Chapter 21

1236 Words
Brian NANDITO ako ngayon sa may guard house at tinitingnan ko ang CCTV at pinapanood ang naganap kanina. Gabi na noon, dinalaw ko muna si mommy sa hospital ng masigurado kong okay na ito ay iniwan ko muna ito kay manang Milba. Si Alicia naman daw ay umuwi muna at bukas na lang daw ito ulit dadalaw kay mommy. Isa pa iyon, oras na makita ko kung nagsasabi ng totoo si Helena ay makakatikim talaga ito sa akin sa ginawa nitong pananakit kay Helena. Seryoso akong nanood ng kuha ng CCTV sa monitor, habang kita roon kung paano dala-dala ni Helena ang isang basket ng labahin na galing sa silid ni mommy, kaya sinundan ko iyon ng tingin sa may laundry area. Nag-umpisa na itong labhan ang mga damit na alam kong kay mommy. So totoo pa lang pinapagawa ito ni mommy ng mga gawaing hindi naman dapat sanang ginagawa ni Helena. Pina-pass forward ko ang video sa may laundry area. Nasa tagpo na ang monitor na nandoon si mommy at kinikilatis nito ang mga nilabhan ni Helena. Nasa oras ito na kinse minutos na lang ay mag aala-una na ng hapon. Napahinga ako at awang pinakatitigan si Helena na basang basa at pawis na pawis, pero mukhang hindi naman ito nagdadabog dahil halata ritong kumakanta-kanta pa ito. Habang si mommy naman ay napalis ang ngiti at napalitan ng inis kay Helena, hindi yata ito makapaniwalang parang wala lang dito ang daming pinalabhan nito kay Helena. Hindi man maririnig ang usapan ng dalawa ay mahahalata mo manang inaaway nito si Helena. Napapangiti naman ako sa tagpong iyon, dahil sa lakas ng pagtitimpi ni Helena na ‘wag nitong patulan si mommy ay nababakas naman sa mukha ko ang awa sa aking pinakamamahal na babae. Ipinalipat ko ang eksena na paakyat na si Helena sa taas at pumasok ito sa silid ni mommy. Kaya doon naman sa eksinang iyon ko pinapanood ang mga mangyayari. Makikita mo ritong pinaglilinis ni mommy si Helena ng silid nito, tumango naman at nag-umpisa ng maglinis si Helena, habang si mommy naman ay lumabas na. Pinanood ko naman ang pagbaba ni mommy sa may kusina at makikita mo sa mukha nito na nagulat itong nakita niya ako na naroon sa kusina, kaya nagmadali itong umakyat sa silid nito at inutusan nito si Helena na lumabas at itigil ang ginagawa. Napapailing naman ako sa mga eksenang nakikita ko ngayon. Tama nga si Helena, sinusubukan ni mommy ito, kung hanggang saan ang kaya nito para mapatunayan na totoo ang pagmamahal ni Helena sa akin. Kung alam lang ni mommy na nagpapanggap lang kami, siguro matagal na ni mommy, pinalayas si Helena sa bahay, kaya kasi nitong gawin iyon, kapag ginusto nito. Nang mapadako ang tingin ko sa isa pang monitor, iyon ay nang tinawag ni mommy ang isang katulong nasa terasa na nagdidilig ng halaman at pinapasok nito ang huli sa kanyang silid at doon na naputol ang eksena, kaya napamura ako sa inis. Bakit sa senaryong iyon ay hindi na kuhanan ng CCTV? Kaya nagtataka kong tinanong ang guwardiya kung bakit putol ang video kanina, hindi rin kasi nakasama sa video ang pagkadulas ni mommy sa hagdan. Sumagot namang ito at sinabi nitong nasira raw ang monitor ng mga oras na iyon. Naiinis akong umalis sa guard house at pumasok na lang sa may mansyon. Hinanap ko ang katulong na tinawag ni mommy. Para tanungin, ngunit wala raw ito ngayon dahil umuwi raw ito ng probinsya dahil nagkasakit daw ang ina nito. Kaya galit akong nagmura at napabuntong hinga, ang tanging magagawa ko na lang ay hintaying makabalik ang katulong dito sa mansyon. Pero kapag hindi na ito bumalik ay ipapahanap ko ito, kahit saan mang lupalop ang babaeng iyon nakatira, malaman ko lamang ang totoong nangyari sa trahedya kanina. MAKALIPAS ang tatlong araw ay pinalabas na ng ospital si mommy at pinauwi ko na muna ito sa bahay namin sa may Alabang. Ayaw pa sana ni mommy na pumayag, ngunit wala na itong nagawa ng magalit ako dahil sa katigasan ng ulo nito. Kumuha na lang ako ng private nurse upang alagaan ito hanggang sa gumaling ito sa pilay na natamo nito dahil sa pagkahulog nito sa hagdan. Hindi ko muna ito pinauwi sa bahay, para maiwasan ang isa na namang gulo kung magkikita naman sina mommy at Helena, araw-araw. Si mommy pa naman ang taong hindi agad-agad nakakalimot, kapag may kasalanan sa kanya ang isang tao. Ayoko munang magkaroon naman ng panibagong gulo, kapag pinagsama ko ang dalawang babaeng mahalaga sa aking buhay. Hindi ko kayang mamili sa kanilang dalawa na kampihan kapag nagkagulo na naman, dahil pareho silang matimbang sa puso ko at sa buhay ko. Habang si Helena naman ay magtatatlong araw na ring hindi niya ako kinikibuan at kinakausap. Palagi itong naiwas tuwing sinusubukan kong kausapin ito. Tuwing hapon din ay umaalis ito at dumadalaw ito sa ospital namin, kung saan naka confine ang kuya nito at saka lang ito nauwi kapag umaga na dahil sa ospital na rin ito natutulog. Hinayaan ko muna itong ganoon ang gawin hanggang hindi ko pa nalalaman ang totoong nangyari. Habang iyong katulong naman na lilinaw ng lahat ay hindi pa bumalik kaya pinahanap ko na ito sa aking pinagkakatiwalaang kaibigan na si Conor. “ANO na ang gagawin mo ngayon?” tanong ni Alfred sa akin nandito ako sa bar na sakop ng casino building kung saan kami laging tumatambay magbabarkada. Wala roon si Conor, dahil umalis ito at tatlong araw na ring hindi nagpapakita sa akin dahil sa paghahanap sa katulong na pinapahanap ko na nangangalang Mildred. “Hindi ko alam.” kibit balikat kung sagot. “Here,” inabot ni Alfred sa babaeng kasama nito ang baso ng alak dahil ito na ang tatagay. Hindi na talaga mawalan ng babae ang mga mokong na ito. Si Conor at ako na lang yata talaga ang matino sa aming magkakaibigan. “Sana kasi kinausap mo ng maayos si Helena, hindi iyan sinabayan mo ng init ng ulo ang init ng sitwasyon ninyo ng maganap ang aksidenteng nangyari sa mommy mo,” sabi naman nito at nilagyan pa ng alak ang kopetang hawak ko na naubos ko na pala ng hindi ko namamalayan. “Nag-aalala na kasi ako kay mommy at mukhang napuruhan ito sa pagkakahulog kaya 'di ko na inisip ang nagawa ko,” sabi ko at uminom ulit ng alak. “Pero alam ng Diyos na hindi ko gustong pagdudahan ang katapatan sa akin ni Helena.” Dugtong ko pa. “Okay lang iyan, hirap din naman kasi ang sitwasyon mo, syempre nanay mo iyon si Tita, kaya may side na talagang mag-aalala ka sa kanya. Ganito na lang gawin mo kapag nalaman mo na ang totoong nangyari at kapag alam mong wala naman palang kasalanan si Helena. . . Pagpuputol na sabi nito kaya napatingin ako rito. “Oh tapos?” aniko at naiinip na tumingin dito. “Si Alicia na lang pagbalingan mo tutal lalo lang naman nagulo ang sitwasyon ng nandoon si Alicia at masyadong naging over acting na akala mo siya ang naitulak ni Helena,” sabi nito sabay halakhak kaya kinutusan ko ito. “Sira, pero dadating din tayo riyan, oras na malaman kung walang kasalanan si Helena, malalagot talaga siya sa akin. Sa ginawa nitong pananakit kay Helena, I swear!” sabi ko na rin at muli akong sumalin ng alak sa kopita ko.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD