KABANATA 6

2253 Words
"WHAT the hell are you doing here, woman?! Sinusundan mo ba ako?" Mabilis na sumimangot si Isabella nang marinig iyon mula sa lalaki. "Sino ka ba para sundan kita? At hindi kita sinusundan, 'no. Baka nga ikaw ang sumusunod sa akin." "The hell, woman! Why would I follow you? After you cursed the hell out of me, ito, susundan mo ako. You know, you ain't my type so stop following m—" "Hindi kita maintindihan!" mahiya-hiya niyang putol dito. "Oh, bobo ka nga pala," natatawang saad ng lalaki at kumuha ng ilang carrot sa lagayan at inilagay sa tulak-tulak nito. "Hindi na ako nagulat. Next time, kapag susundan mo ako, make sure hindi kita makiki—" "Hindi kita sinusundan! Sino ka ba para sundan kita? Nandito ako kasi namimili ako. Huwag kang assumero. Hindi ka naman siguro bakla, 'no?" Ngumisi ang lalaki. "Ako, bakla?" Itinuro ng lalaki sa sarili nitong mukha. "Itong mukhang ito, bakla? The f**k, woman! I'm not gay! Gusto mo bang ipakita ko itong ano ko sa iyo para mabawi mo iyang sinabi mo sa akin?" Mabilis na nalaman ni Isabella ang tinutukoy ng lalaki. Nagpakabastos! Hindi niya kailangang makita ang ano nito para malamang bakla ito o hindi. Sa ugali pa lang na ipinapakita nito sa kaniya, naaamoy na agad niya na bakla ito. Tama bang makipagtalo ito sa katulad niya? Na babae? "Hindi ko kailangang bawiin ang sinabi ko. Bakla ka at iyon ang pananaw ko sa iyo." At itinulak na ni Isabella ang tulak-tulak palayo sa lokong iyon dahil baka kung saan pa humantong ang pag-uusap nila. Baka mamaya ay masaktan na siya nito. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakalayo si Isabella mula sa lalaki nang biglang may humawak ng kamay niya at hinila siya. Mabilis niyang binawi ang kamay at naiinis na tiningnan kung sino iyon. At ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang lalaki sa harap niya. Ilang dangkal na lang ang layo nito sa kaniya. Titig na titig ang mga mata nito sa kaniya na para bang wala itong planong alisin ang tingin sa kaniya. Sunod-sunod na napalunok si Isabella dahil pakiramdam niya'y natutuyo na ang lalamunan niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at animo'y nakapako ang mga paa niya sa sahig. Kakaiba ang tingin ng lalaki at ni hindi niya magawang ibuka ang bibig upang tanungin ito kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya. Para bang may tahi ang bibig niya ng mga sandaling iyon. At sa pagkakataon ding iyon, sumabay pa ang dibdib niya na malakas na kumakabog. "B-Bakit g-ganiyan a-ang t-tingin m-mo s-s-sa akin?" Sa wakas, nakapagsalita na rin siya. Ngumisi ang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Walang babae ang tumatalikod sa isang tulad ko. Hindi ba ako kaakit-akit sa iyo, babae?" "Hindi," agad niyang sagot dito. Bahagya itong tumawa. "Mahuhulog ka rin sa akin. Hindi man ngayon, pero alam kong dadating ang araw na hahanap-hanapin mo rin ako," seryosong anas nito. Sa pagkakataong iyon, halos matulala si Isabella sa lalaki. Guwapo ito pero mas gumuwapo pa ito lalo kapag seryoso. Ang ganda ng mga mata nito. Ang kakapal pa ng mga kilay. Isama pa ang matangos nitong ilong at ang labi nitong katamtaman lang ang pula. Para bang ang lambot-lambot noon kapag hinawakan. Kitang-kita rin ni Isabella kung paano bumakat ang panga nito sa magkabila nitong pisngi. Matangkad ang lalaki at may matipunong pangangatawan. Perpekto na ito kung tutuusin. Mas magiging perpekto pa ito lalo kung aalisin nito ang masama nitong pag-uugali. "Hey, woman! Nahulog ka na ba sa akin?" Bumalik sa reyalidad si Isabella nang muling magsalita ang lalaki. Agad siyang umiling bilang tugon sa tanong nito. "Mangkukulam ako, 'di b—" "Kulamin mo ako, ngayon na!" nagbabantang saad nito at ipinagkrus pa ang mga braso sa dibdib nito. "Hindi ako natatakot, babae." "Ano bang gusto mong mangyari? H-Hindi ko na kasi maintindihan, e. Bakit ka ganiyan sa akin, e hindi naman tayo magkakilala, 'di ba? Umaakto ka na para bang matagal na tayong magkakilala kahit ang totoo naman ay hind—" "Virgin ka pa ba?" Bumaba ang tingin nito sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan. Agad tinakluban ni Isabella iyon gamit ang kaniyang mga palad. "Bastos kang lalaki ka. Walang magmamahal sa iyo kung ganiyan ka. Maputulan ka sana ng ari." Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagpatuloy na si Isabella sa pag-alis habang tulak ang tulak-tulak. Nakasalubong niya ang Ate Karen niya. Inaya siya nito patungo sa ibang seksyon upang mamili pa. Pero bago umalis, bumaling muna si Isabella sa lalaki. Nakatayo pa rin ito habang nakatingin sa direksyon niya. Nakaramdam ng takot si Isabella ng mga sandaling iyon dahil baka may masamang plano ang lalaki sa kaniya. Sunod-sunod siyang napailing saka sumunod na kay Ate Karen. Mas mabuti pa lang hindi na niya kinausap ito. Palaging bilin ng mama niya sa kaniya noon na huwag na huwag makikipag-usap sa mga estranghero. Pero huli na. Kailangan na lang niyang mag-ingat sa lalaki. Sabi pa naman ng Ate Karen niya, uso sa siyudad ang dukutan. Sana naman ay hindi iyon ang intensyon ng lalaki sa kaniya. "SHE'S weird and different." "Oh, really? So, you're in love with her, huh?" Napailing na lang si Travis sa sinabi ng kaibigan niyang si Sean. Nasa kotse siya habang pinapaandar iyon pauwi sa bahay nila. He's talking to his friend through call. He connected his phone to his car so that there are no obstacles while he's driving. "No, dude. How can you said that to me, huh?" From the second line, Sean laughed. "Dude, the way you narrated what happened a while ago to me, para bang may espesyal ang babaeng iyon. Masaya ka habang nagkukuwento. Tell me, dude. Are you in love with that promdi?" Natahimik si Travis ng mga sandaling iyon. That woman was really weird and different. Ito iyong babaeng muntikan na niyang masagasaan noong nakaraang linggo. And for the second time, they met again. Sean was right. May espesyal sa babaeng iyon na wala sa mga babaeng nakakatagpo niya. Marahil ay ito na ang hinahanap niyang babae. Mukhang palaban ang babae na isa sa mga gusto ni Travis. For some reason, gumaan agad ang loob niya rito. Travis has thoughts in his mind. He wants that woman. Even though she's brainless, it doesn't matter to him. Yet he's not in love with her. Travis cleared his throat and answered Sean. "I'm not in love with her, dude. Kakaiba lang talaga siya sa mga babaeng nakakasama ko." Humalakhak si Sean sa kabilang linya. "Nahulog ka na nga sa babaeng iyon, dude. Huwag mo na kasing ipagkaila, Travis. Baka nga mamaya, malaman ko na lang na may relasyon na kayong dalawa. Or worse is, baka isa iyan sa maging babae m—" "She won't," agad niyang putol sa kaibigan. "Sana nga, 'no? Travis, subukan mo namang magseryoso. Try to love a woman. Malay mo, iyang babae pa lang iyan ang magpabago ng buhay mo. I mean, she would probably help you to remove your bad habits, including f*cking women, and pay them. It's your time to shine, dude. Kilalanin mo pa siya, okay?" "I'll try," he replied. "I have to end the call, dude. Malapit na ako sa bahay." "Fine." Hindi na nagawang tugunan pa ni Travis ang kaibigan. Pinatay niya ang tawag mula sa screen na nasa kaniyang harapan. And when he finally arrived to their house, agad bumaba si Travis at kinuha sa trunk ang mga pinamili niya kapagkuwa'y pumasok sa loob ng bahay habang dala-dala ang mga plastik na pinamili niya sa grocery store. Kaagad naman siyang sinalubong ni Manang Marie, ang kanilang kasambahay. "Nabili mo ba lahat, Travis?" She called him by his name because that's what he wants. He doesn't want her to call him sir. Manang Marie served for two decades kaya halos pamilya na ang turing nila rito. Inabot ni Travis ang mga plastik na hawak na kaagad naman nitong kinuha. "Yup. Pero hindi po ako sigurado sa isa. Ano ba iyong labanos, Manang Marie? Carrots ba?" "Anak ng kabayo, Travis!" Napapitlag ito sa sinabi niya. "Jusmiyo, Travis! Hindi mo alam iyong labanos? Hindi carrots ang labanos." "What? F*ck! Hindi mo kasi sinabi sa akin, e. Hindi kasi ako pamilyar diyan, e," sambit ni Travis habang kinakamot ang batok dahil sa hiya sa matanda. Umiling si Manang Marie. "Hayaan mo n—" "Labanos is r****h, Travis. Hindi mo alam ang r****h?" And from Manang Marie's back, lumabas doon ang mommy niya habang magkakrus ang mga braso sa harap ng dibdib. Agad na umiling si Travis bilang tugon sa tanong nito. He's serious. Never pa siyang nakakain ng labanos kaya hindi niya alam kung ano iyon. "I'm sorry, mom, but I really don't know that. Apologize, I need to go to my room." Naglakad na siya patungo sa hagdan ngunit hindi pa man siya nakakalayo nang pigilan siya ng mommy niya. Nakakunot ang noong humarap si Travis sa mommy niya. "What, mom?" "Samantha told me a while ago na may pupuntahan kayo ni Sean na party mamayang gabi. Is it true? Aalis ka na nama—" "That woman!" iritadong bigkas ni Travis at kinuyom ang mga kamao. "It's true, mom. It's his cousin's birthday party and I was invited to go there." Sandali pa siyang tiningnan ng mommy niya bago nagsalita. "If I could do anything to stop you from your hobby, I would stop you. We didn't raise you to play with wome—" "I'm not playing with the—" "My amiga saw you with two women last week." His eyes widened. Bago pa man siya makapagsalita, tumalikod na ang mommy niya at iniwan siyang tulala. F*ck the world. It's good that she didn't question him. Napailing na lamang si Travis at nagtungo na sa kaniyang kuwarto sa ikalawang palapag. Pabagsak siyang humiga sa kama at mariing ipinikit ang mga mata. Samantha will pay for what she had done. Palagi na lang. Kailan ba titigil ang babaeng iyon kakapeste sa kaniya? Kahit stepsister iyon ni Sean, siya pa rin ang kinakampihan nito. Patay na patay si Samantha sa kaniya pero kabaligtaran ang nararamdaman niya para rito. Inis na inis at iritang-irita siya sa babae. Hindi na namalayan ni Travis na nakatulog na siya. When he woke up, it's already evening. Agad siyang bumangon at naligo. After taking a bath, nagsuot na siya ng formal clothes dahil party ang pupuntahan niya. Bahagya niya lang inayos ang sarili bago lumabas ng kaniyang kuwarto. Nagpaalam pa siya sa mommy at daddy niya na nasa living room. Nang makalabas ng bahay, agad bumungad si Sean sa kaniya. Nakasandal ito sa sarili nitong kotse at mukhang kanina pa siyang hinihintay base sa ekspresyon ng mukha nito. "I've been waiting here for three minutes!" malamig nitong anas sa kaniya. He chuckled. "Just three minutes and you were already annoyed? Chill, dude." "You know me, ayoko nang naghihintay. Hop in the car now!" Natatawa na lang niyang inilingan ang kaibigan bago sumakay sa Bugatti nito. They decided na iisa na lang ang kotseng gamitin dahil mas alam ni Sean ang bahay ng pinsan nitong hindi niya alam kung bakit siya inimbita. It's a debut party at wala siyang nagawa kundi um-oo. Isa pa, kasama siya sa 18th roses kaya hindi na siya nakatanggi. When they finally arrived at the venue, the event was already starting. Pumasok sila sa loob at umupo sa bakanteng upuan. Maraming tao sa venue. Halos mapuno iyon ng mga tao. Nagsimula na ang mga 18th pero mayamaya pa ang roses. Habang nanonood, naramdaman ni Travis na nag-vibrate ang cellphone niya mula sa bulsa. He took it and saw his mother called him. Namatay agad iyon na hindi man lang niya nasasagot. Nawiwirduhang ibinalik ni Travis ang cellphone sa bulsa at itinuon ang atensyon sa unahan. Maraming minuto ang lumipas, sa wakas, nagsimula na ang 18th roses. Sinayaw niya lang nang sandali ang pinsan ni Sean bago bumalik sa upuan niya dahil nag-vibrate na naman ang cellphone niya. When Travis took it, he saw Kuya Tate calling. Tate is his brother, mas maedad ito sa kaniya. Sighing, Travis answered the call. "Hello, Kuya Ta—" "You need to come here right now, Travis." His chest pounded right away. "Why?" "Basta. I'll see you in the house, okay. Come here right now and stop f*cking with your wh*re." He then ended the line. Mabilis namang sinunod ni Travis ang nakakatandang kapatid. Inaya niya muna si Sean na ihatid siya. Agad naman itong pumayag kaya ngayon ay minamaneho na ni Sean ang sasakyan pabalik sa bahay nila. Hindi mapakali si Travis sa kinauupuan ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y maiihi siya na hindi niya mawari. Sunod-sunod din siyang napamura sa kaniyang isipan dahil parang may kakaiba sa sinabi ng Kuya Tate niya. After a few minutes, they finally arrived, but Travis was stunned when he saw police outside their house. Tinakbo ni Travis ang daan papasok ng bahay nila pero agad siyang hinarang ng Kuya Tate niya. "What happened here, Kuya Tate? Answer me!" pasigaw niyang tanong dito. "Our mother went missing and there are traces of blood around the house. Then... the—" "Then what?" "Sinugod si Manang Marie sa ospital. Nawalan siya ng dila. I mean, maybe the intruder or kidnapper cut her tongue before they took our mother." Natulala si Travis ng mga sandaling iyon. Hindi niya magawang makapagsalita at para bang natuod siya sa kinatatayuan niya ngayon. Napansin na lamang ni Travis ang sarili na lumuluha habang nakatingin sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD