NAPABALIKWAS si Travis sa pagkakatulog nang may kung anong tumama sa mukha niya. Inaantok niyang ibinuka ang mga mata at mabilis niya iyong tinakluban gamit ang palad nang tamaan ng sinag ng araw ang mukha niya. "Manang Flora, I'm still sleeping," Travis grunted. Umipod siya para hindi matamaan ng araw ang mukha niya. "Pinapagising ka ng daddy mo sa akin. Anong gusto mo? Tubig? Kape? Tsaa? O juice?" "None of the above," iritadong anas ni Travis at tumayo sa kinahihigaan at inunat ang mga braso. "Anong nangyari kagabi?" tanong niya pa. "May nabangga kang babae," sagot nito at pinulot ang isang unan sa sahig at ipinatong sa kama niya. Agad nanlaki ang mga mata ni Travis. Inalala niya ang nangyari. Aminado si Travis na nakainom siya pero naaalala pa rin niya ang nangyari sa kanilang da