Chapter 18

1260 Words
Belina SUSUBUKAN ko kung hanggang saan ang kapal ng mukha ng Helenang iyon. Dito ko masusubukan kung hanggang saan ang pagmamahal niya sa aking anak. Nandito ako ngayon sa coffee shop upang kitain ang imbestigador na hinire ko, upang ipabackground check ang buhay ng babaeng iyon. Nalaman kung ulila na ito sa mga magulang na nasawi sa sunog ng mga dalagita at binatilyo pa lang silang magkapatid. Katulong lang ang trabaho nito at Highschool lang ang natapos nito, habang ang kapatid naman nito na Agaston ang pangalan ay nalululong sa sugal at kung anu-anong ilegal na pagkakakitaan ang ginawang raket. Nagkakilala sila ng aking anak ng magkautang ng malaking halaga ang kapatid ni Helena sa aking anak. At nalaman ko ring si Brian ang lahat na gumagastos sa pagpapa-ospital sa kapatid ng fiance nito. Ngayon ay nasa library ako at pinatawag ko si Helena, upang kausapin, may inihanda rin akong surpresa sa kanya, kaya napangiti ako dahil sa aking naisip. Napaangat ako ng tingin nang pumasok na ito roon, itinuro ko ang upuan at pinaupo ko ito roon. Sumunod naman ito at magalang na nagtanong kung ano raw ba ang pag-uusapan namin. Inilagay ko sa harapan nito ang brown envelope at sinenyasan kung tingnan niya iyon. Pinagmasdan ko ito kung ano ang magiging reaksyon nito sa mababasa sa nakasulat sa mga papel na naroon. Naglakad ako palapit sa kanya dinuro at sinampal ko ito, kaya nabigla ito sa aking ginawa. “Ang kapal din ng mukha mo, para gawing moneymaker ang aking anak. Sinasabi ko na nga ba at isa kang mapagsamantala. Ano ba ang ginagawa mo at napapaikot mo sa mga palad mo ang aking anak?” tanong ko at galit akong tumingin dito habang pinaningkitan ko ito ng aking mga mata. “Nagkakamali po kayo, senyora Belina, hindi ko po pineperahan si Brian, siya po ang kusang tumulong sa akin. Mahal ko po ang anak ninyo at kung may iba lang po akong makukuhanan ng ipangpapagamot sa kapatid ko ay hindi ko po tatangapin ang tulong ng anak ninyo.” Paliwanag naman nito sa akin, ngunit bingi ako sa mga paliwanag nito. “Hindi mo mabibilog ang ulo ko. Kung ang anak ko ay naloloko mo ’wag ako. Papunta ka pa lang pabalik na ako at alam ko ang likaw ng bituka ninyong mga dukha. Basta may pera ang tao ay sinasamantala ninyo ang kaibitan niyon.” Galit na sambit ko sa kanya ng mga katagang iyon. “Now tell me? Magkano ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko? Name your price at ngayon din mismo ay ibibigay ko iyon sayo? Isang milyon, sampung milyon?” nakataas kilay kung tanong dito at alam kung bibigay na ito sa offer ko. Saan ito makakakuha ng ganitong halaga? Sobra-sobra pa iyong pampagamot ng kapatid nito at magbubuhay mayaman na ito sa ganoong kakarampot na halaga para sa akin ay dito ay alam kung malaking kayamanan na dahil mukhang pera ito. Isinulat ko na sa tseke ang laman ng pera. Sampung Milyon ora mismo at itinapon ko iyon sa mukha nito nanginginig naman nitong kinuha ang tseke at tiningnan ang laman niyan kaya napangisi ako, sabi ko na nga ba at hindi nito matatanggihan ang pera. Pero sa pagkagulat ko ay pinunit niya iyon at saka ibinaba niya iyon sa mesa. “Donya Belina, hindi mo po mabibili ang pagmamahal ko sa anak mo. Mahal ko po si Brian.” She cleared her throat at nagsimula ulit magsalita. “Opo, mahirap lang po ako pero may dignidad po ako dahil sa pagmamahal ko sa anak mo, hindi ko kayang ipagpalit siya sa ganyang halaga kahit po ioffer mo pa ang buong kayaman ninyo sa akin, si Brian pa rin po ang pipiliin ko, sana po ay matanggap ninyo iyon sa puso mo, excuse me po,” saad nito at tumayo na upang umalis. “What, your crazy, pera na iyan mas makakapamuhay ka ng maayos at ang kapatid mo, tapos tatanggihan mo lang, mga wala talaga kayong utak na mga dukha.” Sigaw ko dahil sa inis. “Kung sa tingin mo ay hahanga ako sa pinakita mo sakin, pwes nagkakamali ka, maghintay ka lang at gagawa ako ng paraan para mapalayas kita rito sa pamamahay ko.” “Gawin mo po ang gusto mong gawin, senyora Belina, pero po hindi ako aalis sa bahay na ito kung hindi rin lang si Brian ang magpapalis sa akin. Pero ito lang po ang tandaan ninyo, iginagalang ko pa rin po kayo dahil nanay kayo ng kasintahan ko. Kakalimutan ko na lang po ang lahat ng ito. Salamat po.” Huling sambit nito bago ito tuluyang umalis. Nang gigil kung tinabig ang mga nagkapira-pirasong tseke dahil sa inis ko sa babaeng iyon, pero maya-maya lamang ay napangisi ako, dahil may mga pumasok na ideya sa utak ko kung paano ko ito mapapaalis sa buhay ng anak ko. IT'S was, sunday morning wala ang anak ko dahil nasa isang site sa Vigan ito para tingnan ang ipa-franchise ng isang client nito sa Casino. Tamang tama, para walang hahadlang sa mga gagawin kong pagpapahirap sa kasintahan nito. Kung ang mga katulong naman ang poproblemahin ko kung sakaling pahihirapan ko si Helena ay wala naman silang magagawa. Dahil kahit bahay pa ito ng anak ko ay wala pa rin silang karapatang pagbawalan ako dahil ina pa rin ako ng amo nila. Wala rin magtatangkang sumalungat sa akin, dahil takot silang mawalan ng trabaho, alam nila ang kaya kung gawin. Kapag ginusto ko ay walang makapigil sa akin kahit na si Milba pa iyan. Ipinatawag ko ito sa aking silid dahil madami akong labahin na sinadya ko talagang itambak para ang babaeng iyon ang maglaba. Sabi nga niya sa akin ay gawin ko ang gusto kung gawin. Pwes ibibigay ko iyon sa kanya kung ayaw niyang madala sa pakiusap at tanggapin ang halagang sinayang nito. Kaya idadaan ko sa gawa ang paraan para mapaalis ito ng tuluyan sa buhay ng anak ko. Makikita ng babaeng iyon na mali ang kinalaban nito. “Pinapatawag daw po ninyo ako senyora Belina?” magalang na sabi nito, kaya napaismid ako kunwaring mabait nasa loob naman ang kulo. “Yes, may ipapagawa ako sa'yo tutal naman ay ayaw mo hiwalayan ang anak ko, so pwes, pagpaguran mo na lang ang perang tinatamasa mo sa anak ko. Hindi ba mahal mo siya?” tanong ko at tinaasan ko ito ng kilay. Tumango naman ito. “Opo at handa ko itong ipakita sa inyo.” “Okay, ngayon labhan mo lahat ng labahin ko ngayon din 'wag na 'wag kang gagamit ng washing machine gusto ko kamay ang gamitin mo sa mga iyon.” Turo ko sa labahin na nasa loob ng aking banyo. “Sige po,” agad na pagpapayag nito. Kaya tinaasan ko ulit ito ng kilay. At talagang pinaninindigan nito ang pagiging masunurin. Walang pag-aalinlangan na binitbit nito ang laundry basket at lumabas na ng aking silid. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya nito para patunayan ang pagmamahal nito sa aking anak. Sampung oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin bumabalik sa aking silid si Helena, para dalhin ang aking mga damit na pinalabhan ko rito. Marami pa akong ibibigay ditong task para pahirapan ito. Alam kung gagabihin ang aking anak, kaya may ilang oras pa ako para ipagawa ang mga naisip kong pagpapahirap dito. Habang naghihintay ako ay tinawagan ko ang aking hinire na imbestigador at inutusan ko itong kalkalin pa nito ang buhay ng babaeng iyon at alam kong may itinatago pa itong baho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD