Pumasok si Tim at Meri sa trabaho, ako naiwan dito sa kanilang bahay. Tulog, kain, nood ng tv. Bored na bored na ako pero wala namang magawang iba dahil nananakit pa rin ang paa ko.
Nasa sala ako, alas-4 ng hapon. Nakahiga sa couch at nagpasyang umidlip muna.
Patulog na nga, kaso naramdaman ko na may labing lumapat sa labi ko. Ang mabangong amoy ng panlalaking pabago ang nanuot din sa aking ilong. Agad akong napamulat ng mata, shock man pero nakuha kong itulak agad ang pangahas na lalaki.
"Tim... hindi ako si Meri!" takot na ani ko. Nanlaki naman ang mata nito.
"Oh God! I'm so sorry. Akala ko ay ikaw ang asawa ko. Sabi kasi n'ya ay mauuna s'yang umuwi. Hihintayin ako rito sa sala." Pulang-pula ang mukha ng lalaki, pati na ang leeg at tenga nito.
Agad akong bumangon ngunit napadaing dahil sa pagragasa ng kirot sa parteng binti. Agad kong hinawakan iyon at mariing diniinan.
"Let me do that." Bahagya nitong hinawi ang kamay ko saka pumalit ang mainit nitong kamay sa parteng hinawakan ko kanina.
"T-im, sana maging maingat ka. Ayaw kong mag-isip ng masama ang kakambal ko sa akin, sa ating dalawa." Mahinang bulong ko rito.
"I'm really sorry, Clau. Akala ko talaga ikaw si Meri. H-indi na mauulit."
"Mahirap bang i-recognize ang pagkakaiba namin?" takang ani ko rito.
"Yeah. Halos pareho rin kayo ng gawi."
"Pero asawa mo s'ya. Dapat sa unang tingin ay alam mo agad kung sino ang asawa mo."
"Y-eah." Mukha namang na guilty ito kaya tinapik ko ang balikat nito. Huminto na ito sa marahang pagpisil. Saka s'ya tumayo.
"Gusto mo bang mag-merienda?" tanong nito sa akin.
"Huwag ka nang mag-abala. Mamaya na lang." Tangi ko.
"Maghahanda pa rin ako, excuse me." Napasunod ang tingin ko rito. Hindi maiwasang haplusin ang labing nilapatan ng labi nito.
Ano na lang ang iisipin ni Meridette kapag naaktuhan n'ya kami sa ganoong tagpo? Ang bait-bait ng kakambal ko sa akin. My God!
Dapat siguro'y maaga pa lang bumalik na agad ako sa apartment ko, eh. Hindi pwede iyong ganito. Natatakot ako, what if sa ginagawa ni Timothy ay matukso rin ako? Natatakot akong makasira ng relasyon, masira ang samahan naming magkapatid, at matukso sa lalaking off limit.
Ano naman ang dahilang sasabihin ko sa kapatid ko? Napahilot tuloy ako sa sintido. Umakyat si Timothy sa second floor. Pagbaba nito ay naka-boxer shorts lang ito.
Parang nananadya na lumapit pa sa akin, hantad na hantad ang maganda nitong katawan. Inabot nito ang remote na nasa tagiliran ko.
Pwede naman nitong sabihin! Pero parang nananadya, hindi ko maiwasang mapalunok sa labis na shock.
Damn this man! Ano bang trip nito sa buhay? Ang kilala kong Timothy ay hindi kayang gumawa nang ikasisira ng relationship nila ni Meridette. Mahal na mahal nito ang kakambal ko. Pero pareho n'ya kaming inilalapit sa tukso, eh. Kahit pa parang ginagawa nito ang mga bagay na walang malisya. Iba ang nagiging dating sa akin.
Nang makuha nito ang remote ay humarap ito sa tv. Saka binuksan iyon. Nang hindi bumukas ay lumapit pa sa TV saka yumuko para silipin ang saksakan. Dumako ang tingin ko sa pang-upo nito.
Kusang napalunok, ako ang nahihiya sa takbo ng isip ko ngayon.
Pinagnanasaan ko ba ang asawa ng kapatid ko? Damn!
Nang bumukas na ang TV ay inilagay nito iyon sa chanel na madalas kong panoorin. Iyong talk show na panghapon.
Saka nito inilapag sa mesa ang remote.
"Maghahanda lang ako ng merienda." S'ya itong galing sa trabaho pero s'ya rin itong kumikilos para asikasuhin ako. Pabigat na talaga ang dating ko sa pamamahay na ito.
"Clau, naligo ka na ba?"
"Ha?" gulat na ani ko sa tanong nito. Inamoy ko tuloy ang sarili, ang magkabilang kili-kili, yumuko pa para roon sa ibaba. Hindi naman ako mabaho. Naamoy ba nito? Wala naman, ah!
Lumabas ito.
"Naligo ka na ba?" casual na tanong ni Timothy sa akin.
"Hoy! Huwag mo ng problemahin iyong pagligo ko." Nahihiyang ani ko rito.
"Nahihiya ka pa rin? Kapatid ka ng asawa ko. Aasikasuhin kita lalo't narito sa ka bahay namin."
"Pero..."
"Walang malisya. Tapusin ko lang ang paghahanda ng merienda." Tumalikod na ito at bumalik sa kusina. Mariin akong napapikit. Kung pwede lang gumapang pabalik sa apartment ko makauwi lang, gagawin ko na talaga.
Nagpasya akong i-text si Meri. Baka sakaling maaga itong makauwi at s'ya na lang ang mag-asikaso sa akin.
"What time ka uuwi?" sinend ko agad iyon dito.
Limang minutong paghihintay, nag-ring ang phone ko.
"Meri!"
"Clau, mamaya pa ako makauwi. Hindi sinasagot ni Tim iyong tawag ko sa kanya. Mukhang naka-silent ang phone n'ya. Pakisabi pupunta kami sa steak house ng mga katrabaho ko." Lunes pa lang, gusto ko sanang sabihin iyon dito. Hindi na naman nito makakasabay ang asawa nito sa pagkain.
Pero wala naman akong say sa bagay na iyon.
"Nagkayayaan kasi. May pag-uusapan din kami regarding doon sa next project namin." Architect si Meri, gano'n din si Timothy. Pero may negosyong pinatatakbo ang lalaki.
"G-anoon ba?"
"Yes. Pakisabi na lang sa kanya na gagabihin ako. Iyong gamot mo, huwag mong kalimutan inumin. I love you, twin!" mabilis ding ibinaba ang tawag. Bagsak ang panga na napatitig ako sa cellphone ko. Putol na ang tawag, ibinaba na n'ya! Iyong babaeng iyon talaga, buti nagwo-work pa ang relasyon nilang mag-asawa sa hobby n'yang iyon. Parang mas marami pa itong oras na kasama ang ibang tao kaysa kay Tim.
"Merienda tayo?" nakangiting ani ng lalaki na lumabas bitbit ang tray kung saan may sandwich at dalawang baso ng juice.
"S-alamat."
"Sino iyong kausap mo? Si Meri ba? Anong sabi? Pauwi na ba s'ya? Akala ko talaga nakauwi na s'ya kanina." Inilapag na nito sa table ang tray saka dinampot ang isang baso ng juice at inilapag sa tapat ko.
"O-oo, si Meri. May meeting pa raw s'ya."
"Gano'n ba? Tiyak na pagod na pagod na naman iyon pag-uwi." Mas nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito kaysa pagdaramdam. Nakahinga ako nang maluwag. Mukha namang okay si Timothy sa set up nila. Hindi na ako dapat pang mag-alala na makaapekto sa kanila ang pagiging abala ni Meri sa ibang bagay.
Dumampot ito ng sandwich at iniabot sa akin. Nagpasalamat ako rito. Dumampot din s'ya ng kanya, akala ko tutungo s'ya sa single couch pero umupo ito sa tabi ko. Kaunti lang ang distance mula sa akin.
"Gusto mo bang sa labas na lang din tayo kumain?" tanong nito saka malaki ang ginawang pagkagat sa sandwich n'ya.
"H-a?"
"Sabi ko sa labas na lang tayo kumain. May masarap na restaurant sa labas lang nitong subdivision---" muling nag-ring ang phone ko. Si Meri iyon. Agad kong sinagot ang tawag.
"Si Tim?"
"Nandito, saglit ipasa ko sa kanya." Agad kong inilahad iyon sa lalaki na tinanggap naman nito.
"Hi, Love!" magiliw na bati ni Tim sa kanyang asawa. Ibinalik ko ang tingin sa TV.
"Hindi ka namin makakasabay ng dinner? Sad---" bahagya humagikgik ang lalaki. Sa tingin ko'y may sinabing nakakatawa si Meri sa asawa nito.
"Sa labas na lang pala kami kakain. Iyong restaurant sa labas ng subdivision... Sige! Kung kailangan mo ng sundo magsabi ka kaagad. I love you, love."
Sabay abot sa akin. Hindi pa pinatay ni Meri ang phone.
"Meri?"
"Twin, sa labas na lang kayo kumain ni Timothy. Tiyak na kapag walang kasabay iyan ay hindi na naman kakain ng dinner."
"Okay---"
"Pakisabi rin kay Tim na i-check n'ya ang phone n'ya. Baka naka-silent."
"Oo, Sige! Tim, tignan mo raw ang phone mo baka naka-silent."
"Oh, lowbat na. Naka-charge sa room namin."
"Na-lowbat pala. Nagcha-charge pa raw."
"Oh, I get it! I need to hung up na. Sabihin mo tatawag na lang ako later. Samahan mo s'yang mag-dinner, ha!" bilin nito bago ibinaba ang tawag. Napabuntonghininga ako.
"Sa labas na tayo kakain. 7 pm." Tumango ako rito. Nagpasyang abalahin ang atensyon sa pagkain ng sandwich at panonood ng TV.
Nang matapos kami ay si Tim pa rin ang nagligpit. Ako naman ay nagtungo sa silid gamit ang saklay saka kumuha ng pamalit.
Maliligo muna ako.
Nang makumpleto ang kailangan ay maingat ang bawat hakbang na nagtungo sa banyo na nasa kusina. Saktong nakasalubong ko si Tim.
"Tulungan na kita."
"Tim, hindi magandang tignan na tutulungan mo ako sa pagligo ko. Kaya ko na ito." Tangi ko rito.
"Pero---"
"Kaya ko na, please!" nakikiusap na ani ko. Napabuntonghininga ang lalaki saka hinayaan na akong makadaan. Pumasok ako sa banyo saka ini-lock ang pinto. Umupo muna ako sa upuan saka inisa-isang tanggalin ang kasuotan.
Sa mga naging kilos ko'y nakaramdam muli ako ng hilo. Kaya hindi talaga dapat na nagkikilos. Mariin akong pumikit. Hinintay na kumalma.
"Clau? Are you okay?" siguro'y nakikiramdam ang lalaki sa labas ng pinto. Marahil ay nagtataka ito na wala pa akong ingay na nagagawa rito sa loob. Hindi agad ako nakasagot."Clau?" kumatok na ito.
"A-yos lang ako." Sagot ko rito.
"I don't think so..." napadilat ako nang marinig ko ang pagsuksok ng susi sa pinto.
"Tim!" reklamo ko nang pumasok ang lalaki.
"Nangako ako na aalagaan din kita sa kapatid mo. Kapag may nangyaring masama sa 'yo, tiyak na hindi ko alam ang sasabihin ko kay Meridette."
"Pero kasi..."
"Paliliguan kita." Nangilabot ako sa sinabi nito. Hilo lang naman ang naramdaman ko, tapos iyong palyado kong paa na hindi ko mailakad. Hindi na kailangan ng assistance nito.
Ano bang tingin ng lalaki sa akin? Paslit? Sa tingin ba nito ay hindi ako naaapektuhan sa pagiging malapit nito sa akin. Nakatalikod ako rito. Kuyom na kuyom ang kamao. Kinakalma ang sarili.
Nang abutin ni Timothy ang shower head ay bahagya pang dumikit sa likod ko ang kataw--- no, masyado naman akong banal kung sasabihin kong katawan lang iyon. Alam ko kung ano ang dumikit sa akin, p*********i nito iyon, damang-dama ko kahit pa nakasuot ito ng boxer shorts. Ewan ko kung may suot itong brief. Napahugot ako nang malalim na buntonghininga. Para kasi akong kakapusin ng hangin at ang tanging paraan lang para makahinga nang maayos ay huminga nang malalim.
Nang buksan nito ang shower ay tinanong pa ako nito kung ayos lang ang temperatura ng tubig.
Sakto lang sa akin ang malamig. Kailangan kong magising, dahil iba ang nagiging takbo ng utak ko.
Hawak lang nito ang shower. Nakatalikod ako rito, nagsimula akong maligo na hindi iniisip na nasa likod ko lang ang lalaki.
Pag-alis ko rito sa bahay na ito, tiyak na hindi ko na kayang harapin ang lalaki. Puro kahihiyan na ang naipon ko sa bahay na ito.
"Let me---" napasinghap ako nang awatin nito ang kamay ko at ito na ang nagpatuloy sa paghilod sa likod ko na hindi ko maabot.
"Timothy!"
"Hayaan mo lang ako, Claudette." Sobrang lapit ng labi nito sa aking tenga. Bahagya pa nga iyong tumatama kaya mas lalo akong kinilabutan.
Para akong nanigas sa pagkakaupo. Nang magsimulang humagod ang palad nito sa leeg ko'y para nang nag-init ang katawan ko.
Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang ang brother-in-law ko ay nagagawa akong hiluran ng ganito. Ang paghilod nito sa likod ko'y umabot sa bandang bewang.
"Kaya ko na d'yan." Napasinghap at mabilis na tinabig ko ang kamay nito.
Pero ang kamay nito ay lumipat lang sa balikat ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mas lalo akong nahirapang huminga.
Marahang humahaplos.
"T-im?"kabadong bigkas ko sa pangalan ng brother-in-law ko. Ano bang tumatakbo sa utak ng isang ito?
"Hayaan mo lang ako, C-lau." Mahinang ani nito. Ang malamig na tinig ay parang nanunuot sa aking mga buto. Pakiramdam ko'y may ibang epekto rin sa aking gitna ang tagpong. Pakiramdam ko'y hindi lang ang malamig na tubig ang bumabasa roon sa aking hiyas, may iba pa. Nakakahiya man, pero iyon ang katotohanan.
"Pero---" natutukso ako. Hindi ko alam kung nasaan ang katinuan ko sa mga oras na ito. Marahang dumausdos ang palad ni Tim pababa sa aking dibdib. Impit akong napadaing.
Dapat itulak ko! Pero iyong dapat, hindi ko magawa sa mga oras na ito. Bakit hinahayaan ko ito sa kapangahasan n'yang iyon? Bakit?