Ajax
"SAMPUNG kabayo ang ninakaw sa akin, anong gusto mo gawin ko magdiwang dahil ninakawan ako?"
paangil na salita niya.
Inaasahan na niya ang pagdating ni Lenny Santarde. Ngunit, 'di niya inasahan na hihilingin nitong iurong ang demanda inihain niya laban sa Tatay at Kuya nito.
"H-Hindi sa ganoon. Sana maunawaan mo matanda na ang Tatay ko, please. Alam ko suntok sa buwan na mabayaran namin ang halaga ng mga kabayo mo pero susubukan namin. Paunti-unti. Magta-trabaho ako sa'yo nakikiusap ako."
nagsusumamong wika ni Lenny sa kaniya.
He sighed. Matiim siyang napatingin sa babaeng nasa harap niya. Tahimik na nag-aabang ng isasagot niya. Kung tutuusin, wala naman siyang pakialam sa nasayang na pera subalit gusto lang niya matuto ng leksiyon si Leon ang nakakatandang kapatid nito.
Hindi kasi ito ang unang beses o pangalawang beses na ninakawan siya ng lalaki. Maraming beses na. He even have the guts to blackmailed him para makakuha ng pera sa kaniya.
Noon una pinapalagpas pa niya dahil kapatid ito ng babaeng minsan niya nang minahal. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, mabait siya.
That's why he did what he had to do. He don't want to tolerate any kind of wrongdoing. I ain't saint, I can be demon sometimes.
Napamulsa siya at tumaas ang sulok ng labi niya. Sa loob ng ilang taon hindi niya nakita ang dalaga. Napansin niyang marami ang nagbago rito.
Pinasadahan niya nang tingin ito mula ulo hanggang hita. Nice body. Maganda na ito noon pa man, nakakabatobalani ang taglay nitong ganda kaya naman, nakuha nito ang atensyon niya...and I guess until now this woman always caught his attention.
Mas nagkaroon ng hubog ang katawan nito. Hmm, tall, slender and graceful as ever.
"Fine. You will be the collateral damage here. You'll work for me as my personal assistant,"
nakangising tugon niya.
"Personal assistant?"
nalilitong tanong ng dalaga.
"Yup. Personal assistant, secretary, personal aide or personal secretary whatever you called it. That will be your job. So, Miss Santarde take it or leave it?" he utterly smiled.
Why not? Maybe this could be his last chance.
"S-Sige. Payag ako. Magta-trabaho ako para mabayaran ka. Maraming salamat,"
tila nakahinga ito nang maluwag pero bakas pa rin sa mata nito ang pag-aalanlingan.
"I'll talk my lawyer tomorrow. Makakalaya ang Tatay at Kuya mo sa lunes. But for now, you can start pack your things and stay here in my house." Mabilis na wika niya at akmang tatayo na nang magsalita muli si Lenny.
"Stay here? What do you mean kailangan kong mag stay-in dito? Hindi ba puwedeng araw-araw na lang ako papasok?"
Naguguluhan tanong nito.
Umiling siya.
"No. Being the collateral damage it means one thing. You are my property now. You may start by tomorrow. See you."
Mariin at pinale niyang sabi saka dire-diretsong umalis at iniwan na ito sa salas.
Habang naglalakad siya palabas, isang pilyong ngiti ang sumilay sa kan'yang mga labi. Tomorrow will be delightful.
He wouldn't miss this chance never. He winsome smile.
ISANG malawak na ngiti ang kumawala sa kaniyang mga labi nang magising. Kaagad siyang naligo at nagbihis at nagtungo sa kuwadra sakto naman na naroon si Tibs na maingat na sinusuklay ang isang kulay kayumanggi na kabayo. Si Mustang.
"Magandang umaga, Sir Ajax! Naks ang pogi mo ngayon Sir a', may date ka ba ngayon?"
birong tanong ni Tibs ng makalapit siya rito.
"Ngayon lang ba ako pogi ha? parang insulto yata ang sinabi mo?"
Nang-aasar na saad niya.
Umiling naman kaagad si Tibs at napakamot sa ulo.
"Every minute kayong gwapo, Sir. Nalula lang ako sa kagwapuhan niyo ngayon kasi nag-hair gel pa kayo, baka naman pahinge."
Tudyo ni Tibs sa kaniya.
Natawa siya.
"--ng gel?"
"--ng kagwapuhan, Sir. Baka naman pwede i-share."
Patutyang saad ni Tibs.
Natatawang naiiling siya.
"Kung pwede lang i-share e'. E' di sana wala nang panget sa mundo."
Nagtawanan sila ni Tibs. Matagal na niya itong driver, mapagkakatiwalaan at palabirong tao ito kaya natutuwa siya.
Mayamaya ay tinapik niya ang balikat nito.
"Darating uli si Miss Santarde rito."
"Bakit Sir, iba-bahay mo na si Maam Lenny? Nice. Si Sir Ajax lang sakalam!"
pabirong wika ni Tibs at nakangisi abot tenga.
"Simula ngayon araw, dito na sa akin magta-trabaho si Miss Santarde at dito na rin siya mag-i-stay. Kaya mamaya, ipasuyo mo siya kay Imelda at ihatid mo siya sa Rancho ng hapon."
Paliwanag na utos niya kay Tibs.
Tumango-tango lang naman ito. Nagbigay pa siya rito ng kung ano ang dapat gagawin, kailangan niya rin kasi asikasuhin ang mga tauhan sa rancho.
"Nasa Rancho lang ako maghapon, pahatid si Miss Santarde doon mamaya."
"Sige Sir, no problem."
Tinanguan na lang niya ito saka iniwanan na.
Mula nang mamatay ang mga magulang niya at kapatid, tanging sa kaniya napunta lahat ng responsibilidad sa Hacienda at sa Rancho. Hindi naging madali ang pakikibaka niya, aminado siyang minsan na niyang naisip sumuko.
He's the type of person na happy go luck lang sa buhay. Hindi niya sineseryoso ang pag-aaral sa kolehiyo. Hanggang sa nagkaroon siya ng girlfriend noon, nang makilala niya ito tila nagkaroon ng direksyon ang buhay niya, nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili.
He's ready to become responsible man. Subalit, naging panandalian lang ang saya.
Namatay ang magulang at kapatid niya sa isang car accident. Huminto ang mundo niya. Naiwan siyang tuliro at balisa. Idagdag pa na kaliwa't kanan ang naiwang responsibilidad sa kaniya.
Ang negosyo, ang mga trabahanteng naghahanap buhay sa Rancho, umaasa ang mga ito dahil ang rancho lang ang nag-iisang hanap buhay ng mga ito.
Kailangan niyang kumilos, kailangan niyang maging matatag. At kailangan niyang iwanan ang isang taong mahal niya. He had to let her go. Pinagpaliban niya muna ang nararamdaman.
Paano ako magagawang magmahal kung deep inside durog na durog siya?
Gusto niyang ayusin at buuin ang sarili niya. Inayos niya ang pag-aaral nang sa gayon mapamahalaan niya nang maayos ang Hacienda at ang Rancho.
Huminga siya nang malalim. Ngayon, okay na siya, maayos na ang lahat sa buhay niya nais niyang magbakasali. Baka maaari pa siyang maging masaya uli. Baka puwede pa. Baka may pag-asa pa.