Maaga akong nagising. Sabado ngayon, tiyak na tulog pa si Meri at Timothy. Nang sipatin ko ang oras ay nakita kong 6:25 am pa lang. Gamit ang saklay na inipit ko sa kaliwang balikat ko ay maingat akong lumabas.
Sala agad ang bungad pagbukas ko ng pinto. Gising na si Timothy at Meri. Nasa sala ang mga ito at parehong nakaharap sa laptop nila.
"Ang aga n'yo namang gumising." Parang nahiya tuloy ako. Akala ko maaga na iyong 6:20 na gising ko. Mas maaga pala ang mga ito.
"Good morning, Claudette." Bati ni Timothy.
"Good morning, twin! Ganito talaga kami rito, 5 am pa lang ay gising na kahit araw ng sabado o kaya'y linggo." Tugon naman ni Meridette. Humakbang ako patungo sa isang couch. Nakakahiya naman kung deretso sa kusina.
"Ipagtitimpla kita ng gatas." Agad na prisinta ni Timothy."Ikaw, love?" tanong ni Tim kay Meri.
"Fresh juice na lang, love." Tugon naman ng kakambal ko sa asawa n'ya.
"Ako na lang ang magtitimpla. Gusto kong magkape." Mabilis na ani ko kay Tim."Ako na lang din ang maghanda ng fresh juice. Ipagpatuloy n'yo lang ang ginagawa n'yo."
Saka ako tumayo.
"Hindi na, ako na ang bahala." Si Timothy na agad isinara ang laptop at agad na tumayo. Napatayo rin tuloy ako sa tulong ng saklay ko.
"Sundan mo na, mag-breakfast ka na rin." Udyok ni Meri. Sa sobrang aga nila, nakapaghanda na rin sila ng breakfast. Tumango ako rito saka humakbang patungo sa kusina.
"Ayaw mo ng gatas, iyong kape mo ba ay lalagyan ko ng gatas?" tanong ni Tim. Dahan-dahan nagsalubong ang aking kilay.
Lumingon ito nang hindi ako tumugon.
"Kape na may kalahating spoon ng powder milk. Ayaw mo ng ibang cream sa kape mo. Kaunting asukal, kape at gatas, tama?" nakangiting tanong nito.
"T-ama. Paano mong nalaman?" nagkibitbalikat ito.
"Well, observant ako. Sa tuwing kasama ka namin ni Meri ay gano'n ang ginagawa mo."
"Ah, okay. Ang galing mo naman. Samantalang ako, hindi ko alam kung ano ba ang gusto ng kakambal ko." Komento ko. Nang makapagtimpla ito ng kape ko ay agad na ipinatong nito iyon sa table.
"Maupo ka na. Paghahainan na lang kita."
"Naku! Ako na ang gagawa. Mukhang busy pa kayo ni Meri."
"Upo na, madali lang naman ito." Nagsandok ito ng sinangag na kanin, sa isang platito ay inilagay nito ang itlog at tocino, may hotdog din itong inilagay saka ketchup sa gilid.
"Salamat, Tim." Nakangiting ani ko habang nakatitig sa pagkaing inihain nito.
"Tubig." Ipinatong nito iyon sa table.
"Okay na ako. Balik ka na sa sala." Tumango ito saka humakbang na palabas. Bitbit ang baso na may fresh juice ni Meridette.
Nagsimula akong kumain. Pero panaka-nakang humihigot sa kape na si Tim ang nagtimpla. Napangiti ako nang malasahan ko ang paborito kong timpla ng kape ko.
Habang kumakain ako'y pumasok naman si Meridette.
Ipinatong nito ang gamot ko sa table.
"Clau, tumawag kagabi si Mama."
"Talaga?" hindi interested na tanong ko rito. Tumango ito. Hinila ang upuan na malapit sa akin.
"Oo. Pwede ka raw ba nilang bisitahin dito?"
"Lah, bahay mo ito. Bakit ako ang tinatanong mo?"
"Ikaw ang bibisitahin. Kahit bahay ko ito, ikaw pa rin ang masusunod kung gusto mo bang harapin sila."
"Ayaw ko, Meri." Honest na sagot ko rito.
Napabuntonghininga ito.
"Matanda na sila Mama at Papa. Alam kong dala-dala mo pa rin hanggang ngayon ang sama ng loob mo sa kanila, pero maaayos n'yo lang ito kapag sinubukan mong pagbuksan sila ng pinto sa buhay mo."
"Pero noong malakas pa sila, hindi naman nila ako pinagbuksan ng pinto noon. Naiwan ako, si Lolo Jesusa lang ang mayroon ako." Bukas naman akong magsabi kay Meri ng sama ng loob ko sa magulang ko. Alam nito ang dala-dala kong hinanakit kay Mama at Papa.
"Sana talaga dumating ang panahon na subukan nating mabuo tayo."
"Meri, ikaw lang at si Lola Jesusa ang family ko." Tumango na lang ito.
"Magdadahilan na lang ako kay Mama. Huwag mo munang stress-in ang sarili mo.
"Salamat, sis." Bahagya nitong pinisil ang palad ko.
"Iyan ang gamot mo. May lakad ako later, kikitain ko sila Veronica at Zendy." Tukoy nito sa dalawang matalik nitong kaibigan."Gusto mo bang sumama?" tanong nito sa akin.
Mabilis naman akong umiling.
"Alam mo namang naiilang ako kay Veronica at Zendy, eh!"
"Ito naman, maaarte lang naman kasi iyong mga iyon. Pero mababait sila." Alam ko namang mababait sila. Pero hindi ko lang siguro talaga masakyan ang trip nila.
"Hindi ko lang siguro talaga masabayan ang mga trip nila." Honest na ani ko rito.
"Sige na nga. Maiiwan kayo ni Tim dito. Hindi s'ya sasama dahil may ginagawa s'yang trabaho. Kung hindi kayo makapag-prepare ng pagkain ay mag-order na lang kayo."
"Sige. Madalas ka bang lumabas, Meri?" hindi ko napigil na tanong dito.
"Kapag weekends lang naman. Saka thrice a month, depende sa schedule ng dalawang iyon. Hindi rin naman ako lumalabas kapag busy sila."
"Okay." Tugon ko rito.
"Sige, balik muna ako sa sala. Tapusin ko lang iyong trabaho ko, bago ako aalis." Humalik pa ito sa sintido ko bago umalis ng kusina.
Ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan ko. Medyo nangawit ang binti pero nakuha kong tapusin ang paglilinis sa kusina. Nang wala ng gagawin doon ay lumabas na ako, busy pa rin si Tim. Hindi ko na nakita si Meri, sa tingin ko'y naghahanda na ito sa pag-alis.
Balak kong mag-shower kaya naman nanguha ako ng pamalit.
Ang banyo sa first floor ay nasa tabi ng kusina. Kaya naman kailangan ko pang lumabas ng silid, nadaanan ko si Tim na napatingin sa akin.
Nginitian ko lang ito saka nilagpasan ito at pumasok muli ng kusina. Bitbit ko ang bihasan.
"Clau, alis na ako." Anunsyo ni Meri. Nakapasok na ako ng banyo. Isinandal ko lang ang saklay sa gilid ng pinto. Saka ko isinabit ang pamalit sa lagayan. May inilagay na upuan si Tim kagabi roon para roon ako maupo. Saglit akong naupo roon.
"Alis na ako ha! Bye, love!" dinig ko pang ani ni Meri bago tumahimik ang kabahayan.
Mabilis akong naghubad. Walang itinirang saplot sa katawan dahil tiyak na ako lang din naman ang mahihirapan kung mababasa lang iyon later. Binuksan ko ang shower. Iwas na iwas na mabasa ang isang paa.
Nag-shampoo muna ako bago nagsabon ng katawan. Mariin ding nakapikit upang hindi malagyan ng sabon ang mata.
Pakanta-kanta pa ako nang bahagyang umuga ang kinauupuan ko.
Dahil sa sabon dumulas ako sa kinauupuan ko at napatili.
"Claudette?" dinig kong ani ng natatarantang lalaki."Clau?"
"Ouch!" daing ko dahil sa bumagsak na balakang. Hindi pa nga okay ang paa ko, tapos dumagdag pa itong balakang ko."Aray!" mahinang daing ko. Nasaktan talaga sa pagkakabagsak. Mariin pa rin akong nakapikit dahil sa bula. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ko nai-lock? Iyon agad ang tanong sa utak ko. Pilit akong tumayo, pero muli ring napaupo dahil sa madulas na tiles. Naramdaman ko ang pagpasok ni Timothy, kahit nakapikit ako at hindi ito makita ay dama ko ang presensya nito.
"I'm sorry na pumasok na ako. Aalalayan kitang tumayo." Naramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko.
"K-aya ko na." Hiyang-hiya na ani ko rito. Wala akong saplot sa katawan ko. Tiyak kong kitang-kita na nito ang katawan ko.
"Sorry, pero tutulungan kitang makaupo. Don't worry hindi ako nakatingin." Sagot ng lalaki. Nang subukan kong imulat ang mata ko ay napatingin ako sa mukha nito. Nakapikit nga ito. Naiupo naman n'ya ako nang maayos.
"S-alamat, ako na ang bahala rito."
"No. Baka madulas ka ulit. Paliliguan na kita. Ibinilan ka sa akin ni Meri."
"T-im!" alam kong mabait ang mag-asawa sa akin, pero hindi naman na ito tama. Hindi matutuwa si Meri kapag nalaman n'ya ito. Hindi rin magandang tignan.
"Don't worry. Wala akong masamang intensyon. Paliliguan na kita." Napakagatlabi ako.
"Kaya kong maligo." Mahinang ani ko rito ngunit hindi nakinig ang lalaki. Binuksan na nito ang shower.
"Ako na ang magsasabon." Awat ko rito."L-abas ka na, Tim." Nakikiusap na ani ko rito.
"No. Huwag makulit, Claudette. Paliliguan kita. Iche-check ko rin later ang balakang mo. Baka napuruhan." Giit nito. Natigilan ako nang dumampi sa aking likuran ang kamay ng lalaki. Waring ikinakalat nito ang sabon doon.
"This is wrong." Ilang na ilang ako.
"Kung bibigyan mo ng malisya, yes. Pero wala akong ibang intensyon kung 'di tulungan ka." Napakagatlabi ako nang dumapo sa bandang batok ko ang palad nito.
"Ako na." Awat ko sa kamay nito. Siguro'y bilisan ko na lang ang pagligo ko. Masyadong mabait ang lalaki para gawin pa ito.
Napasinghap ako nang muli kong maramdaman ang palad nito sa gilid ng dibdib ko.
"Tim!"
Huminto ang lalaki. Muli nitong binuksan ang shower.
Ang mga sandaling iyon na ata ang pinaka-awkward na pakiramdam ko sa tanang buhay ko.
Nang matapos akong maligo sa tulong nito ay s'ya rin ang nag-abot ng towel ko. Nakatalikod na nga lang ako rito para hindi mabuyangyang ng tuluyan ang katawan ko eh. Tinutuyo ko pa lang ang katawan ko nang ilagay nito sa ulo ko ang isa pang towel saka n'ya sinimulang punasan din iyon.
Noong nasa ospital ako, si Meri at ang dalawang nurse na babae ang tumutulong sa akin. Si Meri ang nag-a-assist sa mga ganitong bagay.
Kaya ngayon, hiyang-hiya ako. Ayaw kong magkaroon ng negatibong kahulugan sa kahit na sino ang existence ko sa bahay ng kapatid ko. Hindi ko makuhang tignan si Tim na walang kibo. Nang iabot nito sa akin ang underwear ko ay gusto ko na lang talagang tuluyang lumubog.
In-assist pa rin ako nito habang nagbibihis ako. Nang tignan ko ito, nakita ko naman itong nakapikit.
Nang matapos magbihis ay agad ako nitong binuhat.
"Iyong saklay ko." Mahinang ani ko rito.
"Babalikan ko na lang." Sagot ng lalaki. Dinala n'ya ako sa sala at pinaupo sa single couch.
"D'yan ka muna. Kukunin ko iyong saklay mo. Check ko rin later ang balakang mo."
Nakakalat pa iyong damit ko roon. Nakakahiya. Pero mukhang balak ding ayusin ng lalaki.
Saka paano nitong iche-check ang balakang ko? Nakakahiya naman naman na masyado.
Para hindi na maisip ang kahihiyan ay binuksan ko na lang ang tv gamit ang remote na nakapatong sa center table. Papatayin ko na lang kapag nagsimula na ulit sa trabaho si Tim.
Nang bumalik ito'y may dala na itong maliit na bote ng panghilot. Pamilyar sa akin iyon dahil madalas kong gamitin iyon kapag may nararamdaman akong kirot sa katawan ko.
"Saan banda masakit?" tanong nito. Nanlaki ang mata ko ng bahagya n'ya akong hawiin patagilid. Kusa rin akong napaturo s balakang kong nasaktan. Napapikit ako nang lagyan na nito iyon ng likodo na mula sa botelya. Napadaing ako nang dumiin iyon doon.
Saglit lang ang itinagal. Nakaramdam ako ng ginhawa.
"Okay na?" tanong nito sa akin.
"O-oo, salamat." Ngumiti ito saka casual lang na bumalik ito sa laptop n'ya.
Nakita n'yang dinampot ko ang remote.
"Ililipat mo?" tanong nito sa akin.
"H-indi. Papatayin ko na."
"Pero nanonood ka pa?"
"Babalik ka na sa trabaho, 'di ba?"
"It's okay. Mukhang maganda rin iyang pinapanood mo. Manood ka lang." Ngumiti pa ito saka dinampot ang laptop n'ya.
"S-ige." Sagot ko rito. Simpleng-simple lang si Tim, pero sa pagkakatanda ko ay malaki ang company na pinamamahalaan nito. Nabangit ni Meri sa akin noon na gusto n'yang sa simpleng bahay lang tumira, kaya siguro sa ganitong bahay lang sila. Maganda naman, may tatlong kwarto. Isa sa baba, dalawa sa taas.
Simple lang talaga. Ang mukhang mamahalin nga lang dito ay ang magarang sasakyan sa garahe. Dalawa iyon at pag-aari pareho ni Timothy.
Ibinalik ko ang tingin sa tv. Medyo hininaan ko na lang iyon para hindi magambala ang lalaki. Dinampot ko rin ang suklay, kay Meri naman siguro iyon. Habang tutok ang tingin sa tv ay nagsusuklay ako.
Nakikita ko rin sa peripheral vision ko ang panaka-nakang pagsulyap ng asawa ni Meri sa akin. Pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Baka kapag binigyan ko ng kahulugan ang kabaitan nito ay baka pagsisihan ko lang.