Ako si Meziah

364 Words
29 Days to Death Meziah Sahj Relencion Ako si Meziah Sahj Relencion. Ako ay labing-siyam na taong gulang. Dalawang taon na lamang ay makakatapos na rin ako ng kolehiyo. Kilala ako bilang ang pinakamatalino na estudyante. Ngunit hanggang doon na lamang. Hindi ako hinahangaan na siyang kinakahinayangan ko. Matalino ako, ano pa ba ang kulang sa akin? Ganda ba? Estado sa buhay? Ang pamilya ko ay hindi ordinaryo kumpara sa ibang mga pamilya na masaya at nagdiriwang. Lalo na ako na siyang bunso ng pamilya namin. Ang pamilya namin ay binubuo ng labing-anim tao. Ang una ay ang dalawa kong lola, pangalawa ang dalawa ko ding lolo, sina mama at papa, ang tatlo kong tita at ang dalawa kong tito. Ang isa ay walang asawa at nag-iisa na lamang sa buhay. Sumunod ang dalawa kong pinsan na kambal. At kaming magkakapatid na ang huli. Mayroon akong ate at kuya, ako ang bunso sa pamilya Relencion. Akala ko nga noong una ay kakaiba ako sa kanila sapagkat hindi ko hilig ang pagpatay katulad ng mga ginagawa nila sa mga taong kakilala nila. Tanging pag-aaral lamang kasi ang pinagkakaabalahan ko. Ngunit nagbago ang lahat nang tumuntong akong labing-walong taong gulang. Bago matapos ang kaarawan ko noon, patulog na sana ako nang may marinig akong sigaw ng isang babae na nagmumula sa baba o ang attic namin. Kitang-kita ko ang dugong umaagos mula sa leeg ng babae. Nagsimulang tumindig ang balahibo at ang matakam sa aroma na dulot nito sa akin. Ngisi lamang ang nadala ko noong umakyat mula ako sa aking silid. Iyon na ang sinyales upang makisapi na rin sa gagampanan ng pamilya ko sa mundong ito, ang alayan ng buhay ang mga ninuno namin na kinikilala naming Diyos na nagbibigay sa amin ng suporta. Pumayag ang pamilya ko ngunit binigyan nila ako ng babala na ako'y huwag magpapahuli sapagkat huwag ko daw aasahan na dadalaw sila sa kulungan ko kung nagkataon. Nangako naman ako na mag-iingat ako. Napagpasyahan kong simulan ang madugong gagawin ko sa buwan ng Pebrero, ang araw ng pagmamahal. Kung saan... Literal na magiging pula ang dapat kasiyahan ng bawat isa. - 29 Days to Death. Ako si Meziah. Psychological Horror.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD