Chapter 5

1594 Words
Helena HINDI na muling bumalik pa si Brian kaya nauna na akong kumain, mabuti nalang at hindi na ako inusisa pa ni Aling Melba, matapos itong bumalik ng sagutin nito ang telepono. Kaya nagpaalam na ako rito na aakyat na muna sa taas matapos kung hugasan ang kinainan ko, hindi sana ako nito pahuhugasin pero ayoko namang mag astang bakasyonista sa bahay na ito. Ang papel ko ay bayaran ang pagkakautang ng kapatid ko sa amo nila at hindi kasama roon na magbuhay prinsesa ako rito kasama ng Brian na iyon. Aakyat na sana ako sa taas kung saan nandoon ang kwarto ko nang madaan ko ang maid quarters na katabi lang ng dirty kitchen kung saan ako kumain kanina. Narinig ko ang isang masamang balita sa nakabukas na television sa isa sa silid ng katulong na naroon. Bigla na lang tumulo ang luha ko ng makita ko ang taong nasa balita na pinagbabaril at binanga raw ng hindi nakilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Tatlong oras na iyong nakakalipas kaya actual na lang sa CCTV video ang ipinakita dahil minadali raw nilang dalhin ang biktima sa ospital sa Taguig, dahil sobrang malubha ang tinamo ng kuya ko. Ilang saglit din akong natulala, kung hindi pa ako tinapik ng isang maid sa balikat ko sa kinatatayuan ko ay hindi pa sana ako makakilos. Hindi ko na sinagot ang tanong ng maid na kung “Okay lang ba raw ako?” Dahil nag madali na akong pumanaog sa taas at kinuha ang cellphone at wallet ko, para puntahan ang kapatid kong nasa ospital ngayon. Walang lingon-lingon akong agad lumabas ng Mansyon at hindi na nagpaalam pa kahit pa tinatawag ako ng mga katulong na naroon. Makalipas ang isang oras ay nakarating ako sa hospital kung saan naka confine ang kuya Agaston ko. Nagtubig naman agad ang mga mata ko ng makita kong nakaratay si kuya na may kung anu-anong aparato ang nakakabit dito, kaya humagulgol agad ako ng iyak habang yakap-yakap ko si kuya Agaston. Maya-maya lang ay may pumasok sa ward na iyon na isang doktor kaya agad ko itong nilapitan at tinanong. “Doktor, kumusta po ang kapatid ko magiging okay po ba siya?” tanong ko sa pamamagitan ng aking pag-iyak. “Ikinalulungkot ko Miss, but nacomatose ang kapatid mo, dahil sa lakas ng pagkakabagok ng ulo nito sa kalsada at naapektuhan ang puso nito. Dahil sa tatlong balang tumama rito sanhi ng pagtigil ng pagtibok ng puso nito, kaya sa ngayon ay ang life support at oxygen tank na lang ang mga bumuhay sa ugat at sa puso ng kapatid mo. Panalangin mo ng maigi ito sa itaas dahil himala na lang ang kakailanganin ng kapatid mo para mabuhay. Hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng heart donor, dahil hindi na mapapakinabangan ang puso ng kapatid mo. Dahil na damage ito ng husto. I'm sorry about that, miss. I have to go at marami akong pasyenteng pupuntahan.” Tapik nito sa balikat ko bilang pakikipagsimpatiya nito sa akin bago niya ako iwanan. Dahan-dahan naman akong nanghina sa mga narinig ko, awang awa ako sa kapatid ko at galit na galit sa mga taong gumawa nito sa kanya. Kahit na malaki ang pagkukulang nito sa akin bilang kapatid ay hindi nito deserve na mangyari ang lahat ng ito. Pwede naman sana pinakulong na lang nila ang kapatid ko kung pinagkakautangan nito ang gumawa nito, kaysa nasa ganito itong sitwasyon, tao lang din ito kaya may karapatang mabuhay at magbago. Kung alam ko lang na mangyayari ito sa kanya, sana hindi ko na lamang muna ito iniwan. Sana naki-pag-jamming muna ako sa kanya. Sana hindi ko siya pinursige na maghanap ito ng pera para makabayad agad kami sa mga pinagkakautangan namin. Sana hinayaan ko na lang na ako na lang ang gumawa ng paraan para rito. Sana hindi ko pinairal ang galit sa puso ko, sana nasabi ko man lang dito na kahit gano’n ito ay mahal na mahal ko siya. . .maraming sana pero, hindi na nito maibabalik ang nangyari sa kapatid ko. Wala akong kwentang kapatid wala man lang akong nagawa para tulungan ito. Iyak ko habang inisip ko ang mga nangyari sa amin ngayon. Ang sakit-sakit sa dibdib dahil sa pangatlong pagkakataon ay mawawalan na naman ako ng mahal sa buhay. NAGISING ako na nakasalampak sa sahig, doon pala ako nakatulog kakaiyak, dahil sa sitwasyon ng kapatid ko, kaya kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Dahil na iiyak ko na ang sama ng loob na naipon sa puso ko ng mahabang panahon. Pinanood ko ito sa kinalalagyan nito at pinagmasdan ang paghinga nito. Humihinga ito, pero hindi dahil may buhay ito, kundi dahil sa mga machine na nakakabit dito. Inayos ko na ang aking sarili at agad na lumabas ng ward pagkatapos kong magpaalam sa kapatid ko kahit hindi niya ako maririnig. Walang mangyayari kung iiyak na lang ako ng iiyak, dapat may gawin ako kahit anuman ang mangyari. Babalik ako sa Mansyon, pero bago iyon hahabilin ko muna ang kapatid ko sa mga nurse na naka duty doon para emonitor si kuya. Gabi na ng makauwi ako sa Mansyon ng mga Spencer dahil may kasunduan pa rin kami nito, kaya wala akong balak takasan iyon. Lalo na ngayong kailangan na kailangan ko ng mas malaking pera para sa kapatid ko, upang mabuhay pa ito, hindi ako titigil kahit madagdagan pa ng isang linggo o buwan or taon ang pagpapaalipin ko kay Spencer, basta mapagamot ko lang ang kuya Agaston ko at mapakulong ang may sala nito sa kanya. Wala ako sa sarili ng pumasok ako sa loob ng mansyon nakita ko si Brian na nakaupo sa sofa, habang may hawak na kopita na may lamang alak at parang may hinihintay ito. Ngunit wala akong pakialam dahil masakit pa rin sa dibdib ko ang mga nangyari lalo na sa nangyari sa kapatid ko. Dinaanan ko lang muna ito at nagmadali akong umakyat sa silid at nagbihis, inayos ko ang aking sarili at ilang ulit kong prinaktis ang mga sasabihin ko kay Brian ng mahimasmasan na ako. Bumalik nga pala ako rito, upang magdemand ng bagong agreement sa pagitan naming dalawa. Kaya bahala na! ALAS kwatro ng hapon ng napagdesisyunan kong puntahan si Brian upang kausapin ito. Para sa panibagong kasunduan na ako naman ang magbibigay. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng library nito sa Mansyon ding iyon. Dahil doon ako itinuro ng isang maid na napagtanungan ko kanina. “Come in!” sagot naman nito sa mababang boses, bago ako pumasok at naglakad sa loob niyon, nakita ko itong naka-upo sa isang mesa na naroon na nakaharap sa laptop habang nagtitipa ito roon. “Magandang hapon. P-pasensya na pala kung umalis akong hindi nagpapaalam. P-pinuntahan ko lang ang kapatid ko sa o-ospital.” Pumiyok ako nang sabihin ko iyon, hindi ko na mapigilan ang mga maluha dahil na alala ko naman ang itsura ni kuya sa ospital kanina. Pinigilan ko lang ang ‘wag maiyak sa harapan nito. “I know, nabalitaan ko sa isa kong tauhan ang nangyari sa kapatid mo, ikinalulungkot ko ang nangyari.” Sagot naman nito na ikinakunot ng noo ko. “Paano na laman ng tauhan mo ang nangyari sa kapatid ko?” nagtataka kong tanong dito; May kinalaman ka ba dito?” Galit na dugtong ko. “No, wala akong kinalaman sa kapatid mo, pero aaminin kong simula kahapon ay pinamamanmanan ko ang kapatid mo para sa’yo! At para na rin maproteksyonan siya sa mga taong pinagkakautangan niya. Ilang beses na rin kasing nakatanggap ang kuya mo ng death threat. Itinago lang sa iyo, dahil ayaw ka yata niyang abalahin pa. Siguro dahil may mga pinagbabayaran ka pang iba na kanya ring naging utang.” Paliwanag nito sa akin, kaya lalong nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi nito, dahil ’di ko man lang alam na may pinagkakautangan pa pala ang kapatid ko, bukod pa sa inuunti-unti kong binayaran at sa utang din ng kuya ko sa lalaking ito. Nanlulumo ako sa mga narinig dahil hindi ako makapaniwala. Muntik na akong matumba, mabuti na lang at nakakapit ako sa may bookshelves na malapit sa kinatatayuan ko. “I'm sorry, kung walang nagawa ang tauhan ko, para hindi mapahamak ang kapatid mo. Pero agad niya naman nadala ito sa ospital bago niya pinagbigay alam sa akin. But don't worry, pinaiimbestigahan ko na rin ang nangyari. Kaya ako umuwi bago ka nakaalis kanina para sana ibalita iyon sa iyo. Ngunit huli na pala ako at nalaman mo na. Kaya hinayaan na lang kita at hinintay na lang kita dito.” Napabuntong hininga ito matapos sabihin iyon sa akin. Ilang sandali bago ko natanggap ang mga nalaman. Naluluha ako at dahang dahan na lumapit dito habang hilam ng mga luha ang mga mata ko. “P-please, tulungan mo ako na. . . mapagamot ang kuya ko, a-ayaw ko siyang mawala sa akin. Please! Mr. Spencer, alam kung wala akong karapatang humingi sayo ng pabor. Dahil hindi pa ako bayad sa malaking utang pa sa iyo ni kuya. P-Pero kakapalan ko na ang mukha ko, tulungan mo lang ako. Lahat ay gagawin ko, para makabayad kahit sa anong paraan at kahit maging alipin mo man ako habang buhay ay gagawin ko. Please help me!” hagulgol ko habang nagmamakaawa rito. Konting katahimikan ang namayani rito bago ito sumagot. “Sige, pagbibigyan kita, pero sa isang kondisyon. Hindi na isang linggo ang pagiging slave mo sa akin.” Anito kapagkuwan; Be my fake girlfriend and warm my bed for 6 months. And you're wish is granted.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD