Lenny NAGKAROON ng rebolusyon sa buong sistema niya nang unti-unti inilapat ni Ajax ang labi nito sa labi niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa katawan. Pakiramdam niya kinilig bigla ang buong internal organ niya. Nagbuhol-buhol na yata ang bituka niya. Oh god! Napatigil siya sa paghinga ng tuluyang naglapat ang kanilang labi. Isa sa mga weakness niya noon ay ang halik ng binata. Ajax really knows how to make a kiss so hot. Incredibly hot. "Na-miss ko ang lips mo. Ang sarap mong halikan..lasang panutsa." Pabulong na sabi nito pagitan ng kanilang mga labi. Ano raw, panutsa? So, talagang nahilig na ito sa mani. Hindi na siya nakahuma pang magsalita nang ipasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig. Parang siyang nalulunod dahil sa mga halik nito. Kaya labag man sa loob niy