#8

1207 Words
Ajax "SAKAY NA." Untag niya sa dalaga. Mataman lang itong nakatingin sa kaniya para bang sinusukat nito kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Nakangiting hinimas niya si Mustang, ang pinaka paborito niyang kabayo. Ngayon araw, ililibot niya si Lenny sa buong rancho. Balisa at nakangiwi ang labi nito nang tumingin sa kaniya. "Maglakad na lang kaya tayo, parang mas safe iyon." Nag-aalangan wika nito. Gusto niyang matawa, halatang diskumpyado ito kay Mustang. Nginitian niya si Lenny. "Kung lalakarin natin baka abutin tayo ng tatlong araw sa paglibot ng buong rancho." Aniya. Halos limang hektarya ang lawak ng rancho. Kaya hindi uubra ang lakad. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkaasiwa at pag aalinlangan. Hindi niya mawari kung sa kaniya ba ito naaasiwa o sa kabayo. Mukhang kasi walang balak gumalaw ang dalaga kaya siya na mismo ang kumilos. Hinapit niya ito sa beywang at buong tikas niya itong binuhat pasakay kay Mustang. Tumili ito ng malakas sa gulat. "A-Ajax! Ano ba! baka mahulog ako." Pumalatak ito. Nakangising tumalon siya pasakay sa kabayo at niyapos palapit sa katawan niya ang dalaga. "Hold tight, don't worry, sweetie. I won't let you fall unless to me." Pilyong biro niya. "Pag ako talaga nahulog dito. Sasamain ka, Ayy kabayo!" angil nito at biglang napatili sabay hawak ng mahigpit sa saddle. Pinatakbo niya kasi agad si Mustang. Natatawa siya dahil sa patuloy na pagtili ni Lenny. Tila takot na takot itong mahulog. "Stop!Ajax!" Malakas na sigaw nito. Hinigpitan niya ang pag maniobra sa saddle at marahan pinahinto ang kabayo. Sa gulat niya ng biglang pumalahaw ng iyak ang dalaga. Kinabahan siya. "H-Hey, I'm sorry. Binibiro lang kita, gusto ko lang naman..." "I hate you! I'm scared can't you see? Ang panget mo magbiro kahit kailan, ang selfish mo." Galit na sabi nito sa kaniya. Medyo tinamaan siya doon. Napabuga siya ng hangin. "I-I'm sorry. Sorry na." Mahinang wika niya. Wala naman siyang intensyon na takutin ito o ano pa man, nais lang niyang ma-enjoy nito ang pagsakay sa kabayo. Huminga siya nang malalim. Mukhang masyadong siyang nagmadali, binigla niya ang dalaga. At dahil, magkadikit ang kanilang katawan. Ramdam niya ang paghagulgol nito habang nakatakip ang mukha gamit ang dalawang palad nito. Bumaba siya sa kabayo. Humalukipkip siya sa gilid habang inaantay ang dalaga na tumigil sa pag iyak. Ganoon kasi si Lenny, pag umiiyak ito noon gusto nito ng space, ayaw nitong inaalo. Kaya naman, hinahantay niya ito matapos umiyak. At pagkalmado na ito. Bati na sila ulit. Ewan nga lang niya ngayon. Mayamaya ay tumigil na ito sa paghikbi. "A-Ajax," tawag nito sa pangalan niya. "Don't worry. Lalakad na lang ako. Stay there dahan-dahan ko lang ilalakad si Mustang." Malambing na bigkas niya. Marahan niyang hinawakan ang tali at iginiya palakad ang kabayo habang nakasakay pa rin si Lenny. Para hindi ito matakot, dapat masanay muna ito sa pagsakay kaya nakaalalay lang siya, sumasabay sa mabagal na paglakad ng kabayo. "P-Pasensya ka na, takot kasi ako sa heights." pasinghot-singhot na hingi ng pasensya ng dalaga. "I know. No need to apologized, ako dapat ang mag-sorry. Binigla kita kahit alam kong takot ka sa heights. Gusto ko lang kasi magustuhan mo rin ang pagsakay sa kabayo nang mabilis. I'm sorry again." Lintanya niya. Hindi naman kumibo ang dalaga. Wrong move ka, Ajax. Imbes dagdag pogi points, minus points ka na agad. Tsk! usal niya sa isip. Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating sila sa taniman ng maisan. Sinalubong naman agad siya ng mga ilan trabahanteng nag-uumpisa nang mag-harvest ng mais. "Magandang tanghali po, Sir Ajax." bati ng mga ito sa kaniya. Gumanti siya ng bati at nginitian ang mga ito. Lumingon siya kay Lenny, nakatulalang nakatunghay ito sa malawak na taniman ng mais. "Tara na," yakag niya rito. Muli niya itong hinawakan sa beywang at hinapit para buhatin pababa. Kumapit naman ito kaagad sa batok niya nang mahigpit pero mas kinagulat niya ang paglingkis ng mga hita nito sa beywang niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng init sa katawan dahil sa posisyon nilang iyon. Mahigpit itong nakalingkis ng yakap sa kaniya. Gusto niyang matawa, wala ba ito balak magpababa? "Sweetie, kaya kitang buhatin maghapon kung gusto mo, sabihin mo lang." Pilyong wika niya sabay hapit din ng braso niya sa beywang nito. "Sir! Aba'y may nobya na pala kayo." "Ang aga-aga pa Sir. May gan'yan na agad." "Naku Sir! halatang ayaw ka nang pakawalan ng nobya mo. Kasalan na ba kasunod niyan?" Natawa siya sa mga biro ng mga trabahante niya. Pero mukhang natauhan na ang dalaga kaya bigla itong bumitaw sa kaniya at mahinang tinulak siya. Pulang-pula ang mukha ng dalaga dahil sa hiya. God! still cute everytime she blush like that. Adorable. "Tyansingero ka!" mahinang angil ni Lenny sa kaniya. "Ako? ikaw nga diyan ang nangyayakap ng walang pasabi e, kung gusto mo magpabuhat habang nag-iikot tayo, ayos lang din sa'kin basta walang sisihan pag nawalan ako ng kontrol." Isang nakakalokong ngisi ang ginawa niya sabay kindat pa sa dalaga. Umingos ito at umarteng nasusuya. "Sorry naman! hindi sadya iyon. 'Wag kang feeling diyan." Pinaikot pa nito ang mata sabay isnab sa kaniya. Pagak siyang natawa at naiiling. Iginiya na lamang niya ito patungon sa mga trabahante. Kinamusta niya isa-isa ang mga tauhan at kung maayos ba ang pag-harvest. Ipinakilala niya rin sa lahat si Lenny. Binati naman ng lahat ang dalaga. Magiliw naman sumagot ang dalaga sa ibang tanong ng mga tauhan niya, nakipag-biruan din ito. "Ito, Ma'am Lenny. Masarap po iyan pag nilaga, matamis po." Nag abot ang mga ito ng dalawang supot ng puting mais sa dalaga. Binigyan din siya ng dalawang supot na dilaw na mais. "Bukas po Ma'am, daan ka po uli. Gagawa ang asawa ko ng binatog. Para makatikim po kayo." Saad na pang aanyaya ni Mang Nestor. Isa sa mga matandang trabahante. "Talaga po? Sige po, dadaan po ako uli." Nakangiting tugon ng dalaga. Mukha naman giliw na giliw ang lahat kay Lenny. Nang matapos makipag-kwentuhan. Niyaya niya rin ang dalaga na umikot pa patungo sa taniman ng niyog at saging. "Sobrang laki pala talaga ng Rancho." kapagkuwa'y bigkas ng dalaga habang nakatitig sa mga hayop sa paligid. May mga kambing, baka, kalabaw, manok at kabayo na makikita. Ito na ang naging buhay niya sa nakalipas na taon. "Nakakatuwa. Nahawakan mo nang mahusay ang rancho. You did a great job. Lahat ng trabahante, kasundo mo at nire-respeto ka nila ng sobra." dugtong uli ng dalaga. Parehas na silang nakasakay kay Mustang. Nakatalikod sa kaniya ang dalaga kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pero damang-dama niya na nagustuhan nito ang bagong Rancho. "Nahirapan ako nong umpisa. 'Yung tiwala at respeto binibigay nila pinaghirapan ko 'yon ng ilan taon." "Masaya ako na sa kabila ng nangyari, maganda naman ang naging resulta ng paghihirap mo. You deserves to be respected." Bahagyang nilingon siya ni Lenny, nagtama ang kanilang mga mata. Nakangiti ang dalaga sa kaniya. How he miss her smile. Marahan niyang inilapit ang labi sa labi ng dalaga, umangat ang isang kamay niya sa batok nito at saka walang babalang sinakop ng mga labi niya ang labi nito. "Na-miss ko ang lips mo. Ang sarap mong halikan..lasang panutsa." Sambit niya sa pagitan ng paghalik rito. Mukhang makaka-first base na yata siya sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD