patayin. I'm thankful dahil may kasama si Ivan, kung hindi, papatay nanaman ako bukas. Napangisi ako bago ko lisanin ang abandonadong bahay. "Cause of death... Gas and insects... For Gabriel and Ivan." "r**e is the worst sin you could ever do. Nevertheless, she persisted." I whispered. "Sana magustuhan niyo ang dalawang lalaking alay ko sa pangalawang araw ng Pebrero, aming minamahal na Diyos." nakangiti kong sambit. Nararapat lang sa kanya ang kamatayan dahil sa kasalanang ginawa niya. Ano naman ang magiging kasalanan ko sa pagpatay? Nanggahasa siya ng inosenteng babaeng gusto lang naman sumaya at enjoy-in ang buhay niya kaya bagay lang sa kanya ang sinapit niya. Napatingin naman ako sa mag-uumaga na sinag ng araw. Ang sarap ng sensasyon at temptasyon na nararamdaman ko ngayon. Nawa'y makarami pa ako sa susunod na araw. Muli, Ivan Matias Serrano, Ang pangalawang alay sa pinakamamahal na Diyos sa pangalawang araw ng Pebrero. - 29 Days to Death. Page 02. Psychological Horror.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD