bc

SABIHIN MONG MAHAL MO AKO-COMPLETE

book_age18+
1.7K
FOLLOW
7.0K
READ
billionaire
revenge
drama
realistic earth
servant
passionate
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

WALANG makakapagligtas kay Helena Tañola mula kay Brian Spencer na isang bilyonaryo, kundi ang kanyang sarili lamang. Dahil siya ang naging pambayad utang sa pagkatalo sa sugal ng kanyang kuya Agaston. 

    Bilang kabayaran, siya ang hinihiling nitong pambayad sa tinatakasan na nautang ng kanyang kapatid ng makita siya ng lalaki isang gabi ng binubugbog ang kanyang kapatid ng mga tauhan nito sa labas ng kanilang tahanan dahil kanya itong tinulungan. 

    Wala siyang lakas para tumutol, dahil ayaw naman niyang makulong ang kanyang nag iisang kapatid, dahil ulila na sila sa mga magulang at ang kanyang kuya na lang ang kanyang natitirang kasama sa buhay.

    “Ang gusto ko lang ay ang maganda mong katawan sa loob ng isang linggo, bilang bayad sa utang ng kapatid mo. That's all and after that we're both are free,”  saad ng lalaki habang seryoso itong nakatingin sa kanya, habang nanginginig siya sa kaba sa presensya ng lalaki o baka dahil sa kakaibang feelings na kanyang naramdaman ng magtama ang kanilang mata ng lalaki.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Helena NAPALABAS ako ng bahay nang makarinig ako nang mga daing na tila ba nasasaktan. Binuksan ko ang pinto at natatakot na hinahanap ang ingay na iyon. Pagkalabas ko ay nakita ko ang tatlong lalaki sa labas ng tarangkahan ng aming bahay. May binubugbog ang mga ito at sa hindi kalayuan ay magarang sasakyan na nakaparada roon. Papasok na sana ako dahil sa takot na baka madamay pa ako, ngunit nang nabosesan ko ang dumadaing ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para awatin ang mga ito. “Bitiwan ninyo siya, bitiwan ninyo ang kuya ko!” malakas na awat ko sa mga ito. “Helena, pumasok ka sa loob ‘wag mong intindihin ang kuya!” Sigaw naman ng kapatid ko sa akin, pero matapang pa rin akong sumugod at pinagtutulak ang mga ito para makalapit ako sa kapatid ko. “Ano bang kasalanan ng kuya ko sa inyo? at binubugbog ninyo siya?” galit na galit na umiiyak kong sumbat. “Sino ka? At bakit ka nakaharang diyan. Kung ayaw mong masaktan umalis ka rito at isipin mong wala kang nakita!” Isang baritonong boses ang nagsalita sa likod ko. Bigla namang nag sitabihan ang mga lalaki kaya nahawi at nabigyan daan ang nagsalita para lumapit sa akin. Sa tulong ng malamlam na liwanag na nagmumula sa buwan ay kita ko ang matikas na pangangatawan nito at sa hilatsa ng itsura nito ay mahahalata mong isa itong may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ko pa rin maaninag ang mukha nito at nang tuluyang makalapit ito sa amin ni kuya ay na hugot ko ang sariling hininga dahil sa nakakapanghinang tingin nito sa akin. Gwapo ang lalaki na may makapal na kilay, pangahan ito na may papatubo pa lang na balbas. Matangos din ang ilong nito, kulay asul ang mga mata na may mahahabang pilik. Ilang sandali akong hindi nakapagsalita pero ng kabigin ako ng kapatid ko para itago sa likod nito ay saka lang ako natauhan. “‘Wag mong gagalawin ang kapatid ko! Kung anuman ang problema sa pagitan natin ay atin na lang iyon,” saad ni kuya sa lalaki at bumaling sa akin; At ikaw naman Helena, pumasok ka na sa atin para hindi ka na madamay pa,” anito, ngunit nagmatigas ako at kumawala sa pagkakahawak ng kapatid ko at muling hinarap ang lalaki. Sa pagkakataon na iyon ay galit at tapang ang ipinakita ko rito at hindi na inintindi ang kakaibang nararamdaman ko para sa lalaki. Tinabig ko ang kuya ko para mabitawan ako nito at ito naman ang itinago ko sa likuran ko. Bugbog sarado kasi eto at nanghihina kaya wala itong nagawa ng gamitan ko ito ng lakas. Lumapit din ako sa lalaki na nasa harapan namin. Galit na hinarap ko ito. Lalapitan na sana ako ng isa sa tauhan nito nang iangat nito ang kanang kamay para pigilan ang kasama at nakangisi itong inilapit ang mukha sa mukha ko at tinitigan ako ng maigi at sinuri ang kabuuan ko. Kaya nabastusan ako rito, kaya hindi ko na nakontrol ang sarili ko at sinampal ko na ito ng malakas. “YOU, don't have the right to slap me, especially kung hindi mo alam kung ano talaga ang ginawa ng kapatid mo, kaya ko siya pinabugbog,” anito at ngumisi nang nakaloloko sa akin. Brian AKO si Brian Spencer isang bilyonaryo at marami akong kompanyang na itinayo sa iba't ibang sangay ng Pilipinas at mga casino na nagkalat na rin. Ako raw ay walang awa, walang puso, wala ring pakiramdam at kailanman hindi raw ako nagpakita ng kahinaan sa ibang tao lalo na ng mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, kaya nasanay na akong maging ganoon. Kaya first time sa tanang buhay ko na may maglakas loob na sampalin ako. “Bakit ikaw? kahit anuman ang atraso sa iyo ng kuya ko ay wala ka pa ring karapatang bugbugin siya, porke ba mayaman ka ay may karapatan ka nang manakit. Pwede naman pag-usapan kung anuman ang nagawang masama ni kuya sa iyo!” galit na sumbat nito sa akin. “Bakit, kung mapag-usapan natin ay kaya mo kayang bayaran ang pera na tinakasan ng kapatid mo sa akin. Dahil sa pagsugal niya sa casino ko?” nang aasar na tanong ko sa babae. She looked at me for a moment and then she also looked at his brother na hindi makatingin ng ayos dito. So I smiled and looked at here again. Aaminin ko ng makita ko ito na lumabas sa bahay ni Agaston ay inakala kong asawa ito ng lalaki. Kaya wala na dapat akong pakialam at ipauubaya na lang sana niya sa aking mga tauhan ang pananakot dito. Para mapilitan itong magbayad sa utang nito sa akin, matapos kasi na magyabang itong mananalo sa pustahan ng isa kong customer, na madalas maglaro roon na kaya nitong ipanalo ang laro. Pero ng matalo ay bigla na lamang itong tumakas na hindi na nababayaran ang naitalo nitong pera na ipinang pusta sa sugal, kaya ako na ang umabuno sa naipatalo nito para lamang hindi ako mawalan ng customer lalo na ang regular client ko na ang niyabangan ng lalaking iyon. Mabuti na lamang at ang bawat naglalaro sa casino ay pinapa fill-up namin at hiningi ang address ng mga ito para kung saka-sakaling magkaroon nga ng aberya, ay madali na lang naming matunton ang mga gagawa ng kalokohan o dadaya sa sugal sa Casino Royale na pag-aari ko. Kaya hinanap ko ito para mabayaran nito ang kalahating milyon na kinokonsidera kong utang na nito sa akin. Pababayaan ko na sana ang babae na madamay sa galit ko sa lalaking binubugbog ng mga tauhan ko at aalis na sana ako ng marinig ko na sumigaw ito ng kuya, kaya nakuha nito ang atensyon ko. Lalo na ng matapatan ito ng liwanag ng buwan ay napatigil ako nang ilang saglit at napatulala sa kagandahang nakikita. Pero ng makabawi ako sa pagkatulala ay napangiti ako, kaya I decided to show up here close to scare her. Upang malaman ko kung ano ang magiging reaksyon nito sa sitwasyong iyon. Ang hindi ko lang inaasahan ay masasampal ako nito dahil sa mga sinabi ko rito. Pero sa halip na magalit ako ay natawa pa ako sa pagiging matapang nito, kaya lalo akong na curious dito. Hindi ko na binawi ang tingin dito at lalo ko pang inilapit ang pagmumukha ko sa mukha nitong ‘di maipinta nang sinuman. Inilagay ko ang aking palad sa pisngi nito at pinasadahan ko nang haplos ang makinis nitong pisngi at hinawakan ko ang kanyang baba at itinaas iyon. “So now, can you pay me half a million pesos right here?” I ask her again at inilahad ko ang palad ko sa kanya. I smirk ng makita kong nanlaki ang kanyang magagandang mata sa gulat. “A-anong sabi mo? K-kalahating milyon?” tanong nito na nauutal at nawala ang matapang nitong aura. Habang ako naman ay ‘di ko inalis ang daliri ko sa baba nito. “Oo, kalahating milyon ang utang ng kapatid mo sa akin. Dahil sa pagsusugal niya na wala namang dalang pera. So, can you pay me now, para tigilan ko na ang kuya mo?” sinadya kong takutin ito ng kunti sa pagtaas ko ng boses, dahil ang iba kasi kapag mataas na ang boses ko ay nanginginig na sila sa takot sa akin. Lumunok muna ito bago sumagot; “B-Babayaran kita, basta bigyan mo lang ako ng sapat na panahon!” pagsusumamo nito sa akin at biglang nawala ang tapang nito. “Okay! Madali naman akong kausap, pero nagbago na pala ang isip ko, hindi na pera ang gusto kong ibayad mo?” seryoso kong sambit dito, kaya natahimik ito at maya-maya lamang ay sumagot agad ito. “A-ano? Sabihin mo kong may iba pang paraan para mabayaran agad kita ay gagawin ko?” nagsusumamo pa rin na sabi nito at tuluyan na ngang nawala ang tapang nito sa akin. Binitiwan ko ang baba nito at kinabig ko siya, para mapalapit siya sa akin ng husto at ibinulong ko rito ang gusto kong kapalit na bayad sa akin. “Ang gusto ko ay ang maganda mong katawan sa loob ng isang linggo, bilang bayad sa utang ng kapatid mo. That's all and after that we're both are free.” Aniko. “Ikaw! Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. Bigyan mo na lang ako ng sapat na panahon p-para m-mabayaran kita, ‘wag lang sa ganyang paraan!” hindi pa rin sumusukong sambit nito at napasigaw pa ito dahil siguro sa kaba. Habang ang kapatid naman nito ay hindi na namin namalayan na nawalan na pala ng malay kaya hindi na nasaksihan ang mainit namin sagutan ng kapatid nito. “W-wala na bang ibang p-paraan?” ito ulit ng tiningnan ko lamang ito habang umiiling iling. “Wala ng ibang paraan, dahil ayokong matagal bumayad ang nagkakautang sa akin. At iyan lang ang mas madaling paraan para mabayaran mo ako. Maging akin ka ng isang linggo, kapalit ng katawan mo o mabulok sa bilangguan ang kapatid mo. So now! Be my s*x slave in one week. Take it or leave it?” aniko na may ngiting tagumpay dahil matagal itong hindi nakaimik sa sinabi ko. Pero hindi ko na ito hinintay na magsalita pa at inunahan ko na ulit itong magsalita. “That's all! Inaasahan ko ang sagot mo bukas, at kung hindi ka papayag, ay dapat dala mo na ang perang sinasabi ko.” Malamig kong sagot dito. Binitawan ko na ito at nagkibit-balikat na sinenyasan ko ang tatlo kong bodyguard na napabayaan na ang magkapatid at sumunod na sa akin. Tinalikuran ko na ang mga ito at sumakay na sa aking sasakyan. Samantalang ang babae naman ay parang nauupos na kandila at napatulala, dahil sa nangyari sa kanilang magkapatid tiningnan nito nang masama ang kapatid nito, pero maya-maya lang ay lumambot din ang ekspresyon ng mukha nito at naawa na lang na inalalayan ito papasok sa kanilang tahanan. Iyong ang mga nakita ko ng makasakay ako ng sasakyan ko, ilang sandali pa ay pinaandar ko na ang sasakyan ko nang tuluyang makapasok ang magkapatid sa bahay ng mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
177.6K
bc

His Obsession

read
86.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
136.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook