#1
Lenny
"I'M HOME AGAIN..."
sarkastikong bulong ni Lenny pagkababa niya bus.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. She promised herself that she wouldn't go back here until she got married. Subalit, nagkaroon ng mabigat na problema ang pamilya nila kaya kinailangan niyang umuwe ng Bacolod.
Sa kasamaang-palad kasalukuyang nakakulong ang kanyang Tatay at Kuya Leon dahil sa kasong pagnanakaw.
Huminga siya uli ng malalim nang mapagmasdan ang malaking arko ng bayan ng Montevista. It had been four years mula nang umalis siya at nagpasyang magtrabaho sa maynila. Ang tagal na rin pala. Bigla siyang nakaramdam ng pangungulila.
Miss na niya ang pamilya and somehow, she also missed this place.
"Miss byutipol, sakay ka?"
Naagaw ang atensiyon niya sa isang lalaking nakangisi sa kaniya, itinuro pa ang tricycle na nasa likuran nito.
Bahagya siyang napangiwi at kiming umiling.
"Salamat na lang Kuya. May susundo sa'kin," magalang na tanggi niya.
Actually, wala naman talagang susundo sa kaniya. Pamilyar pa naman siya sa lugar at alam niyang hindi iyon ang kulay ng tricycle na dumadaan sa kanila.
Mag-aabang na lang muna siya ng kulay asul na tricycle, at least sigurado siyang dadaan iyon mismo sa bahay nila.
Hindi pa man siya naiinip sa pag-aantay nang mapansin niyang nagbubulungan di kalayuan sa kanya ang tricycle driver kanina at may kasama pang dalawang lalaki. Bigla siyang kinabahan.
"Kitam! Ang seksi di 'ba? 'amputi ng legs."
narinig niyang sabi ng isa sa mga ito.
Wala sa loob na napahalukipkip siya, bakit kasi naisipan niyang mag-short, dapat pala nagpantalon siya. Kainis!
"Tang *na! Nakakagigil, pare."
Nagtawanan ang mga ito at nagbulungan.
Nahindik siya. Nanlaki ang mga mata niya. Mababastos pa yata siya nang wala sa oras.
Pasimpleng tumingin siya sa paligid.
Jusko, bat wala pang dumadaan na tricycle? Idagdag pa na ala-singko na nang hapon. Malapit ng dumilim.
"Lapitan mo na, pre! Nakaka-panlibog talaga ang ganyan ka-seksi."
"Sinabi mo pa! Kanina pa ko naglalaway e."
After hearing those words, after seeing those stares, she felt so violated and harassed. Hindi siya tanga para hindi mahulaan na may binabalak ang mga ito sa kaniya.
Masyado pa namang liblib sa parte na iyon. She have to think of something. Nagsimula na siyang mataranta at manginig.
"Mga bastos! Mga walang magawa sa buhay! Ipapahuli ko kayo sa pulis."
galit-galitang sigaw niya.
Kailangan niyang ipakitang matapang siya at hindi nanginginig sa takot.
"Grabe ka naman, Miss byutipol. Makikipag-kilala lang sana kami sa'yo."
pagkasabi niyon ay nagsipagtawanan ang mga ito.
Narindi siya sa nakalolokong tawanan ng mga ito kaya lalo siyang kinabahan.
Nang mapansing naglakad ang isa sa mga ito palapit sa kaniya ay mabilis siyang kumilos. Lakad takbo ang ginawa niya para makalayo sa mga lalaki.
"Miss byutipol, bakit kasi ang ganda-ganda mo at ang seksi-seksi mo? Tinatakam mo kami lalo!"
nakakalokong sigaw ng tricycle driver.
Ito yata ang pinaka mukhang manyak sa lahat.
Mas binilisan pa niya ang paglakad takbo. Bilis-bilisan mo Lenny kung ayaw mong ma-front page sa dyaryo!
usal niya sa sarili.
Eksakto namang may natanawan siyang isang itim na kotse. Dahil wala na siyang ibang pagpipilian, piki-matang hinarang niya iyon. Magpapakasagasa na lang siya kaysa sa magahasa.
Maingay na sumagitsit ang mga gulong ng kotse. Huminto mismo sa harap niya.
Hindi siya makagalaw. Lumipad yata ang kaluluwa niya. Buhay kapa Lenny!--buhay ka pa. maghunos-dili ka!
"Damn woman! Are you nuts? Magpapakamatay ka ba?"
sigaw ng may ari ng kotse. Bumaba iyon at naglakad palapit sa kaniya.
Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang iharang ang katawan niya. Desperada na siya.
"I-I'm sorry," mahinang sambit niya. Pero nalunok yata niya ang dila dahil sa nabungaran niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang may ari ng kotse.
"A-Ajax?"
hindi makapaniwalang bulalas niya.
He was someone she didn't expect to see. Sa loob ng apat na taon na hindi ito nakita, lalo yata itong gumuwapo. His tanned skin, his eyes were black as night. His perfectly chiselled nose, his moisture lips and his thick eyebrows.
Halata ring suki ito sa gym, bakat kasi sa suot nitong plain white tshirt ang malapad nitong dibdib at naninigas na mga muscle.
"Still know my name." Nakangising turan nito.
Pero imbes na pansinin ang pasaring ng binata, lumingon siya sa tatlong manyak na lalaki, biglang nangilag ang mga ito at sumakay sa tricycle saka sumibat palayo.
Huminga siya nang malalim at dali-dali siyang lumapit sa kotse ni Ajax. Fortunately, his car was unlocked so she immediately got into his car without throwing him a look.
Wala siya sa mood tarayan o awayin si Ajax. She need help at nais lang niyang makauwe ng matiwasay sa kanila. Gusto na niyang umuwi, idagdag pa na ihing-ihi na siya dahil sa takot.
Nagtataka man at nakakunot ang noo ay sumunod naman si Ajax sa kaniya. Inaasahan niya ay magtatanong ito but instead, he silently went back to the driver's seat and start the engine.
Nanatili silang tahimik kahit nagsimula na itong magmaneho. Nakahinga na siya nang maluwag. Ay salamat sa diyos!
"What happened? What did they do to you?"
kapagkuwa'y tanong nito nang nasa kalagitnaan na sila ng daan.
Matagal bago siya nakasagot. She sighed. "W-Wala naman," aniya sa nanginginig na boses.
Hindi nagsalita si Ajax. He kept on driving..but she still trembling. Nandoon pa rin ang takot at kaba niya, hanggang sa bigla na lang nitong tinapakan ang brake ng sasakyan.
Muntik na siyang mapasubsob sa dashboard ng kotse, buti na lang naisipan niyang mag seat belt.
Nanlalaki ang mga matang napalingon siya sa binata.
He looked furious, his eyes were lethal and his fists were clenched.
"A-Anong ginawa ng mga lalaking 'yun sa'yo?" ulit nito. Dama niya ang panganib sa tinig nito.
"W-Wala nga!"
"Damn, Len!" sigaw nito.
Napaigtad siya dahil sa paghampas nito sa manibela. "Kung wala silang ginawa sa'yo, bakit nanginginig ka?"
Napahawak siya nang mahigpit sa bag na nasa kandungan niya. She looked away.
"Huwag mo 'ko sigawan. Pakihatid na lang ako sa amin."
malamig niyang bigkas.
"Why are you being like this? ni hindi ka marunong mag-thank you."
"E, 'di thank you! maraming salamat! happy ka na?" She sarcastically said.
"Ungrateful." He said in disgust.
"Niligtas na nga. Siya pa may ganang magsungit." Ajax mumbled.
Huminga siya ng malalim saka muling lumingon sa lalaki.
"Thank you, Mr. Royale. Pasensya ka na kasi wala na talaga akong choice, pero huwag kang mag-feeling concerned. Hindi bagay sa'yo." Paasik na wika niya.
Ilan minuto pa ay huminto na ito sa isang bungalow na bahay na napapaligiran ng mga puno at halaman. Ang bahay nila..she was about to get out of the car when Ajax grabbed her arm and stopped her.
"Bitawan mo ang kamay ko."
piksi niya.
Hindi ito nagsalita bagkus ay nanatili lamang itong nakahawak nang mahigpit sa braso niya.
There was something in his eyes that made her heart flutter...again? Ano ba naman Lenny? nahawakan ka lang lumalambot ka na agad. Baka nakakalimutan mo, sinaktan ka ng talipandas na 'yan.
Aminin man niya o hindi, sa kabila ng galit niya rito ay batid niyang isa rin ito sa na-miss niya.
She wanted to hold him, touched him and kissed him like she always did before. Pero imposible na iyon. Tapos na ang lahat sa kanila ni Ajax.
Tinapos na nito ang lahat, dahil hindi raw siya perfect girlfriend pa rito. Eh di wow! Marahil paraan lang nito iyon para dispatsahin siya.
Parang may mumunting karayom na biglang tumusok sa puso niya habang inaalala ang dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya. Biglang nag-init ang sulok ng mata niya, kaya naman yumuko siya.
"Bitawan mo na ang kamay ko."
madiin sabi niya.
Ipinangako niya sa sarili na hindi na niya hahayaang masaktan pa siya nito muli. Hinding-hindi na talaga. She wasn't the same Lenny anymore. Matagal na siyang nauntog sa katotohanan.
Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa braso niya.
"Thanks again."
she smiled bitterly.
Nang makababa siya ng kotse nito agad nitong pinaharurot ang sasakyan palayo. Kusang bumalong ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. At kagaya ng dati, he let her go...again.
Ilan minuto rin siyang nakatayo sa labas ng bahay nila ng mahimasmasan agad siyang nagpunas ng luha at pumasok na sa loob.
Kita niya ang gulat at saya sa mga mata ng kanyang Nanay Leonora. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya nang makalapit siya rito.
"Miss na kita Nay..."
"Na miss din kita anak, mabuti naman at nakauwi ka nang ligtas,"
masayang wika ng Nanay niya.
Hindi niya alam pero naiyak siyang muli. Kainis! Ang drama ng unang araw niya rito.