Lenny
"MASARAP po ba, Ma'am?"
kapagkuwa'y tanong ni Ime sa kaniya. Matamis siyang ngumiti at tumango.
Masarap ang pagkakaluto nito ng adobo may konting anghang.
Nilingon niya si Ajax na tahimik lang kumakain. Mabuti na lang talaga at hindi umalis sina Ime at Tibs, kahit papaano hindi siya naiilang na kasabay kumain ang binata.
Mayamaya ay lumapit sa kaniya si Tibs at nag-abot ng isang maliit supot.
"Ma'am Lenny, baka bet mo ang mani. Pang himagas."
Magiliw na alok ni Tibs.
"May allergy siya sa mani."
Sabat bigla ni Ajax.
Kung nagulat sina Tibs at Ime, mas ikinagulat niya ang biglaang pagsabat ng binata. Ay naku! Bakit kailangan sabihin pa?
"Wow! Sir, Ilan oras pa lang kayo magkasama ni Ma'am Lenny, alam mo na agad na may allergy siya sa mani."
palabiro wika ni Tibs.
Tila bilib na bilib itong nakatingin kay Ajax sabay sumulyap sa kaniya.
Nakangiwing ngumiti lang siya.
"Salamat na lang, Tibs. May allergy ako sa mani."
Malumanay na tanggi niya.
Tumango-tango naman ito.
"Sayang. Masarap pa naman itong MANI, peyborit ko kaya ito pag himagas."
Nakangising sabi ni Tibs.
Pero isang sampal sa balikat ang ginawa ni Ime kay Tibs.
"Magtigil ka na nga. Tikom mo na 'yang bibig mo. Bastos ng bunganga mo!"
"Aray! palibhasa kasi Malisyosa kang babae ka."
Galit-galitan angil ni Tibs kay Ime.
Pinandilatan naman ito ng mata ni Ime.
"Anong malisyosa? Ang sabihin mo puro ka-bastusan ang alam mo. Hindi ka na nahiya kay Ma'am at Sir."
"Hala! Ano bang masama sa sinabi ko? Ang sabi ko lang peyborit ko ang MANI, kahit tanong mo pa si Sir, mahilig din 'yan sa MANI. Di'ba Sir, peyborit mo rin?"
pa-inosenteng sabi ni Tibs.
Bigla naman nabilaukan si Ajax dahil sa sinabi ni Tibs. Maging siya parang nahirapan siyang lunukin ang kinakaen niya, parang gusto niyang bumunghalit nang tawa.
Diyos ko po! Lalabasan yata ako ng masamang hangin dahil sa mga pakulong biro ni Tibs.
Kaya naman hindi na niya napigilan ang matawa nang malakas. Sabay-sabay napatingin sa kaniya ang tatlo.
Natuptop niya ang bibig at naiiling habang patuloy sa pagtawa.
"Are you teasing me, Miss Santarde?"
nakataas ang kilay ni Ajax.
Umiiling-iling siya pero pigil na pigil pa rin ang pagtawa niya.
"Masaya lang si Maam Lenny, Sir. Ang ganda ni Maam pagtumatawa, bakit pag si Ime ang tumatawa, kinikilabutan ako?"
Pabirong ungot ni Tibs.
Isang tadyak sa hita ang binigay ni Ime kay Tibs.
"Animal ka! Kikilabutan ka talaga pag ikaw--binalatan ko ng buhay."
gigil na asik ni Ime kay Tibs.
Kahit tawang-tawa siya, kinalma muna niya ang sarili. Huminga siya ng paulit-ulit para ma-kontrol niya ang pagtawa.
"Nakakatuwa kayong dalawa."
bigkas niya.
Lumingon din siya kay Ajax.
"Sorry, natawa lang ako sa tanong ni Tibs sa'yo. Kelan ka pa nahilig kumain ng mani?" aniya.
Actually, walang malisya ang tanong niya kaya naman nagtaka siya ng magtawanan bigla si Tibs at Ime.
May nasabi ba siyang nakakatawa?
Hindi naman talaga mahilig kumain ng mani si Ajax.
Well, that was so many years ago. Ewan na lang niya ngayon.
Tawang-tawa pa rin si Tibs.
"Sir, sampolan mo si Ma'am Lenny. Ito MANI. Pakitaan mo si Ma'am kung paano ka kumain ng MANI."
Ngising-ngisi sabi ni Tibs sabay abot ng supot ng mani sa binata.
"Anong mani ba 'yan? 'yon may balat?"
singit ni Ime.
Umiling si Tibs.
"MANI na HUBAD."
Sambit nito. Iginalaw-galaw pa nito ang dalawang kilay sabay nakakalokong ngisi.
"Peyborit 'to ng mga machong katulad namin ni Sir Ajax."
Bumunghalit ng tawa si Ime at Tibs. Habang si Ajax na naiiling-iling na nakangiti.
Medyo slow siya sa naging joke ni Tibs.
Hindi siya nakasunod, kaya hindi siya natawa.
Nang sumulyap uli siya kay Ajax, biglang nag-init ang pisngi niya dahil nagtama ang kanilang paningin.
Siya ang unang umiwas ng tingin.
Mayamaya pa ay tumikhim ito at tumayo na.
"Tama na ang biro. Back to work na. Tibs, kunin mo si Mustang saka samahan mo ko sa farm."
Seryosong utos nito.
Kaagad na tumalima si Tibs, maging si Ime ay inayos na rin ang pinagkainan nila.
"Miss Santarde. Pwede ka nang sumabay kay Ime, pabalik ng Hacienda. Bukas na lang kita ipapakilala sa mga trabahante."
Dugtong na utos ni Ajax.
Tumango na lang siya bilang pag-sang ayon. Nang makalabas na si Ajax saka siya nakahinga ng maluwag.
Bakit ba ganoon ito makatingin sa kaniya? Tagos-tagusan ang mga titig nito, abot hanggang esophagus niya.
Hindi niya tuloy maiwasan isipin na baka gusto pa ito sa kaniya. Piniling niya ang ulo.
Wala itong gusto sa kaniya. Wala nang kami. At mas lalong hindi ako kinikilig sa tuwing ngumi-ngiti ito.
Piste ka Lenny! Ayos-ayusin mo ang intestines mo, buhol-buhol na naman 'yan dahil kay Ajax Royale.
"Ma'am Lenny, tara na po?"
yakag ni Ime sa kaniya na kinatango naman niya.
Nagsimula na silang maglakad pabalik ng Hacienda. Para hindi siya mainip, naisip niyang tanungin muna si Ime.
"Ilan taon ka na pala, Ime?"
"Ay, twenty four na po ako Ma'am."
kiming ngumiti ito.
Hindi pala nalalayo ang edad nila mas matanda lang siya ng apat na taon dito.
"Matagal ka na nagta-trabaho kay Aja--Sir Ajax?"
Kamuntik pa siyang madulas. Baka kung ano pa ang isipin nito kung first name basis ang tawag niya sa binata.
"Hmm, mga 2 years pa lang Ma'am. Dati akong OFW sa Qatar, kaso minalas ako sa naging amo ko roon. Nananakit at hindi ako pinapasahod."
Malungkot na saad ni Ime, bakas sa tinig nito ang takot at lungkot.
"Tumakas ako doon sa amo ko. Ang hirap talaga pag wala kang mahingian ng tulong. Mabuti na lang at nakita ako ni Sir Ajax na nagkakalkal ng basura sa daan dahil gutom na gutom na ako. Si Sir Ajax lang ang tumulong sa akin.
Tinulungan niya ako makabalik ng Pinas at makauwi sa amin sa Davao."
Naiiyak na kuwento ni Ime.
Hindi akalain na matindi ang pinagdaanan nito. Kaagad niya itong niyakap. Alam niyang nakaka-trauma ang ganoon klaseng karanasan.
"Kaya nang alukin ako ng trabaho ni Sir Ajax dito sa Bacolod. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin.
Biruin mo, sumasahod ako ng trenta mil kada buwan, sa pagiging all around maid dito. Libre na ang tulugan, libre ang pagkain, malaki ang nabibigay ko sa pamilya ko, hindi mahirap umuwi dahil sinasagot lagi ni Sir ang pamasahe ko. At higit sa lahat mabait at guwapo ang amo ko. Ano pa ba hihilingin ko? Ang swerte ko talaga kay Sir."
Naluluha ngunit nakangiti lintanya ni Ime sa kaniya. Pagak siyang natawa.
"Oo naman. Swerte rin si Sir Ajax sa'yo dahil mabait at tapat ka."
Nakangiting sabi niya saka muling niyakap ito ng mahigpit. Nakakatuwang isipin na, nagbago ang buhay nito dahil kay Ajax. Alam naman niya natural na busilak ang loob ng binata lalo na sa mga nangagailangan ng tulong. Hindi ito maramot. Iyon ang isang bagay na nagustuhan niya noon sa binata, ang pagiging mapagkumbaba.