Awkward. Iyon ang nararamdaman ko habang pinanonood si Timothy at Meridette. Sinusubuan ni Timothy ang kakambal ko na halos tanggihan ang soup na iniluto ni Timothy para sa kanya. Hindi lang kitchen island ang pwenestuhan namin ng lalaki. Hindi ito nakontento roon, pati na sa lababo at sa banyo ay narating namin kanina. Sex. Iyon ba ang kulang sa kanila at sa akin n'ya kinukuha? Pero bakit kailangan n'ya pang mag-effort? Nahuli ako ni Meridette na nakatitig sa kanila. Pilit itong ngumiti sa akin, halatang masama talaga ang pakiramdam n'ya. "Uminom ka muna ng gamot." Utos ni Timothy pagkatapos kumain ni Meridette, hindi naman n'ya naubos. Tinanggap iyon ni Meridette. Pero kitang-kita ko na hindi naman nito iyon ininom. Hindi napansin ng kanyang asawa dahil ipinatong ni Tim sa cent