Chapter 20

1242 Words
Brian MAKALIPAS ang tatlong linggo mula ng ipakilala ko si Helena kay mommy ay naging maayos naman ang pakikitungo ni mommy kay Helena. Sana tuloy-tuloy na ang magandang pagtanggap nito sa aking kasintahan, ngayon ay umuwi ako ng maaga galing sa Vigan. Dahil sabik ko ng gustong makita ang babaeng nagbigay ng kulay sa mundo kong madilim mula ng mamatay ang aking unang asawang si Cristina. Hindi ito mawawala sa puso ko ngunit kailangan ko na ulit magmahal ng bagong babaeng aking makakasama sa aking pagtanda at walang iba kundi si Helena iyon. Oo inaamin ko ng nagkakagusto na ako rito, noong una ay gusto ko lang itong maging pambayad utang sa nakuhang pera ng kapatid nito sa akin. Pero habang natagal na nakakasama ko ito ay nararamdaman kong napapamahal na ito sa akin. At kapag naayos ko na ang lahat-lahat sa aking mga problema, lalo na ang kaso sa pagtangkang pagpatay sa kapatid nito ay totohanin ko nang ligawan si Helena, at kapag sinagot na niya ako ay opisyal ko nang ipinangangalandakan sa buong mundo na ito na ang babaeng aking papakasalan at pagkamamahalin habang buhay. Nakarating na ako sa bahay pero imbis na hanapin at kitain si Helena ay dumiretso ako sa kusina at hinanap ko si manang Milba. Upang magpaluto dito ng meryenda, alam kung hindi pa nag memeryenda sina mommy dahil mag aalas dos pa lang ng hapon. Tinanong ko si manang Milba kung nasaan ang dalawang babaeng mahalaga sa akin, at ang sabi nito ay nasa silid lang si mommy habang si Helena naman daw ay hindi nito makita kanina. Ngunit sinisigurado naman nito na hindi umalis si Helena sa bahay, siguro ay nasa silid din niya ito at nagpapahinga alam kung tumutulong ito sa mga gawaing bahay kahit sinabi ko na rito na wala siyang ibang gagawin kundi ang magpahinga. Ang huli raw na kita ni manang Milba kaya Helena ay nasa hardin daw ito, habang nag aayos daw ng mga halaman. Tunay ngang material wife si Helena, kasi kahit hindi naman daw pinapagawa nina manang ay kusa itong tumulong sa mga gawaing bahay. Napakabait at napakabuti ng puso nito, ayon na rin sa obserbasyon ko at sa mga kwento na rin ni manang Milba, sa mga good side ni Helena. Hindi ako nagkakamaling si Helena na talaga ang babaeng hinahanap ko at papalit sa puso kong namatay na at wala ng pag-asang tumibok muli ng mamatay noon ni Cristina, pero ng dumating sa buhay ko si Helena ay muling tumibok ang puso ko ulit dito. Mamaya ay pagsasabihan ko ito na huwag nang mag-abala pa na gumawa ng gawing bahay, dahil makita ko lang na maayos ito at komportable dito sa aking tahanan ay masaya na akong ipagmalaking mabait itong kasintahan. Kahit alam kong ginagawa lang niya iyon para suklian nito ang mga tulong na ginagawa ko raw sa kanya. Pero hindi nito alam na kusa ko iyong ibinibigay sa kanya, dahil mahal ko na ito noon pa mang una ko itong masilayan. Pero sana kapag dumating ang araw na magtatapat na ako sa kanya ng aking pag-ibig ay sana ay masuklian niya ito ng pagmamahal din, sana pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa, sana talaga. Masaya akong nanood ng niluluto ni Manang Milba nang makarinig kaming parang nag aaway sa may sala dahil open air naman dito sa kusina ay maririnig mo talaga ang pag-uusap ng kung sino nasa sala. Kaya nagmadali kaming lumabas ni Manang Milba at nakita naming sinasabunutan ni Alicia si Helena habang si mommy naman ay namimilipit sa sakit pero hindi ko alam kung ano ang ininda nito. Mabilis kung inawat si Alicia at galit ko itong hinablot upang ilayo ito kay Helena na umiiyak at gulong gulo ang buhok, dahil sa pagsabunot dito ni Alicia. “ANONG ginawa mo, akala ko ba nagkakasundo na kayo ni mommy? Pero bakit mayroong ganitong pangyayari.” Madiing kong tanong at hinawakan ko ang braso nito. Nang makaalis na sina mommy para dahil ito sa ospital dahil nahulog pala ito sa hagdan. Nagkakamali ba ako sa mga nasabi ko rito na isa itong mabuting babae? Sa isip ko at galit akong tumingin dito sana mali ang pinaparatang nina mommy at Alicia rito. “Nasasaktan ako Brian, nagsasabi naman talaga ako ng totoo sayo,” sabi nito at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ko ng madiin sa braso nito na hindi ko na pala namamalayan. “Paano mo maipapaliwanag na wala namang basa rito sa sinasabi mo? Alangan naman kusa iyong matutuyo? Sabihin mo nga ang totoo at hindi ako magagalit sayo, alam mong ang pinakaayaw ko ay pinagsisinungalingan ako, hindi ba?” madiing sambit ko, dahil ito ang naging alibi nito sa mga paratang nina mommy sa kanya, kaya napaiyak na ito ng tuluyan. “Pero maniwala ka sa akin! Brian, nagsasabi ako ng totoo!” nagmamakawang sabi pa nito at tiningnan ko ito ng may pag-aalinlangan kung maniniwala ba ako rito o mas paniniwalaan ko sina mommy kaysa rito. Naguguluhan ako sa totoo lang, sabi kasi ng puso ko na hindi iyon magagawa ni Helena, ngunit nakita ko sa mga mata nito ang pagsisinungaling nito dahil wala namang basa sa sinasabi nitong nagkaroon daw ng basa sa may hagdan kaya nadulas si mommy, ngunit wala naman itong naipakita sa akin. “’Wag ka ng magsinungaling Helena, sabihin mo na kasi ang totoo! Totoo bang tinulak mo si Mommy, magsalita ka!” Sigaw ko na sa kanya kaya napapitlag ito dahil sa pagsigaw ko. Napalunok naman ako ng makita ko ang labis na hinanakit nito sa akin. Gusto ko itong yakapin at humingi ng tawad sa kanya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong malaman ang totoo para alam ko kung sino ang sisingilin ko, kapag nalaman ko kung sino ang hindi nagsasabi sa akin ng totoo, kahit pa si mommy pa iyon o ito ay hindi ko palalampasin. “S-sige, gusto mo malaman ang totoo? Ang totoo hindi naman talaga mabait ang mommy mo sa akin. Pinahihirapan niya ako at iniinsulto, dahil nalaman niya na ikaw ang nagbabayad sa hospital bill ni kuya. At inaakusahan niya akong pera lang daw ang habol ko sayo. Pero hindi ko iyon sinusumbong sayo kasi ayaw ko magalit ka sa nanay mo,” mahabang sabi nito kay natigilan ako sa mga paratang nito kay mommy. “Pero maniwala ka sa akin Brian, ni minsan hindi ako pumatol sa pang-iinsulto ng nanay mo, dahil pinalaki kami ng mga magulang namin na namayapa, na ‘wag daw kaming gagawa ng masama sa kapwa namin, lalong lalo na ang pumatol sa nakatatanda. Pero kung hindi ka maniniwala sa akin. Wala na akong magagawa, pero ito ang sasabihin ko sayo, hindi ko tinulak ang mommy mo, bahala ka na kung paniniwalaan mo ako o hindi.” Mahabang sabi nito at pilit na kumawala sa paghawak ko at nang bitiwan ko ito ay iniwan na niya ako nito. Naguguluhan ako kung sino ang paniniwalaan ko, nangyari na ito noong si Cristina ang ipinakilala ko kay mommy. Alam kung may ugali si mommy na hindi mo talaga gugustuhin makita rito. Pero hindi naman umabot sa ganito na kailangan niyang masaktan, dahil lamang gusto nitong pahirapan ang taong ayaw nito para sa akin, kaya naguguluhan ako kung sino sa dalawa ang paniniwalaan ko. Si mommy ba or si Helena? Napahilot ako sa aking batok at tumingala ako nang may mahagip ako na isang bagay na magpapalinaw ng sitwasyong kinakaharap ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD