Chapter 6

1473 Words
Helena PABABA ako ngayon papuntang kusina para kumain, dahil nagugutom na ako pagkagising ko ngayon-ngayon lang. Pagkatapos kasi namin na mag-usap kanina ay pinagpahinga muna niya ako. Ayaw ko pa sana, dahil babalik ulit ako ng ospital para bantayan si kuya, kaya lang ay pinigilan niya ako. Mag uutos na lamang daw ito ng magbabantay sa kuya ko, sa isa sa mga tauhan nito, habang hindi pa ito gumagaling. Para raw magampanan ko ang napagkasunduan namin na magiging magkasintahan kami sa loob na anim na buwan. Wala naman akong magawa dahil iyon ang kasunduan namin. Kaya pipilitin ko na lang na ’wag munang mag-alala kay kuya, dahil nangako naman ito na hindi nito pababayaan at madadalaw ko pa naman daw si kuya roon kung kailan ko raw gustuhin. Basta raw magpapaalam ako ng ayos sa kanya, para ’di raw niya ako hanapin pa kapag wala ako sa paningin niya. Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko na naman si nanay Melba na naghahain sa hapag ng pagkain ko, kaya nginitian ko ito at binati. Ngumiti naman ito pabalik sa akin, alam na rin kasi nito kung bakit ako naroroon at ng iba pang mga kasambahay dito sa mansyon na kasintahan ako ng amo nila. Dahil bago naman ako natulog kanina ay na-i-announce na rin naman ni Brian na kasintahan niya ako sa lahat ng taong narito. Kung iba-iba lang sigurong sitwasyon ng ipakilala ako nito bilang isang kasintahan ay siguro ay nagsaya na ako ng sabihin nito iyon. Dahil sino ba naman ang hindi magmamalaki na magkaroon ka ng gwapo at mayaman na kasintahan tulad ni Brian? Dangan nga lang at kunwari lang ang lahat, pero hindi naman ako nadidismaya. Dahil ang importante lang naman sa akin ngayon ay ang kalagayan naming magkapatid lalo na kay kuya. Matapos kong kumain ay agad na ulit akong umakyat sa taas. Kung saan ako namamalagi matapos kong magpaalam kay nanay Melba. Binuksan ko na lamang ang TV sa silid na iyon at nanood na lamang ako ng mga palabas na ipinapakita roon. Dahil wala naman akong magawa, ngunit hindi ko namalayang nakatulog ulit ako dahil sa kabusugan. NAGISING ako sa malakas na katok sa may pintuan ng silid ko at pagkatapos ay may nagsalita roon. “Sumunod ka sa kwarto ko, Helena. Dalian mo ayokong pinaghihintay ako,” saad ni Brian sa may pintuan, dumating na pala ito. Kahit kinakabahan ay wala akong karapatang magreklamo. Kahit anong mangyari ay darating pa rin kami sa puntong iyon. Ang kailangan ko lang gawin ay ihanda ang aking sarili pag-nagkataon. Pumayag ako sa kasunduan namin ang maging kasintahan niya ako sa loob ng anim na buwan na may mangyayari sa amin. Kaya alang-alang kay kuya Agaston ay gagawin ko ito. “Narinig mo ba ang sinabi ko?” tanong ni Brian mula sa pintuan ng aking kwarto ko at muling kumatok. Kararating lang nito dahil may pinuntahan daw ito kanina sabi ni manang Melba. “Oo! N-nandyan na!” Dali-dali kong sinuot ang tsinelas ko matapos kung ayusin ang hinigaan ko at sinundan ko ito sa kanyang silid. Namangha ako sa luwang at ganda ng silid nito. Malinis at nasa ayos ang mga kagamitan nito, simula sa kama hanggang sa mga kagamitan nito ay maganda. Tulad ng inaasahan ko ay sinabi nitong; “Hubarin mo ang damit mo, dahil maliligo tayo.” Anito pero kahit inaasahan ko na iyon ay nanginginig at pikit mata ko iyong ginawa. Inalis ko ang aking t-shirt kaya naiwan na lang ang bra ko at ang aking short na pula. Pinasadahan naman nito ng tingin ang katawan ko, particularly sa may dibdib ko na natatabingan na lang ng kakarampot na tela. “Iyan lang ba ang huhubarin mo? Paano ang natitira pa?” nakaarko ang ang isang kilay nito habang sinasabi iyon sa akin. “K-kailangan ba nating gawin ngayon i-ito?” nanginginig ang boses kong tanong. Hindi na ito nag-abala pa na sagutin ang tanong ko at naglakad na lamang ito papasok sa banyo. Natulala naman ako dahil sa ginawi nito. Ano iyon? Ilang saglit lang akong hindi gumalaw, ngunit ilang segundo lang ay dahan-dahang kong inalis ang short ko kaya panloob na lang ang natitira sa suot ko. Hindi ko kayang hubarin ang lahat ng saplot ko, dahil nahihiya ako, kaya hahayaan ko na lang na ito ang gumawa niyon. Nanginginig kong hinawi ang shower curtain na nakatabing sa shower room kung saan ito naroroon at pikit mata akong pumasok doon. Alam kung pinagmamasdan niya ako ng mga oras na iyon. Brian NAPAKAGANDA niya talaga, una ko pa lang itong nasilayan ay nagandahan na ako sa kanya at may naramdaman na akong kakaibang feelings dito na hindi ko maipaliwanag. Lalo na ngayong nakapanloob na lang ito ngayon sa harapan ko. Kitang kita ko na ngayon ang minsan ko ng nakawakan. Ang magandang hubog ng katawan nito ay sobrang perpekto, may maliit na baywang at malaking balakang at may katamtaman na malulusog na dibdib at maputi at makinis ang balat nito. Napakagat labi ako at unti-unti ko itong nilapitan at hinawakan ang makinis at malambot nitong mukha at inilakbay ko ang tingin sa kabuuan ng mukha nito. Pinagmamasdan ko ito ng maigi, nakapikit ito at halatang kinakabahan sa gagawin ko sa kanya. Kaya napangiti ako at dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi nito. Hinalikan ko ito na may pananabik, sa una ay banayad ko lamang itong hinalikan sa labi pero maya-maya lamang ay pinalalim ko na ang halik ko rito. Parang hindi nito alam kung tutugunin o hindi ang ginagawa ko sa kanya. Kaya lalo kung pinag-igihan ang aking ginagawa para madala ito sa senyasyong pinapadama ko rito. Maya-maya lang ay tumutugon na ito sa halik ko, kaya lalo akong ginanahan sa pagtikim ko sa malambot at matamis-tamis nitong labi. Habang natagal ang halikan namin ay lalo lang akong nadadarang at nasasabik. Kaya pinisil ko ang balikat nito at idiniin ko ito sa dingding kung saan naroon ang shower at binuksan ko iyon. Habang patuloy pa rin ako sa paghalik dito. Nang kakapusin na ako ng hininga ay inilipat ko naman ang paghalik ko sa kanyang leeg pababa. Habang inumpisahan ko nang tanggalin ang pagkaka hook ng bra nito sa kanyang likod. Basang basa na rin kami, dahil hinayaan kong lumagaslas lang ang tubig mula sa shower sa aming mga katawan. Bago ko matapos ang paghalik ko sa leeg nito ay sakto namang napagtagumpayan ko ang pagkalas ko sa pagkakabit ng hook ng bra nito. At hinayaan kong malaglag iyon ng kusa at ipinagpatuloy ko ang paghalik at panaka-naka kong pagsipsip sa balat nito pababa. Hanggang sa mapadako na ang labi ko sa kaliwa nitong umbok. Habang malaya naman ang isa kong palad sa pagsakop sa kanan nitong dibdib. Maya-maya lamang ay salitan na ang paghawak at paghalik ko sa magkabilaan niyang hinaharap. Nang magsawa ako roon ay iniwan ko ang mga iyon at sinimulang punitin ang panty nito at itinapon ko na lang kung saan ang nasira kong kapirasong telang huling tumatabing sa katawan nito. Napamaang ito sa ginawa ko kaya napangisi ako. Magrereklamo na sana ito, pero natigil dahil hinawakan ko ang matambok na pang-upo nito at sinimulan kong dilaan ang tiyan nito pababa sa pusod nito kaya napasabunot ang kamay nito sa buhok ko. Kahit medyo masakit ay ininda ko lang ang pagkakahawak nito sa buhok at pinagpatuloy ko ang pagpisil sa pang-upo nito. Habang pinababa ko ang dila ko sa pusod at sa pagitan ng hita nito. Kaya napakagat labi ito at impit na napa-ungol at kinakaligkig ito nang bahagya. Hindi ko lang alam kung sa lamig ng tubig na nagmumula sa dutsa ng shower o dahil sa ginagawa ko rito? Ilalapit ko na sana ang aking mukha na nasa pagitan ng mga hita nito at sisimulan ko na sanang tikman ang mabangong bulaklak nito. Nang hawakan nito at takpan ng palad nito ang kayamanan nito habang nanginginig na. Kaya napatingala ako rito at nakita ko ang namumuong luha at namumulang mga mata nito. Dahil sa pagpipigil siguro nito sa pag-iyak. Napamura ako ng makita ko ang mga mata nitong nangungusap at tila nagmamakaawa. “Damn!” Ang selfish ko, hindi ko man lang naisip na may pinagdadaanan pala ito ngayon. Kaya dapat inisip ko muna iyon bago ko pinairal ang pagnanasa ko rito. Napabuntong hininga ako at tumayo nang mabilis. Pinablangko ko ang ekspresyon ko at inabot ko ang isang bathrobe na nakasabit sa may gilid ng kabinet na nasa banyo ko at itinapis ko sa hubad nitong katawan. “Get out of my sight and rest again. Don't say any words, just get out of here now. While I was still restraining myself. Get out!” I said loudly, sanhi upang mapapitlag ito sa gulat at takot sa pagsigaw ko. Nagmadali naman itong lumabas agad sa silid ko kaya napabuntong hininga na lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD