Chapter 8
MAG-AARAL
“Honey, buntis ako. Magiging kuya na si Max!“
Abot langit ang tuwa ng buong pamilya ni Rodel nang ibinalita ng asawa niyang si Analiza na buntis na naman ito.
Napa-pikit si Rodel upang manalangin ng taimtim. Kapalit ng lahat ng pasakit, sama ng loob, at trahedya sa buhay niya, ay umaapaw naman na biyaya ang kanyang natanggap. Una, ang makasal sila ni Analiza. Pangalawa, makilala niya na ang kanyang anak. Ang huli, magkakaroon na naman sila ni Analiza ng supling. Hindi niya sana matatamasa ang lahat ng ito kung hindi siya binigyan ng pangalawang buhay ng Maykapal. Kaya abot langit ang pasalamat ni Rodel. Nawa ay magpatuloy na ang mga biyayang natatamo. Wala na sa isip niya ang pag hihiganti tutal pumanaw naman na ang Don at nakuha na niya ang mga mithiin sa buhay. Dagdagan pa ng isang regalong nasa sinapupunan ni Analiza. Sa wakas, hindi man nila naranasan ni Analiza ang lahat ng mga bagay na first time parents dahil magkalayo silang pamilya, ngayon na ang pagkakataong maranasan ito.
“Florence," sabi ni Rodel habang hinihimas ang puson ni Analiza. “Florence ang magiging pangalan ni bunso para kung lumabas man siyang lalaki o babae, bagay pa rin sa kanya.”
Aprubado ng mag-ina niya ang suhestiyon niyang pangalan ng bagong madadagdag na miyembro ng kanilang pamilya.
“Sana po babae ang magiging kapatid ko.” Ito ang hiling ni Max.
“Ako rin, alagaan mo ang little sister mo ha," ang sabi ni Analiza.
“Kahit ano pa siya, ang mahalaga ay lumabas niyang malusog at kasing bait ng kuya niya,“ ang sabi naman ng haligi ng pamilya.
Ilang araw ang lumipas, nakalabas na rin sa wakas si Rodel sa hospital. sinalubong siya ng mga trabahador sa buong Hacienda Montero. Hindi man nakatayo at makapag salita si Don Lando, bakas sa ngiti nito ang saya.
Isang mahigpit na yakap ang salubong ni Rodel kay Don Lando. Tanda ng pagpapatawad at pakikipag-ayos niya dito. Tutal, magkababata rin naman sila at minsan na ring naging matalik na magkaibigan. Nagkalamat lang dahil sa pangingialam ni Don Alejandro sa buhay nila.
Sa lahat ng naroon, si Donya Bettina lamang ang nag ngingitngit sa sulok at hindi masaya sa pagbabalik ni Rodel. Alam niyang ginamit lang siya nito para makapag higanti at gawing parausan. Ginusto rin naman niya iyon dahil talaga namang pinaligaya siya ni Rodel sa kama at nahulog na rin ang loob niya rito. Sino ba'ng hindi mababaliw sa gaya ni Rodel, bukod sa masarap bumayo, ay napakagandang lalaki, matipuno, at magaling na arkitekto. Naiinggit siya sa hipag na si Analiza dahil nasa kanya na yata ang lahat; pinanganak na mayaman, maganda, kapita-pitagang doktora, at higit sa lahat, may isang Rodel na mahal na mahal siya.
Nagkulong ang Donya sa kwarto nito at tanging si Ivan lang ang nakapansin na wala ang ina sa salo-salo na hinanda para sa pagbabalik ni Rodel. Si Ivan ang tanging karamay ni Betty.
“Mom, why are you crying? you should be happy," malungkot na turan ni Ivan.
“Anak, hindi mo ba alam, sila na ang magmamay-ari ng buong Hacienda. At yang bastardong si Max, sa kanya ipapamana ang lahat. Paano ka na? Saan ka na pupulutin?"
“Mom, I don't care about our clan's fortune. Ang mahalaga, buo pa rin tayong pamilya. Parang sila Aunt Liza—”
“Shut up! Makinig ka sa akin baby boy!" hinila ni Bettina ang anak palapit sa kanya at madiing humawak sa magkabila nitong braso at nanlilisik ang mga mata na tumitig sa anak. “Ito ang tatandaan mo, ikaw ang may higit na karapatan sa Hacienda. Ang Dad mo ang head of the family. Siya ang naghirap para itaguyod ang iniwang negosyo ng iyong lolo. Ikaw lang ang dapat makinabang dito. Mga sampid lang 'yan sila! tandaan mo, ikaw lang dapat!”
Tumango ng paulit ulit si Ivan at nanginginig ang boses na sumagot ng 'opo'.
“Good. Tandaan mo, ipaglaban mo ang dapat ay para sa'yo."
Isang tango ulit ang tugon ni Ivan. Nakatatak na iyon sa kanyang isip.
Makalipas ang isang linggo, umalis ng walang paalam si Donya Bettina. Iniwan si Don Lando at Ivan at sumama sa isang Amerikano. Marahil sa Amerika ito nagtungo.
Sobrang sama ng loob ang naramdaman ni Ivan. Pakiramdam niya ay hindi siya mahal ng Donya. Bakit ganoon kadaling iwan siya at ipagpalit? Wala lang ba talaga siya? Hindi ba siya mahalaga? Ngayon niya kailangang ng isang ina dahil ang ama niya isa nang baldado.
Mabuti pa ang pinsan niyang si Max, bukod sa buo na ang pamilya, mahal na mahal pa siya ng mga magulang niya. Laging binibigyan ng mamahaling gamit, laruan, nilulutuan ng masarap na pagkain ng mga magulang kahit na hindi niya sabihin. Nakaka-inggit talaga ang atensyon, pagmamahal, at pag aalaga na ibinibigay sa kanya. Samantalang siya ang heredero ng mga Montero dapat siya ang mas higit. Iyon kasi ang itinanim sa puso't isipan niya ng kanyang ina.
PASUKAN NA, at silang tatlo nila Lori, at Max ay magkaklase. Nasa ika-limang baitang na sila.
Sabay-sabay silang pumasok sa paaralan. Kapwa kinakabahan sa unang araw ng klase. Lalo na si Max dahil lahat sa kanya ay bago. Bagong paaralan, bagong kamag-aral, lahat ay bago.
Umpisa pa lang ng araw, nais na agad ni Ivan na maungusan ang pinsang si Max. Magkatabi sana sa upuan si Lori at Max ngunit inunahan niya nang umupo sa uupuan sana ni Max na katabi ni Lori. Wala namang magawa si Max kundi ang umupo sa likuran dahil iyon na lang ang tanging upuan. Katabi ng basurahan sa unang hilera.
Isa-isang nagpakilala ang mga mag-aaral sa pangkat na 'yon. Si Lori ang nauna sa kanilang magpakilala.
“Magandang araw, Ginang Paz, at mga giliw na kaklase, ako nga pala si Lorianne Sanchez, siyam na taong gulang, maaari niyo akong tawaging Lori bilang aking palayaw. Nakatira sa Hacienda Montero—”
Woy, yaman!
Wow, Senyorita!
Samu't saring hiyawan ang dumagundong sa buong silid-aralan nila nang sabihin iyon ni Lori.
"But wait! sa kusina lang ng mga Montero. Sampid lang ako do’n," dagdag ni Lori at humalakhak. Nagsitawanan din ang buong klase.
Maraming kalalakihan na kaklase nila ang masigabong nagpalakpakan matapos magpakilala ni Lori. Sikat si Lori sa buong eskwelahan dahil siya ay mabait, palakaibigan, at siya ang pinaka maganda sa buong paaralan.
Sumunod naman na nagpakilala si Ivan. Nakatayo pa lang siya sa harapan ay nagpalakpakan na agad ang lahat kahit wala pa siyang sabihin. Kilala siya ng lahat at pati na ng mga guro at punong-guro. Sino na ang hindi nakakakilala sa pinaka mayaman sa buong Sentral Luzon? Marami ang gustong kumaibigan sa kanya ngunit tanging si Lori lamang ang kanyang gustong samahan.
“Hi everyone, my name is Ivan Montero, nine years old. I'm pleased to meet you all, Mrs. Paz and classmates."
Dumagundong din ang palakpakan at tilian ng mga babaeng kaklase nila. Hindi na kailangang magpakilala pa ng mahaba si Ivan dahil alam naman ng lahat na siya ang heredero ng mga Montero.
Ang huling nagpakilala ay si Max. Tahimik ang lahat nang tumayo siya sa harapan. Siya lang kasi ang nag-iisang bagong mukha sa klase at sa buong paaralan.
“Magandang araw po sa bawat isa. Ang pangalan ko ay Max Lorenzo M-mo... Max Lorenzo Cruz. Siyam na taong gulang at bagong mag-aaral dito sa Sta. Fe Elementary School." Iyon lang ang sinabi ni Max. Hindi na niya ipinaalam na isa siyang Montero dahil gusto niya ang payapang buhay at malayo sa gayang buhay ni Ivan na palaging may nangungulit para makipagkaibigan. Si Lori at Ivan lang ang gusto niyang kasama kung pwede nga lang ay mag-isa na lang siya. Hindi siya gaya nila Lori at Ivan pala-kaibigan.
Nakayuko siyang bumalik sa kanyang upuan sa likuran. Samu't saring bulungan ang umalingawngaw sa klase. Mga pigil na tilian ng mga kababihan.
Ang tangkad ni Max,mas gwapo rin siya kaysa kay Ivan..
Siya na ang bago kong crush...
Huwag ka na, ako unang nakakita sa kanya..
Ito ang bulung-bulungan na naririnig ni Ivan. Lihim na nang ngingitngit ang kanyang puso dahil kinuha na naman ni Max ang atensyon na dapat ay para lang sa kanya.
Nagsimula na agad ang leksyon at ang asignatura nila ay Matematika. Masyadong malayo ang nililipad ng isip ni Ivan. Naalala niya ang kanyang nanay. Kumusta na kaya ito? Namimis din kaya siya? Kailan kaya ito babalik? O babalik pa ba?
Sumunod na dumapo sa isipan niya si Max. Paano kung kunin na lahat ni Max ang lahat ng kayamanan ng mga Montero? Paano na siya? Ano na ang mangyayari sa kanya?
Ginoong Montero!
Napaigtad si Ivan sa kinauupuan nang sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni-muni ay bumasag ang matining na boses ni Ginang Paz.
“Ang layo naman ng iniisip mo, Ivan. Hindi porke isa kang Montero ay may karapatan ka nang hindi makinig sa klase. Halika dine at pakisagutan ang nasa pisara.“
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Ivan. Kanina pa nasa kawalan ang isip niya at wala siyang maunawaan sa itunuro ng guro kaya wala siyang maisagot.
Napabuntong hininga na lang si Ginang Paz at kita sa mga mata nito ang pagka dismaya sa kanya dahil matalino pa naman si Ivan lalo na sa Matematika.
“Ginoong Cruz, pumarine ka sa harapan at sagutan ang nasa pisara," utos ni Ginang Paz.
Sumunod naman si Max at sinagutan nga ang nasa pisara nang mabilisan.
Tumango-tango si Ginang Paz at kita sa mukha niya ang kasiyahan habang sinasagutan ni Max ang nasa pisara.
“Very good,“ Papuri ni Ginang Paz.
Nagpalakpakan ang lahat at puring-puri si Max ng lahat. Nadagdagan na naman ang inis ni Ivan kay Max.
Lalo na nang mag breaktime. May baong pagkain sina Max at Lori kaya magkatabi silang naka-upo para kumain. Samantalang pera ang kay Ivan na baon. Wala kasing maghahanda ng baon niya. May sakit kasi si Manay Lorna at nakalimutan nitong ipagbilin na pabaunan din si Ivan. Akala naman kasi ni Lori ay may baon na si Ivan. Mahal kasi ang pagkain sa kantina kaya nagbabaon lang si Lori. Samantalang si Max ay alagang-alaga ng kanyang ina.
“Lori, doon na tayo sa canteen kumain, sagot ko,“ sabi ni Ivan.
Napatingin si Lori kay Max waring nagpapa-alam na iiwan siya nito. Malungkot ang mga mata ni Max pero nagpaubaya naman. Sanay naman siyang kumain mag-isa.
"Bumili ka na lang sa canteen tapos dito mo kainin para sabay-sabay tayo. Hihintayin ka namin," ang sabi ni Lori.
Napakunot-noo si Ivan. Hinawakan niya sa pulsuhan si Lori at nang hihilahin niya na para tumayo ito ay natigilan siya nang biglang hinawakan naman ni Max ang kabilang pulsuhan ni Lori para pigilan ang paghila niya rito.
Nagtagisan sila ng tingin waring nagsusuntukan na sa kanilang isip. Ramdam ni Lori ang tensyon.
Kanino siya sasama? Bakit ba kasi siya hinihila?
----------
TO BE CONTINUED...