PAPUNGAY-PUNGAY ang mga matang naglakad si Travis palapit sa puwesto nilang magkaibigan. Bitbit niya ang dalawang bote ng alak sa kaniyang magkabilang kamay habang nakangisi. At nang tuluyan na niyang marating ang lamesa nilang dalawa ni Sean, pabagsak niyang ipinatong ang mga hawak sa harap nito kapagkuwa'y umupo sa upuang nasa tabi lamang niya. "Are you for real, dude? We're already drunk. B-B-Bakit ka naman kumuha pa ng dalawang bote ng alak?" Bago sagutin ang kaibigan, tinanggal muna ni Travis ang takip ng isa sa dalawang bote at nagsalin sa baso niyang kanina pang naghihintay na malamanan. At dahil lango sa alak, hindi namalayan ni Travis na umaawas na iyon. Kung hindi pa siya pinigilan ng kaibigan, hindi niya pa malalaman. Kinuha niya ang baso at halos ininom ang kalahati noon. Pab