Jhoace P.O.V.
Patingin-tingin ako sa suot ni Luna na damit. Sinadya talaga niyang dumaan sa harapan ko para mapansin siya ni Clarence Miguel sa suot niyang Red Backless na dress. Sinadya pa niyang itali ang buhok niya upang mas lalong lumantad sa paningin ng taong makakakita ang likuran niya.
“Look That Frog, Bitchy Bezy. Akala mo ang hot niya sa suot niya mukha namang frog na nagsuot ng damit.” Pabulong kong sabi kay Shin. Baka kasi marinig ni Clarence Miguel ang sinasabi ko. Dumalo kasi kaming magkakaibigan sa isang birthday party ng isang Negosyanteng kaibigan ng mga Magulang namin. Nasa iisang table kami na kasya ang apat na tao.
Tiningnan ni Shin ang tinutukoy pagkatapos nakangising tumingin siya sa’kin. “Bitchy Bezy, maawa ka sa frog alam mo namang may magandang story tungkol sa Frog. ‘yung frog prince. Hindi siya mukhang princess na i-kiss ng isang lalaki para gumanda.” Sabay ngiti niya sa’kin.
Nilingon ko saglit si Clarence Miguel ng tumayo siya at lumapit sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Pagkatapos muli kong tinuon ng pansin si Shin na hindi inaalis ang tingin kay Luna. “She’s my Enemy Bitchy Bezy. Siya ang third party saming dalawa ni Clarence Miguel.” Matalim pa akong nakatingin kay Luna na noon ay nakikipag-usap sa matandang lalaki.
“Don’t worry Bitchy Bezy, alam mo namang ikaw ang mahal ni CM. Di ba?” tinapik-tapik pa niya ang balikat ko upang pagaanin ang nararamdaman kong inis.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang pangamba dahil kahit kasapi ako ng Mafia may mataas na katungkulan naman ang Daddy ni Luna. Isa din itong Mafia Boss kaya walang-wala akong panalo kung kapangyarihan ang labanan naming dalawa. “May tiwala ako kay Clarence Miguel sa kaniya wala.” Sabay lagok ko ng red wine na nasa kupita ko. Pagkatapos tumayo ako upang magtungo sa Comfort room. “Bitchy Bezy, Saglit lang pupunta lang ako ng comfort room.” Sabi ko sa kaniya.
“Gusto mo ba’ng samahan kita?” tanong niya sa’kin.
Umiling ako tapos nilingon ko si Matt Xander na bising-bisi sa kausap niya sa Cellphone. “Bantayan mo yang Boyfriend mo baka tumakas. Parang may planong takasan ka.” Sinadya ko pang ilakas ang boses ko para marinig ni Matt Xander.
Saglit na binaba ni Matt ang hawak niyang cellphone. Tinakpan niya ng kamay niya ang speaker nito bago nagsalita. “Ikaw talaga Jhoace, kung ano-anong iniisip mo. Kaya si Shin, Paniwalang-paniwala, napa-paranoid na tuloy.” Nakasimangot pa siya ng sumagot.
Pinigil ko ang sarili kong wag tumawa dahil sa naging reaksyon ni Matt Xander. Napikon naman kasi siya kaya sumimangot.
“Peace yow!” nakangiti kong sagot. Tapos umalis na ako. Mamaya na lang ako magtatanong kung nag-away ang dalawa. Pagtutuunan ko muna ng pansin ang nararamdam ko. Feeling ko kasi sasabog na pantog ko. Pagdating ko sa loob ng comfort room eksakto namang walang tao kaya naman mabilis akong nakaihi. Ilang segundo pa lang akong nasa loob ng cubicle ng may marinig akong sigaw ng babae.
“I-ikaw? A-anong kailangan mo sa’kin?” nanginginig pa ang boses nito habang nagsasalita. Gusto kong lumabas upang silipin iyon ngunit wala akong dalang baril. Nakalimutan kong bitbitin ang bag ko.
“Wag! Wag! Wag mo akong patayin! Waaaggg!!”
Tumayo ang balahibo ko at halos malaglag ang puso ko ng marinig ko ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril. Kasabay noon ay ang malakas na tunog na pagbagsak. Nanginginig ang katawan ko sa takot. Kaya naman mabilis kong tinapos ang pag-ihi. Hindi ako lumabas dahil baka bigla na lang itong pumasok kung sinoman ang taong iyon.
“God, sino ba sila?” halos pabulong kong sabi. Pagkatapos nakaamoy ako ng mabahong amoy kaya naman tinakpan ko ang ilong ko gamit ang panyo ko. Pagkatapos napansin ko ang usok na unti-unting bumabalot sa loob ng Comfort room. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit hindi ko ito mabuksan. “Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw ko habang ang isang kamay ko ay hinahampas ang pintuan. “s**t! Clarence sagutin mo please!” sabi ko habang hinintay kong sagutin ni CM ang tawag ko. “s**t! Ano ba! Sagutin mo!” sabi ko pa. Ilang beses na din akong umubo nang umubo dahil sa nalanghap kong usok. Sumisikip na din ang paghinga ko. “C-clarence..” Huling salitang nabigkas ko nang mawalan ako ng malay.
“Jhoace..” Anas ni Clarence Miguel. Bakas sa mukha niya ang pag-alala sa’kin. Habang ang isang kamay niya hawak-hawak ang kamay ko. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid, nasa loob ako ng Hospital. Naroon si Mommy at Daddy, si Bitchy Bezy at si Matt Xander. Bakas sa mukha nila ang matinding pag-alala.
“Anong nangyari?” May pagtataka kong tanong kay Clarence Miguel.
Hinalikan niya ako sa buhok ko. At pilit na ngumiti sa’kin. “Don’t worry Mine, gagawa kami ng sariling imbestigasyon para mapawalang sala ka.”
Kumunoot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”
Huminga siya ng malalim. “Natagpuan kang nasa labas ng Confort room habang may hawak-hawak na baril. At.. si Donya Mercedes Marqueza ang Asawa ni Denaldo Marqueza natagpuang patay at may tatlong tama ng baril. Natagpuan siyang hawak-hawak ang isang teargas.
Biglang nagflashback sa’kin ang nangyari. Noong nakarinig ako ng putok ng baril. Bigla na lang may naamoy akong mabaho at nawalan ako ng malay.
Pinilit kong bumangon sa kabila ng pagkahilo ko. Hinawakan ko ang braso ni Clarence Miguel. “Hindi ako ang pumatay sa kaniya Clarence Miguel! Maniwala ka sa’kin!”
Hinawakan niya ang balikat ko at tinitigan niya ako. “Naniniwala ako sa’yo Mine ko. Pero ang buong Mafia hindi naniniwala lalo na alam nilang ang mag-asawang Marqueza ang kauna-unahang tutol sa pagpapakasal nating dalawa. Iniisip nilang pinatay mo si Donya Mercedes Marqueza dahil tutol siya sa’tin.”
“Maniwala ka sa’kin Mine, hindi ko siya pinatay! Wala akong kinalaman sa pagkamatay niya.” Sagot ko. Naguguluhan ako sa nangyari pero isa lang ang alam ko. Sinadya itong gawin para ako ang pagbintangan.
Niyakap ako ni Clarence Miguel ng mahigpit. Kahit papaano nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob. “I believe you Mine, nandito lang ako. Handang maniwala at tumulong sa’yo. I Love you.” Sagot niya sa’kin.
Tumugon ako sa mga yakap niya. “Thank you Mine.”
“Bitchy Bezy, Clarence Miguel. May mga Mafia sa labas.” Sabad ni Shin Lorraine.
“Mine, humiga ka ulit at magpanggap kang tulog.” Sagot ni Clarence Miguel sa’kin. Iyon naman ang ginawa ko. Muli akong humiga at nagpanggap na tulog. Pagkahiga ko binuksan ni Mommy ang pintuan upang makapasok ang mga Mafia.
“Master Clarence, Gising na ba si Lady Jhoace. Kailangan siyang makausap at litisin sa pagkamatay ni Donya Mercedez Marqueza.” Sabi ng lalaki.
“Hindi pa siya nagigising.” Sagot ni Clarence Miguel.
“Maghihintay na lang kami dito.” Naghanap pa ang mga ito ng mauupuan.
“Excuse me lang sa inyo. Para namang binabastos niyo kaming magulang ni Jhoace. Kami ang magulang niya at may karapatan kaming kung sino ang pwedeng dumalaw sa anak ko. Masyado naman yatang pinakikealaman ang privacy ng anak ko.” Sabad ni Mommy. Nakapameywang pa ito habang nakataas ang kilay niya.
“Wife ko, wag kang makipagtalo sa kanila.” Sabad naman ni Daddy na pinipilit yakapin si Mommy.
“Tumigil ka Frits ha! Wag mo akong pakialaman!” mataray na sagot ni Mommy. Bigla namang nanahimik si Daddy. Kapag kasi galit na si Mommy nanahimik na lang si Daddy at hinahayaan si Mommy.
“Pero siya ang Suspect sa pagkamatay ni Donya Mercedes. Kaya pinag-uutos ng konseho na bantayan siya maigi.” Magalang na sagot ng lalaki.
“Abah! Dinaig niyo pa ang Batas ng Goberyerno. Ano babantayan niyo siya bente kwatro Oras? Nasaan ang warrant of arrest niyo ha! Nasaan!!” pasigaw ni Mommy. Naghihisterikal na si Mommy. Dumadagundong na kasi ang boses niya sa loob ng Patient room at walang sinuman ang makakapigil sa kaniya.
“Pero kasi Ma’am—?”
“SHUT UP STUPID!” pagpuputol ni Mommy sa sasabihin ng lalaki. “Kung wala kayong warrant of arrest makakaalis na kayo. Kung hindi! kayo ang ipapakulong ko! Eat your fuckin Mafia’s Rules. If don’t have any documents or a warrant of Arrest that can prove to us. Then, wala kayong karapatang Panghimasukan ang karapatan ni Jhoace. Get out or else Sisipain ko kayo palabas!!” pasigaw ni Mommy.
“Okay Ma’am, I’ll bring here a warrant of arrest just wait.” Sagot ng lalaki.
“Then go! Bring it! Idiot!” pagtataray ni Mommy.
Katahimikan ang namayani matapos lumabas ng mga mafia. Dumilat ako at nakita ko si Mommy na pulang-pula ang mukha dahil sa galit niya.
“Thank you Mommy.” Sabi ko.
Lumapit si Mommy ay Daddy at niyakap nila ako. “Don’t worry Jhoace, hindi ka makukulong parating na si Tito Teo mo. Tutulungan ka niya.” Sabi pa ni Mommy.
“Salamat Mommy.” Sagot ko.
Hindi ko alam kung anong dahilan nila bakit ako pinagbintangan nila. Gusto ko rin malaman kung bakit pinatay si Donya Marqueza. Sa pagkakatanda ko kilala niya ang taong pumatay sa kaniya. At kung paanong nagtagpuan akong nakahiga na hawak-hawak ang baril.
“Kung sinoman ang nasa likod ng gulong ito. Hindi ko siya mapapatawad. Sabi ko sa isip. Habang pinagmamasdan ko silang lahat na kumakain. Naramdaman ko ang pagpisil sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko. Nakita ko ang kamay ni Clarence Miguel na pinipisil ang kamay ko. Inangat ko ang mukha ko dahilan para magkatitigan kaming dalawa. “Mine..” sabi ko.
Pilit siyang ngumiti sa’kin. “Kakayanin natin ito Mine ko. I love you and I’ll never leave you.” Tapos unti-unti niyang nilapit ang labi niya sa pisngi ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niyang dumampi sa pisngi ko. “I love you too.” Mahinang sagot ko sa kaniya. Pagkatapos pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Dahilan para biglang mamula ang mukha ko. Andoon kasi sila Mommy at Daddy. Kahit naman kasi nasa tamang edad na ako. Nahihiya pa rin akong makita nila Mommy na sweet kami.
“Si Mommy at Daddy.” Pabulong ko sa kaniya.
“Hayaan mo sila napagdaan din nila ito.” Sagot ni Clarence Miguel. Hinigpitan niya ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko tapos hinalikan niya ako sa labi. Pulang-pula ang mukha ko nang tumugon ako. Si Clarence Miguel kasi eh, hindi nahiya kay Mommy at Daddy.
“Wife ko, parang may gusto akong barilin ngayon.” Narinig kong sabi ni Daddy.
“Husbie ko, alin? ‘yung ibon ba’ng nagtutukaan?” sagot ni Mommy.
“Tito Frits, may baril ako dito barilin niyo na nakakainis ang dalawang ibon na ‘yan.” Sabat ni Shin.
“Akin na Shin.” Sagot ni Daddy.
Bigla kong tinulak si Clarence Miguel. Mahirap na baka mabaril si Mine ni Daddy. Pulang-pula ang mukha ko. Hindi ako makatingin ng diretso kay Mommy at Daddy. Parang mas problema ko pa ngayon kung paano kausapin at harapin si Mommy at Daddy ngayon dahil sa sobrang hiya kesa sa problema ko sa Mafia.
“Tito Frits, Pakakasalan ko si Jhoace anumang mangyari.” Inakbayan pa ako ni Clarence Miguel.
"Siguraduhin mo lang Clarence Miguel." Seryosong sagot ni Daddy.
"Magiging kasing Happy din ng love story niyo ang Love story namin ni Jhoace. Promise ko 'yan sa inyo." Sagot pa niya.
Inangat ko ang mukha ko para titigan siya ngunit para lang mamula dahil kinindatan niya ako. Bumilis naman tuloy ang pagtibok ng puso ko.
"I Love you Jhoace Santiago Lugen.” He whisper.
And my cheeks turn to red again.