#2

1207 Words
Lenny "DAHIL SA KABAYO? hindi nga?" Daig pa niya ang nabingi dahil sa sinabi ng kanyang Nanay Leonora. Kasalukuyang may mabigat na problemang hinaharap ang pamilya nila. Nakulong ang kanyang Tatay Lenard at Kuya Leon niya dahil sa pagnanakaw ng kabayo. Anak ng kabayo naman o'! "Ganito kasi 'yon..ang Kuya Leon mo, naibenta na niya ang tricycle na ibinili mo sa kaniya last year. Panay-panay kasi ang taya niya sa sabong kaya 'ayon, 'di ko naman akalain na aabot siya sa pagnanakaw ng kabayo para may pantustos siya sa bisyo niya." Malungkot na paliwanag ng kan'yang Nanay. Lumagok muna ito ng kape bago nagsalita uli. "Tapos ang tatay mo naman, na-engganiyo sa Kuya mo. Hindi ko sukat akalain na malulong sa bisyo ang Tatay at Kuya mo." Maluha-luhang saad nito. Napangiwi siya. No comment muna siya. Kahit sobrang init napa-kape na rin siya. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. So, anong gagawin niya? kung may kasalanan naman pala ang mga ito. Dapat lang pala makulong ang mga ito. Hindi naman sa masamang anak at kapatid siya, pero ayaw niyang kunsintihin ang ganiyan gawain. Duh! Naupo uli siya habang hinahalo ang tinimplang kape. "Nay, hindi ako abogado at saka wala akong pera. Anong maitutulong ko kina Tatay at Kuya? at saka may kasalanan talaga sila." nakangiwing turan niya. "Si Ajax Royale ang nagpakulong sa Tatay at kuya mo," biglang sabi ng Nanay niya. Tila nasamid naman siya dahil sa narinig. Pakiramdam niya may pumasok na kape sa ilong niya. Bwiset! Si Ajax? Nagsalubong ang dalawang kilay niya habang nakatitig sa Nanay niya. Pakamot-kamot naman ito. "Nabanggit kasi ng Kuya mo na dati mong nobyo si Ajax Royale anak, baka maaari mo pakiusapan si Mr. Royale na iurong ang demanda sa Tatay at Kuya mo kahit utay-utayin na lang natin ang pagbayad sa kaniya," nakikiusap na wika ng Nanay niya. Lalo tuloy siyang na windang. Paano nalaman ng Kuya niya na ex-boyfriend niya si Ajax? Uminom muna siya ng kape, kahit nagpa-palpitate na siya dahil sa mga rebelasyon na isiniwalat ng Nanay niya. Coffee is life pa rin. "Magkano ba ang halaga ng kabayo?" kapagkuwa'y tanong niya. "Dalawang milyon, anak." Mahina ngunit malinaw na sambit ng Nanay niya. Namutla siya. Nahindik siya. Naligalig siya. "Dalawang milyon? para sa isang kabayo? ano ba 'yon unicorn na may pakpak?" bulalas niya sa labis na kabiglaan. No joke talagang nagulat siya. Masyadong mahal naman ang kabayong iyon para sa halagang dalawang milyon. Kulay ginto ba ang tae no'n. Napailing-iling siya. "Hindi lang isang kabayo anak, sampong kabayo ang ninakaw nila." dugtong ng Nanay niya. Kamuntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya. Bakit naman ganoon? Matatanggap pa niya ang isa o dalawang kabayo ang ninakaw ngunit pero 'yon sampo? hindi na talaga katanggap-tanggap kumbaga sa taya kotang-kota na talaga. Napabuntong hininga na lamang siya. "Nay, kahit utay-utayin natin ang pagbayad sa halaga ng kabayo hindi tayo makaka-ipon ng ganoon kalaking halaga. Kahit pa utay-utayin ko ang laman-loob ko, hindi pa rin kakasya. Grabe, naman Nay!" Puno ng iritasyon sabi niya. Hinawakan naman kaagad ng Nanay Leonora niya ang kamay niya. "A-Alam ko naman 'yon Anak. Kaya nga kung maaari, puwede mo lang pakiusapan si Mr. Royale na iurong ang demanda. Malay mo Anak, mahal ka pa rin ni Mr. Royale," pangungumbinsi ng Nanay niya sa kaniya. Napataas naman ang kilay niya. "Luh, panget mo'ng ka-bonding Nay. Ma-issue ka." "Malay mo naman anak, sige na, matanda na ang Tatay mo hindi na niya kakayanin tumagal sa kulungan." Muling pakiusap nito. Umiling-iling siya at napangiwi. Suntok sa buwan kasi ang sinasabi ng Nanay niya. Kung makikiusap siya kay Ajax, anong collateral ang maibibigay niya kapalit sa paglaya ng Tatay at kuya niya? Ayaw naman niyang mangako na babayaran ang halagang dalawang milyon. Ano akala nila sa'kin sumusuka ng pera sa maynila? Sila nagnakaw tapos ako magbabayad? Aba' ibang klase! At saka napaka-imposibleng pagbigyan siya ni Ajax, baka mahal pa siya? Naku, asa! Hindi nga ako ang perfect girlfriend para rito, mahal pa kaya. Umingos siya. "Susubukan ko 'Nay. Bukas na bukas pagkatapos natin dalawin sila Tatay at Kuya sa kulungan pupunta ako sa Hacienda Royale pero...huwag masyadong umasa 'Nay. Okay? don't worry makikiusap ako." Wika niya sabay kiming ngumiti. Ngumiti naman din ang Nanay niya saka nag pasalamat sa kaniya. Ipagdarasal daw nito na maging maayos ang pakikipag usap niya kay Ajax Royale. Alanganin naman siyang ngumiti at tumango saka nagsabi na matutulog na. "Sige, 'Nak. Magpahinga kana." Tugon ng Nanay niya. Hindi niya kinakaya ang mga pangyayari subalit mas hindi niya kaya ang nalalapit na paghaharap uli niya kay Ajax. Ito nga ang gusto niyang iwasan kaso mukhang malabong maiwasan niya ang binata. Ngunit, kailangan niyang subukan kausapin ito. Huminga muna siya ng malalim bago pinikit ang mga mata. KINAUMAGAHAN, maaga silang nagtungo sa presinto kung na saan nakakulong ang Tatay at Kuya niya. Pagkakita sa kalagayan ng Tatay niya ay nakaramdam siya ng matinding awa at panibugho. Ang hirap naman kasi tumagal sa siksikan at mainit na kulungan. Ngunit nang makita niya rin ang Kuya Leon niya na tila lutang at pangisi-ngisi sa kaniya. "Parang gumanda ka yata mahal kong kapatid. Iba na talaga pag Manila Girl, sumeseksi at pumuputi." Malisyosong wika nito. Sumimangot siya sabay taas ng kilay. "Ano bang pinagsasabi mo, Kuya? Umayos ka nga! Hindi biro itong kalokohan na ginawa mo." Nababanas na wika niya rito. Ang sama kasi ng pagkakatingin sa kaniya ng Kuya niya, may halong ka-manyakan ang tingin nito. Pakiramdam niya hindi lang sugal ang bisyo nito, sa hula niya ay gumagamit na rin yata ito ng pinagbabawal na gamot. Pa-simpleng hinimas pa nito ang braso niya pero tinabig nya ang kamay nito saka lumipat ng upuan sa tabi ng Nanay niya. Ayaw niyang kausap ang Kuya Leon niya. Minabuti na lamang niya kamustahin ang Tatay niya. Nang matapos ang maikling reunion ng pamilya nila sa presinto ay kaagad siyang nagpaalam sa Nanay niya na tutungo na siya sa Hacienda Royale. "Mauna na kayo 'Nay sa bahay. Magte-text po ako mamaya pag pauwi na po ako," aniya saka sumakay ng tricycle upang magpahatid sa Hacienda Royale. Halos kinse minutos din ang naging biyahe sa tricycle, matapos makapagbayad sa driver ay tumingala siya sa malaking gate ng Hacienda. May buzzer sa gilid ng gate. Pinindot naman niya ang buzzer. Ilan saglit lang ay may sumilip sa maliit na pinto sa kanang bahagi ng gate. "Ano po ang kailangan n'yo Miss?" tanong sa kaniya ng isang payat na lalaki na hanggang balikat ang buhok at may bigote. Ala-Empoy ang itsura nito. Matamis siyang ngumiti. "Hi! Ako si Lenny Santarde, gusto ko lang sana makausap si Mr. Ajax Royale. Nandiyan ba siya?" Mabilis niyang sagot sa lalaking payat. Pinagmasdan muna siya ng lalaki mula paa hanggang ulo. Bahagya pa itong ngumuso habang nakahawak ang hintuturo at hinlalaki daliri nito sa baba. Para bang ine-inspeksyon siyang mabuti. "Sige po. Pasok po kayo, Maam." mayamaya ay sambit nito at binuksan ng maluwag ang maliit na pinto ng gate. Ang weird pero ngumiti na lamang siya. Relax ka lang Lenny. Isipin mo kung ano ang pakay mo...Si Ajax lang 'yan, kailangan matulungan mo ang pamilya mo. Fighting! Tahimik na pangumbinsi niya sa sarili saka pumasok sa loob ng bahay ni Ajax Royale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD