Chapter 17

1779 Words
Alicia “ANG sarap mo talaga, ahh!!” Nanggigil na saad ni Raphael sa akin at huling bumayo sa ibabaw. At maya-maya lang ay humiga na ito sa tabi ko. Nandito kami sa secret room nito dito sa hospital. Ako naman ay bumangon na at nagsindi ng sigarilyo habang nakaupo sa higaan. “Okay, ngayong nakuha mo na ang gusto mo, sabihin mo na sa akin kung anong ginagawa ng babaeng iyon dito sa ospital?” naiinip kong tanong na rito habang naghihithit ng sigarilyo. “Bakit ba kasi, curious na curious ka kung sino ang pinuntahan ng magandang babaeng iyon dito sa ospital?” tanong naman nito sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. “Hindi mo na kailangan malaman pa.” “Ang sungit mo pa rin, hindi ka na talaga nagbago,” sabi nito sabay siniil ng halik nito sa aking labi. “I'm waiting?” nakataas kilay kong saad. “’Yon nga, ang dinalaw ng babaeng sinasabi mo ay kapatid niyang na ambush noong nakaraang dalawang buwan.” “Kapatid? Hindi lalaking kalaguyo?” nagdududa kong tanong ulit sa kanya. Napangisi naman si Raphael sa pagkamangha ko. “Yes, kapatid niya ang dinadalaw niya rito. Wala iyong lalaki si Miss. Helena Tañola dahil sabi-sabi rito ay fiance raw ito ni Mr. Spencer ang may ari ng hospital na. . .wait, alam ko na kung bakit mo gustong alamin ang tungkol sa babaeng iyon,” sabi nito at saka ngumisi. “Sabi ko na nga ba! Hanggang ngayon ba ay may pagsintang pururot ka pa rin sa lalaking iyon. I can't believe it! Pwede ba ’wag ka ng umasa na mamahalin ka pa ni Mr. Spencer,” anito. “Wala ka ng pakialam doon. Basta i-assure mo na nagsasabi ka sa akin ng totoo tungkol sa babaeng iyon.” Taas kilay kong baling dito. “Tssh! Anong mapapala ko sa pagsisinungaling sayo. Kilala mo ako basta para sa iyo ay never kitang lokohin,” sabi nito at sinubukan na naman niya akong daganan. Ngunit umiwas na ako at agad akong tumayo kahit nakahubad pa ako. “Tssh! Talaga lang ah! Asawa mo nga nagagawa mong lokohin ako pa kaya? pero sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka, hindi mo na matitikman kahit kailan ang katawan ko na ito. Doon ka na lang sa misis mong dabyana.” Nakasimangot kong saad dito. Napangisi naman ito at saka ako nilapitan ulit at mabilis na niromansa, pagkatapos ng ilan pang-round ay nagbihis na ako. Masyado itong nangulila sa katawan ko, kaya sabik na sabik itong nagpakasasa roon. “Magbihis ka at samahan mo ako sa ward ng sinasabi mong kapatid ng babaeng iyon.” Utos ko, kaya nagbihis na rin ito na may malawak na ngiti sa malademonyo nitong mukha, ang sagwa. HUMINTO sa paglalakad si Raphael at tumingin sa akin. “Bilisan mo lang dahil bawal itong gagawin mo, wala pa sa oras ang visiting hours. Hindi na rin kita masasamahan, dahil mamaya ay pupunta na ang asawa ko rito.” Hahalik pa sana ito pero hiniharang ko na ang palad ko sa harapan nito. Tinaasan ko pa ito ng kilay at saka sinisyasan ko na umalis na ito na parang aso. Pero imbis na mainis ay kinindatan pa niya ako at napakagat labi pa ito. Napapailing na lang ako sa kamanyakan nito. Pumasok na ako sa ward at nakita ko ang isang lalaking nakaratay sa hospital bed. Kung anu-ano ang mga nakakabit ditong mga aparato. Hindi makakailang gwapo ang lalaking nakaratay doon. Sabagay kahit dukha naman ang Helenang iyon, hindi pa rin makakailang may angking ganda itong taglay. Kung tutuusin ay mas maganda pa nga ito kay Cristian, na kung aayusan ay mas mangingibabaw pa ang ganda ng babaeng iyon, kaysa sa namayapang karibal ko noon. Pero kahit anong ganda nito ay mas maganda pa rin ako at mas sexy roon. Napangisi ako at hindi na ako nagtagal pa roon. Kailangan na itong malaman ni tita. Alam kung si Brian ang lahat na gumagastos sa babaeng iyon, pati na ang pagpapagamot sa kapatid nito. Pwede ko itong maging laban at lalo akong kampihan ni Tita, kapag nalaman niya ito. Kapag nalaman nitong piniperahan lang ng babaeng iyon ang anak nito. May ngiti sa labi akong lumisan sa hospital na iyon at dumiretso na Mansyon nila Brian. Nang makarating ako roon ay kitang kita ko, kung paano nadulas si tita sa hagdan at kita kong nakaunat ang kamay ni Helena na nasa taas niyon. Kaya alam kung itinulak nito ang matanda. Nilapitan ko si Tita Belina at inalalayan ko ito at tinanong ko ito kung okay lang at tumango naman ito. “What happen tita, itinulak ka ba ng babaeng iyan?” galit na tanong ko pero hindi naman ako naawa sa matandang ito. May lihim din kasi akong galit dito ng mas pinili nitong ipakasal si Cristina sa anak nito kaysa sa akin. Kahit alam naman nitong mahal na mahal ko ang anak nito. Pero kailangang magpakitang tao pa rin ako rito, dahil kahit galit ako sa matandang ito ay ina pa rin ito ng taong mahal ko at ito ang tutupad ng pangarap kung mapasa-akin si Brian. “Bakit mo tinulak si tita Belina sa hagdan?” sigaw ko habang hinihimas ko ang likod ni tita. “H-hindi ko naman siya tinulak, nadulas lang siya sa hagdan. Dahil bigla na lang nagkaroon ng tubig dito at sinisigurado kung wala naman iyon kanina.” Kinakabahan sagot naman nito. “Sabi ko na nga ba at nasa loob ang kulo mo, nagsisinungaling ka pang nadulas lang si tita, liar.” Galit na sumbat ko at sinugod ko ito upang sabunutan, matagal ko na itong gustong gawin dito nang nasa restaurant pa lang kami, noong una ko itong nakita at pinakilala sa akin ni Brian na fiance nito. Hindi naman ito lumaban kaya itinudo ko na ang pananakit dito. Nang bigla naman dumating sina Brian at manang Milba na galing kusina at agad nila akong inawat. “Alicia, tama na!” Sigaw naman ni Brian at galit nitong hinila ako palayo sa babaeng iyon. Umiiyak namang humihingi ng tawad ang babaeng iyon kay tita, kaya lalo ako na inis sa kaartehan nito. Tumabi naman sa akin si Tita Belina at hinawakan ang balikat ko. “What's going on here at bakit inaaway mo si Helena sa harap ni Mommy?” galit na tanong ni Brian at papalit-palit itong tumingin sa amin ni tita Belina. “Iyan kasing fiance mo, itinulak si tita, kitang kita ko kanina.” Galit na sagot ko, kahit hindi ko naman talaga nakita ang pagtulak nito. Nag-aalalang tinanong ko naman si tita Belina kung okay lang ito at tumango naman ito sa akin. Kaya napangiti ako, talagang sa akin ito kumakampi. Hindi ko na pala kailangan sabihin ang nalaman ko kay tita, dahil ito pa lang na senaryo ay malaking laban ko na para magalit si Brian sa babaeng ito. “It was true, Helena? tinulak mo ba raw talaga si mommy?” baling naman ni Brian kay Helena na umiiling-iling naman. “Promise Brian, hindi ko tinulak si Don. . . I mean si Tita, maniwala ka nagulat din ako ng bigla na lang siyang mahulog sa hagdan. Pinilit ko naman na hawakan siya kaya lang hindi ko siya agad nahawakan kaya iyon ang naabutan ni Alicia, kaya akala siguro niya ay tinulak ko si Tita.” Mahabang paliwanag nito sa tanong ni Brian. Sasagot na sana ako sa babaeng iyon ng maunahan ako ni Tita. “Hindi nagsisinungaling si Alicia, anak, tinulak talaga ako ng walang hiya mong kasintahan. Tinatanong ko lang naman siya kung nasaan ka, aba'y nagalit na lang bigla at bigla na lang ako itinulak. Ouch ang balakang ko!” Umiiyak na saad naman ni Tita, kaya napataas noo ako sa harapan ni Helena habang kunyari ay hinimas ang balakang ni tita pero sa loob-loob ko ay sana ay natuluyan na itong nabalian ng buto. “Kita mo na? Si tita na mismo ang nagsabi na hindi ako nagsisinungaling, mas paniniwalaan mo ba iyang babaeng iyan, kaysa sa mommy mo?” galit na sabi ko, sabay duro ko kay Helena. “Ikaw babae ka umamin ka na, kunwari pang mabait. Demonyita ka naman,” sambit naman ni Tita kaya napa wow ako sa galing nitong umarte halata namang wala na naman itong malaking pinsala. Dahil nahuli ko itong lihim na napangisi. Kaya alam kung may ginawa ito para mapagbintangan na itinulak ito ni Helena. “Are you sure, you'll be fine, tita?” tanong ko pa at ngumiwi pa ito at nagpapaawang tumango. “Brian, maniwala ka! Wala akong dahilan para gawin iyon sa mama mo. Sa katunayan nga may basa talaga sa hagdan kaya siya nadulas.” Muling paliwanag nito kay Brian at hinila nito ang huli para patunayan na nagsasabi ito ng totoo. Umakyat kaming lahat sa taas at itinuro nito ang basang baitang ngunit wala namang basa roon. Kaya natawa ako dahil hindi maipinta ang mukha nito, dahil wala itong mapakitang ebidensya sa amin. “You see! Nag-iimbento pa ang babaeng iyan para pagtakpan ang panunulak niya sa mommy mo. God,.anong klase bang babae iyang pakakasalan mo? Mahirap na nga wala pang galang sa nakatatanda,” saad ko at tumingin kay Helena na may ngiting tagumpay. “Paanong nawala rito ang basa? hindi ako maaaring magkamali, basa iyan kanina. Brian, please maniwala ka sa akin.” Naiiyak na nasaad nito kaya napahalakhak ako ng lihim. “Brian anak, ang sakit ng balakang ko pwede mo ba akong dalhin sa hospital, please. Hayaan mo na iyang babaeng iyan.” Naiiyak na agaw pansin naman ni tita sa kanyang anak at yumakap sa akin, kaya lihim akong napangisi dahil mukhang hindi na naniniwala si Brian sa babaeng ito. “Okay ma! Alicia alalayan mo si mommy at isakay mo na siya sa sasakyan.” Nag aalalang pakiusapan nito sa akin. “Sure, sumunod ka roon at please lang pagsabihan mo iyang kasintahan mo. Baka mamaya, gumawa na naman iyan ng hakbang para saktan si Tita, mahirap na! Nag-aalaga ka kasi ng ahas dito sa sarili mong pamamahay, baka mamaya niyan mamatay na si tita sa susunod na kapalpakan niyan,” panenermon ko at tinaasan ko pa ng kilay si Helena, bumuka pa ang aking bibig na walang boses ng sabihin ko ang katagang ito, ‘Buti nga sa'yo.’ Umalis na kami nila manang Milba at tita, para dalhin ito sa hospital ang huli habang ako naman ay natutuwa sa mga nangyari ngayong araw. Umpisa pa lang iyan Helena, mas matutuwa ako ng tuluyan, kapag nakita kong nawawala na ang pagmamahal sayo ng lalaking dapat ay akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD