Page 1 out of 30
PANG-UNANG ALAY SA DIYOS
Samantha Innah Tobles Locencio
-Isang sikat na babae sa unibersidad na pinag-aaralan ko. Ang daming nagkakagusto sa kanya. Naiinggit ako sa kanya dahil pati ang lalaking gusto ko ay nililigawan siya. Maganda, sikat, mayaman, matalino, may magandang kurba ng katawan, at maputi. Halos perpekto na siya ngunit taliwas sa isipan ng iba, meron siyang lihim at bahong nasaksihan ko noong sinundan ko siya.
Kabuuang Kuwento:
Siya si Samantha. Kinaiinggitan ko siya dahil palagi siyang pinupuri. Mas lalong lumalim ang galit ko sa kanya nang malaman kong siya ang nakakuha ng pinakamataas na grado. Siya na ang naging pang-unang ranggo, samantalang ako, naging pangalawa na lamang. Hindi patas ang ginawa nila sa akin! Kaya naisipan kong alamin ang pupuwedeng makasira sa dignidad at pagkatao niya. Isang gabi, sinundan ko siya habang pauwi siya sa kanilang mansyon. Hindi ko aakalain ang nasaksihan kong mga pangyayari nang makita ko siyang kasama ang kasalukuyan niyang kasintahan.
Pangyayari:
Bakas sa mukha ni Samantha ang kaba at pagkapawis sa mukha. Napakunot naman ang noo ko kung bakit. Huminto siya sa isang posteng madilim at walang katao-tao.
Naaninag ko naman na may paparating pa na kasama niya kaya nagtago pa ako ng maigi.
Humagulgol naman si Samantha na ipinagtaka ko. "Panindigan mo 'tong bata, Emil! Alam mo ba ang mangyayari sa akin pati sa anak mo kung nagkataong malaman ni Papa ang nangyari sa atin!?"
"Puwede ba, Samantha! Sinabi ko naman sa'yong hindi akin 'yang batang dinadala mo! Sa dinarami-rami mong ikinama, sa akin mo lang sinisingil ang sanggol sa sinapupunan mo!?"
Rinig ko naman ang hagalpak ng sampal ni Samantha sa lalaki. Pinanood ko lamang silang mabuti.
"Alam kong alam mo na sa'yo ko lang ibinigay 'to! Kaya wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganiyan!" sigaw ni Samantha rito.
Ramdam ko naman ang galit nito. "Wala pa rin akong pakialam! Gawin mo na lahat ng gusto mo at huwag mo na akong gagambalain pa! May bago na ako kaya wala pang rason para makisama sa'yo! Ginamit lang kita para sumikat, tandaan mo 'yan!"
Halos mabingi ang tainga ko sa sigawan na may pinaghalong hagulgol. Narinig ko naman ang yapak ng lalaki papalayo kay Samantha.
"Ipapalaglag ko 'tong bata kapag hindi mo 'ko sinuportahan!" pananakot ni Samantha rito.
Tumawa lang ang lalaki ng pagkalakas-lakas. "Sa tingin mo ba ay natatakot ako? Narinig mo ba ang sinabi ko? Wala na akong pakialam sa gagawin mo! Puwede ba? Tigilan mo na ang kakakausap sa akin? Salot ka lang sa buhay ko!"
Kaagad namang umalis ang lalaki. Naiwan lang si Samantha na mag-isa at basang-sisiw.
Napangisi naman ako nang malaman ko ang sekreto niya. Lingid sa kaalaman niya, naka-record lahat ng pinagsasasabi niya sa cellphone ko.
Pebrero 1
Ilang araw pa ang lumipas bago ang nangyari noong gabi, sinusundan ko pa rin siya. Kasalukuyan akong nasa comfort room ngayon. Halata mo na rin ang pananaba ni Samantha, ngunit nagrarason lamang siya ng pagkabusog.
Palagi akong palihim na nakasunod sa kanya kahit saan siya pumunta. Inoobserbahan ko ang bawat galaw niya. Pa-kunyare akong nag-aayos ng sarili ko para mabantayan ko siya ng maigi. Nang pumasok na siya sa lob ng cubicle, pumasok ako sa katabing cubicle na pinagpasukan niya. Umakyat ako sa inodoro at palihim na pinanood ang gagawin niya.
May ininom siyang hindi pang-karaniwan na likido na sa tingin ko ay pangpalaglag ng bata. Nang mainom niya 'yon, kaagad naman siyang dinugo at kusa na lamang lumabas ang fetus. Napahikbi na lang siya ng mahina. Kaagad naman siya dinampot ang fetus at itinapon sa inodoro at saka pinanusan ang ang dugong natulo sa kanya. Itinigil ko na ang panonood at lumabas na sa comfort room nang hindi na siya hinihintay.
Natatakam na ako sa dugo, paano kaya kung mamaya ko na gawin ang plano ko tutal ay simula na rin naman ng pebrero?
Lumipas ang mga oras sa paaralan at uwian na. Katulad ng dating gawi, sinusundan ko pa rin si Samantha. Nang makarating na kami sa madilim na parte ay kaagad ko siyang tinawag.
"Samantha..." malakas na tawag ko sa kanya.
Nagulat naman siya nang makita niya ako sa likuran niya. "A-Anong ginagawa mo rito? G-Gabi na ah? Bakit k-ka pa nakasunod s-sa akin..." nauutal na tanong nito.
Humalakhak naman ako. "Ang galing mo umarte, ano? Biruin mo 'yon, natago mo 'yon ng matagal na panahon?"
"Ang alin!?" pasigaw na tanong niya.
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko..." tawa ko pang muli.
Napakunot lang ang noo niya at hindi ma nagsalita.
"So... You don't have any idea? Alam naman nating abortion is a crime... Kawawang bata, idinamay sa kamalasan ng kanyang ina..."
Nabigla naman siya. "P-Paano mo nalaman!?" nauutal niyang tanong.
"Hindi na mahalaga 'yon... Sumama ka sa akin, matutulungan kita sa problema mo..." ngisi kong usal.
Magdadalawang-isip pa sana siya nang mas lalo ko pa siyang hikayatin. "Nahihiya ka ba sa akin? Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin ang sekreto mo."
Napatango na lamang siya at unti-onting lumapit sa akin. Marahan ko namang hinawakan ang braso niya. Palihim akong ngumisi. Siguro, alas-syete pa lang ng gabi ngayon. Kailangan ko nang mapatay ang babaeng ito bago sumapit ang ala-una.
Naglakad kami ng tahimik papunta sa sarili kong bahay. Oo, may sarili akong bahay. Pumasok na siya, sumunod lamang ako.
"Tuloy ka... 'Wag kang mahihiya." ngiti kong saad.
Napangiti naman siya. "Salamat talaga! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka... Salamat talaga, utang na loob ko sa'yo 'to!" sabay yakap sa'kin. Ngunit hindi ko ito niyakap ng pabalik.
"Walang anuman." mahina kong bulong.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap namin. Nang tumalikod naman siya upang suriin ang bahay. Palihim kong kinuha ang kahoy dahil alam kong nakita niya ang isang bungo na nakasabit sa pintuan.
"Uh... Meziah? Uuwi na ako... Parang sumama ang pakiramdam ko." aniya.
Mapait siyang ngumiti. Hinarangan ko naman siya habang nakatago sa likod ko ang kahoy. "Ano ka ba? Kararating mo lang ah? Bakit ka aalis kaagad?"
"Aalis na kasi ako, Meziah... Baka hinahanap na ako ni Papa..."
Matalim ko siyang tiningnan. "Talaga? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?"
"Please, paalisin mo na ako! Excuse me!" malakas na sigaw niya at itinulak ako.
Nang makarating siya sa pintuan, napangisi ako nang hindi niya mabuksan iyon. Halos mag-panic naman siya. Malakas naman ang tumawa, ngunit hindi siya lumingon sa gawi ko.
Ayoko nang patagalin pa ang paglalaro namin kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinalo sa ulo niya ang kahoy. Pinatulog ko lang siya dahil ayokong matatapos ang laro namin sa simpleng p*****n lang.
Hinila ko na ang mahimbing na tulog niyang katawan papunta sa attic at itinali ng mahigpit ang kamay at paa niya.
Lumipas ang tatlong oras pero hindi pa rin siya nagigising kaya naman napagpasyahan ko nang buhusan siya ng malamig na tubig. Napabangon naman siya. Nabalik lang siya sa reyalidad nang mapagtantong nakagapos siya.
"Anong ginagawa ko dito!? Pakawalan mo ako!" sigaw niya.
Napasimangot naman ako. "Hindi pa tayo naglalaro, papakawalan na kita kaagad?" sabay tawa.
"Baliw! Lumayo ka sa akin! Nahihibang ka na!"
Halos mag-init naman ang ulo ko sa tinuran niya. Napalitan naman ng galit ang mukha ko. "Anong sabi mo!? Hindi ako baliw!" sabay halakhak muli.
"Please! Let me go! Nagmamakaawa ako sa'yo, Meziah!"
Napatayo naman ako. "Maglaro tayo!" pag-aaya ko rito at kinuha ang lighter, posporo, at gas na naka-stock sa garahe.
"A-Anong gagawin mo!?" malakas na tanong niya nang makita niyang may hawak-hawak akong lighter.
"Hindi ko alam... Ano bang puwedeng gawin sa lighter na 'to?" mapaglaro kong tanong habang iniikot-ikot sa daliri ko ang lighter.
Tumulo naman ang luha niya. "Meziah! 'Wag mong gagawin ang balak mo! Please! I'm begging you!"
Napatawa lang ako. "Beautiful view..."
Lumapit naman ako rito, halos lumayo naman siya sa akin.
"Bakit ka lumalayo sa akin? Mabaho ba ako?" malungkot kong tanong.
"Let go of me! Please! Tulong! TULUNGAN NIYO AKO!" malakas na sigaw niya.
Hinipo ko naman ang mukha niya, tanging pag-iwas lamang ng ulo ang ginagawa niya. "You're just wasting your adorable voice... Walang makakarinig sa'yo dahil nasa gitna tayo ng gubat, Samantha Innah Tobles Locencio..."
Halos manggalaiti ako sa galit nang duruan niya ang mukha ko. Pinunasan ko naman ang laway niya.
"Excited ka bang maglaro tayo?" nakangiti kong tanong.
Hindi siya sumagot. Kaagad ko namang kinuha ang lighter at pinindot ang button para magkaapoy. Una ko namang itinapat ang apoy sa buhok niya.
"Please, don't! Please! HELP ME! TULUNGAN NIYO AKO!" namamaos na sigaw niya.
Napakagat ako sa labi ko nang makaramdam ng kaginhawaan sa ginagawa kong pagpapahirap sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na pumatay.
Nagkalagas-lagas naman ang straight niyang buhok. Hanggang sa maging kalbo na siya. Sigaw lang siya ng sigaw. I like the way she suffer.
"Nasaan na ang pinagmamalaki mong ganda kapag sinunog ko 'tong napakakinis mong mukha?" halakhak long tanong.
"Please! I'll give you money. Huwag mo lang ako patayin! I'M BEGGING YOU MEZIAH!"
Tumawa lang ako. "Hindi ko kailangan ng pera mo. I just need your soul... Para ialay." halakhak kong tugon.
"Baliw ka na! BALIW! BALIW BAL-"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang itinapat ko sa mukha niya ang apoy. Halos masunog naman ang mukha niya.
"ARGH! TULONG!!!" sigaw niya.
Mas lalo ko pang idiniin sa mukha niya. Nalapnos naman ang kalahati nitong mukha. Sunod kong itinapat sa mata niya. Halos umalingawngaw ang sigaw niya. Natunaw naman ang mata niya at gumulong sa lapag. Kinuha ko naman ang mata niya at ipinakita sa kanya. Tumawa lang ulit ako.
"Ang pangit mo na..." halakhak kong bulong.
"W-Walanghiya ka! You'll p-pay for this!" malakas na sigaw niya.
Tumulo naman ang dugo niya sa lapag. Itinapat ko naman ang lighter sa isa niya pang kalahating mukha para malapnos. Halos hindi ko na siya makilala dahil na rin sa lapnos ng mukha niya. Katulad ng ginawa ko sa isa niyang mata, sinunog ko rin ito.
Tumawa naman ako. "Nakikita mo ba ako?"
"Patayin mo nalang ako! Huwag mo na akong pahirapan! Patayin na ako! Kill me! Kill me!" malakas na sigaw niya.
Halos manghina naman siya at hindi na nakapalag pa. "Huwag kang atat. Makakarating din tayo sa gusto mong mangyari!" sigaw ko sabay tawa.
Pinakawalan ko na ang nanghihina niyang katawan at dinala sa labas ng bahay. Nasa gitna ako ng gubat kaya walang makakakita sa pagpatay ko kay Samantha. Marahas ko hinila ang katawan niya. Halos hindi naman siya makatakbo dahil hindi na rin siya nakakakita kaya hindi na siya makakatakas pa. Napangisi naman ako nang mabilis siyang gumapang papalayo sa akin.
Hinabol ko naman ito at marahas na hinablot ang buhok niya. "At saan ka naman pupunta? Baka maligaw ka, Samantha." ani ko rito.
"Let go of me! Please! Pakawalan mo na ako! Please, nagmakakaawa ako sa'yo!" hagulgol niya.
Imbes na sagutin ay tinapunan ko siya ng gas. Napamura na lang siya. "Ano 'to!? What is this!? Is this gas!?" malakas na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Kaagad ko namang sinindihan ang posporo.
Ngumisi ako. "Any last words before you die?"
"'WAG! PLEASE! I'm begging you!" namimiyok niyang sigaw.
"HELP! PLEASE SOMEBODY HELP M-"
Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang itapon ko na sa kanya ang posporong may apoy. Nagliyab naman ang katawan niya na nagpangisi sa akin. Napapikit na lang ako dahil sa sensasyon na nararamdaman ko ngayon.
"Para sa pinakamamahal na Diyos namin... Ito na ang pang-unang alay ko sa pang-unang araw ng Pebrero. Nawa'y magustuhan mo ang kaluluwang alay ko sa'yo..." malakas kong usal.
Lumipas ang tatlongpung minuto nang pagliyab niya ay binuhusan ko na ng malamig na tubig ang katawan niya para mamatay ang apoy.
Kaagad ko namang dinala ang katawan niya sa sasakyan ko. Nag-drive lang ako papunta sa bahay ni Emil, oo, ang bahay ng boyfriend ni Samantha. Doon ko ilalagay ang bangkay at ipapalabas na siya ang pumatay kay Samantha.
Bago ko sinundan si Samantha, sinundan ko muna si Emil para alamin ang bahay niya. Nang makarating ako sa bahay nito, pinark ko lang ang sasakyan ko at kinuha ang cellphone ko. Kinuha ko naman ang cellphone ni Samantha na kinuha ko noong nakagapos siya.
Dinial ko na ang 911. Nang may sumagot saka ko iplinay ang boses kong may pang-lalaking tono. Oo, inedit ko ang boses ko para hindi mahalatang ako ang pumatay sa kanya.
"911, what's your emergency?"
Iplinay ko na ang edited kong boses na pang-lalaking may malalim na boses.
"Found a dead body. Block 23, lot 10, Cebu City. Emil Anaño's house."
Napangisi ako bago patayin ang call na galing sa phone ni Samantha. Bago ko gawin ang gusto ko, nagsuot muna ako ng gloves para hindi ma-detect ang fingerprints ko. Hinila ko na ang katawan at tiningnan muna kung may tao. Nang makitang wala ay mabilis kong hinila ang sunog na katawan ni Samantha sa harap ng bahay ni Emil sabay kuha ng isang hibla buhok ni Emil mula sa plastik na palihim kong ginupit noong natutulog siya sa classroom. Ipinatong ko na ang buhok sa katawan niya upang ma-detect na siya ang pumatay kay Samantha.
Tumakbo naman ako papabalik sa kotse ko at ipinaharurot iyon sa malayong lugar pero tanaw pa rin ang bahay ni Emil. Lumabas na ako sa kotse at sinunog ang cellphone ni Samantha. Maaaring ma-trace ang location ko kung dalhin ko pa ang phone niya sa bahay.
Nang magliyab ay pumasok na ako sa kotse. Naghintay lang ako ng ilang minuto. Napangisi ako nang may marinig na akong tunog ng kotse ng mga pulis. Nakikita ko na rin ang mga sasakyan nila mula rito sa gubat.
Pinanood ko lang ang paghuli kay Emil. Halos makita mo sa emosyon ng mukha nito ang pagkalito.
Sinigurado ko ring hindi madedetect ang fingerprints ko. Sunog ang katawan niya kaya malabo nang ma-detect pa ang mga fingerprints ko.
Halos magpumiglas naman si Emil na nagpangisi sa akin. Napadako naman ang tingin ko sa ambulansyang nagkuha sa katawan ni Samantha.
Ngisi lamang ang naiambag ko sa pangyayaring ito. "Your death is music to my ears..." bulong ko.
Nararapat lang sa kanya ang kamatayan dahil sa kasalanang ginawa niya. Ano naman ang magiging kasalanan ko sa pagpatay? Pumatay rin siya ng inosenteng bata kaya bagay lang sa kanya ang sinapit niya.
Tiningnan ko naman ang oras ngayon. Napangisi ako nang makitang isang minuto na lang bago lumipas ang alas-dose ng umaga.
Muli,
Samantha Innah Tobles Locencio...
Ang pang-unang alay sa pinakamamahal na Diyos sa pang-unang araw ng Pebrero.
-
29 Days to Death. Page 01. Psychological Horror.