Page 3 out of 30
PANGATLONG PANG-ALAY SA DIYOS
Patrick Escalante
-Isang huwarang guro sa paningin ng iba. Isang Mathematics teacher sa aming klase. Hakot niya lahat ng awards at certificate dahil sa angking talino nito. Madaming humahanga sa kanya, siya rin ang pambato namin na guro sa paaralan kapag may mga laban. Isa na rin ang itsura nitong nakakaakit, kaya madaming nahuhulog sa gurong ito.
Kubuuang Kuwento:
Si Mr. Escalante ay isang huwarang guro sa aming unibersidad. Halos lahat na yata ay kilala siya dahil sa angking talinong na ni isang guro ay walang makapantay. Mathematics man ang major niya, magaling pa rin siya sa ibang subjects. Brainy at good looking siya kahit medyo may pagkatanda na. May pamilya na rin ito. Mabait at masipag sa paningin ng iba, ngunit lingid sa kaalaman nila, mayroon pala siyang tinatagong sekretong ngayon ko lamang napagtanto.
Pangyayari:
Ngayon ang pahinga ko sa pagpatay pero bukas ay papatay ulit ako ng mga taong demonyo. Katulad na nga nang nangyari kay Samantha, kalat naman ngayon ang pagkawala ni Ivan sa school. Pati ang tropa nito ay nag-aalala na rin.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga pag-uusap nila ukol sa mga taong pinatay ko. Hindi pa rin nila nahahala na ako ang pumatay dahil nakatikom ang bibig ko.
Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ng professor namin. Lumapit naman ako rito.
"Bakit ho, Mr. Escalante?" I asked calmly.
Tipid niya naman akong nginitian. "Meet me later at my office. 4pm. After our classes."
Tumango na lang ako sa kawalan. "Okay, sir." nginitian ko din siya.
Bumalik na ako sa upuan ng tahimik. Nag-discuss lang si sir buong araw. Bilib din ako sa guro na 'to dahil sa galing magturo ng Chemistry. Pinapadali niya ang lahat para lang matuto kami. I wonder kung may baho rin ba siyang tinatago like other people? Maybe yes right? Hindi naman lahat ng tao ay malinis kahit pa tikom ang bibig nito.
And finally, the bell rang that means na uwian na namin. Pero hindi pa ako uuwi dahil nga pinaiwan ako ng guro namin. Siguro ay may mahalaga siyang ipapagawa sa akin regarding sa grades ko. Hindi niya naman kami ipapatawag kung hindi ito masyadong mahalaga.
Pumunta na ako sa office niya, inside the faculty room. I didn't hesitate to knock para magbigay ng respeto sa mga teachers.
"Ms. Relencion, what are you doing here? Do you need anything?" nakangiting tanong ng Filipino teacher namin.
"I have meeting with Mr. Escalante po. Can I know where he is?" I asked politely.
"Follow me." simpleng sagot niya.
Sinundan ko lang ang guro namin sa Filipino hanggang makarating sa isang kuwarto. "That's his office." ngiti niya.
I just nodded. "Thank you, Ms. Garcia."
Hindi niya na ako sinagot at tinalikuran na ako. Seriously? Kailangan ko pa makipag-plastikan sa mga teacher na ito?
Pumasok na ako sa office ni Sir Escalante. Napangiti naman siya nang makita ako.
"Good afternoon, Sir." I greeted.
Tumikhim naman siya. "Good afternoon din, Ms. Relencion. Maupo ka."
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Umupo ako sa katabing upuan niya. "Bakit niyo po ako pinatawag?"
"I want to inform you na bumababa na ang grades mo ngayong semester. Gusto mo bang mawala sa Dean's lister, Ms. Relencion?"
Umiling ako. "No, Sir."
"Then do you best. You're a valedictorian, Ms. Relencion. And I would like to say na bawal umabot ang grades mo ng below 90."
Napayuko naman ako. "Iyon lang p—" pero pinutol niya ako.
"Mahirap na bawiin ang 88 general average mo ngayong semester, Ms. Relencion." mahinahon niyang usal.
Nagkibit balikat nalang ako. "All I need to do is to accept it, Sir."
Tumayo na ako, akmang aalis na sana ako nang magsalita siya. "Wait, Meziah..."
Napalingon naman ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Napakunot nalang ang noo ko. "What, Sir?"
Umupo ulit ako sa pinag-uupuan ko kanina.
Napalunok naman siya bago magsalita. "You see... You're beautiful if you remove this glasses of yours..."
Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya. Tinanggal naman niya ang salamin ko mula sa mukha ko, sabay haplos sa pisnge ko, sabay sa buhok ko.
Tiningnan ko naman siya nang walang pinapakitang emosyon sa mga mata ko. "What will I do, Mr. Escalante? Say it, I'll do it." palaban kong tugon.
"Simple, Ms. Relencion... Pleasure, temptation, and lust... Paligayahin mo lang ako. Then, I'll make your grades higher." he whispered.
Napangiti nalang ako sa alok nito. "Sure. I'll do it. Just make sure na tataasan mo ang grade ko, Sir."
"I'll just book a hotel." ngiti niya.
Hotel? Baka may makakita pa sa'min using CCTV footage. Pero hindi ako natatakot do'n. Ang kinababahala ko lang ay kapag sa hotel kami, malalaman na ako ang huling kasama ni Sir Escalante. At kapag pinatay ko siya, ako ang pagbibintangan. So I need a private place. A private house without a CCTV, at kung meron man, masisira ito ng mabilisan.
"Sir, hindi ba masyadong public 'yan? I think, you should bring me in a private place. 'Yung ikaw lang ho ang nakatira?" mapang-akit kong saad.
"You have a point, Ms. Relencion... Sige, may alam akong place na puwede kitang dalhin." malambing nitong tugon.
Tumango ako. "Ngayon na ba, Sir?" I asked, seductively.
Umiling lang siya, which means bukas gaganapin o sa susunod na araw. "No. I want it tomorrow afternoon. Maybe uhm... 5 pm probably."
"Okay. I'll go now. 'Yung pinag-usapan natin regarding sa grades ko, Sir. Sana tumupad ka." then I smiled again, this time, a fake one.
Nagkibit balikat lang siya, sabay titig sa akin. "Sure. No problem, Ms. Meziah..."
Tumayo na ako. "Aalis na ho ako, Sir... Thank you sa time." ngumiti ulit ako nang sabihin iyon. Yumuko naman ako bago siya talikuran, lalabas na sana ako nang magsalita ito. Napatigil lang ako.
"Walang makakaalam nito, Ms. Relencion. You don't know the things I can do if ever na kumalat ito." paalala niya.
"I know, Sir. Asahan mong atin-atin lang 'to. This secret only goes between us." huling katagang binitawan ko bago umalis sa opisina ni Sir Escalante.
Napangisi ako paglabas ko sa faculty room. What a nice timing. Hindi ko na poproblemahin ang pagpatay ko nanaman bukas dahil nandiyan na ang huwarang guro kuno ng aming unibersidad. Sabi ko na nga ba, lahat ng tao ay may mabahong sekretong nakatago.
Lumipas ang araw, sa tingin ko ay masyadong excited na mamatay 'tong gurong 'to. Ang mga tingin niya sa akin ay may kahulugan habang siya ay nagtuturo. Ginantihan ko lang din siya ng mga mapang-akit na tingin.
Kasalukuyan akong naghihintay sa parking lot. Handa na lahat ng mga gagawin ko sa kanya. Halos hindi na nga ako natulog para malinis na planuhin lahat ng pagpatay ko sa kanya, pati ang surpresang gagawin ko pagkatapos niyang mamatay.
Tiningnan ko naman ang orasan ko, isang minuto nalang ay mag-aalas-singko na ng hapon. 'Di kalaunan ay natanaw ko na siya sa pintuan na nakangisi.
"You ready?" he smirked.
Hinawakan ko naman ang mukha niya para mas maakit pa siya lalo. "I'm always ready, Sir..."
Napakunot naman ang noo ko nang mapangiwi siya. "Please, don't call me sir, call me daddy instead." he whispered.
"Sure, Daddy." then he smiled.
Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng sasakyan. Umupo na ako sa front seat. What a horny teacher. Nagsimula na siyang mag-drive. Patingin-tingin lang siya sa akin na para bang pinapahiwatig niya na lagot ako sa kanya mamaya.
I touched his legs, pataas sa leeg niya. I can feel his sweat, which means na nagiging mas horny pa siya. "Not now, darling..." bulong niya sa tainga ko.
Napangisi lang ako at ibinalik ang tingin sa bintana. I'm using a google map para malaman ang pauwi kapag pinatay ko na siya. I think, he owned the house so iiwan ko na lang rin siya do'n hanggang maagnas. Mukhang liblib rin ang pupuntahan namin. I wonder kung sino-sino pa ang nabiktima ng gurong ito, pero aalamin ko 'yon.
Ilang oras ang lumipas at pagabi na, saka lang kami nakarating sa destinasyon na pupuntahan namin. Katulad kanina ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Trying to be a gentleman, huh?
Marahas naman niya akong tinulak at lumapit sa akin. Akmang hahalikan niya na sana ako nang hawakan ko ang labi niya using my index finger. Napakunot naman ang noo nito. "What's wrong?" he asked worried.
"I'm not comfortable here... Can we go inside first?" mapang-akit kong tugon.
He smiled. "Sure. Let's go."
Nang pumasok kami, napangiti ako nang may makita akong wine na kung saan ay lalagyan ko ng lason. Yes, ayun ang magiging cause of death ng gurong ito. Mabilisang p*****n lang ang gagawin ko rito.
Alam kong deserved niya ng mas painful na torture kaya hiniram ko ang lasong nakakapilipit ng katawan kay Mama. Hindi ito ordinaryong lason na mamamatay agad dahil kaya nitong pilipitin ang buong katawan hanggang sa mamatay. It's from my mother, kaya mas malala ang mga kasangkapan nila dahil sanay na sanay na sila sa mga ganito.
Hihilahin nanaman sana ako ni Sir Escalante para halikan nang magsalita ako. "Uhh... Daddy?" tawag ko rito.
"Yes, baby?" parang nababaliw nitong saad.
"Can we drink that wine? Para mas mainit? Kapag mainit, mas masarap..." I said seductively.
"Okay... As you wish, my dear Meziah..."
Umalis na muna siya sa harapan ko para kumuha ng wine at glass na pang-wine. Pumasok na ako sa isang kuwarto. Hinanda ko na rin ang powder na lason na nakalagay sa isang container.
"Tss... Maghanda ka na mamilipit." bulong ko.
Ilang minuto ang nakalipas nang may marinig akong mga yabag, kaya napaayos ako ng upo. Nakita ko siyang nakangiti. Lumapit naman ito sa kinaroroonan ko kaya medyo napaatras ako.
He smiled again. "So, can we now, baby?"
Huminga muna ako ng malalim. "Close your eyes first, daddy..." sinunod niya naman ako.
Tinitigan ko lang siya para masiguradong hindi siya nakatingin. Agad-agad kong kinuha ang lason at inilagay lahat 'yun sa red wine niya. Agad ko ding ibinalik, sabay hubad ng pang-taas kong suot.
"Okay na..." I said.
Hinawakan ko naman ang leeg nito para lumapit pa sa akin. Hinalik-halikan niya lang ang leeg ko, then put his right hand in my breast. Hinayaan ko lang siya na gawin ang gusto niya. Napahawak ako rito nang hawiin niya ang palda ko at hawakan ang p********e ko.
Tinulak ko naman siya ng mahina. "Sir, I'm thirsty... Can we drink first?" I requested.
Nagpakawala naman siya ng buntong hininga. "Okay... But after this... Let's do it already..."
Kinuha ko nanaman ang wine niya at ibinigay sa kanya, sunod ko namang kinuha ang wine ko. "Cheers for this erotic night!" I shouted.
He just smiled. "Cheers!"
Kaagad naman naming ipinag-cheers ang mga wine namin. Nilagok ko naman wine. Pagtapos ay pinanood ko lang din siyang lunukin lahat ng nasa baso. I want to see him suffer hanggang mawala siya sa katinuan niya.
Napangisi ako nang mapahawak siya sa tiyan niya. "What's wrong, Sir?" nag-aalalang tanong ko.
"My stomach hurts... Kung minamalas ka naman talaga oh oh!" inis niyang sigaw.
Hanggang mapahawak na rin siya sa iba't ibang parte ng katawan niya. "What the f**k is happening!?" he shouted.
"Anong nangyayari sa inyo, Sir!?" sarkastik kong tanong. Humalakhak naman ako ng malakas.
"You p-poisoned me b-b***h!" galit na galit niyang sigaw. Hindi niya naman ako masaktan dahil namimilipit siya sa sakit.
"Oh, so, you're expecting that this valedictorian will get easily fooled?" I laughed harder.
Napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan. "Sayang ang talino mo, uto-uto ka naman..."
"Ako pa talaga ang binangga mong guro ka, huh? I want to inform you na... You don't know the things I can do also... Hindi mo ako maloloko, Sir Escalante."
"D-Damn you! You're a f-f*****g devil!" nauutal na sigaw niya.
Hinaplos-haplos ko naman siya. "Huwag kanang manlaban pa. Mamamatay ka rin naman."
"Pagbabayaran mo 'to! f**k you!" malakas na sigaw niya.
Halos lahat ng parte ng katawan niya ay namumula na, ang iba naman ay nagiging kulay-lila dahil na rin sa epekto ng lason na kumakalat sa katawan niya.
Nag-kunyare naman akong natatakot. "Ayun ay kung mapagbabayaran ko pa? Paano nalang kung patay ka na?"
"Nakakatakot naman ang pagbibintang mo..." I laughed.
Halos manginig-nginig siya nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. "What's wrong, Sir? Sinusundo ka na ba ni Satanas?" I asked.
Hindi na siya nakapagsalita pero alam kong marami pa siyang gustong sabihin. Tumayo na ako kaya naman nahulog siya. Kinuha ko na ang damit ko at sinuot muli ito.
I smiled because of sensation. "Taking adventages of a failing grades just to satisfy your needs is very no no for me, Mr. Patrick Escalante... Patrick for poison and that's how you die. Paki-kamusta na lang ako kay Satanas kapag nagkita kayo."
Nang hindi na siya gumalaw ay alam kong patay na siya. Hinawakan ko naman ang purso niya para makasigurado, nang maramdamang wala na ay lumabas na ako sa tagong bahay niya.
"Kung may makakakita man sa'yo, isa ka na lang na bangkay." I said.
Kaagad naman akong pumasok sa kotse niya para i-drive ito papauwi sa bahay para sunugin. May gagawin rin akong surpresa na tiyak kong ikagugulat ng marami.
Mabuti na lang at nakita ko ang passcode ng cellphone ni Sir kanina sa kotse noong nag-text siya sa asawa niya. Kinuha ko na ito at binuksan. Napangisi ako nang makita ang libo-libong scandals niya. In-edit ko naman ito using an app para matabunan ang mga mukha ng estudyanteng na-biktima niya. Hindi ko na minute ang video dahil tanging si Sir lang ang nagsasalita. Siguro ay natatakot at pilit din ang mga estudyante kaya puro ungol lang ang maririnig.
Siguro kung tumagal rin kami sa ginagawa namin ng gurong iyon ay vinideo-han niya rin kaming dalawa. Mabuti na lang at mas mautak ako sa gurong iyon.
Pinagsesend ko naman ang videos niya sa group na kaming magkakaklase lang ang nandoon, sabay send rin sa group nilang mga teacher. Napangisi naman ako nang marami nang naka-view ng mga scandals.
Napatawa na lang ako sa mga nangyari ngayon. "Biruin mo 'yon, may mga tinatago rin palang baho ang mga edukadong tao."
"Sana magustuhan niyo ang gurong lalaking alay ko sa pangatlong araw ng Pebrero, aming minamahal na Diyos." sigaw ko at ipinaharurot na ang kotse ni Sir Escalante papunta sa bahay ko para sunugin kasabay ng cellphone niyang maaari pang ma-trace.
Grabeng sensasyon nanaman ang nararamdaman kong mas nagpapalakas pa sa akin. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamalakas sa lahat. Bagay lang sa gurong iyon ang kamatayan dahil nagawa niya ring mang-abuso ng mga taong napamalas ang kanilang kahinaan. Ginamit niya ang kahinaang iyon para lang matugunan ang kanyang pangangailangan na sa tingin ko ay labag sa batas ng bawat karapatan ng tao.
Muli,
Patrick Escalante,
Ang pangatlong alay sa pinakamamahal na Diyos sa pangatlong araw ng Pebrero.
-
29 Days to Death. Page 03. Psychological Horror.