#3

1174 Words
Lenny "MAUPO muna kayo ma'am," baling ng payat na lalaki sa kaniya at saka iminuwestra nito ang bakanteng upuan sa salas. Maganda at maaliwalas ang bahay ni Ajax Royale. Spanish old house ang istilo ng bahay, simple pero elegante tignan. "Ako nga po pala si Tiburcio, Tibs for short ang pinaka-masipag at pinaka guwapong driver ni Sir Ajax." Mayabang na pakilala ng lalaki sa kaniya. Bahagya siyang napangiwi, 'yon part na masipag medyo kapani-paniwala naman subalit 'yon isang parte na guwapo medyo may duda siya...kaunti lang naman. "Nice to meet you, Tibs. Len na lang for short," kiming ngumiti siya at sinabi ang palayaw niya. "So, Ma'am Len. May inaasikaso pa ngayon si Sir. Makakapag-antay ka po ba?" ngiting-ngiti turan nito. Mukha naman itong mabait at harmless kaya ngumiti na rin siya rito. "S-Sige lang. Mag-aantay ako, maaga pa naman." Tumango-tango ito. "May gusto po ba kayo inumin?" Dahil siguro sa init ng panahon at kaba kaya sakto bigla siyang nauhaw. "Tubig na lang," maikling sabi niya. "Okay po. 'yon fresh water po ba o 'yon hindi fresh water?" seryosong tanong ni Tibs sa kaniya. Naguguluhang tumingin siya kay Tibs. Ang tagal na niya sa earth pero ngayon lang siya naka-encounter ng ganoon klaseng tanong. Napakamot siya sa leeg, para kasing biglang nangati ang lalamunan niya. "Juice na lang siguro, meron ba?" pag-iiba niya. Alanganin siya sa fresh water, doon tayo sa may kulay na lang. "Aba'y meron po. Meron po kami Sprite, Royal, 7-up, Pepsi, Mirinda, RC cola, Rootbeer, Coke zero, C2 at San Mig light," abot tenga ang ngiti ni Tibs sa kaniya. Literal na kumurap-kurap siya sa harap nito. Wow! Napalunok siya ng laway at ngumiwi sabay ngiti. "Coke zero na lang. Please. Thank you." Nag-thumbs up pa ito sa kaniya bago siya iniwanan sa salas. Nang mapag-isa na siya saka lamang siya nakahinga nang maluwag. Pinalibot niya ang tingin sa buong paligid ng salas, ito ang unang beses na nakatapak siya sa loob ng Hacienda Royale. Noon kasi madalas silang magkita ni Ajax sa secret paradise nila sa gitna ng gubat. Nandoon pa kaya 'yon? Nagkibit balikat na lamang siya malamang wala na siguro 'yon. Mayamaya pa ay bumalik na si Tibs at may dalang Coke Zero na in can. "Thank you," aniya sabay bukas ng soda. Habang umiinom siya medyo naasiwa siya dahil nakatunghay lang sa kaniya si Tibs at nakangiti. May sapi yata itong driver ni Ajax. "Girlfriend po ba kayo ni Sir Ajax?" kapagkuwa'y tanong nito. Nasamid siya. Mabuti na lang at hindi bumulwak sa bibig niya ang iniinom na soda. Umiling-iling siya rito. "Naku, hindi. Hindi niya ako girlfriend." Madiin na tanggi niya. "Sure po kayo?" "Sure na sure. May kailangan lang ako sabihin sa kaniya tungkol sa nagawa ng pamilya ko." Pagpapaliwanag niya. Mas maigi nang malinaw kaysa pag-isipan pa siyang girlfriend ng amo nito. Subalit, mukhang diskumpyado ito sa sagot niya. "Ah! Akala ko po kasi girlfriend kayo ni Sir. Matagal na kasing walang girlfriend si Sir Ajax." Napaubo siya bigla. Isang malaking kalokohan ang sinasabi ni Tibs. Si Ajax? matagal ng walang girlfriend? Sus' imposibleng mabakante ang talipandas na 'yon. Akala mo lang 'yon! Kaliwa't kanan ang nagkakagusto kay Ajax. Sobrang garapal ang lalaking 'yon pagdating sa mga babae kaya hindi siya naniniwala. bahagya siyang natawa habang naniningkit ang kan'yang mga mata. "Hindi niya ako girlfriend at wala ako balak. Ang happy happy ng single LIFE ko." Etchosera ka Lenny! jowang-jowa ka na nga eh matagal na! Umaliwalas naman ang mukha ni Tibs tila nakarinig ng magandang balita. Umupo ito sa katapat na upuan saka biglang nagpa-kyut sa harapan niya. Empoy version talaga ito. Gusto niyang matawa nang malakas pero nagpipigil siya. Tumikhim ito sabay himas sa bigote. "Baka kaya ko baguhin ang isip mo? I'm single since my pamile giving birth for me...So, I can verify you, all my bahdy fart is fresh and virgin...coconut oil--" pagmamalaking wika ni Tibs sa kaniya with matching kindat pa. Hindi na niya kinaya. Bumunghalit siya nang tawa. Tumawa siya nang malakas habang nakahawak sa tiyan niya. Doon tayo sa virgin coconut oil! De fruta! Patuloy pa rin siya sa paghagikgik nang may pumasok na isang katulong sa salas at tinampal nang malakas sa likod si Tibs. "Putang ina ka talaga! pati bisita ni Sir hindi mo pinatawad sa kalokohan mo!" galit na asik dito ng babae. Huminto siya sa pagtawa at umayos ng upo. "Pasensya na kayo Ma'am. Baliw kasi ito, 'wag po kayo maniwala sa sinasabi niya." Hingi ng paumahin sa kaniya ng babaeng maid. "Ayos lang, natutuwa ako sa kaniya," pag-amin niya. Hindi pa rin mabura-bura ang ngiti niya. Infairness, natawa naman talaga siya. "O' kitam! Natuwa sa'kin si Ma'am Lenny. Lamang lang si Sir Ajax ng labing- dalawang paligo sa akin. Sa katunayan niyan lamang ako ng isang bagay kay Sir Ajax." Confidence na turan ni Tibs na may nakapaskil na ngisi sa mga labi. Tumaas ang kilay ng babaeng maid at pumeywang pa. Mas lalo siyang napangiti, curious siya kung ano ang lamang nito kay Ajax. "Sige sabihin mo! Ano ang lamang mo kay Sir?" bulyaw rito ng babae. Tumikhim muna ito saka pa-simpleng inangat pa ang balikat saka tumayo. "Isang bagay lang ang ikinalamang ko kay Sir Ajax...'yon ay mas mahaba ang akin--" yabang na yabang pa itong tumingin sa kaniya at sa babaeng maid. Natuptop niya ang sariling bibig upang pigilan ang pagbunghalit ng tawa. Mamatay yata sa sobrang pagpipigil nang tawa. "Mas mahaba ang alin?" Isang baritono boses ang pumailanlang sa buong salas. Sabay-sabay silang napatingin kay Ajax na nakatayo sa bukana ng pinto. Napayuko naman at gumilid ang babaeng maid saka kinurot sa tagiliran si Tibs. "Tang ina mo ka, 'yare ka ngayon." Pabulong nito kay Tibs. Pakamot-kamot naman si Tibs tila naumid bigla ang dila. Marahan ang paglapit ni Ajax patungo sa salas. Nakatingin ito sa kaniya. Nagtataka siguro ito kung bakit siya nandoon. Nang makalapit bumaling ito kay Tibs. "Anong mas mahaba sa'yo Tibs?" ulit ni Ajax. Madilim ang mukha nito at puno ng awtoridad ang boses ng binata. "A-Ang b-buhok ko, Sir. Mas mahaba ang akin kaysa sa'yo 'di ba po? MAHABA naman talaga ito kaysa sa'yo--" hiniwakan pa ni Tibs ang buhok nito habang nauutal na nagsasalita. Ewan ba niya pero bigla siyang natawa nang malakas. As in malakas. Tawang-tawa siya sa pinagsasabi ni Tibs. Isang matalim na sulyap ang ginawa ni Ajax sa gawi niya. Parang napipikon ito sa pagtawa niya. Oh god! Sarap tumawa. "What's so funny, Miss Santarde?" Sarkastikong tanong ni Ajax. Itinuro niya si Tibs habang natatawa. "Him. Mas mahaba daw 'yon kaniya kaysa sa'yo doon ako natawa," Marahan lumapit sa kaniya si Ajax. "Really? at naniniwala ka? Tell me, Sweetie hindi ba MAHABA 'yon sa akin?" Paanas na wika ni Ajax sa kaniya. Isang pilyong ngisi ang sumilay sa labi nito. Bigla napunit ang ngiti niya dahil sa tanong ng binata. Napalunok din siya ng laway. Mukhang personalan 'to a. So, Ayon nga na-reverse psychology siya nang ganoon ka-smooth! Pambihirang kabayo naman o'!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD