Lenny KINAUMAGAHAN, si Imelda ang unang nabungaran niya sa kusina. "Magandang umaga, Maam." "Morning, si Sir Ajax?" tugon niyang bati saka tinanong si Ajax. Tuwing umaga kasi sinasabay na siya ng binata patungong rancho. Kaya naman, napansin niyang wala si Ajax. "Ay, pinapasabi ni Sir, umalis sila ni Tibs. Sinundo 'yon veterinaryo dahil manganganak na ang isang kabayo ni Sir. Kung gusto niyo, Maam, samahan ko po kayo papunta sa rancho." paliwanag ni Ime sa kaniya. Umiiling-iling siya. "Naku, hindi ako na lang. May nakita akong bike sa likuran. Hiramin ko na lang iyon. Kaya ko na magpunta doon." Tanggi niya saka nginitian ito. Mas okay na 'yon. At least, makakahinga siya ng maluwag dahil wala ang binata. At saka na-miss niya ang pag-bibisekleta, gusto niya subukan uli. "Ganoon b