"NANLOOB? A-Ano pong tinutukoy niyo, Ate Karen? H-Hindi ko po maintindihan," gulong-gulong bulalas ni Isabella sa Ate Karen niya. Binitiwan nito ang kaniyang mga kamay at sinapo ang balikat niya. "Oo, may mga nanloob daw sa bahay kanina. Mabuti na lang at gising pa si Ark kaya nakita niya. At sabi niya pa sa akin, nakita ka raw niyang nagtatakbo palabas. Hinabol ka niya pero nawala ka na lang daw na parang bula." Hindi magawang makaimik ni Isabella ng mga sandaling iyon. Hindi naman iyon nangyari. Sinadya ba ng Kuya Ark niya na magsinungaling para hindi malaman ng asawa nito ang ginawa sa kaniya? Kamuntikan na siya nitong pagsamantalahan. Iyon ang totoo. Walang nanloob o ano man. Dapat ba niyang sabihin sa Ate Karen niya na walang katotohanan ang sinabi ng asawa nito? O dapat niya bang i