bc

Virginity for Sale (R-18)

book_age18+
4.5K
FOLLOW
33.0K
READ
dark
possessive
sex
arrogant
goodgirl
drama
feminism
virgin
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING: SPG/MATURE CONTENT/R-18

Si Isabella Manalo, gagawin ang lahat para sa pamilya. Mahirap lamang ang buhay ng pamilya niya sapagkat parehong hindi nakapagtapos ang kaniyang magulang. Maski silang magkakapatid, wala ring tinapos kaya isang kahig isang tuka ang kanilang pamumuhay sa sakahan. Kuntento na si Isabella sa buhay na kinalakihan ngunit tila'y tumigil ang pag-inog ng mundo niya nang malamang may malubhang sakit ang nakakabatang kapatid. Kailangang magamot ito kaagad sa lalong madaling panahon at kung hindi, maaari nito iyong ikamatay. Sa sobrang kahirapan, ginawa ni Isabella ang lahat, maski ang pagbenta sa sariling katawan, ginawa niya rin alang-alang sa kapatid niya.

chap-preview
Free preview
PANIMULA
TAONG 2005... NAIINIS na pinagsisipa ni Isabella ang mga batong nadadaanan niya dahil sa inis. Naiinis siya sa kapatid niya dahil inagawan na naman siya nito ng nilagang saba na paborito niya. Kaya naman tumakbo siya at hindi na alintana kung bago siyang kain. Ganoon ang gusto ni Isabella, ang kumain ng nilagang saba pagkatapos kumain. Ayon na kasi ang nakasanayan niya noon pa man at mukhang hanggang paglaki niya dadalhin iyon. Sa edad na sampu, alam na ni Isabella ang tama at mali. Bata ang kapatid niya kaya dapat niya itong pagbigyan. Pero naiinis pa rin siya. At kaya siya tumakbo dahil para hindi nito makita na galit siya. Hindi na namalayan ni Isabella na nakarating na siya sa ilog kung saan sila madalas naliligo at naglalaba. May kalayuan na iyon sa bahay nila kaya naman huminto siya sa paglalakad, nagtungo sa tabi, umupo, at inilublob ang mga binti sa malamig na tubig. Napapikit si Isabella nang makaramdam ng sarap. Nawala kaagad ang inis niya sa kapatid. Ganito ang ginagawa niya pagkatapos nilang magtanim ng palay. Sa gulang na sampu, nagtatrabaho na siya sa palayan dahil doon lang sila umaasa. At dahil sa kahirapan, tumigil na siya sa pag-aaral. Hanggang grade three lang ang inabot niya. Pero para kay Isabella, ayos lang iyon dahil alam naman niya ang estado ng buhay nila. Mahirap lang sila at habang-buhay niyang isasaisip iyon. "I hate this place! Bakit pa kasi ako sinama nina mommy at daddy dito? Damn them, I should run away. Tsk! But, how? How could I run if I didn't know the way?!" Natigilan na lang siya nang marinig iyon. Nilingon ni Isabella ang pinanggagalingan ng boses at mula sa hindi kalayuan, may nakita siyang isang batang lalaki na mukhang kaedad lang din niya. Masama ang awra nito. Nakapamulsa habang sinisipa ang mga bato sa harap nito. Bahagyang nagulat si Isabella ng mga sandaling iyon dahil kakaiba ang lalaki. Pagkakita pa lamang niya rito, nalaman niyang nanggaling ito sa siyudad. Ang ganda ng suot nito— mukhang mamahalin. Isama pa ang relo nitong suot. Kung siya ang tatanungin, masasabi niyang mahitsura ang lalaki. Malalim na napabuga ng hangin sa bibig si Isabella saka inalis na ang tingin sa lalaki. Tumingin siya sa harapan niya at hindi na pinansin pa ang lalaki. Ayaw niyang pakialaman ito, baka magalit ito sa kaniya. "Hey, you, what are you doing there?" Nilingon niya ang lalaki. Nakatingin ito sa gawi niya habang nakapameywang. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito pero alam niyang siya ang kinakausap nito. Hindi naman kasi siya maalam magsalita ng ingles, e. Iyon ang isa niyang kinakatakutan kapag may dayuhan, minsan lang sila nagsasalita ng tagalog, tapos ingles na. Nginitian niya ang lalaki. "A-Anong sinasabi mo?" "Hindi mo ba ako naintindihan?" Sinamaan siya nito ng tingin saka lumapit sa kaniya. Nang tatlong dangkal na ang layo nito sa kaniya, tumigil ito. "Are you stupid, huh? You know, I hate stupid person." "Tama ka, hindi kita naiintindihan dahil hindi naman ako maalam mag-ingles." Napayuko siya dahil sa hiya rito. "Ah, kayo talagang nakatira sa probinsya, hindi maalam mag-english." Tumawa ito. "Bobo pala kayo." Napatingin siya rito. "Ano kamo? Bobo? Hindi kami bobo para sabihin ko sa iyo! Iniinsulto mo ba kami, ha? Kung oo, umalis ka na lang dito dahil baka maisumbong kita sa papa ko! Baka maitak ka niya. Ano? Takot ka ba?" "At bakit ako matatakot, ha?" Pinandilatan siya nito. "Bakla ka ba, ha?" "What the heck?! Ako, bakla? Why did you call me that, huh? At ikaw, tomboy ka ba? Kasi ang tapang-tapang mo. Lalaki ka ba, ha? Gusto mo bang magsuntukan tayo?!" Muling nainis si Isabella kaya naman tumayo na siya. Ang yabang naman ng lalaking ito. Baka kapag naisumbong niya ito sa papa niya, baka maging kabayo ito dahil sa bilis nang takbo. Bakit ang yabang ng mga taga-siyudad? "Hindi ako tomboy para sabihin ko sa iyo!" Inirapan niya ang lalaki. "Talaga ba? E, bakit Ben 10 iyang damit mo?" Nanlaki ang mga mata niya saka tiningnan ang suot niyang damit. Halos mahulog ang mga mata niya nang tuluyan nang makita ang suot niya. Ano ba ito? Nakakainis naman! Sa lahat ng puwedeng suutin, bakit damit pa ng kuya niya? Gustong tumakbo ni Isabella dahil sa hiyang nararamdaman sa lalaki pero ayaw niya kasi baka lalo pa siyang insultuhin nito. "Namali lang ako ng suot." Napalunok siya. "Sabihin mo, wala ka ng damit, right? Because you're just poor like rats." "May damit ako!" sigaw niya. "Talaga ba?" pang-aasar ng lalaki. "Oo. Isusumbong kita kay papa, akala mo, ha!" singhal niya saka tumalikod na sa lalaki. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang nang dumausdos ang paa niya at kasama na ang katawan niya. Mabilis ang mga nangyari. Nahulog siya sa ilog at lumubog. Naging agresibo siya kaya naman umahon siya kaagad na kaniya namang nagawa. Nang tingnan niya ang gawi ng lalaki, nandoon pa rin ito at humahagalpak nang tawa. "Anong nakakatawa, ha?!" inis niyang tanong saka naglangoy na papunta sa kinaroroonan ng lalaki. Akmang aahon na siya nang naramdaman niyang nahubad ang suot niyang tsinelas sa mga paa niya. Nang balingan iyon ni Isabella, nanlaki ang mga niya nang lumutang ang mga ito at inanod na palayo. "Tsinelas ko!" sigaw niya habang pinagmamasdan ang tsinelas na papalayo sa kaniya. Lalanguyin na sana niya ito para habulin nang biglang tumalon ang lalaki at naglangoy. Napaamang na lang siya dahil sa ginawa nito. Bakit ito naglangoy? Sunod-sunod siyang napailing saka pinagpatuloy ang panonood dito. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang kuhanin nito ang tsinelas niya. Naguluhan siya. Bakit naman iyon ginawa ng lalaki? Anong rason nito? Hindi ba't magkaaway silang dalawa? Napakibit-balikat na lamang si Isabella nang ekspertong lumangoy pabalik ang lalaki. Samantalang siya'y umahon na na ganoon pa rin ang iniisip. Nang makarating ang lalaki sa posisyon niya, ibinato nito ang tsinelas niya na kaniya namang isinuot kaagad samantalang ito'y umahon na. "Bakit mo kinuha?" nagtataka niyang tanong dito. "Dahil kapag hindi na iyan nakuha, wala ka nang maisusuot. Hindi mo kayang bumili ng ganiyan kasi mahirap lang kayo." "T-Tama ka. Salamat nga pala." "Welcome. What is your name?" Sa ingles, iyan ang isa sa alam niya. "Isabella, ikaw? At nga pala, pasensya na kung masamang ugali ang ipinakita ko sa iyo. Pangako, hindi na ito mauulit. Hindi na kita isusumbong kay papa," nakangiti niyang sabi rito. "I'm Brian. Sorry din. Naiinis lang kasi ako, e. Iyong mommy at daddy ko, sinama ako rito, e hindi naman ako sanay. Mas sanay ako sa Manila kasi nandoon iyong mga playmate ko. Nandoon din iyong mga gadget ko kaya wala akong magamit ngayon. Pasensya rin, ha?" "Okay lang iyon, Brian. Ilang taon ka na nga pala?" "12. Ikaw?" "10 ako, e. Mas matanda ka pala, akala ko magkaparehas lang tayo. Kuya dapat ang itawag ko sa iyo," natatawa niyang saad na sinabayan ni Brian. Mali siya ng akala. Mabait din pala ito. "Kuya? Huwag mo akong tawaging ganiyan, maiinis ako sa iyo." Ngumuso ito at yumuko. "Ay, sorry, Brian." Bumungisngis siya. "It's fi—" "Brian, what are you doing there, huh? Let's go, aalis na tayo ng mommy mo." Sabay pa silang napatingin sa pinanggagalingan ng boses at mula sa puwesto kanina ni Brian, nakatayo roon ang isang lalaki na may kaedaran na. "Really, daddy? Yehey!" Tumayo si Brian at lumapit sa lalaki. Ah, daddy niya pala. "Yes, kaya tara na at baka ma-traffic pa tayo. Bakit basang-basa ka, ha?" "Wala po ito, daddy," sagot ni Brian sa ama. Matapos noon, umalis na ang dalawa. Nakaramdam ng lungkot si Isabella ng mga sandaling iyon. Akala niya'y magiging kaibigan niya si Brian pero hindi pala. May pagkadismaya siyang tumayo at nakayukong naglakad pabalik sa bahay nila. Kailan niya kaya muli makikita si Brian? Sana'y dumating ang panahon na muli niya itong makita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

My Cousins' Obsession

read
177.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

Daddy Granpa

read
205.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.5K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook