CHAPTER 5
Clarence Miguel's P.O.V.
"Anong tinitingnan mo diyan Mine?" tanong ko kay Jhoace, nakatingin kasi si Jhoace sa labas, habang nakangiti siya.
Tumayo ako sa sofa na kinupuan ko at lumapit ako kay Jhoace na hindi maalis ang tingin sa labas ng mansion.
"Ano ba'ng tinitingnan mo Mine?"
"Look, Denver and Lucy. Nagki-kiss sila sa loob ng kotse." Kilig na kilig na sabi ni Jhoace.
"Paano mo namang nalaman na nagkiss sila sa loob ng kotse? Tinted ang kotse ni Denver isa pa bulletproof din 'yan."
Tumingin siya sa'kin at mahinang tumawa. Tapos sinuklay niya ang buhok. "Ang tagal nila sa kotse dapat kanina pa sila umalis. Kaya alam kong nagkiss sila sa loob."
Hinapit ko ang bewang niya at pilyo akong ngumiti. "Hmmm... alam ko na ang iniisip mo? Kaya mo iyon nasabi dahil gawain mo." Pilyo pa akong ngumiti.
Marahan niya akong hinampas sa dibdib, tapos umingos siya. "Hindi naman sa gano'n kaya lang kasi..
"Aminin mo na kasi Mine ko, base on your Experience right?" Pinulupot ko ang kaway ko sa bewang niya at hinalikan ang leeg niya.
"Mine, tumigil ka nga diyan! Baka dumating sila Mommy." Marahan pa niya akong itulak.
"Let's go upstair." Sabi ko.
Namilog ang mata niya, pagkatapos unti-unting nagkulay mansanas ang mukha niya. "You mean? Here!"
Tumango ako sa kaniya. "Yes, wag mo'ng sabihin hindi pa alam nila Tito at Tita ang nangyayari sa'tin?" nakipagtitigan pa ako sa kaniya.
"My God Clarence Miguel! Hindi ko na kailangan sabihin iyon sa kanila. Isa pa, ayokong dito sa mansion, nahihiya ako sa parents ko."
Pilyo akong ngumiti sa kaniya, muli kong hinapit ang bewang niya, hindi siya tumutol kaya naman hinalikan ko siya sa leeg at sa labi, "Upstair." Pabulong niyang sabi.
Binuhat ko siya at dinala papunta sa kwarto niya. Habang paakyat kami sa hagdan papuntang second floor, hindi ko na tinantanan ang mga labi ni Jhoace, hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko si Jhoace, para siyang paborito kong pagkain na binabalik-balikan ko, alak na habang tumatagal lalong sumasarap.
"Nandito na tayo." I whisper, dahan-dahan ko siyang ibinababa sa malambot na kama niya. Nakapalupot naman ang braso niya sa leeg ko. Pinagmasdam ko siya habang nakapikit si Jhoace at naghihintay ng hakbang.
"Anong oras sila darating?" tanong ko.
Idinilat ni Jhoace ang mga mata at nakipagtitigan sa'kin. "Hindi ko alam Mine."
"Tawagan mo. Baka mahuli tayo."
Mahinang tawa ang narinig ko sa kaniya. "Takot ka pala e," bumangon siya umupo sa kama. Pagkatapos tinawagan niya ang parents niya.
"Hello Dad!"
"Yes, Jhoace."
"Dad, anong oras kayo uuwi nila Mommy? Nagugutom na kasi ako." Alibi niya.
"Nandito na kami sa loob ng bahay. Nasa kwarto ka ba? Pupuntahan kita. May dala kaming pagkain."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jhoace. Napuno tuloy ng hiya ang nararamdaman ko. Siguradong wala na akong mukhang maihaharap kapag nakita ako ni Tito Frits sa loob ng kwarto ni Jhoace.
"Si Daddy!"
"Jhoace! Jhoace! Open the door, my pasalubong kami for you."
Sabay pa kaming napalingon ni Jhoace sa katok at tawag ni Tito Frits. Napatalon tuloy ako sa pababa ng kama. "Saan ako magtatago?"
"Sa ilalim ng kama, dali!"
Daig ko pa ang lumangoy para lang makapagtago sa ilalim ng kama, kilala ko kasi si Tito Frits, kahit malalaki na ang mga anak niya. Parang bata pa rin niya ito kung ituring.
"I'm safe." Halos pabulong kong sabi kay Jhoace.
"Okay, wag kang lalabas diyan."
Naramdaman ko na lang ang mga yabang niya patungo sa pintuan.
"Jhoace, bakit ang tagal mo'ng buksan?" narinig kong sabi ni Tito Frits.
"I'm sorry Dad, masama kasi ang pakiramdam ko." Maarteng sabi ni Jhoace.
"Bakit anong nararamdaman mo?"
"Nahihilo ako at masakit ang ulo. Sobrang stress sa mga problemang dumating." Narinig ko pa ang pagbabago ng boses niya na may kasaboy na pagsinghot-singhot.
"Tell me Jhoace? Are you pregnant?"
Bigla akong nasamid sa narinig ko.
"May kasama ka ba Jhoace?"
"H-ha? Wala po, Guni-guni niyo lang iyon Daddy, let's go! Kumain na nga tayo." Hinihila pa ni Jhoace ang Daddy niya.
Malakas ang Aircon sa loob ng kwarto ni Jhoace. Pero pinagpapawisan ako ng malamig, ang lakas din ng kabog dibdib ko. Habang dinadasal kong wag sana akong mahuli ni Tito Frits.
"Okay sige Anak, sabay-sabay na tayong kumain." Sumulyap pa si Tito Frits bago sumunod kay Jhiace palabas ng kwarto.
Nakailang beses akong huminga ng malalim ng lumabas ako sa pinagtataguan ko. "Muntik na kami doon ah!" dumapa ako sa kama at ipinikit ko saglit ang mga mata ko. Hihintayin ko ang Signal ni Jhoace kung lalabas na ako ng kwarto. Para tuloy kaming mga teenager na natatakot mahuli ng magulang.
Ilang segundo ko pa lang ipinikit ang mga mata ko biglang tumunog ang cellphone ko. Rumehistro sa screen ng Cellphone ko ang pangalan ni Luna, kaya naman hindi ko ito pinag-aksayahang sagutin. Matapos maputol ang ring, tumunog naman ang message tone tanda na mayroong bagong mensahe. Text ni Luna ang bumungad sa'kin.
"Answer my call or else? Magpapadala ako ng mga tauhan diyan sa Mansion nila Jhoace!"
Bago ko pa mabura ang text niya, tumunog muli ang cellphone ko. Inis na inis ako ng Sinagot ko ang tawag.
"What the hell are you?"
Tumawa siya. "Whatever! Puntahan mo ako rito, now!" utos niya sa'kin.
Umusbong ang inis ko sa sinabi niya. "Inuutusan mo ba ako? Ha! Luna,"
"I command you!"
"No way!"
"Then, fine! Hintayin mo na lang na paulanin ng mgq bala ang buong mansion ng mga Santiago. Baka nakakalimutan si Jhoace ang Main Suspect sa pagkamatay ng asawa ng isa sa mga conseho kaya magagawa ko ang gusto kong gawin sa kaniya." Tumawa pa siya.
"Wag na wag mo'ng pakikialaman ang pamilya ni Jhoace kung ayaw mo'ng ubusin namin ang lahi niyo!"
"Kailangan ko ba'ng matakot sa pagbabanta mo? Ha-ha-ha! Maghihintay ako sayo ng kalahating oras dito sa Resto bar na una tayong nagkita. Kapag wala ka pa. Maghanda ka na ng abuloy para sa mga Santiago. Bye!" pinutol niya ang tawag.
Kuyom ang kamao kong lumabas ako ng kwarto ni Jhoace, hindi na ako nagpaalam sa kaniya dahil sigurado akong hindi siya papayag. Mabuti na lang at nasa kusina silang lahat walang makakapansin sa'king lumabas maliban lang sa security guard nila. Pinaharurut ko ang kotse ko papunta sa sinasabing resto bar ni Luna.
"Twenty minutes. Wow! Masyado ka naman natakot sa sinabi ko." Nakangiti niyang sabi.
"Anong kailangan mo?" sabi ko habang nakatayo ako sa harapan niya at pinagmamasdan siya habang umiinom ng alak.
"Sit down Honey, samahan mo akong uminom ngayon." Nilagyan pa niya ako ng alak sa baso.
Nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang nakatingin.
"Oh! C'mon, wag mo naman akong tingnan lang Honey. Kaya kita tinawagan para may makasama akong uminom. Kaya umupo ka na diyan para naman matikman mo ang masarap na alak na special kong in-order para sa'yo." Tumayo siya sa kinauupuan niya at umikot siya sa kinatatayuan ko. Tapos inilapit niya ang bibig niya tenga ko. And she whisper. "Tikman mo na Honey ang alak. Then, willing akong magpatikim sa'yo. Magtikiman tayo." Ang landi pa ng pagkakasabi niya. Tapos tumawa.
"Pumunta ako dito dahil akala ko may gusto kang sabihin sa'kin. I don't need you so please! Go away." Lumayo pa ako sa kaniya.
Aakma siyang lalapitan ako pero tinulak ko siya.
"B*llsh*t! Palay na lumalapit sa'yo ayaw mo pa'ng tukain!" pasigaw niyang sabi.
Siguro sa ibang lalaki, maakit sa itsura niya, ang lalim ng tabas ng tela sa gitnang bahagi ng dibdib niya. Labas na labas ang maumbok nitong dibdib na halos ang korona na lang ng dibdib niya ang tinakpan. Nakasuot siya ng red dress pero hanggang hita lang na may split pa sa gilid. Nakikita tuloy ang suot niyang maikling short or panty. Pero dahil mahal ko si Jhoace hindi niya ako madadala sa pang-aakit niya kahit ilang beses niyang kagat-kagatin ang upper lips niya.
"Good bye Luna."
"Sandali lang Clarence." Hinawakan niya ako sa braso ko, nang humarap akon sa kaniya pinulupot niya ang kamay niya sa batok ko. "Just give me a kiss. Paalisin na kita." Sabi niya.
"Luna, hindi mo alam ang ginawa mo lasing ka na."
Itinapat niya ang isang daliri niya sa bibig ko. "One kiss, at makakauwi ka na." kinagat-kagat pa niya ang labi niya.
"Luna..."
"Please!" Pakiusap ko.
Natahimik ako. Kung pagbigyan ko kaya si Luna para matapos na ang pangungulit niya sa'kin. Huminga ako ng malalim. "I—?"
"Ayy! Ouch!" sigaw ni Luna.
Pag-angat ng mukha ko. Nag-aapoy sa galit si Jhoace. Hila-hila niya ang buhok ni Luna habang kinakaladkad papunta sa table na pwesto niya, napatingin sa'min ang ibang tao dahil sa lakas ng sigaw ni Luna.
"Letche kang babae ka! Haliparot!" Sinabunutan ni Jhoace at sinampal-sampal.
"Stop! Damn it! Clarence pigilan mo si Jhoace!" pagmamakaawa ni Luna.
Kahit nakakamatay ang matalim na titig sa'kin ni Jhoace. Lumapit pa rin ako para awatin siya. "Tama na Mine ko."
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, natakot ako dahil siguradong mahaba-habang suyuan naman ang gagawin ko kay Jhoace. "Wag mo akong pigilan Clarence Miguel!" Awtoridad niyang utos sa'kin.
Biglang umurong ang dila ko sa sinabi niya. Kitang-kita ko kasi ang galit niya. "Jhoace, please!"
Hindi pa siya nakontento lumapit siya kay Luna at sinuntok niya ito. "Alam kong makati ka pa sa higad. Pero ito ang tatandaan mo Luna. Landiin mo na ang lahat ng lalaki sa buong mundo wag lang ang boyfriend ko! Kung ayaw mong manghiram ng mukha sa Aso!"
"He's mine! Ako ang pakakasalan niya! Just remember that." Sagot niya sa kabila ng sampal at suntok na inabot niya kay Jhoace.
Napahalukipkip si Jhoace at nakataas ang kilay. "Funny! Wag kang umaasa hanggat nasa harap mo pa ang Nag-iisang Dyosa. Hindi kailanman mapupunta sa'yo ang boyfriend ko! So back off!" tumalikod si Jhoace na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Jhoace!" tawag ko sa pangalan niya.
Sinundan ko siya hanggang sa maabutan ko siya. "Jhoace, I'm sorry, let me explain."
"Akala siguro ng Luna na yan. Iiyak lang ako sa isang tabi nang magtext siya sa'kin kanina. Stupid! Nagkakamali siya ng kinalaban."
Kumunot ang noo ko. "Nagtext siya sa'yo?"
Tumango siya. "Sabihin mo nga Clarence Miguel! May gusto ka ba kay Luna?" Napansin ko ang namumuong luha sa mga mata niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Wala akong gusto kay Luna. Napilitan akong sumunod dito dahil sabi niya magpapadala siya ng mga tauhan at papaulanin ng bala ang mansion niyo. Ayokong mapahamak kayo dahil sa'kin."
"Ang hirap sa'yo napaniwala ka niya sa sinabi niya. Hindi sila basta-basta makakatuntong sa mansion namin. Wag niyang maliitin ang kakayahan nila Mommy at Daddy."
"Anong ibig mo'ng sabihin Jhoace?" bahagya ko pang inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya upang tingnan siya.
"Simula nang ako ang pangunahing suspect sa pagkamatay ng asawa ni nagpalagay ng mga tauhan si Daddy na magbabantay sa'min."
"Those Securiry guard?"
Tumango siya. "Sinasabi ko sa'yo hindi lang mafia ang pwedeng gumawa, dahil kayang-kaya ni Daddy at Mommy na maghired ng mga bigating tauhan."
"I'm sorry! Hindi ko alam na may plano rin sila Tita at Tito. Sorry na, hindi ko naman pinagbigyan si Luna na halikan siya."
Magsasalita pa sana si Jhoace ngunit nakatanggap siya ng tawag mula kay Denver. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakikipag-usap siya kay Denver, hindi naman kasi niya ni-loud speaker.
"Anong sabi ni Denver?"
"Umalis na daw tayo rito dahil may mga papuntang tauhan sila Luna Para patayin ako."
"Sh*t! Let's go!" hinawan ko ang braso niya upang makapagmadali kaming maakaalis sa lugar na ito.
Naramdaman ko ang paghawak ni Jhoace sa hita ko. Saglit akong napatingin. "I love you Mine ko." She said.
Napangiti ako. Wala na ang moody ni Jhoace. Kung kanina nagtatalo kami. Ngayon para kaming walang pinagtalunan. Sweet na ulit siya. "I love you most." I replied.
"Samahan mo ako kung saan man tayo dalhin ni Denver." Sabi pa niya.
"Kahit sa impyerno O sa langit pa tayo makarating sasamahan kita ganyan kita kamahal Jhoace."
Ngumiti siya at tumingin sa'kin. "I love you honey ko." Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi,
"Hmm... ang daya mo mine ko, hindi ako makaganti sa'yo."
Sige para makabawi ganito na lang ang gagawin ko. Isinanday niya ang ulo niya sa balikat ko. Noong una hindi ako makapagconcentrate dahil amoy na amoy ko ang pabango niya na unti-unting nagbibigay sa'kin ng init ng katawan.