#6

1179 Words
Ajax "NAKIKINIG ka ba? Malinaw ba sa'yo lahat ng sinabi ko?" Bumuntong hininga siya. Kanina pa siya salita nang salita habang si Lenny ay panay tango lang sa kanya. Mula nang ihatid ito ni Tibs dito sa rancho, minabuti niyang ilibot ito sa farm para maging pamilyar ito sa mga trabahante at maging sa mga produktong ine-eksport niya. Lumingon naman si Lenny sa gawi niya. "Oo, nakikinig ako. Malinaw na malinaw. Kasing linaw ng sikat ng araw." direstong sagot nito. "Good. Doon na tayo sa office." Wika niya sabay dumiretso ng lakad pabalik sa opisina niya sa rancho. Napapansin niyang tahimik lang ang dalaga. Nagsasalita lang ito pag tinatanong niya. He sighed. Alam naman niyang napilitan lang ito sa kondisyon niya dahil nais nito makalaya ang Tatay at Kuya nito. Kasama niya ito ngunit parang may mataas na pader na nakaharang sa pagitan nila. Well, hindi niya masisisi ito. Nang makarating sa office, tinuro niya agad ang magiging table nito. Ibinigay din niya ang log book. "Nandiyan lahat ng mga pangalan ng trabahante rito sa rancho. Weekly ang pasahod ko sa kanila. Trabaho mo rin i-manual report ang daily log in at log out nila." Tumango-tango naman ang dalaga saka tinignan ang log book. Umupo ito sa swivel chair. "Ako rin ba magko-compute ng weekly salary nila?" seryosong tanong nito. "Probably." "Okay. Gagawa na lang din ako ng excel para ma-save ko rin ang time records nilang lahat. Mahirap kasi kung sa log book lang--at least may files." Mungkahi ng dalaga. Mukhang alam na alam na nito ang gagawin. Marahil base sa naging trabaho nito sa Maynila. Not bad. Good decision din pa lang kunin itong personal assistant niya. Hindi na siya masyadong mahihirapan, mababawasan ang trabaho niya. Besides, may tiwala naman siya kay Lenny na kaya nitong gawin ang trabaho. "May dress code nga pala tayo rito." Singit niya. Pinagmasdan niya ang suot ni Lenny. Ayos naman sa kaniya ang office attire nito. Naka-white long sleeve at naka-navy blue pencil cut skirt ito. She looks professional but what bothered him is--damn those sexy legs! May maikling hati kasi ang suot nitong skirt kaya pansin na pansin ang mapuputi at makikinis nitong legs. Puro lalaki pa naman ang mga trabahante sa farm. Tsk! "Dress code?" kunot noong tanong ni Lenny. Napako ang tingin niya sa legs nito saka huminga nang malalim. "Puro lalaki ang mga nagta-trabaho rito sa rancho, iwasan mo magsuot ng maiksi. Magpantalon ka at saka kahit simpleng blouse lang pwede na. Baka mag-aligaga sila pag nakita ang legs mo." Aniya. Bigla naman itong nahiya at naging conscious sa suot nito. "Pasensya na. Nasanay kasi akong pumapasok sa trabaho ng nakaganito. Bukas aayusin ko na ang suot ko." mahinang pagpapaliwanag na wika nito. "Its alright. Dito ka muna, 'yon computer maari mo gamitin anytime. At tungkol naman sa salary mo. I'll pay you fifty thousands monthly." "Fifty thousands?" bulalas ng dalaga. Nagulat yata ito sa narinig dahil nakaawang ang labi nito habang nakatitig sa kanya. Cute! "Yup. Pero dahil may utang kang babayaran sa'kin. Pwedeng 50/50 ang gawin natin, twenty five thousands lang ang mapupunta sayo monthly. Ang kalahati hulog mo na 'yon." "Ayos lang kahit sampung libo lang ang mapunta sa'kin. Yung cuarenta mil hulog ko na lang, para hindi ako matagalan sa pagbayad sa'yo." Turan nito sabay iniyuko ang ulo. Bakas ang lungkot sa boses nito. He sighed and shrugged. "Ikaw ang bahala. Libre naman ang pagkain dito. Naituro na ba saiyo ni Imelda ang magiging kwarto mo?" "Oo, alam ko na. Naroon na rin ang ibang gamit ko." kiming ngumiti at tumango lang ito. "Mabuti naman. Dito ka muna office, mainit sa labas. Mamaya magdadala si Imelda rito ng tanghalian. Babalik lang ako sa farm." saad niya saka iniwanan na ito. Siguro na-a-awkward lang ang dalaga sa sitwasyon nila. Hahayaan na muna niya ito maging palagay dito sa Hacienda at Rancho. Saka na siya hahanap ng tiempo kausapin ito. Gustong-gusto niyang magpaliwanag sa dalaga noon unang araw na makita niya muli ito. Pero nahiya siya, ano nga bang magandang paliwanag na sasabihin niya? Makatarungan bang aminin niya na kaya siya nakipaghiwalay dahil naging mahina at tuliro siya noon? Nang umalis ito ng Bacolod at nagpunta sa Maynila. Labis siyang nasaktan at nagsisi sa ginawa niya. Ilan beses siyang nagbalak hanapin ito sa Maynila subalit kinakain siya ng takot at kaba. Masakit man aminin ngunit naging duwag siya. Naging mahina siya. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan, hinding-hindi niya hahayaan mawala ito sa buhay niya. Lenny KINASTIGO niya ang sarili. Ano na Lenny, ang awkward ba? Tandaan mo, nandito ka para magbayad ng utang. Napabuntong hininga siya. Kahit ilan beses na niyang sinabihan ang sarili na hindi siya maiilang sa harap ng binata. Hindi niya mapigilan kabahan at mailang pag kasama ito. Argh! Mabuti na lang talaga at iniwanan muna siya ni Ajax. Nasu-suffocate yata siya pag nasa malapit ito. She sighed again. Tinignan na lang niya ang iba pang log book na nasa table niya. Meron din pa lang log book kung saan nakalista ang mga iba't ibang supplies na kailangan sa farm. Organized din naman pala si Ajax. Pero katakata lang na wala itong assistant man lang sa nakalipas na taon. Mag isa ba nitong ginagawa ang lahat? Mayamaya pa ay napalingon siya ng may pumasok sa loob ng opisina. Si Imelda at si Tibs. "Magandang tanghali, Ma;am Lenny." Magalang na bati ni Ime. "Napakaganda mo sa tanghali, Ma'am. Para kang dyosa sa tanghali--ang hot mo!" Pabirong puri ni Tibs sa kaniya. Natuptop niya ang bibig para pigilan ang matawa. Napailing na lamang siya. Pero mabilis naman na binatukan ni Ime si Tibs. "Ang daldal mo! Ang dami mong alam." Naiinis na wika ni Ime. "Aray naman! Ang selosa mo 'no? May gusto ka siguro sa'kin." Patudyong sabat naman ni Tibs. "Oo, gustong-gusto kita! ilublob sa imburnal, hayup ka!" Inis na angil ni Ime. Hindi na niya tuloy napigilan ang matawa. Mukhang ma-e-enjoy niya makasama itong dalawa. Napatingin siya sa hawak ni Ime na malaking basket. "Ayan na ba ang tanghalian?" kapagkuwa'y tanong niya. Bumaling sa kaniya ang dalawa at matamis na ngumiti. "Oo, Maam Lenny. Pagkain niyo po at ni Sir Ajax. Nagluto po ako ng adobo manok at meron din pong puto." Nakangiting sabi ni Ime. "Salamat," aniya. Inilapag naman ni Ime ang dala nito sa table niya. Nakaramdam na siya nang gutom nang maamoy niya ang adobong manok. "Kain ka na, Maam. Hoy Tiburcio! ikaw na magtawag kay Sir Ajax. Nandito na kamo ang pagkain." "Ikaw na magtawag. Dito lang ako sa tabi ni Maam Lenny." Ungot naman ni Tibs habang naka nguso. "At bakit kailangan nasa tabi ka ni Ma'am?!" gigil na angil ni Ime. "Titignan ko siya kung paano siya SUMUBO." Nakakalokong ngumisi si Tibs. Isang dagok sa ulo ang pinatama ni Imelda kay Tiburcio. Natawa siya nang malakas. "Ina mo ka talaga!" Sigaw ni Ime. Umiling-iling siya habang tumatawa. Kahit papaano hindi siya maiinip dahil sa dalawang ito. Bumunghalit siya ng tawa nang sabunutan ni Imelda si Tiburcio. Para itong mga bata na nag-aaway sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD