29 Days to Death / Panimula
29 Days to Death
© All Rights Reserved 2020
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a CRIME punishable by LAW.
No soft-copies.
Warning: LANGUAGE MATURE THEME. This story contains violence and mature scenes. Please, read at your own risk.
Genre: Psychological Horror
Thanks!
-
PANIMULA
Umalingaw ang sigaw ng isang babaeng nakatali ang mga kamay at paa sa isang maliit at masikip na kulungan.
"Papakawalan ka namin kapag sinagot mo ang mga tanong namin. Naiintindihan mo ba?" seryosong saad ng lalaking pulis.
Hindi naman sumagot ang babae at tumingin sa kisame habang baliw na ginagalaw ang katawan niya.
Umubo muna ang lalaking pulis bago nagsalita. "Bakit ka pumapatay?"
"Dahil gusto ko..." simpleng sagot ng babae.
"Wala nang iba pang rason?" kunot-noong tanong ng babaeng pulis.
"Dahil ito ang nakakapagpasaya sa akin. Kapag hindi kami pumapatay, parang may kulang sa buhay namin..." walang kaemo-emosyong tugon ng babae.
Kumunot naman ang noo ng kasama nilang detective na nagngangalang Orlan. "Kami? May iba ka pang kasama sa pagpatay?"
Tumawa naman ang babae nang pagkalakas-lakas na nagpabigla sa mga taong nasa loob ng k'warto kung saan siya nakakulong. Nakakakilabot ang tawa nito, wala na nga sa katinuan ang utak niya. "Kasama ko ang pamilya ko." aniya.
"Bakit niyo ginagawa 'yon sa mga inosenteng tao?" kalmadong tanong ng babaeng pulis.
"Dahil gusto namin..." halakhak na usal pang muli ni Meziah.
Bakas ang pagkainis sa mga mukha ng tao dahil hindi maayos sumagot ang kriminal.
Napatindig naman ng maayos ang detective. "Kulto ba kayo? Fraternity? O sindikato? Mga adik at p****r?"
Tumawa muli ang babae. "Hindi ko alam... Ano bang tawag sa ginagawa naming pag-aalay ng buhay para lang sa pinakamamahal na Diyos namin?"
Napatango na lang si Detective Orlan. "Isa kayong kulto."
"Oo, ayan..." halakhak na tugon ng babae.
"Paano ka pumapatay? Anong paraan mo?" tanong ng babaeng pulis.
"Isang laro lang naman sa akin 'yon... Pinapatay at pinapahirapan ko sila base sa unang letra ng mga pangalan nila..." sabay tawa niya ng pagkalakas-lakas. Sonrang nakakatindig balahibo ang bawat halakhak nito.
Halos mapuno ng pagkalito ang mga mukua ng tao sa loob. Wala silang naiintindihan sa mga pinagsasasabi ng dalaga.
Napakunot naman ang noo ni Detective Orlan. "Vanessa, akin na nga 'yang listahan ng mga pinatay nila... May titingnan lang ako..."
Tumango lang si Vanessa at inabot ang isang makapal na folder.
"Kung mapapansin niyo..." halos mapatitig naman ang lahat kay Detective Orlan.
"Ang paraan ng pagpatay ng babaeng ito sa mga kakilala niya ay isang lohika. Katulad na lamang nitong babaeng pinatay niya na si Samantha Locencio. Ang unang letra sa pang-unang pangalan ng Samantha ay ang letrang "S". Ayon sa autopsy, ang ikinamatay niya ay sunog... Sunog na parehas at inayon sa pang-unang letra ng pangalan na Samantha." pagpapaliwanag ng detective.
"Tingnan niyo pa ang ibang pinatay at ang mga cause of death. Hindi ba, tugma sa pang-unang letra nila ang ikinamatay din nila?"
Napatango naman ang lahat nang mapagtantong tama ang si Detective Orlan sa kan'yang mga konklusyon.
"Maaari niyo bang kunin ang librong hawak-hawak niya? Baka may makita tayong iba pang impormasyon sa mga kagamitan na pagmamay-ari niya." utos ni Detective Orlan.
Hindi pa rin umiimik ang babae at nakatingin lang sa kisame. Madumi, mabaho, at malansa na ang dalaga dahil na rin sa matagal na pagkakakulong nito sa kulungan.
Dahan-dahan namang kinuha ng mga pulis ang yakap-yakap nitong libro. Hanggang nakuha na nila kalaunan, saka naman naalerto ang babae. Halos mapatalon ang babaeng pulis sa gulat dahil nagwawala na ito.
"Nurse, turukan mo na siya ng pampatulog." utos ni Detective Orlan.
Kumunot naman ang isa pang lalaking pulis. "Hindi na ba natin siya kailangan?"
"Kailangan pa. Pero sa ngayon, hayaan niyo muna siyang makapagpahinga. Hali kayo at alamin natin ang nakasulat sa librong 'to." ani Detective Orlan.
Lumabas na sila mula sa silid na pinagkulungan sa babae at umupo na sa isang upuan kung saan p'wede silang magtabi-tabi.
Unti-onti namang binuksan ng detective ang libro. Ang kasama niyang mga pulis ay halos anim lang na interesado kung anong nakasulat sa librong hawak-hawak ng kriminal na babae.
Nagulat naman sila sa nakasaad dito. Napakunot naman ang ibang mga pulis na hindi makita.
"Anong nakalagay, detective?" tanong ng isang tomboy na pulis.
"Dito nakasaad ang impormasyon ng mga pinatay niya, pati na rin ang paraan at kung saan pinatay ang mga biktima..." aniya.
Halos nagulantang naman ang lahat sa nakasulat sa pinakaunang papel sa libro. Ang nakasulat roon gamit ang dugo marahil ng tao ay isang paksa o titolong nakapangalan na...
29 Days to Death,
Meziah Sahj Relencion