KABANATA 5

2229 Words
"WHERE have you been last night?" Pagkababa pa lang ni Travis mula sa ikalawang palapag ng bahay ay narinig agad niya ang boses ng kaniyang daddy mula sa living room na abala sa pagbabasa ng magazine. Lumunok siya at lumapit dito. "Hindi ba sinabi ni mommy sa iyo?" Pagalit nitong ipinatong ang hawak na magazine sa center table at tumayo saka pumamulsa pa. "What are you doing, Travis? Nambababae ka ba?" "What? No, dad. I'm not a f*cking womanizer!" "Your mouth!" madiing sigaw nito at naglakad palapit sa kaniya. "I'm just asking you, Travis! You just need to answer me properly. Nambababae ka ba? Oo o hin—" "Hindi," agad niyang putol sa daddy niya. "Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo na maging ganoon, Travis. Halos gabi-gabi, wala ka. Saan ka naglalagi? Kapag nalaman kong may ginagawa kang kalokohan, malilintikan ka talaga sa akin." Natatawang umiling si Travis at sinundan niya iyon nang marahas na pagbuntong-hininga. "Dad, hindi na ako bata. I'm already 28 at hindi niyo na kailangang maging strikto sa akin. Gagawin ko ang gusto ko at wala na kayong paki roon." At that moment, Travis can see his father's raging eyes. The way he looked at him, it seemed like he wanted to punch him. But Travis remained standing in his position. He's not afraid, actually. "How dare you disrespect me. Para rin naman sa iyo itong pagiging strikto namin!" sigaw nito at nang akmang papadapuin na ang kamao sa mukha niya, bigla na lang may nagsalita na ikinatigil nito. "Don't you dare hurt my grandson, Tadeo!" And from the door, Travis saw his grandmother. Naglakad ito hanggang sa makarating sa puwesto nilang dalawa ng daddy niya. "Mamá, what are you doing here?" tanong ng daddy niya rito. It's his father's mother. "I came here to visit my grandchildren. Ano ito, Tadeo? Why would you hurt Travis, huh?" His father smirked. "Mamá, pinagsasabihan ko lang iyang apo mo. Palagi kasing wala sa gabi. Baka mamaya may ginagawang katarantaduhan ang batang iyan," sagot nito at umalis na sa harap niya. Bumalik ito sa kinauupuan kanina at nagpatuloy sa pagbabasa ng magazine. "Let him be, Tadeo. Malaki na si Travis!" may kalakasang sigaw nito at nakangiting bumaling sa kaniya. "How are you, my handsome grandson? Are you okay, huh?" He smiled. "I'm okay, abuela. Maiwan ko po muna kayo rito. Pupunta lang ako sa kusina." Kahit hindi pa ito sumasagot, umalis na agad si Travis. Kilala niya ang abuela niya. Madaldal ito. Kaya nga hanggat maaari, hindi niya hinahayaan ang sarili na magpakita rito. Wala naman siyang galit dito, ang kaniya lang, ayaw niya iyong taong madaldal. Ito kasi iyong tipo ng tao na parang hindi yata nauubusan ng topic. Nang makarating sa kusina, nagtimpla lang siya ng kape bago nagtungo sa dining room para roon inumin ang kape. Ngunit hindi pa man siyang nakakaupo nang biglang pumasok sa loob ang abuela niya. Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Travis at patay malisyang bumaling sa labas. "Do you have a girlfriend, apo?" tanong nito at umupo sa harap niya habang may hawak na sigarilyo. Damn! Isa ito sa kinaiinisan ni Travis sa kaniyang abuela. She's already 70, but she still smokes. Dinaig pa nga siya nito. "I don't have, abuela," tugon niya at sumimsim sa kapeng nasa harapan niya. "Aba't maghanap ka na hanggat maaga pa. Travis, you're getting older, okay? Malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad mo kaya maghanap ka na agad. Ako nga, 20 years old ako ikinasal sa abuelo mong babaero. And at that age also, I got pregnant." Ngumisi si Travis. "Wala akong sineseryosong babae, abuela. At isa pa, wala pa sa utak ko ang magkaroon ng karelasyon. It's just bullsh*t and I'll just waste my time. I'll just focus on myself . I don't want a woman." "Are you for real, Travis?" Humithit ito sa hawak na sigarilyo at nagpatuloy sa pagsasalita. "Malaking advantage kapag nagkaroon ka ng girlfriend. But make sure maayos iyong pipiliin mo. Hindi iyong spoiled na katulad nang kapatid ng kaibigan mo. Sino nga iyon? Si Samantha?" He nodded. "She's Sean's stepsister. And she's not my type." "Travis, your abuela's here. I will help you no matter what because I love you so much, okay? Ang gusto ko lang, maging masaya ka. Find a woman and love her forever and eternally." Natatawang umiling si Travis at muling sumimsim sa kaniyang kape. "Maybe soon, abuela. But now, I just need to enjoy my life." Tumayo ito. "Enjoy your life? I don't understand you, Travis. Hindi ka ba natatakot na baka tumanda kang binata?" "Nope," tugon niya. Halos isang minuto pa siya nitong tiningnan bago umalis na mukhang naiinis. Natawa na lang si Travis at inubos na ang kape. He's not kidding. Wala pa talaga siyang planong magkaroon ng girlfriend. He's waiting for the right time. Or he must say, he's looking for the right woman. He's picky, yes. Hindi niya tipo iyong katulad nina Livea at Diana. Bayarang babae ang dalawang iyon. Ginagawa lang niyang pampalipas oras ang pakikipagtalik sa dalawa. Syempre, nagbabayad siya. He's looking for a simple woman. For some reason, Travis wanted to love a woman who has pure heart. Iyong tipong hindi kayang gumawa ng kalokohan. Kapag nakahanap na siya ng ganoong babae, titigil na siya sa bisyo niya—ang mambabae. Kung katulad nina Livea at Diana ang mamahalin niya, malaki ang posibilidad na lokohin lang siya. If Travis knows if a woman is serious, he will also be serious with her. Nang maubos ang kape, napagdesisyunan na niyang bumalik sa kaniyang kuwarto. Ngunit hindi pa man siya nakaka-akyat sa ikalawang palapag ng bahay nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Agad sumama ang mukha ni Travis nang mapagtanto kung sino iyon. "Hey, Travis. I baked you some cookies." Hinarap niya ito. It's Samantha. She's standing in front of him while holding a try with cookies. And she's smiling like insane. Nakatira rin ang babaeng ito sa village kung saan nakatayo ang bahay nila. Iritang-irita talaga siya rito. Mas lalo pa siyang nairita nang hinayaan ng mommy niya na pumasok ito sa bahay nila. She's welcome here, but Travis never welcomed her. "I'm full, Samantha. Mas maiging ibigay mo na lang iyan sa mga pulubi sa labas." Umakyat na si Gage sa hagdan. "No, Travis. I made this for you. Only for yo—" "I said, I'm already full!" madiin niyang saad at nagpatuloy na sa pag-akyat na hindi man lang nagawang pansinin ang babae. NANGHIHINANG napaupo si Isabella sa upuan at tahimik na umiyak. Nakayuko siya at hindi magawang makatingin sa tiyahin niyang nasa harap niya. Alam ni Isabella na nanlilisik ang tingin nito sa kaniya kahit hindi siya nakatingin dito. "Ang tanga-tanga mo, Isabella. Hindi mo ba ako narinig, ha? O sadyang bingi ka lang talaga? Malinaw na sinabi ko sa iyo na isang kutsara lang ng asukal ang ilagay mo sa kape ko, pero bakit napakatamis?!" nanggigigil nitong anas at wala na naman siyang awang hinampas ng sinturon sa kaniyang katawan. Napadaing si Isabella ngunit hindi niya magawang kontrahin ang tiyahin niya dahil sa takot na mapalayas siya. Kapag napalayas siya, wala siyang mapupuntahan dahil wala naman siyang ibang kilala sa Maynila kundi ang Tiya Magda lang niya. "P-Pasensya na po, Tiya Magda. Inuutusan po kasi ako ni Miguel. H-Hindi ko po namalayan na ilang kutsara na pala ang nailagay ko sa kap—ahhh!" Hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita nang bigla siya ulit nitong hampasin ng sinturon na nagpadaing muli sa kaniya. "Gusto mo ba akong magka-diabetes, Isabella? Ilugar mo iyang katangahan mo! Dapat noong umalis ka sa Laguna, iniwan mo na iyang ugali mong iyan!" hiyaw nito. Basang-basang na ang mukha ni Isabella ngayon na para bang kakatapos lang niyang maghilamos. Patuloy pa rin sa pagragasa ang mainit na likido sa kaniyang mga mata. Mayamaya pa ay nag-angat na siya ng mukha sa Tiya Magda niya na nasa harapan pa rin niya habang nakapamaywang. "Hindi na po mauulit iyon, Tiya Mag—" "At dapat lang! Dahil kapag naulit iyon, papalayasin na kita sa pamamahay kong ito. Pasalamat ka pa nga at ikaw ang pinuntahan ko dahil kung hindi, baka mamatay na kayo sa gutom!" Minsan nang natanong ni Isabella ang sarili. Bakit ba ganito ang ugali ng Tiya Magda niya sa kanilang pamilya? Hindi lang sa kaniya ito galit, pati na rin sa mama, papa, at mga kapatid niya. Gustong malaman ni Isabella ang rason sa likod noon ngunit natatakot naman siya dahil baka sabihin na nanghihimasok siya. Kaya naman simula noon, nanatiling pipi si Isabella pagdating sa Tiya Magda niya. Tinuyo ni Isabella ang kaniyang lalamunan bago mahiya-hiyang nagsalita. "Kailan po ako puwedeng makasahod, Tiya Magda? B-Balak ko po kasing magpadala na kina mama at papa para pandagdag sa gamutan ni Ivan—" "At ang kapal din naman ng mukha mo, 'no?" Natatawa itong umiling. "Wala ka pa ngang isang buwan dito, nagtatanong ka kaagad ng sahod? Aba't ayusin mo muna ang trabaho mo bago ka magtanong tungkol sa sahod mo. Makakasahod ka lang sa katapusan, okay? Nagkakaintindihan ba tayo, Isabella?" Mabilis siyang tumango. "O-Opo, Tiya Magda." Hindi na ito nagsalita. Umalis na ito, iniwan siyang luhaan. Nang makalabas ng kusina ang tiyahin niya, agad niyang tinungo ang lababo at naghilamos doon upang linisan ang mukhang punong-puno na ng luha. Sa gitna nang paghihilamos, biglang may tumawag sa pangalan niya. Agad niyang binalingan iyon at nakita niya ang asawa ng Kuya Ark niya na si Ate Karen. "May iuutos ka po ba, Ate Karen?" Umiling ito. "Bakit mo hinahayaan si mama na ganunin ka, Isabella? Bakit mo siya hindi pinipigilan sa pananakit na ginagawa niya sa iyo? Manhid ka ba, Isabella? Hindi ka ba nakakaramdam ng sakit?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya at halata sa boses nito ang pag-aalala. Bumuntong-hininga si Isabella. "Natatakot po ako sa kaniya, Ate Karen. Mas gugustuhin ko pong tratuhin niya ako ng ganoon kaysa mapalayas dito. Nandito po kasi ako dahil sa kapatid kong may malubhang sakit. Hanggat kaya kong tiisin, gagawin ko p—" "Simula nang manilbihan ka rito, walang araw na hindi ka sinasaktan ni mama. Isabella, ako ang nasasaktan sa ginagawa ni mama sa iyo. Tao ka kaya may karapatan kang magsalita. Huwag kang maging duwag." Gamit ang tuwalya, tinuyo niya ang kaniyang mukha. Nang matapos, saka niya sinagot ang Ate Karen niya. "Pasensya na, Ate Karen. Hindi ko talaga kayang magsalita ng kung ano kay Tiya Magda. Mahal ko po ang kapatid ko kaya titiisin ko ang ginagawa niya sa akin," mahinahon niyang sagot dito. Sunod-sunod itong umiling at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "Magbihis ka, Isabella." "Bakit po, Ate Karen?" Nangunot ang noo niya. "Maggo-grocery tayo. Isasama kita para makapahinga ka naman sa pagtatrabaho rito. Huwag kang mag-alala kay mama. Huwag kang matakot dahil ako ang bahala. Sige na, hihintayin na kita sa labas." Iimik pa sana siya pero tumalikod na ito at lumabas na ng kusina. At dahil malaki ang tiwala niya sa Ate Karen niya, sinunod niya agad ito. Nagtungo siya sa kuwarto niya na nasa unang palapag ng bahay. Nagbihis na siya ng simpleng kasuotan at aminado siya na hindi maganda ang suot niya dahil mahirap lang naman sila, wala siyang pambili ng magagarang damit. Lumabas na si Isabella at sinalubong agad siya ni Ate Karen. Inaya na siya nito sa loob ng kotse ni Kuya Ark. Nagtaka pa ito pero nagpaliwanag naman agad ang asawa nito. Tumango ito at minaneho na ang sasakyan patungo sa bayan kung saan sila mamimili. Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating na rin sila. Bumaba na silang dalawa ng Ate Karen niya at pumasok sila sa isang bilihan ng kung ano-ano. Malamig sa loob kumpara sa palengke na sobrang init at may amoy pa. Pero rito, wala siyang naamoy. "Kung hindi mo alam, grocery store ang tawag dito," anang Ate Karen at kumuha ito nang tulak-tulak. Natawa bigla si Isabella sa sarili. Nakasanayan na niyang tawagin iyong tulak-tulak. Tinutulak kasi iyon at doon din inilalagay ang mga napamili. Laki siya sa hirap kaya hindi niya alam kung ano ang tawag ng mga taga-siyudad sa ganoong bagay. "Pushcart iyan, Isabella." Bumaling agad si Isabella kay Ate Karen. Napansin yata nitong nakatitig siya sa tulak-tulak. "Ah, pushcart pala ang tawag dito," tatango-tango niyang tugon dito. "Oo. Ganito, Isabella. Maalam ka naman sigurong magbasa, 'no? Tagalog naman iyan. Kukuha tayo ng tag-isang pushcart at maghihiwalay tayo para mapadali tayo. Ang gagawin mo, ilalagay mo sa loob ang nakasulat sa papel." Kinuha ni Kara ang papel dito. "Sige, Ate Karen. Hindi man ako nakatapos, nakakabasa pa rin ako," nakangiti niyang sagot. Tumango lang ito kaya naman kumuha na siya ng sarili niyang tulak-tulak at naghiwalay na sila. Nasa seksyon siya ng mga gulay at dahil laking probinsya, alam agad ni Isabella ang kaniyang kukuhanin. "Labanos? What si labanos?! Damn, Manang Marie, bakit ako pa ang pinabili mo nito? Wala naman akong kaalam-alam sa mga ito. I don't know what labanos is. It is carrot?" Natigilan na lang si Isabella sa pagkuha ng gulay nang marinig iyon mula sa likuran niya. At napakunot-noo pa siya dahil sa boses. Pamilyar iyon at parang napakinggan niya kamakailan. Dahil sa pagtataka, hinarap na niya ito at napaatras agad siya nang makita kung sino ito. Samantalang ito naman ay bumusangot nang makita siya. "Ikaw?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD