"May gusto ka bang sabihin?" pukaw ko rito. Para kasing may gusto itong sabihin na hindi nito mai-voice out, nahihiya?
"W-ala naman." Inilapag nito ang laptop saka napabuntonghininga. Sumandal ito sa upuan kaya napasunod ang tingin ko rito.
Pati ang paghagod nito sa magulong buhok ay hindi nakaligtas sa mapanuri kong tingin. Sexy--- hoy, Claudette! Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa naisip. Kailan pa ako na-sexy-han sa asawa ng kakambal ko? Nasisiraan na yata ako ng bait.
"Magsabi ka lang kung nagugutom ka. Ipaghahanda kita." Napatingin ako sa labi nito habang nagsasalita s'ya.
Parang masyado namang nang-aakit ang labi nitong iyon--- Clau! Ano ba? Nag-o-offer na nga ng kabutihan iyong tao, tapos may marumi ka pang naiisip laban sa kanya. Muli kong kastigo sa sarili, kung pwede lang iuntog ang ulo para matauhan. Kaso naalala ko, may tama pa nga pala iyon. Hindi pwedeng masaktan dahil baka mas lalong magkaproblema.
"Busog pa ako."
"Pwede rin tayong om-order para naman hindi na tayo magluto."
"Pwede rin. Ako na lang ang mag-order." Prisinta ko rito.
"Use my phone." Iniabot nito iyon sa akin. Nagpasalamat ako nang makuha iyon.
Nang buksan ko iyon ay agad tumambad ang larawan ni Timothy at Meri, naka-wallpaper ang dalawa. Halatang katatapos sa isang mainit na tagpo. Nakayakap pa ang babae sa lalaki, ang mukha ay nakasubsob sa leeg ni Tim. Mabilis kong inalis sa parteng iyon. O-order lang ako, hindi ko kailangan titigan ang larawan ng matagal. Sa larawan kasi ay kita ang katawan ng lalaki, dibdib at abs. Ang pababa ay nakatakip na ng kumot na kulay puti. Nakakapaglaway--- the heck?
"Are you okay, Clau?" tanong ni Tim sa akin.
Legit na concern naman ang makikita roon.
"Y-es! O-order na ako." Tumango naman ito saka tumayo.
"Saglit lang, may kukunin lang ako sa kwarto." Napasunod ang tingin ko sa lalaki. Sa pang-upo nito sumentro ang tingin ko. Napakagatlabi ako, saktong lumingon ito. Pakiramdam ko'y nahuli nitong nakatitig ako sa pang-upo nito. Gosh! Bakit ba nagkakalat ako ngayon? Stress na ako, hindi pa man ako nagtatagal dito ay pakiramdam ko'y ang dami ko ng kasalanan sa kakambal ko.
Naiwan akong mag-isa sa sala, binalewala lang naman ng lalaki ang pagkakahuli nito sa aki .
Ibinalik ko ang atensyon ko sa tv pagkatapos kong mai-place ang order ko. Ang cellphone ni Tim ay inilapag ko sa table. Natutukso akong silipin muli ang wallpaper nito, kaso mali iyon. Nakakatukso pero hindi iyon tama.
Napatingin ako sa hagdan nang marinig ko ang yabag nito.
This time topless na ang lalaki. Ang t-shirt nito ay nakasabit na lang sa balikat nito. May bitbit itong electric fan.
"Ang init 'no?" ani nito nang tuluyang makababa. Isinaksak nito ang electric fan saka iyon binuksan. Kaya pala nag-topless, naiinitan ito. Parang nananadyang nagpalakad-lakad pa ito sa harap ng tv. Binuksan ang bintana, hinawi ang kurtina. Habang ako, kunwari'y sa tv lang ang atensyon. Pero ang totoo, pasimpleng pinagmamasdan ko ang magandang katawan nito.
Nagkakasala na ako! Kung tatayo naman ako at magtutungo sa silid ay tiyak na magtataka ang lalaki na walang kamalay-malay na marumi na ang naiisip ko.
Ang buti-buti nito sa akin. Tapos pag-iisipan ko lang s'ya ng gano'n. Napakagaga ko sa part na iyon.
Pero tukso ring bumaba sa bakat nito ang tingin ko.
"Medyo mainit nga." Tugon ko sabay iwas nang tingin.
"I think kailangan na ring palagyan ng air-con itong sala. Para kapag nakapwesto tayo nila Meri rito ay hindi na kailangan ng electric fan." Bahagya pa nito in-adjust ang electric fan. Pero kahit nakatalikod na ito ay waring tukso na nagpla-play sa aking isipan ang nakita kong bakat nito.
Damn!
"B-alik na muna ako sa kwarto ko." Iyon na lang ang nakita kong solution para iwasang isipin ang mga gano'ng bagay.
"No, d'yan ka muna. Hintayin na natin iyong pagkain para makakain ka muna bago ka magpahinga sa loob." Lumapit pa ito at pinigil akong tumayo. Napalunok ako ng laway dahil mas lumapit ang view ng abs nito sa paningin ko.
Malalaswang tagpo ang agad na pumasok sa isipan ko. Ako... kasama si Timothy sa isang mainit na tagpo. Bahagya kong kinagat ang labi ko para man lang matauhan. Nang mag-angat ako nang tingin para iwasang titigan ang matipuno nitong katawan ay nagtama naman ang tingin namin ng lalaki. Bahagya itong ngumiti.
"Dito ka lang muna. Mamaya ko na itutuloy iyong trabaho ko. Patapos naman na iyon, kung gusto mo ay magkwentuhan muna tayo." Saka ito bumalik sa pwesto n'ya kanina.
Ano namang pagkwekwentuhan namin?
"Wala naman akong ikwekwento. Ikaw na lang ang magkwento, lalo't wala rin naman akong maalala dahil sa aksidente." Udyok ko rito. Mas mabuti pa siguro iyon, at baka makatulong pa sa sitwasyon ko.
"Ano bang pwedeng ikwento sa 'yo?" waring nag-iisip pa ito.
"Ikwento mo nga sa akin kung paano ka nag-propose kay Meridette."
"Ah, iyon ba? Well, una akong nag-propose sa kanya, after college. Kaso tinanggihan n'ya. Hindi pa raw kami ready no'n, kasi wala pa kaming napapatunayan. Muntik kaming maghiwalay no'n kasi akala ko ayaw n'ya lang talaga akong maging asawa. The second one, noong birthday, ilang taon na ba s'ya noon? Ah, basta! Iyong second proposal ko, tinanggihan din n'ya ako kasi kasagsagan ng mga opportunities sa buhay naming dalawa. The third one, tinanggap na n'ya."
"Then, nagpakasal na kayo?"
"No. Nagkaproblema kami ni Meri, parehong abala sa trabaho at halos walang oras sa isa't isa."
"Pero naging kayo pa rin sa huli kahit abala sa mga trabaho n'yo. I'm so happy sa inyong dalawa." Bahagya lang ngumiti si Timothy.
"Thanks, Clau."
"Kaya number 1 fan ako ng relasyon n'yong dalawa eh. Ang tibay ninyong dalawa. Deserve n'yo talagang maging masaya."
"Talaga?" tumango ako rito."Alam ba ni Meri na may fan kami?"
Napahagikgik ako. Sabay tango rito.
"Oo, alam n'ya. Natawa nga rin s'ya noong sabihin ko sa kanya iyon."
"Funny. Hindi kami celebrity pero may fan kami na kasingganda ng asawa ko."
"Oo naman!" napukaw ang usapan ng dumating ang order. Agad na lumabas si Timothy. Ako naman ay tumayo gamit ang tungkod at humakbang patungo sa kusina. Medyo makirot ang binti, pero kinaya namang makarating.
"Clau?" dinig kong ani ni Timothy.
"Nandito ako sa kusina." Sigaw ko rito para marinig n'ya. Agad namang dumating ang lalaki.
"Upo ka na, ako na ang maghahanda." Awat nito nang akmang kukuha ako ng plato para sa amin. Nasakto pang sa kamay ko lumapag ang mainit nitong palad. Parang nag-init din ang mukha ko na agad binawi iyon.
"Kukuha na lang ako ng tubig." Hindi makuhang sulyapan ang lalaki na lumapit naman ako sa ref. Bago ko pa maabot ang pitsel ay naramdaman ko ang pagdikit ng katawan ni Timothy sa likod ko.
"Ako na." Napapikit ako nang bumulong ito sa tenga ko. Masyadong sexy ang boses nito. Nakakadala.
"K-aya ko naman." Ang pagkakadikit ng katawan namin ay nagdadala ng kakaibang init sa aking katawan. Epekto lang ito ng pagsosolo naming dalawa rito sa bahay. Masyado lang akong nadadala, for sure mawawala rin ito.
Pero mas dumikit pa ang katawan ni Timothy sa likod. Ang sagwang tignan lalo't asawa ito ng kapatid ko.
"T-imothy!" mahinang ani ko rito.
"Ako na ang kukuha ng tubig. Maupo ka na lang, baka kasi sumakit na naman ang binti mo." Mukha namang wala lang sa lalaki ang pagkakadikit nito sa akin, pero sa akin may epekto.
Lumusot na lang ako para makaalis sa harap ng ref dahil ilang na ilang na ako.
Nang sulyapan ko si Timothy ay parang namalikmata pa ako, para kasi itong nakangisi pero nang muli kong tignan ay wala naman.
Naupo ako sa palagi kong pwesto at hinintay itong makakuha ng tubig. Pizza lang iyon at dalawang order ng spaghetti.
"Cheese?" alok nito sa akin. May hawak itong cheese na agad kong tinanggap.
"Thanks."
Napukaw ang atensyon namin ng mag-ring ang phone nito.
"Wait lang." Paalam nito saka dali-daling tumayo at tinungo ang sala.
"Meridette?" dinig kong ani ni Timothy.
"Oo, nag-order na lang kami. Anong oras ka ba makakauwi? Okay, Sige. See you." Saka narinig ko ang yabag ni Timothy na pabalik ng kusina.
"Uuwi rin daw s'ya agad. Biglang nagkaroon ng emergency iyong mga kaibigan n'ya kaya pabalik na s'ya."
"Really. Bukuran na lang natin ng food para pagdating n'ya ay may makain na s'ya."
"Mabuti pa nga. Itatabi ko na lang itong spaghetti ko tapos share na lang tayo ng sa 'yo."
"Sige. Marami naman ito eh." Nakangiting sagot ko rito.
Pero akala kong share ay hahatiin talaga n'ya, kaso hindi na ito kumuha ng plato. Iisang plato lang ang lalagyan ng spaghetti. Habang kumakain ito ng pizza ay kumukuha na lang ito sa plato ko. Normal na normal lang naman iyon sa lalaki. Ako lang talaga itong nag-iisip ng hindi maganda.
"May dumi---" napaawang ang labi ko nang abutin nito ang gilid ng labi ko at punasan iyon gamit ang daliri n'ya. Saka nito inilapit sa bibig n'ya ang daliring ginamit at bahagyang isinubo iyon. Sa totoo lang, gulat na gulat ako. Pero umarte pa rin akong wala lang iyon.
Hiling ko na lang na sana ay dumating na si Meri. Hindi na okay itong takbo ng utak ko.
"A-ng sarap nitong spaghetti na ito, 'no?" komento ko para ialis ang bara ng lalamunan ko.
"Yes, favorite mo nga itong ino-order." Napatingin ako rito.
"Really?" gulat na ani ko rito.
"Yes. Palagi mo ring request sa asawa ko na dalhin namin sa apartment mo kapag nagagawi kami roon."
"Kaya pala pamilyar ang lasa. Masarap."
"Nakalimot man ang isip mo, may mga bagay ka pa ring hindi nakalimutan." Napangiti ako, mabuti naman kung gano'n. Napatitig ako saglit sa balikat nito.
"May tattoo ka pala." Parang natigilan pa ang lalaki. Nakita ko ang tattoo nito sa balikat. "REDDY? Short for Meridette? Pinaganda lang ang spelling?" pabirong tanong ko rito.
"Yes. A very special name."
"Mahal na mahal mo si Meri. Pina-tattoo mo pa ang pangalan."
"Mahal na mahal ko si Reddy." Seryosong ani nito.
"Ramdam ko," ani ko rito.
"Kain tayo. Kailangan nating ubusin ito dahil ayaw na ayaw ni Meri na may natitirang pagkain." Tumango ako rito. Hindi pa man kami tapos kumain ay narinig na namin ang sasakyan ni Meri na papasok ng garahe.
Ilang minuto pa ay naririnig na namin ang masayang pagtawag ng kakambal ko sa pangalan namin. Dumeretso ito sa kusina na agad humalik sa pisngi ko saka humalik sa pisngi ni Timothy. Agad akong nag-iwas nang tingin.
"Kain tayo." Yaya ko rito.
"Naiinis ako sa mga kaibigan ko. Magyayaya tapos biglang magkakaroon nang gagawin." Reklamo nito sabay upo sa tabi ng asawa. Agad inilapit ni Tim ang spaghetti sa harap ni Meri na agad namang hinarap ng babae.
Napangiwi ako nang kumuha pa rin si Tim sa plato ko.
Baka magalit naman si Meri sa ginagawa n'ya eh. Kaya nang makakuha ito ay pasimpleng hinila ko iyon palapit sa akin. Saka kumuha ako ng pizza.
"Ang short lang tuloy ng bonding time namin. Next time talaga yayayain ko na lang silang mag-check in sa hotel tapos mag-iinom kami ng sagad."
"Meri!" pasimpleng saway ko rito. Ito talaga, nakalimutan ata nitong may asawa na s'ya.
"Ano ka ba, twin! Sanay na itong si Timothy sa mga escapade ko. Palagi naman akong lumalabas. Okay lang kay Timothy iyon."
"Kailangan din ni Meri na makapag-relax." Segunda ni Timothy.
Parang hindi naman. Pero dahil okay lang naman iyon sa mag-asawa ay nanahimik na ako.
Mas mabilis na natapos si Meri sa pagkain n'ya.
"Akyat na muna ako. Ilagay n'yo na lang sa lababo tapos ako na ang maghugas."
"Sunod ka na, Tim. Ako na ang bahala rito." Udyok ko sa lalaki.
"Ito naman, hindi pa nga ako tapos kumain." Natawa si Meri na paalis na. Hinila naman ni Tim ang platong may lamang spaghetti."See, hindi pa ako tapos kumain." Tagilid tuloy ang naging ngiti ko.
"Sige, kain ka lang d'yan."
Ilang minuto ko rin itong hinintay na matapos. Pero hindi pa rin ito pumayag na magligpit ako. Pinaalis pa nga ako nito. Kaya no choice, kung 'di sundin na lang ito. Akmang tutungo na ako sa silid nang napahinto ako at mapatitig sa larawan na nakadikit sa dingding. Ang wedding picture na naman ng mag-asawa ang kumuha ng atensyon ko.
Hindi ko napansin na napatagal na ang titig doon.
"Meri," napasinghap ako nang may mga kamay na pumulupot sa bewang ko sabay sapo sa dalawang dibdib ko, nilamas nito iyon ng dalawang beses. Dama ko ang gigil. Labis akong nabigla.
"Hoy!" gulat na ani ko. Parang nabigla din si Tim na hindi ata napansin ang tungkod ko. Natabig nito iyon nang alisin nito ang kamay sa dibdib ko.
"C-laudette?" gulat na ani nito.
"Oh my gosh!" parang ayaw mag-sink in sa utak ko nang ginawa nito. Gosh, pakiramdam ko'y nasa dibdib ko pa ang dalawang palad nito dahil damang-dama ko pa rin iyon.
"I'm so sorry, akala ko si Meridette. Palagi kasi s'yang tumatayo d'yan at tinititigan ang wedding picture naming dalawa." Hingi nito ng paumanhin.
"K-alimutan mo na iyon." Nahihiya at hindi na makatingin dito. Saka ako tumalikod at dumeretso na sa silid ko. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko sa labis na kahihiyan. Kung pwede lang lamunin na ako ng lupa sa labis na hiya na nararamdaman ko ay ayos lang. Lamunin na kung lamunin.