Chapter 7

1742 Words
Brian MAAGA akong umalis matapos kong bilinan si manang Melba, na ‘wag papalabasin si Helena, kung hindi rin lang sa ospital ito pupunta. Kasalukuyan akong nasa kompanya dahil may itinawag sa akin ang aking sekretarya na may kaunti raw na problema sa office. Iyon ang rason kaya alas sais pa lang ay umalis na ako sa bahay. Pinindot ko ang intercom na nakakonekta sa lahat ng telepono sa loob ng building ng kompanya ko at ilang saglit lang ay may boses na nagsalita sa kabilang linya. “Yes, Sir?” sagot nito. “Kailan ba ang appointment ko sa mga devtech bukas?” tanong ko. “Seven o'clock ng hapon, Sir?” “Alright, fax me a detailed report of their company and where's the documents for the Flordinio bargain?” “I'll fax them to you, now sir!” nauutal na sagot sa akin ni Vina, my secretary. “Isama mo na rin iyong pinag-meetingan natin noong nakaraang araw!” galit na saad ko at naiinis na hindi ko na hinintay pa ang isasagot nito. Sinimulan ko nang suriin ang mga dokumento na dapat kung pirmahan, habang hinintay ko ang result sa itinawag sa akin ng secretary ko para pumasok ako ngayon ng ganito kaaga, hindi ko man lang tuloy nasilayan ang magandang mukha ni Helena, bago ako pumasok sa trabaho. HALOS bente minutos na lang ay oras na ng uwian, ngunit hindi pa ako tapos sa kalahati ng aking trabaho. Sa ngayon ay kakailanganin ko pa rin manatili sa opisina hanggang sa matapos ko ito. Iaabot ko na sana ang intercom para pag-overtime-in ko na ang secretary ko, pero natigil ang pagpindot ko roon ng may isang palad ang humawak doon at isang malalim na boses ang nagsalita, kaya napaangat ako nang tingin sa kung sino man ang herodes na ito. “Kanselahin ang lahat ng mga tawag ni Mr. Spencer, ayusin sa ibang araw, para sa kanyang mga appointment at ihanda ang kanyang sasakyan. Aalis na kami ngayon. Maliwanag!” utos ng lalaking umagaw ng telepono sa akin. “Damn Rex, anong ginagawa mo?” sita ko sa lalaking pasaway na ito. “This is Forex Speaking, do as I say!” sabi ni Rex. “Yes, Mr. Clemente,” Saka naman nito tinaas ang palad mula sa intercom matapos makuha ang sagot ng sekretarya ko. “Huwag mong sundin ito, Vina,” sabi ko, ngunit patay na ang intercom, kaya napasimangot ako kay Rex na umupo na sa katapat, kung saan ako naka-upo, habang a nakangising aso pa itong nakatingin sa akin. “Sorry ka, Brian. Mas mahal ako ni Vina, kaysa sa iyo,” nang-aasar pa ito ng sabihin iyon sa akin, kaya lalong nag salubong ang kilay ko. “Hindi mo kailangang gawin iyon, alam mo naman na marami akong dapat gawin para sa kompanya ko, bukod sa Casino na hawak ko,” daing ko at napasandal sa swivel chair ko. “Ang pagpapaka subsob mo sa trabaho ng maraming taon mula nang mamatay si Cristina?” nakataas kilay pa na bara nito sa sinabi ko. “Huwag mong ipasok sa usapan natin si Cristina dito, dahil matagal na siyang nanahimik.” Napipikon na saad ko naman dito. “Damn! I can't help it. Ayaw namin na mamatay ka sa nakasubsob sa trabaho, kung pananatilihin mo ito.” Napipikon na rin ito. Sasagot na sana ako ng may mga pumasok sa opisina ko na iba pang mga asungot. “Rex/Brian!” Napatingin kami ni Rex sa may pintuan ng opisina ko at nakita namin ang dalawa pa naming kaibigan, habang papaupo na sa mahabang sofa na naroon na nakalaan para sa mga bisita ko, kahit hindi ko pa sila inaanyayahan. “Bakit din kayo nandito?” tanong ko naman sa dalawa na bigla rin sumulpot na walang pasabi. “Yayain ka sana namin, kaya lang parang naunahan na kami ni Rex. Sa pag-aya sa iyo.” Sabay na sagot ng dalawa pa naming kaibigan na si Conor at Allan. “Listen guys, Sorry talaga, I'm busy, can you all see!” Na iiling na sagot ko sa kanila. “No you are not,” sabi ni Allan; Tumayo ka na diyan. At lalabas tayong tatlo.” Dugtong pa nito. “No, sorry talaga guys. Busy talaga ako!” “Ganoon din kami, pero kailangan nating magsaya paminsan-minsan, okay!” ngunit saad lamang nito at hindi nito sineseryoso ang dahilan ko. Sila ang mga matatalik kong kaibigan. Lahat kami ay mayayaman at may share sa Casino Royale na pagmamay-ari ko. Pero bukod doon ay may kanya-kanya rin kaming mga negosyo na tinututukan namin ng higit na oras maliban na lang kay Conor na sa Casino na yata tumira at ibinubuhos ang oras, dahil sa isang dahilan na siya lamang ang nakakaalam at kung alam ko man, ay hindi ko pwedeng ikwento kaninuman. Tulad ng hindi nito pakikialam sa nakita nito tungkol kay Helena, na paniguradong hindi pa nito na i-chichismiss dito sa dalawa naming kaibigan. Dahil kung alam na nila iyon ay ito ang una-una nilang uusisain sa akin. Mabuti na lang at kahit kailan ay hindi ito pala-kwento sa amin sa personal nitong buhay o buhay ng ibang tao. Tahimik at malihim ito, ’di tulad sa dalawa na bukal sa lahat ng bagay. “Ayoko!” Matigas pa rin na tutol ko sa mga ito. “Ayaw mo ah! Sige mga kaibigan, bitbitin natin iyan.” Utos ni Rex sa dalawa na hindi naman tinutulan ni Conor. “No, no! Oh! s**t, okay sige-sige, hindi ninyo na kailangan pang gawin iyan sasama na ako,” sabi ko sa tatlo at nagmamadaling tumayo bago sila makarating sa mesa ko alam kong totohanin nila ang inuutos ni Rex. Kaya mabilis pa sa alas kwatro na nakaligpit na ako ng wala sa oras dahil sa mga mokong na ’to. “All right!” tuwang tuwa ang dalawang gago na sabay pang nagsalita at nag-apiran pa maliban kay Conor na nagkibit-balikat lang at nauna nang lumabas sa opisina ko, kahit kailan talaga ay demonyo ang dalawang ito at ang isa naman na iyon ay bato walang pakiramdam. Pero sa isip ko ay mabuti na rin na pagbigyan ko na ang mga mokong na ito, kasi kapag umuwi ako ngayon sa bahay ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maangkin ko na si Helena ng wala sa oras. Tulad na lang kagabi, mabuti nalang at nakapagpigil pa ko. ‘Kaya ko ito. Kaya ko pang pigilan ang pagnanasa ko sa babaeng iyon,’ sabi ko sa aking sarili. NAKARATING kami sa isang bar, ang gulo ng dalawa na sina Rex at Allan. Hindi magkandaugaga sa pakikipag flirt sa mga babaeng naroon. Habang si Conor naman ay busy sa pagsimsim ng hawak nitong alak na walang pakialam sa nakapaligid sa kanyang naggagandahang babae. Habang ako naman ay hindi ko maiwasang alalahanin ang gabing malapit na sana akong bumigay sa kagandahang taglay ni Helena. Hindi ko rin pinapansin ang kanina pang babaeng humahalik sa leeg ko. Wala ako sa mood at wala akong nararamdamang init sa mga ginawa nito at ang tangi ko lang nakikita ang maamo at magandang mukha ni Helena. Samantalang ang dalawang mokong na iyon ay nagpaalam na dala-dala ang kani-kanilang mga partner na nakuha nila. Si Conor naman ay patuloy na seryosong pag-ubos nito nang inorder naming inumin, ang lakas talaga nitong uminom. Pupunta-punta kami rito para raw mag enjoy pero mukhang ang dalawang ungas lang ang nasisiyahan ngayon. Napabuntong Hininga ako at saka ko inubos ang natitira ko pang alak, bago ako tumayo at lumabas sa room na iyon ng mga VIP. Uuwi na lang ako dahil sabik na akong masilayan ang mukha ni Helena. Hindi na ako nagpaalam sa tatlo at lumabas na ako nang tuluyan sa bar na iyon. Sinubukan pa akong sundan ni Allan, para siguro pigilan ang aking pag-alis, ngunit hindi ko na ito pinansin matapos kong kawayan ito at pinaharurot ko na lang pauwi sa bahay ang sasakyan ko. Pagkarating ko roon ay tulog na ang mga katulong sa bahay ko, kaya ako na lang ang nagbukas ng gate at pinto. Siguro ay tulog na rin si Helena, kaya nanghinayang ako na hindi ko siya makikita sa pagpasok ko. Ngunit pagkapasok ko ay nabigla ako ng bumaha ang liwanag ng sala at nakita ko roon na naka-upo si Helena at halatang hinihintay ako. Napangiti ako at lalapitan ko na sana ito nang pigilan niya akong ’wag daw akong lumapit. Kaya napatigil ako sa paghakbang at hinintay ko na lang na magsalita ito. “Bakit gising ka pa may kailangan ka?” tanong ko, ngunit umiling lamang ito sa akin at saka nagsalita. “Pasensiya na pero, kaya kita hinintay kasi magpapaalam sana ako, kung pwede ay dadalaw ako sa ospital bukas?” nakayuko na tanong nito kaya napabuntong-hininga ako. “Kanina sana ako pupunta, pero binilin mo raw na ‘wag akong aalis. Bakit?” naguguluhang tanong nito sa akin at para may galit sa mga mata nito. Huminga naman ako nang malalim at saka ko ito nilapitan at hinawakan ko ang kamay nito, saka ako nagsalita para sagutin ang tanong nito. “Oo, sinabi ko iyon, pero ‘wag mong masamain. Ayaw ko lang mapahamak ka, kailangan mo ring mag-ingat at baka ikaw ang isunod ng nagtangkang pumatay sa kuya mo. Don’t worry! lalaanan natin ng oras ang pagdalaw mo sa kapatid mo at hindi kita hahayaang mag isa, dapat kasama mo ako sa tuwing dadalaw ka or magpapasama ka, kasi mahirap na!” mahabang paliwanag ko rito kaya nawala ang nagdududa sa mukha nito. “Sigurado ka, hindi mo ginagawa ito dahil ayaw mo lang na takasan kita. Kung iyon ang iniisip mo may isang salita ako. Basta maging maayos lang ang usapan natin ay susunod ako sa napag-usapan natin,” saad nito kaya pinisil ko ang palad nito. “Makakasa kang pagagalingin natin ang kapatid mo at gagawa ako ng paraan, para magkaroon ng hustisya ang sinapit ng kapatid mo,” sabi ko naman dito. Itinayo ko ito para alalayan at saka ko ito niyakap hindi naman ito nakahuma sa ginawa ko sa halip ay sinuklian naman nito ng yakap ang yakap ko. Masaya akong hindi na ito nag-aalangan na lumapit sa akin, sisiguraduhin kong kapag aangkinin ko na ito ay yayain ko muna itong magpakasal. Para naman magkaroon ako ng karapatan na gawin ang matagal ko nang gustong gawin dito, iyon ay angkinin ito ng buong buo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD