Lenny
"MARAMING SALAMAT, Anak. Mabuti na lang talaga at napakabait ni Mr. Royale."
Nasisiyahang wika ng Nanay niya.
Ibinalita na niya kasi rito makakalaya na sina Tatay at Kuya sa lunes. Subalit, kailangan niyang mag-trabaho sa binata bilang kabayaran. Nai-kwento na niya lahat ng napag-usapan at kondisyon na binigay ni Ajax.
"Stay-in ako doon, Nay. Kayo na po bahala kina Tatay saka pagsabihan niyo si Kuya dahil oras na may gawin na naman siyang kalokohan wala na, bahala na siya sa buhay niya."
Seryosong paalala niya. Hindi talaga na siya nagbibiro.
Tumango-tango naman ang Nanay niya.
"Huwag kang mag-alala, pagsasabihan ko rin ang Tatay mo. Pasensya kana anak, dumagdag pa kami sa alalahanin mo."
Malungkot na wika nito.
Huminga naman siya nang malalim saka niyakap ito nang mahigpit.
"Ayos lang ako, Nay. Hindi bale uuwi na lang ako rito kada day off ko."
"S-Sige anak, salamat talaga. Hala sige' matulog ka na maaga pa ang balik mo sa Hacienda,"
wika ng Nanay niya saka siya iniwanan sa dating kuwarto na ngayon ay Kuya na niya ang gumagamit.
Huminga siya nang malalim. Kung tutuusin hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa nais ni Ajax.
Nais niyang iwasan ito pero kabaligtaran naman ang nangyari. She sighed. Wala siyang choice, kailangan niyang tulungan ang pamilya niya.
Pabagsak na humiga siya sa kama at napatitig sa kisame. Pakiramdam niya lumulutang ang isip niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Bumalik ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang maalala si Ajax. Isang mahaba at malalim na paghinga ang ginawa niya.
Tigil-tigilan mo na Lenny ang pag-emote, 'di ka na mahal.
Dumapa siya at ibinaon ang mukha sa kaniyang unan. Mayamaya pa ay impit na napahikbi siya. Ang akala niya ay naka-move on na siya sa nangyari sa kanila. Akala niya, oras na makita uli niya ito ay wala na siyang nararamdaman. Pero bakit ganoon?
Nag-uumpisa na naman magwala ang puso niya nang makita ito?
Unti-unti bumalik sa alaala niya ang mga pangyayari pilit niyang kinakalimutan.
Flashback.
"ARE YOU okay?"
puno nang pag-aalalang tanong niya kay Ajax.
Saglit na huminto si Ajax sa ginagawa sa harap ng laptop nito bago uli pinagpatuloy iyon na tila walang narinig.
She deeply sighed. Ilan linggo na itong subsob at nagpapakalunod sa pag-aaral.
Nauunawaan naman niya ang pinagdaraan nito. Biglaan ang pagkamatay ng magulang at kapatid nito.
Idagdag pa na nakasalalay sa balikat nito ang mga naiwang responsibilidad sa Farm at graduating na rin ito.
Pero hindi niya maintindihan kung bakit naging malamig ang pakikitungo nito sa kaniya.
"I'm okay, Lenny,"
matipid na sagot nito.
See? He called her by first name. Ilan araw na niya napapansin iyon. Wala na ang sweetie, sweetheart na endearment ng binata sa kaniya.
"Hindi ka okay. Bèbè, what's wrong? Come on, tell me, maybe I can help you,"
ungot niya.
Lumapit siya kay Ajax at hinawakan ang kamay nito. Pero laking gulat niya nang bigla nitong bawiin ang kamay nito mula sa pagkakahawak niya.
Napamulagat siya sa ginawa nito.
"I'm really busy Lenny. Can you please go home,"
walang buhay na saad nito.
"S-Sobrang busy para hindi mo na magawang tignan o hawakan man lang ang girlfriend mo?"
puno ng hinanakit na tanong niya sa binata.
Bumuntong hininga ito saka walang ganang tumingin sa kaniya.
"Please, Lenny, not now. Okay?"
sabi nito at muling ibinalik ang atensyon sa laptop.
Naroon sila ngayon sa office ng Rancho. Siya na ang nagkusang dalawin ito dahil nang mga nakalipas na araw ay masyadong itong busy, halos hindi na ito nagpapakita sa kaniya.
He rarely called and texted too. Kaya labis siyang nag-alala. Nadatnan niya itong abala sa pag-aaral dahil may exam ito. Abala rin ito sa pag-aasikaso ng rancho.
She heavily sighed.
"Iniiwisan mo ba ako, Ajax?"
Tila napipikon na tiningnan siya nito. Ikinagulat niya iyon. His eyes were cold as ice. Bigla siyang sinaklot ng kaba sa puso niya. She had never seen him look like that. It felt like she was looking at somebody else and not her boyfriend.
"Bakit ka ba nandito? Bakit ba ang kulit-kulit mo?"
matalim na angil ni Ajax sa kaniya.
She shivered.
"Gusto ko lang makita ka. Bawal ba? Hindi ako makulit. Nag-aalala lang ako sa'yo, sana gets mo 'yon."
Giit niya.
Hindi kumibo si Ajax. Bagkus, matalim ang matang nakatunghay lang ito sa kaniya.
"Let's break up."
Tila bombang sumabog sa ulo niya ang sinabi ni Ajax. Feeling niya nagkaroon ng bara ang lalamunan niya at hindi agad siya nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay niya.
"A-Ano ba'ng sinasabi mo diyan?"
pumipiyok-piyok na tanong niya.
"Im sorry, pero na realize kong hindi ako ang lalaking nararapat sa'yo."
Malamig na sambit nito.
"Bèbè, please huwag kang magbiro, don't do this to me,"
pagsusumamo niya rito.
"Im sorry, Lenny. You're perfect but not just for me."
wika nito.
Hindi ito makatingin nang diresto sa kaniya.
Ayon na yata ang pinaka nonsense na break up line na narinig niya. She stood up angrily. Walang lingon-lingon na lumabas siya sa office, halos takbuhin niya palabas ng rancho.
Umiiyak siya habang naglalakad pauwi sa kanila. Sobrang sakit, tinapos nito ang lahat sa kanila na parang walang halaga ang pinagsamahan nila.
Mayamaya ay naramdaman niyang may umakbay sa kaniya. Nagulat siya ngunit panandalian lang dahil ang Kuya Leon niya pala iyon. Mabilis siyang nagpunas ng luha.
"Naglalakad ka nang mag-isa, hindi mo ba alam delikado na,"
masungit na sermon nito.
Hindi siya kumibo. Ayaw niyang malaman nito kung saan siya galing.
Mabuti na lamang at hindi na nagtanong ang Kuya niya. Bagkus, tahimik lang ito sumabay sa kaniya hanggang sa makauwi sila sa bahay.
"Ayosin mo ang sarili mo, punasan mo 'yang sipon mo, nakakadiri tumutulo."
Galit-galitan wika nito pero ito na mismo nagkusang punasan ang ilong niya gamit ang tshirt nito.
Isinuklay pa nito ang mga daliri sa buhok niyang magulo.
"Ayan, maganda ka na uli,"
pinisil pa ng Kuya niya ang dalawang pisngi niya saka siya inakbayan at hinila papasok ng bahay nila.
"Salamat, Kuya Leon," kiming ngumiti siya at tahimik na sumunod na lang papasok sa loob ng bahay nila. Masakit pero kailangan niya tanggapin. Hindi lahat ng love story ay palaging happy ending.