"Clau, masakit ang ulo ko. Pwede ka bang pumunta rito sa bahay? Nakauwi na ako. Absent muna ako ngayon. Wala akong kasama." Dito na kami nakatulog sa couch ni Timothy. Naghihilik pa ang lalaki, tamang-tama naman nagising ako at tumunog ang cellphone ko tanda na may natanggap akong text. Tinapik-tapik ko si Timothy. "Tim, nag-text si Meri. Pupuntahan ko s'ya." Tumayo ako pero mabilis nitong hinawakan ang braso ko at inawat ako. Parang naalimpungatan lang ito at pilit pang idinidilat ang kanyang mata. "W-hat?" salubong ang kilay na tanong nito sa akin. "Si Meridette, nag-text. Masakit daw ang ulo n'ya. Nasa bahay na ninyo s'ya." "Nagkukumahog ka dahil lang masakit ang ulo n'ya?" iretableng tanong nito. Halatang hindi maganda ang epekto nang biglang pagkagising nito. "Pupuntahan ko