Chapter 16

1435 Words
Helena “WAIT, miss!” tawag ng isang lalaki. Galing kasi akong ospital dahil dinalaw ko si kuya pasakay na ako ng taxi para umuwi ng may tumawag sa akin. “Kilala ba kita mister?” tanong ko sa lalaking tumawag sa akin. “We need to leave here immediately.” Anito at mabilis na iginiya ako nito paalis sa taksing sanay sasakyan ko. “Teka mister, sino ka ba? anong kailangan mo sa akin?” nagpupumilit kong piglas sa pagkakahawak nito sa aking palapulsuhan. “Basta miss, sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan,” sabi ng malamyos na boses nito. Parang hindi naman ito nakakatakot, pero stranger pa rin ito para sa akin, kaya hindi pwede akong magpalinlang sa maamo nitong mukha. Nang mapabaling ako sa unahan para sana humingi ng tulong ay nakita ko si plastik na labanos sa ’di kalayuan na nakatitig sa akin, habang sinusubukan nitong lumiban papunta sa direksyon ko. I raised my eyebrow and looked for plastik na labanos na parang na bubwisit, dahil hindi ito makaliban dahil sa mga sasakyang mabibilis na tumakbo sa daraan nito. Pero hindi ko na lamang pinansin pa si plastik na labanos este si Alicia pala at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang lalaking humihila sa akin. Nang makalayo na kami ng lalaki sa may ospital ay agad naman ako nitong binitiwan at saka basta na lamang ako nito iniwan sa aking kinatatayuan. Kaya napatanga ako sa lalaking papalayo na at na wiwerduhan sa ginawa nito kanina sa akin. “Ano kaya iyon? At sino kaya ang lalaking iyon, may sapak yata iyon sa utak. Sayang at gwapo pa naman sana. Kundi lang parang nag aadik at basta-basta na lang nangangaladkad ng tao.” Napapailing akong naglakad at naghanap ng masasakyan. Pero na alala kong nakita ko nga pala si labanos na plastic, kanina ano kayang ginagawa nito sa ospital? Hindi ko na lamang inisip iyon ang mahalaga ay masaya ako, dahil unti-unti na raw nagiging stable si kuya, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising pero mahalaga ay magkakaroon na ako ng pag-asang makakaligtas ang kapatid ko at muli ko itong makakasama. Dapit hapon na nang makauwi ako sa bahay ni Brian, napasarap kasi ang pagkukwento ko kay kuya sa mga nangyari sa akin nitong nakaraang buwan. Ang sabi kasi ng doctor na humahawak kay kuya ay mainam daw na kinakausap ang isang taong nako-coma, dahil na ririnig daw nila ang bawat sasabihin natin sa kanila. At iyon daw ang makakatulong para manumbalik ang ulirat ng taong na comatose. Brian IT was Helena for sure, nang may mag doorbell sa may gate. Nag paalam ito sa akin kaninang tanghali, dadalaw raw ito sa kanyang kapatid na pinayagan ko naman. Kaya lang inabot na ito ng hapon ay wala pa ito kaya pinasundan ko ito kay Allan, kanina. Pero hindi nito alam na pinasundan ko ito kay Allan na sakto namang wala raw itong ginagawa. Nagtaka pa nga ito kung sino raw iyong babaeng pasusundan ko sa kanya kaya napilitan akong sabihin dito kung ano ko si Helena. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong nito ay nungka ko iyong sasabihin sa kanya kung sino si Helena sa buhay ko. Natatawa pa ito at tinutudyo akong malihim na raw ako sa kanila. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tinakot ko itong ipupull out ko ang share ko sa company nito na tinawanan lang ng unggoy na iyon. Tumawag ito bago maghapon at sinabi nitong inilayo raw niya ito kay Alicia, dahil nakita nitong lihim na sinusundan ni Alicia si Helena. Sabi ko na nga ba't wala itong gagawing matino sa pag uwi nito sa Pilipinas. Pinagbuksan ko na ang pintuan kaya pumasok na ito. Nagulat pa ito nang mabungaran niya ako. Hinawakan ko ito nang mabuti at sinuri ko ang buong mukha at katawan nito, dahil baka kung ano ang ginawa rito ni Alicia. Mabuti na lamang at walang ginawa ang babaeng iyon kay Helena. “Bakit may problema ba Brian? Galit ka ba? Pasensiya na kung inabot na ako ng hapon ah, napasarap lang ang kwento ko kay kuya, mainam daw kasi iyon para sa kanya!” Tanong nito kaya umiling ako at saka ko ito niyakap. Nagtataka naman itong tumingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ko iyon sa aking labi. Napaawang naman ang bibig nito dahil sa ginawa ko. “Wala, akala ko kasi, kung ano na ang nangyari sa iyo dahil wala ka pa.” Nakahinga naman ako, dahil wala namang nangyaring masama. “Okay naman ako, kaya lang kanina parang nakita ko si labanos este si Alicia sa ospital. Hindi ko lang sigurado kung siya iyon. Dahil may sira ulong bigla na lang humatak sa akin, pagkatapos namin makalayo sa ospital, tapos bigla na lang din akong iniwan, di ba parang tanga!” Sabi naman nito at inaagaw nito ang kamay sa pagkakahawak ko. “Loko talaga itong si Allan, mabuti at hindi nagsisigaw si Helena, dahil sa ginawa ng mokong na iyon,” bulong ko. “Ah? may sinasabi ka?” nagtatakang tanong nito sa akin. “Wala baka napagkamalan ka lang na kakilala niya,” sabi ko naman dito kaya ngumiti ito. “Baka nga, ahm! Brian pwede ba akong humingi ng favor sa'yo?” “Spill out! Kahit ano basta kaya ko.” “Pwede ba akong umuwi muna sa bahay namin, dahil panigurado akong sobrang dumi na roon!?” Nahihiyang tanong nito sa akin. “Sure, no problem, sasamahan kita para na rin sa kaligtasan mo. Alam mo namang hindi pa nahuhuli ang gumawa niyan sa kapatid mo, marami pa naman siyang utang na hindi nababayaran. Mahirap na baka madamay ka pa,” sabi ko naman kaya tumango ito. “Okay lang alam ko namang kaligtasan ko lang ang inaalala mo, sino nga naman ang magbabayad ng utang ng kapatid ko kapag may mangyaring masama sa akin.” Medyo tumamlay ang sagot nito sa akin. “May problema ba?” nagtatakang ko tanong habang hinaplos ko ang pisngi nito. “Wala, matutulog na ako, medyo busog pa naman ako, kaya papahinga muna ako,” sabi naman nito kaya nagtaka ako sa biglang pagbabago ng mood nito. May nasabi ba akong masama kanina? Parang wala namang akong nasabing mali? Alicia PAPUNTA ako sa mansyon nina Brian ng makita ko sa luwasan ang babaeng kasintahan ni Brian. Paalis ito kaya na isipan ko itong sundan at para malaman ko kung saan ito pupunta at baka mamaya may katatagpuin ito sa kung saan na lalaki. Tamang tama para magkaroon ako ng baraha kay Brian, kung sakaling nagloloko ito ay makukuhanan ko ito ng ebidensya para masiraan ko ito kay Brian my loves. Nagtaka ako kung bakit patungo ito sa ospital sino kaya ang dadalawin nito. Baka mamaya ay mayamang doktor ang kalaguyo nito. Malalaman natin iyan at kapag tama ang kutob ko ay malalagot ito kay Brian ang pinakaayaw pa naman nito ay lokohin at iputan ito sa ulo. Wala talaga kasi akong tiwala sa babaeng hampaslupang iyon. Alam kung may itinago itong baho at nagpapanggap lang na santa sintita para lamang huthutan nito si Brian. Nang tumigil ang taxi nito sa tapat ng ospital ay ipinark ko naman sa 'di kalayuan sa may hospital ang sasakyan ko at sinundan ko ito papasok, ngunit hindi ko na ito nakita. Pero hindi ako sumuko at pumasok din ako sa hospital, pero dahil sa laki niyon ay hindi ko na ito nakita pa. Lumabas na lang muna ako at sa may sasakyan ko na lang ito hihintayin paglumabas na makikita ko naman ang mga lalabas sa entrance ng ospital kaya makikita ko pa ang babaeng iyon. Inabot ng hapon ang aking paghihintay ng sa wakas ay lumabas na ang babae, kaya dali-dali akong bumaba sa sasakyan ko ay sinundan ito pumara ito ng taxi kaya lalapitan ko na sana ito para komprontahin ngunit may isang lalaki ang bigla na lamang humablot dito at nagtataka naman ang babae at nagpupumilit na makawala sa pagkakahawak ng lalaki. Pero natangay pa ito dahil sa bilis ng paglakad nila at ako naman ay tatawid pa ay mabilis itong nawala sa paningin ko, kaya gigil akong nagpapadyak ng paa sa sobrang inis dahil hindi ko na sila nakita pa. Pero parang pamilyar sa akin ang bulto ng lalaking humila kay Helena kaya napasingkit ang mga mata ko dahil sa aking naiisip. Baka ito ang kalaguyo ng babaeng iyon at iyon ang aking aalamin. Bumalik na lamang ako sa aking kotse at pinaandar iyon at tinahak ko ang isang lugar na ako lang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD