Chapter 4

2020 Words
Denver Claide’s P.O.V. Nilalaro-laro ko sa kamay ko ang maliit na bola na hawak ko habang naka-dikwatro akong naka-upo sa loob ng opisina ni Tito Teo. Ganitong-ganito ang gawain namin ni Tito Teo kapag may Special assignment siyang pinagagawa sa’kin. Naputol ang ginagawa ko ng marinig ko ang paggalaw ng seradura ng pintuan. Pinukol ko ang atensyon sa pagbukas ng pintuan. “Denver,” lumapit siya at tinapik ang balikat ko. Gano’n siya sa tuwing babatiin niya ako. Umupo siya table niya at humarap sa’kin. “Tito, bakit niyo po ako pinatawag?” “Alam mo na siguro ang nangyari kay Jhoace na siya ang pinagbibintangan ng Mafia.” “Psh! Kahit kaylan talaga Tito, ang bobo ng mga Miyembro niyo ang dali nilang napaniwala ng kalaban.” “Ibig sabihin kilala mo kung sino ang pumatay?” Tumango-tango ako. “Sinabi mo sa’kin na bantayan ko si Ate Jhoace ng malaman mong siya ang target ng kalaban kaya palihim ko siyang binantayan, nalaman kong tama nga ang hinala mo dahil kumilos na agad ang kalaban natin. Nakagawa sila ng kabobohang taktika na isang walang utak na tao lang ang maniniwala. Nagawa nilang paniwalain ang lahat na si Ate Jhoace ang pumatay. Ang hindi nila alam buking na sila.” Itinaas ko pa ang hawak kong maliit na bola na kasing laki ng jackstone. Isa kasi itong camera at nakalagay doon ang totoong nangyari nang gabing iyon. “Magaling! Maasahan ka talaga Denver, bantayan mo lang si Jhoace. Hayaan nating maniwala sila na wala tayong alam sa nangyari. Makikipaglaro muna tayo sa kanila.” “Mukhang magiging magandang laro ang mangyayari, Hindi na ako makapaghintay.” “Akala siguro ni Lucas kaya niya akong pabagsakin, psh! Nagkamali siya ng binangga.” Tumayo ako. “Tito, aalis na po ako kailangan kong puntahan ang babae ko.” Ang lapad ng pagkakangiti ni Tito Teo sa’kin. “Kayo na ba ni Lucy?” “Hindi ko pa siya sinasagot Tito, kaya wala kaming relasyon.” Tumawa si Tito Teo sa’kin. “Ngayon lang ako nakakita ng lalaking sasagot sa babae para maging girlfriend. ‘yan ba’ng sinasabi mo e, alam ni Lucy?” “Opo, ilang beses kong sinabi sa kaniya na Wala pa akong balak na sagutin siya.” “Kung ganoon, pahirapan mo muna ang manliligaw mo.” Nakangising sagot ni Tito Teo sa’kin. “Yan, ang gagawin ko Tito, aalis na po ako magpapakita lang ako sa kaniya ngayon. Bye!” sabay hakbang ko palabas ng office. Nagpunta ako sa trabaho ni Lucy upang surpresahin siya. Isang linggo na kasi kaming hindi nagkakaroon ng communication dalawa dahil sa mga secret projects na pinapagawa sa’kin ni Tito Teo na may kinalaman sa Mafia. Paghinto ko pa lang ng kotse ko nilapitan na agad ako ng security guard upang inspeksiyunin ang sasakyan kong dala. Pagkatapos noon hinayaan niya akong makapasok sa loob ng kumpanya na pagmamay-ari ng magulang ni Lucy. “Mr. Denver Santiago?” may pagtataka sa mukha niya nang makita niya ako. In-extend ko naman ang kamay ko upang salubungin siya ng yakap. Ang lapad pa ng pagkakangiti ko sa kaniya. “Auntie!” tawag ko sa kaniya. “Bakit ngayon ka lang nagpakita dito Denver?” pinagmasdan pa niya ang kabuuan ko. “Mas lalong lumapad ang katawan mo ngayon.” Aniya. “Ganyan po talaga kapag Gwapo. Paganda nang paganda ang katawan.” Biro kong sabi. Muli niya akong pinagmasdan at tipid na ngumiti sa’kin. “Puntahan mo na lang si Lucy sa offce niya. See you later Denver.” Pagkatapos umalis na siya. Nagkibit balikat lang ako sa kaniya. Pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa Office ni Lucy, Assistant si Lucy ng ate niyang vice president na ngayon. Inayos ko ang suot kong damit ng nasa tapat na ako ng office ni Lucy. Tapos dahan-dahan kog binuksan ang pintuan. Hanggat maari ayokong makagawa ng anumang ingay na maari niyang pamansin. Gusto ko kasi siyang surpresahin. Ngunit ako pala ang masu-surpresa sa makikita ko. Kuyom ang kamao kong nakatitig sa kanila. May lalaki kasing nakaupo sa harap ng table ni Lucy at kinakausap siya. Nakapatong din sa table ang mga bulaklak at Maliit na box na Cake. Tumikhim ako, “Saglit lang akong nawala nagpapaligaw ka na sa iba.” Seryoso ang pagkakatitig ko ng tumingin siya sa’kin. “Denver?” nakakunot noo niyang bigkas sa pangalan ko. Nilingon naman ako ng lalaking manliligaw ni Lucy at ngumisi sa’kin. “Siya ba ang Boyfriend mo Lucy?” Bago pa maka-sagot si Lucy, lumapit na ako sa kaniya at mabilis ko siyang dinampian ng halik sa pisngi na ikinagulat niya. “My girl, hindi mo ba sinabi sa kutong lupa na ‘yan na kasal na tayo?” “K-kasal kayo?” gulat na gulat na tanong ng lalaki kay Lucy. Nagkatitigan kaming dalawa ni Lucy, alam kong hindi niya alam ang sasabihin sa tanong ng lalaki. “Yes, kasal na kami kaya kung ako sa’yo. Lumayas ka sa harapan ko baka magdilim ang paningin ko. Pulutin ka ng magulang mo sa Morge.” May pagbabanta kong sabi sa kaniya. Agad namang tumayo ang lalaki. At nagmamadaling umalis. Kinuha ko ang dalang cake at bulaklak ng lalaki at tinapon ko sa basurahan. “Cheap!” sabi ko pa. “Anong ginagawa mo ba dito?” tanong ni Lucy habang nakacross-arm ang mga kamay. Sa halip na sagutin ko siya. Pinagmasdan ko siya. “Nawala lang ako saglit nagpapaligaw ka na Miss Lucy Santiago.” Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. “Ang kapal naman ng mukha mong Ikabit ang pangalan ko sa apelyido mo.” Inis niyang sabi sa’kin. “Don’t worry sinasagot na kita ngayon.” Pilyo akong ngumiti sa kaniya. Tumaas ang kilay niya sa’kin. “Anong sabi mo?” “Sinasagot na kita bilang Girlfriend ko. At sinasagot ko na rin ang proposal mo para maging Asawa ako. Ayoko pa sanang sagutin ka. Kaya lang umalis lang ako saglit may bangaw na umaaligid na sa’yo.” “Ibang klase ka rin noh! Ikaw pa ang sasagot sa’kin? Ang kapal ng mukha mo!” Pinagmasdan ko siya. “Okay lang Babae ko, inlove naman ako sa’yo.” I wink. “Ewan ko sa’yo puro ka kayabangan!” sabay irap niya sa’kin. “Let’s go Babae ko. Date tayo!” tumayo ako sa kinauupuan ko. Tumingala siya upang titigan ako. “Hindi mo ba nakikita nasa trabaho ako?” “I know, kaya nga pinag-paalam na kita sa Ate mo. So let’s go!” “Ayoko!” Nagkibit balikat ako. “Okay kung ayaw mong tumayo. Pasasabugin ko na lang ang kumpanya niyo.” “Baliw ka ba!” “Normal na sa’kin iyon babae ko.” Sabi ko pa. Humahaba ang nguso niyang tumayo at sinukbit ang bag niya. Palihim akong nagdiwang. Ang bilis kasing maniwala ng babae ko. Tinitigan niya ako ng masama nang hawakan ko ang kamay niya. “Ang swerte mo babae ko. Hinahawakan ka ng pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo.” Sabay kindat ko sa kaniya. “Ang yabang mo talaga!” inis niyang sagot sa’kin. “Pero mahal mo.” Umiwas siya ng tingin sa’kin. Tapos hindi na siya nagsalita. Dinala ko siya sa Bahay nila Ate Jhoace, nandoon kasi si Kuya Clarence Miguel at kailangan ko silang makausap. Kaya naman hindi maipinta ang mukha ni Lucy ng makarating kami doon. “Akala ko ba magda-date tayo?” tanong niya. “Puntahan muna natin si Ate Jhoace, gusto kong malaman ang nangyari sa kaniya.” “Bakit anong nangyari sa kaniya?” “Hindi pa siguro sinasabi sa inyo na siya ang pinagbibintangan sa pagkamatay ng Asawa ng may mataas na katungkulan sa Mafia Clan.” “Ano? Paanong nangyaring siya?” “Blackmail,” “Kaya pala hindi siya sumasagot sa mga tawag at text ko ganoon pala ang nangyari.” “Yeah, kaya ikaw babae ko mag-iingat ka palagi. Andito na ta’yo.” Sabi ko. Tapos dahan-dahan kong inihinto ang kotse ko sa tapat ng mansion nila Tita Ally, magkahawak kamay kami ni Lucy ng pumasok kami sa loob. Pagpasok naming dalawa ngiting-ngiti si Ate Jhoace at Kuya Clarence sa’ming dalawa ni Lucy. Habang si Lucy naman ay yukong-yuko. “Kayo na ba talaga?” Tanong ni Kuya Clarence Miguel. Nakaupo kaming apat sa mahaba at malambot na sofa. Nanonood sila ng movie habang nagfo-foodtrip ng dumating kami. “Walang kayo! Wala kaming relasyon ng hambog na ‘yan!” sagot n Lucy. “Wag kayong maniwala diyan Ate Jhoace at kuya Clarence Miguel.” Sagot ko. “Alam mo Jhoace? Mas malala pa ‘yang pinsan mo sa’yo. Sobrang Yabang at kapal ng mukha niya.” Nakataas pa ang kilay niya. Hinila ko siya palapit sa’kin at mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko nang gawin ko iyon. Habang si Lucy pulang-pula ang mukha. “Hindi na kami magtatanong pa.” Pilyong sabi ni Kuya Clarence. “Bakit ka pala nandito Denver?” tanong ni Ate Jhoace sa’kin. Seryoso akong tumingin sa kanilang dalawa. “Kailangan mo’ng magtago ate Jhoace. Dahil sa mga oras na ito kumikilos na ang mga tauhan ni Lucas para patayin ka.” “Pero bakit si Lucas ang gustong magpapatay kay Jhoace?” “Simple lang, palalabasin nilang si Tito Teo ang nagpapatay kay Jhoace upang isisi kay Tito Teo ang lahat. May batas ang Mafia na hindi pwedeng ikulong O patayin ang sinumang suspect sa pagpatay sa ka miyembro nito ng hindi nalalaman ang totoo. Kung papatayin si Ate Jhoace ng hindi pa siya nalilitis. Maari nilang paghinalaan si Tito Teo na may kinalaman sa pagpatay O kaya hindi ito naging fair sa paghahatol ng kaparusahan. Kaya naman sinabi ni Tito Teo na kailangan mo’ng magtago.” Nagkatinginan silang dalawa. “Hindi ko kayang mawalay kay Clarence Miguel.” Sagot ni Ate Jhoace. “Sa ngayon Ate, iyon muna ang solusyon sa problema. Maghihintay na lang tayo ng sunod na utos.” Sagot ko. “Mga ilang buwan iyo magtatagal Denver?” tanong ni Kuya Clarence. “Hanggat hindi namin napapatunayan na inusente si Ate Jhoace.” Sagot ko. Hindi ko maaring sabihin na kilala namin kung sino ang tunay na pumatay. Dahil gusto naming alamin kung ano pa ang binabalak nila. Kailangang mapaniwala ang kalaban na wala kaming alam. “Kelan ako aalis?” malungkot na tanong ni Ate Jhoace. “Bukas na bukas din ate Jhoace.” “Mine ko…” niyakap siya ni Kuya Clarence ng mahigpit nakatitig lang kaming dalawa ni Lucy sa kanila. Tumayo ako. “Tatawag na lang ako Ate Jhoace sa’yo mamaya. Aalis na kami ni Lucy.” Hinila ko ang kamay ni Lucy. “Let’s go Babae ko.” “Alis na kami Jhoace, Clarence.” Aniya. “Mag-iingat kayong dalawa.” Sagot ni Ate Jhoace. “Sa condo kita matutulog babae ko.” Sabi ko. “Ano ka sinuswerte!” sagot ni Lucy. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya nagpuppy eyes ako. “Please!” Ilang segundo niya akong pinagmasdan tapos bumuntong-hininga siya. “Fine! Behave ka lang ha!” Ngumiti ako sa kaniya. Tapos pinisil ko ang ilong niya. “Wala tayong gagawin. Maglalaro lang tayo ng bahay-bahayan.” Sabay kindat ko sa kaniya. “Denver!” Binuhat ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng kotse ko. Hindi ko siya hinayaan magsalita dahil pinatahimik ko siya ng isang halik. Hindi niya lang alam kung gaano ko siya namiss. Kung hindi kami kinatok ng guard nila Ate Jhoace. Hindi ko paandarin ang kotse ko. "Bahay-bahayan tayo Babae ko." Pag-uulit ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD