Hawak-hawak nito ang kamay ko habang naglalakad kami sa garden ng hotel. Katatapos lang naming mag-dinner at niyaya n'ya akong maglakad-lakad muna. Ilan-ilan lang naman ang tao sa part na ito. Most of the guest ay nasa swimming pool ng hotel at nagpa-party. Mas gusto ko rito, tahimik. Hindi ko rin kailangan makipag-plastic-an sa mga tao para lang masabing friendly. Dito, kami lang ni Timothy ang mag-uusap. Walang alak, walang maingay. "Nilalamig ka ba?" masuyong tanong nito sa akin. Umupo kami sa bench at agad ako nitong inakbayan sabay yakap. "Hindi na." Totoo naman kasi, kanina nilalamig ako. Ngayong yakap na ako nito, hindi na. "Dahil ba yakap na kita?" marahan akong tumango rito. Parang nag-iba ang ihip ng hangin. No'n todo tanggi ako. Ngayon unti-unti na akong nagiging kom