Clarence Miguel’s P.O.V
“Bakit kailangan kong magpakasal sa babaing hindi ko mahal Dad?” tanong ko sa kaniya habang nasa harap kami ng hapag kainan.
Huminto si Dad sa pagkain gayon din si Mommy tapos nagkatinginan silang dalawa. Tumingin siya sa’kin. “Hindi ko gusto ang plano ng Council. Ako pa rin ang gagawa ng utos.” Sagot niya sa’kin.
Parang bigla naman akong nabuhayan ng marinig ko mula bibig ni Daddy ang sagot sa tanong ko. “So, ako pa rin ang masusunod. Pakakasalan ko si Jhoace makalipas ang taong ito.”
“Sa ngayon wag mo munang isipin ang pagpapakasal. Isipin mo kung paanong hindi mawawala sa’tin ang Kapangyarihang ilipat ang Pagiging Mafia Boss sa anak na lalaki.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit? Anong problema?”
Tumingin sa’kin si Dad habang ang isang kamay nito ay nilalaro ang hawak na tinidora sa plato niya. “Ang Apo ng unang Mafia Boss ay Lumitaw. Gusto niyang bawiin ang trono sa’tin.” Seryosong sagot ni Dad. Kitang-kita ko pa ang pag-alon-alon ng adams apple niya.
“Paanong kukunin niya? Hindi naman siya Dugong Lugen.”
“Tama Hindi siya Dugong Lugen. Pero ang unang Mafia Boss ay hindi Lugen. Kung hindi isang Argallia. Si Donaldo Argallia ay may isang Anak na lalaki ang pangalan ng anak niyang lalaki ay Dencio at ampon na lalaki naman ay Lemuel, at ang ampon na iyon ay ang tatay ng Lolo ko. Labing Isang taong gulang na siya ng ampunin ni Donaldo Argallia. Kaya naman hindi na nito naisipang baguhin ang Apelyido ng Tatay ng lolo ko. Hanggang sa nagbinata sila. Mas kinagiliwan ni Donaldo ang Tatay ng Lolo kesa sa tunay niyang anak. Dahil palagi itong wala at sakit ng ulo ni Donaldo. Hanggang sa nabalitaan na lang ni Donaldo na may Asawa at anak na ito. Kaya ng kinailangang ilipat na ang kapangyarihan. Inilipat ni Donaldo ang pagiging Mafia Boss kay Lemuel Lugen. Ang unang Lugen na naging Mafia Boss. Nagkaroon noon ng pagtatalo tungkol sa bagay na iyon. Lalo ng biglang sumulpot si Dencio. Pilit niyang kinukuha ang Trono bilang isang Mafia Boss. Pero hindi pumayag si Donaldo na ibigay sa sarili niyang anak dahil sa ugali nito. Hindi rin pumayag ang ibang miyembro at council tungkol dito. Kaya wala siyang nagawa noon. Pinatay ni Dencio ang sarili niyang Ama sa harapan ng mafia. Kaya naman hindi rin siyang hinayaang mabuhay ng mga oras na iyon. Nagbigay ng utos ang bagong Mafia Boss na Tanging Lugen lang ang magmamana ng trono bilang isang Mafia Boss. At iyon na nga ang sinusunod nila ngayon. Ngunit biglang sumulpot si Lucas Argallia isang Mafia boss sa ibang Bansa. Nais niyang kunin ang trono ko. Hindi pumayag ang Council at ang iba pa. Sinabi nilang maaring ipakasal na lang ang susunod na mafia boss sa anak niya upang ng sa ganoon mas lumawak pa ang nasasakupan ng Mafia.” Mahabang paliwanag ni Dad.
“Ang ibig bang sabihin niyan. Kailangan kong pakasalan ang Anak niyang si Luna? Kaya pala gano’n na lang ito kadaling nakapasok sa kumpaya na hindi ko man lang alam.”
Seryoso ang mukha ni Daddy ng tumingin siya sa’kin. May pagpupulong kami mamaya Kasama si Lucas, nais niyang malaman ang sagot ko.”
“Paano Dad, kung hindi ka pumayag? Anong maaring mangyari?”
“Aalis ang mga investor ng mga negosyo ng Mafia. At ang ibang sumusuportang May matataas na katungkulan sa iba’t-ibang bansa ay lilipat kay Lucas. Sa ngayon kasi na brain wash niya ang mga ito. Mukhang pinaghandaan na niya ito noong una pa lang.”
“Dad..”
“Wag kang mag-alala mahaba pa ang buwan para magdesisyon. Wag mong masyadong isipin ang mga problemang ito.”
“Wag po kayong pumayag Dad, mahal ko po si Jhoace. Kasal na lang ang kulang sa’min.”
Bumungtong-hininga si Dad. Alam kong higit na mas malaking problema ang kinakaharap niya. Dahil kailangan niyang magdesisyon. At anumang desisyon ang sundin niya. May masasaktan pa rin.
“Masyadong mabigat ang pinag-uusapan natin sa harap ng hapagkainan. Kumain muna tayo.” Sabay kain nilang dalawa ni Mommy. Hindi ko na nagawang galawin ang kinakain ko. Masyadong mabigat ang problema ko.
PAGKATAPOS naming kumain. Sinama ako ni Daddy sa pagpupulong nakita ko ang four blue eaggle na kampanteng-kampanteng kinakawayan si Daddy. Kahit kelan talaga hindi mo makikita sa kanila ang takot. Parang palagi silang relax at nag-e-enjoy sa mga Laban na susuungin nila. Hindi sila natatakot mamatay mas gusto pa nga nilang delikadong misyon. Lalo na si Tito Xenon ang may Bughaw na mata. Palagi siyang may suot na maskara dahil magkamukha talaga sila ni Tito Luke. Mata at taas at pangangatawan lang ang pinagkaiba nilang dalawa. Hinanap ko si Denver wala siya doon. Marahil tulad ng dati bigla-bigla na lang itong susulpot kung saan kapag nasa panganib ka na. Kahit ako napapabilib kay Denver Claide.
“Long Time no see C.M! Lumalaki na katawan natin ah!” bati sa’kin ni Tito Alfred. Niyakap pa niya ako na kulang na lang madurog ang mga buto ko sa katawan.
“Busy po sa trabaho Tito.” Tipid kong sagot. Nakatingin lang sila sa’kin na parang aliw na aliw sa nakikita nila sa’kin.
“Clarence Miguel, Mukhang Ang muli mong pagdalo sa pagpupulong ay isang malaking panganib.” Nakangiting sabi ni Tito Xenon.
Isipin mo na lang na habang sinasabi niya ang salitang panganib masayang-masaya pa siya. Mas nag-aaliw si Tito Xenon kapag may panganib silang sinusuong. Walang kupas talaga ang tapang at lakas ng loob niya.
“Parang ganoon nga po Tito ang nangyayari. Nakakasama lang ako sa pagpupulong kapag may mabigat na problema.” Sagot ko.
Binuga nito ang usok ng sigarilyo na bago siya nagsalita. “Excited na ako sa laban na susuungin natin. Matagal-tagal na din akong walang kalaro. Nakakaboring. Muntikan na akong Mag-aral ng pagpapari sa sobrang boring ng buhay ko at wala akong napapatay na masamang tao.”
“Alam mo Clarence Miguel. Boring na boring si Kuya Xenon. Biruin mo pati ang kalaban ng gobyerno nakisali siya. Pati kami dinamay.” Sabad ni Tito Luffy.
“Anong ibig niyong sabihin?”
“May Tatlong sindikato kaming pinakealaman. Sinugod namin ang kuta nila at nagpanggap kaming mga pulis. Pinulbos namin silang lahat upang may magawa lang kami.”
Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin sila ang may kagagawan ng Nabalitang pagawaan ng droga na nadatnang mga patay na lahat. Ang hinala ng mga pulis na kapwa sindikato ang pumatay dahil nagka-onsehan sa negosyo. Sila pala ang pumatay. Silang apat.. samantalang isang batalyon ang kalaban nila. Mahigit Isang daang tauhan ang nakalaban nila sa bawat pagawaan ng droga. Nakakabilib silang apat. Parang hindi sila tao.
“Kayo rin ba ang pumatay sa tatlong Mayor, limang Congresissta at dalawang gobernador na nabalitaang na ambush?”
“Oo mga kasabwat ang mga iyon. Isa-isahin namin ang mga kasabwat habang wala pa kaming kakalabin sa Mafia.” Sabad naman ni Tito Alfred.
“Sadya talagang gustong maging superhero ni Kuya Xenon kaya niya gustong patayin ang lahat.” Sabad ni Tito Liam.
“Tinutulungan ko lang ang goberyo natin. Tutal wala namang nahuhuli. Isa pa naboboring ako noong mga nagdaang buwan at araw.”
Naputol ang pag-uusap namin ng pumasok kami sa loob ng bulwagan. Naroon na ang mga may matataas na katungkulan sa Mafia at si Lucas ang Mafia Boss ng Englatera. Umupo si Dad sa gitna at kami ay nasa kaliwang bahagi malapit sa kanya. Pabilog ang pagkakadisenyo ng lugar na iyo at napapaligiran ng mga Cctv camera.
“Anong dahilan bakit nais niyo akong makausap?” panimula ni Dad.
“Lord Teo, nagpatawag kami ng isang pagpupulong upang pagbigyan ang hiling ng Mafia Boss ng englatera. Si Lucas Argallia.”
Tumayo pa si Lucas upang ipakilala ang sarili. “Maraming salamat sa pagpapakilala.” Nakakainsultong tumingin siya kay Dad. “ Mukhang mamahalin at kumportable ka sa iyong kinauupuan Teo. Masyado namang ikinatutuwa ito para sa hamak na Alipin.” Sarkastikong sabi ni Lucas.
Kuyom ang kamao ko dahil sa pambabastos niya kay Daddy. Gustong-gusto kong sugurin at barilin ito kung hindi lang hinawakan ni Tito Alfred ang kamay ko.
“Relax lang, kaya ‘yan ng Daddy mo.”
“Pero Tito?”
“Just relax. Okay!”
“Kalabisan ang pang-iinsulto mo saming Lord Teo. Maari kang patawan ng parusa.” Sagot ng lalaking may mahabang balbas.
Matalim na tumingin si Lucas dito. “Wala kayo sa posisyon niyong yan kung hindi dahil sa aking ninuno.” Sagot niya dito.
“You have no right to insulting me. Sa harapan pa ng aking mga nasasakupan Lucas. Tandaan mo nasa loob ka ng aming Lungga. Maari kitang ipapatay anumang oras.” Kampanteng sagot ni Dad.
“Tama nga ang nabalitaan ko sayo Teo. Higit na mas matalim ang pangil mo sa isang nagwawalang tigre sa kagubatan. Dapat ba akong ma—?”
Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil sa balang dumaplis sa tenga niya. Nang tingnan namin si Daddy may hawak itong baril. Kumilos naman ang mga kasamang tauhan ni Lucas. Ngunit mas mabilis kumilos ang Four Blue eaggle sa kanila. Kaya bago pa nila mahawakan ang baril nila nakatutok sa sintido nila ang mga baril ng four blue eaggle.
“Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Lucas.
“Matuto kang gumalang sa’kin. Lord Teo ang tawag ng sinumang humihingi sa’kin ng pabor.” Seryosong sagot ni Dad.
“Paumanhin Lord Teo.” Sagot ni Lucas. Para itong maamong tupa ng magsalita.
“Anong dahilan ng pagpupulong na ito?” deretsong tanong ni Dad. Sa tono ng boses niya mapapansin mo ang pagpipigil ng galit niya.
“Nais ni Lucas na Ipakasal ang kanyang kaisa-isang Anak na babae sa susunod na Mafia Boss ng sa ganoon mas lumawak pa ang kapangyarihan ng mga Lugen Clan.”
“Wag kang pumayag Dad!” sabad ko.
Tinitigan ni Dad si Lucas pagkatapos tumawa siya ng malakas. “Bakit naman ako papayag sa gusto mo?”
“Kung hindi ka papayag sa gusto ko. Mawawala sayo ang investor mo at mga kilalang tao na sumuporta sayo. Sinasalba lang kita sa kahihiyan Lord Teo.” Sagot ni Lucas.
Matalim na tumingin si Daddy. “Kung ganoon! Malaya kayong makakaalis sa aking pamamahala. Bukas ang pintuan. Ngunit ang sinumang umalis at tumalikod sakin ay hindi na maaring bumalik pa.” mariing sabi ni Dad.
“Pero Lord Teo. Kapag hindi tayo nakisama sa kanila unti-unti tayong mawawalang ng kapangyarihan.”
“Inuulit ko maluwag ang pintuan ng sinomang tatalikod sa ilalim ng aking pamamahala. Ngunit hindi na kayo makakabalik pa!” tumayo si Dad. At lumapit kay Lucas tapos tinitigan niya ng masama. “Hindi ang isang tulad mo Lucas ang susundin ko Hindi ako papayag na magkaroon ka ng kaugnayan sa Lugen Clan hanggat ako ang Mafia Boss! Tandaan mo yan!”
Ngumisi si Lucas. “Kung ganoon bilangin mo na ang araw na ilalagi mo sa mundong ibabaw.”
Nakakalokong ngumiti si Dad. “Hindi pa pinapangak ang taong papatay sa’kin. Si Satanas nga pinagtabuhayan ako papunta dito sa lupa. Ikaw pa! Paunahan na lang kung sino sa’tin ang maagang ililibing sa lupa!” sabay alis ni Dad.
“Lord Teo!” tawag ni Lucas.
Huminto si Dad at nilingon siya.
“Bukas na bukas masisira ka sa mga sumusuporta sayo!”
May dinukot si Dad sa bulsa niya isang bolang maliit na kasing laki ng bola ng jack stone. “Dahil ba dito?” nakangising tanong ni Dad.
“Paanong napunta sa’yo yan?” takang tanong ni Lucas.
Isang video Record ito na naglalaman ng napag-usapang ngayon. Tumawa si Daddy. “Sinabi ko naman sa’yo Lucas. Mas tuso pa ako kay Satanas!” sabay talikod ni Dad.
Napasunod lang ako kay Daddy. Masyado akong humahanga kay Daddy. Paano niyang nalaman na may binabalak si Lucas. Napakagaling talaga ni Dad.
“Clarence Miguel, hanggat ako ang Mafia Boss. Hindi ka magpapakasal sa babaing hindi mo gusto.” Sabad ni Dad, habang naglalakad kami.
“Salamat po Daddy. Pero paano ang mga titiwalag sa’yo?”
“Hindi dapat pinanghihinayangan ang mga taong walang tiwala sayo.” Sagot ni Dad.
Nanahimik ako. Mas magiging mabigat ang kakaharapin naming problema ngayon ni Jhoace. Sana malampasan namin ang lahat ng ito.