20 MINUTES earlier... Saktong pagkalabas ni Travis ng banyo ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya na kasalukuyang nasa nightstand. Mabilis niya iyong nilapitan at nang makitang tumatawag any kaibigan, agad niya itong sinagot. Ni-loud speaker niya iyon upang marinig niya ang boses ng kaibigan habang nagbibihis. Kasalukuyan kasi siyang hubo't hubad at kakatapos lang niyang maligo. "I already did it, dude. I followed the woman..." Mabilis na natigilan si Travis sa pagbibihis dahil sa sinabi ng kaibigan. Agad niyong nakuha ang interes niya kaya minadali na niya ang pagbibihis at nang matapos, idinikit na niya ang cellphone sa kaliwang tainga upang kausapin si Sean. "You did? Where does she live? Who is she?" walang prenong tanong ni Travis sa kaibigan habang nagsasalin ng alak sa baso.