Chapter 19

1374 Words
Belina SA inip ko ay pinuntahan ko na ito sa Laundry area, naghahanger na ito ng mga damit ko. Tagaktak ang pawis nito sa noo at basang basa na ang palda nito. Nasisiyahan ako sa aking nakikita, pero hindi pa rin mababakas ang pagod sa mukha nito. Kumakanta kanta pa ito, kaya napalis ang ngiti ko sa labi ko at talagang nang aasar ito. Parang wala lang dito ang daming damit na nilabhan nito, kaya nilapitan ko ito at tiningnan ko ang washing halatang hindi naman talaga niya ito ginamit. Well makikita ko naman iyon mamaya sa CCTV kung ginamit niya iyon o hindi. “Aba't masaya ka pa sa lagay na iyan.” Nakataas kilay kong saad dito. “Kayo po pala, may iuutos pa po ba kayo?” magalang na saad nito kaya napaismid ako. “Pwede ba 'wag kang magbait-baitan, alam ko naman na minumura mo na ako sa isipan mo. Pathetic!” “Senyora Belina, kahit ano pa man po ang isipin mo sa akin, wala na po ako magagawa kung iyon talaga ang tingin mo sa akin. Hindi ko na po problema iyon.” Napataas kilay naman ako sa sinabi nito. Tapos na ito sa pagsasampay kaya kinilatis ko ang laba nito. Hindi ko man aminin ay malinis ito maglaba at ang mga puti kong sinadya kong lagyan ng mga mantsa ay malinis at maputi nitong nalabhan, kaya lalo ako napaismid dito. “Kung tapos ka na riyan, linisan mo naman ngayon ang aking silid ayokong may matirang alikabok sa silid ko, dahil kapag may nakita akong kahit isang tuldok lang ng alikabok ay ipapaulit ko iyon sayo, intiendes?” saka ko ito tinalikuran at umalis na sa laundry area. Hindi na ito nagsalita at tumango na lamang ito. Tahimik na akong lumisan doon at lihim ko itong inoobserbahan. Nang narealize kong para na akong tanga ay umalis na ako roon. “Bakit ko ba siya binabanatayan, hindi naman siya importanteng tao. Makapasok na nga lang sa silid ko at doon ako mag isip nang gagawin ko, para pa pahirapan ito.” “TAPOS na po ako maglaba, maglilinis na po ako rito.” Pagpuputol ng babaeng hampaslupa sa kanina ko pa iniisip kung ano pa ang ipapagawa ko rito. “Sige, linisan mo naman ngayon itong silid ko. Kailangan in thirty minutes ay dapat tapos ka na at wala na akong mahawakang alikabok dito maliwanag?” sabi ko at lumabas na sa loob ng aking silid, hindi ko na ito hinintay na sumagot pa sa akin. Pumunta ako ng kusina at uutusan ko si Milba, namamalengke at ang iba naman ay uutusan kong mag live. Ngunit nakita kong nandoon na si Brian, habang sinabihan nito si Milba kung ano ang lulutuing mamemeryenda namin. Ang aga naman yata nito? Akala ko ay gagabihin siya ng uwi mamaya? Nagmadali akong umakyat at pinatigil ko si Helena sa paglilinis nito sa silid ko at pinalabas ko na ito kaya nagtataka naman ito. Pero hindi na ito nagtanong at lumabas na lang ito roon. Pero sinundan ko ito at pinigilan sa pagbaba nito at saka ko hinawakan nang mahigpit ang braso nito. “Ayokong may makaalam na pinaglaba at pinaglinis kita, maliwanag? oras na makarating ito kay Brian, may mangyayaring masama sa kapatid mo!” Madiing bili ko rito kaya nanlaki ang mga mata nito. “Senyora Belina, ‘wag mo pong idadamay ang kuya ko sa mga pagpapahirap mo sa akin. Kahit hindi mo naman po sabihin sa akin ang mga iyan ay wala naman po ako balak na magsumbong. Hindi naman po ako masamang tao kung iyan ang iniisip niyo sa akin,” sabi naman nito ngunit magsasalita na sana ako ng dinugtungan pa nito ang sinasabi. “Pero po kung idadamay mo po ang kapatid ko na nanahimik, ibang usapan na po iyan. Kahit po ang pusa kahit gaano kaamo kapag kinanti mo natututong mangkalmot, ganoon din po ako. Alis na po ako at itutuloy ko na lang ang paglilinis dito sa may hagdan, excuse me po.” Walang lingong-lingon na saad nito bago ito tuluyang lumabas sa aking silid. Napamaang na lang ako sa sinabi nito mayroon din pala itong tapang sa katawan. Kaya napangiti ako ng lihim. Ilang minuto lang ang aking pagkamaang ay inayos ko na ang itsura ko, bago ako lumabas upang puntahan ang aking anak na si Brian sa kusina. Nang makita ko si Helena na abalang nagpupunas sa may hagdan ay nagkaroon ako ng idea, tinawagan ko ang isang katulong na nasa teresa na nagdidilig ng halaman na naroon at pinasunod ko ito sa aking silid. “Bakit po ma'am, may kailangan po ba kayo?” nakayukong tanong nito sa akin. “I just want you to do something,” sabi ko at ibinigay ko sa katulong na si Mildred ang hand sanitizer na hawak ko. “Ano pong gagawin ko po rito?” “Simple lang naman, ibubuhos mo lang naman iyan sa hagdan at pagkatapos aalis ka na. Siguraduhin mong hindi ka mapapansin ni Helena na nagpupunas doon. Pero siguraduhin mong wala kang pagsasabihan ng ipapagawa ko sayo. Kung hindi ay matatanggal ka ng trabaho, Naiintindihan mo?” Tumango naman ito kahit nagtataka kung bakit nito iyon gagawin. Pero sinunod naman nito ang sinabi ko at takot itong lumabas sa silid ko. Nang magawa nito ng tama ang pinapagawa ko rito ay binigyan ko itong ng limang libo at binilinan na walang makakaalam sa pinagawa ko at mga mangyayari pagkatapos niyon. Tumango ito sa akin at nagpasalamat. Nagpalinga-linga ako at ng masiguro kong walang mga katulong sa second floor ay nagkunwari akong bababa ng hagdan, pero bago ko ako dumaan sa pwesto ni Helena ay tinanong ko muna ito kung nasaan si Brian, napakunot ang noo nito at saka ito sumagot sa tanong ko. “Hindi po ba may pinuntahan siya, nagpaalam siya sa inyo, kanina.” Nagtatakang sagot naman nito. “Okay, tapusin mo na riyan, baka maabutan ka pa riyan ng anak ko baka isipin ay minamaltrato kita,” sabi ko kaya napakunot lalo ang noo nito. “Hindi pa ba pagmamaltrato ang pagpapalaba at pagpapalinis nito ng silid niya na may kasama pang pang-iinsulto!?” bulong nito sa hangin habang kumikibot-kibit pa ang mga labi nito. “May sinasabi ka?” tanong ko at pinaningkitan ko ito ng mata. “Po? Ako po, wala po ah, baka po multo iyong nagsalita.” Umiiling iling na sabi pa nito kaya lalong naningkit ang mata ko. Dahil sa inis ko ay nakalimutan kong mayroon pala akong pinalagay sa hagdan, kaya ang kanina sanang pagkukunwaring madudulas ako ay nagkatotoo. Dahil nawala sa isip ko ang gagawin ko sanang eksena kanina. Tuloy-tuloy akong nalaglag sa hagdanan, habang si Helena naman ay sinubukan pa niya akong hawakan ngunit huli na. Dumausdos na ako ng tuloy-tuloy, pababa sa ibaba niyon at pagkatapos at napatama ang balakang ko sa sahig na kinabagsakan ko. Mabuti nalang at may karpet doon na nakalatag kaya hindi masyadong napuruhan ang aking balakang. Mayamaya lang ay may sumigaw sa bungad ng pintuan at napalingon ako, naroon si Alicia na nagsisigaw na sa gulat at kung okay lang daw ba ako sabay baling nito sa kay Helena na hindi nakahuma sa nangyari. Habang napalabas naman ang aking anak at si Milba mula sa kusina at tarantang dinaluhan ako. Kaya nagkagulo sila dahil sa nangyari ng araw na iyon, pero ang ikinatuwa ko ay mukhang magkakalabuan ang magkasintahan dahil sa nangyari sa akin, kaya imbis na magalit ako dahil sa katangahan ko ay natuwa na lang ako. Dahil may maganda rin naman palang naidudulot ang katangan ko minsan. Agad naman nila akong dinala sa hospital nina Milba at Alicia nang daluhan ako ng mga ito matapos ang argumento nila Alicia, Brian at ng babaeng hampaslupang iyon. Nang makarating kami sa ospital ay agad naman nila akong inasikaso pero sa asar ko ay pinagmumura ko ang mga nurse na nag aasikaso sa akin. Bukod kasi sa bugbog ay may mabababaw akong mga gasgas kaya sobrang hapdi ng mga iyon habang nadadampian ng alcohol. Pero masaya pa rin ako, dahil unti-unti nang natutupad ang mga plano ko para sa aking anak na si Brian. Balang araw ay maiintindihan din nila ang mga ginagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD