Chapter 7: Mag-anak

1547 Words
Chapter 7 MAG-ANAK “Senyorita! Huwag po kayong mabibigla pero... kailangan niyong pumunta rito sa hospital, si Rodel... nabaril!“ Halos mahimatay si Analiza nang matanggap niya ang masamang balita galing kay Manay Lorna. Nabaril daw si Rodel. Agad na pumunta si Analiza sa hospital na pinag dalhan sa mister niyang si Rodel. Wala pang isang araw nang sila ay ikasal at heto nanganganib na siyang mabyuda. Winasiwas niya ang ulo upang maalis sa kanyang isipan ang ganoong isipin. Halos mawalan na siya ng ulirat habang iniisip kung ano ang kalagayan ni Rodel. Kung kailan naayos na ang mga gusot sa pagitan nila, saka naman ito nangyari. Napakalupit naman ng tadhana sa kanila. Bakit ayaw silang maging maligaya? Panay tulo ang luha niya habang papalapit sa emergency room. Hindi niya nakita si Rodel dahil nasa operating room na ito kanina pa. Agad niyang niyakap si Max nang makita niya ito. “Oh my son, my son,“ paulit-ulit niyang sambit habang umiiyak. Tahimik lang si Max, walang kaalam-alam na ang babaeng yumayakap sa kanya ay ang tunay niyang ina. Ipinaliwanag ni Manay Lorna kung ano ang nangyari, ang sabi nito, Habang nag hihintay si Rodel sa labas para sunduin sila, may lalaki na kumatok sa sasakyan niya kaya lumabas ito. Sabi raw ng saksi, nagkasagutan pa raw ang dalawa hanggang sa nag labas ng baril ang lalaki at nag buno pa at sa kasamaang palad, pumutok ito at natamaan si Rodel sa bandang balikat. Mabuti na lamang at hindi tumama sa kritikal na parte ang natamo nito. Ngunit delikado pa rin ang lagay ni Rodel dahil sa dami ng dugo ang nawala sa kanya kaya abot langit ang panalangin at pag-aalala ni Analiza. Habang nag uusap sina Analiza at Manay Lorna, may dumating na pulis. “Miss Analiza Montero—” “Mrs. Cruz...Mrs. Cruz po, Mr. Officer," maagap na sabi ni Analiza at napahingang malalim. Napabilog ng bibig si Manay Lorna dahil sa gulat sa sinabi ni Analiza. “Captain Freddie Flores po, Mrs. Cruz. Tukoy na po ang suspect sa pagbaril sa inyo pong—” hinintay ng pulis ang sagot ni Analiza kung kaano-ano niya ang nabaril. “Asawa po. Husband ko po siya." “Ang suspect po ay si Macky Lastimosa at nadakip na siya. Naka-detain sa police station for interrogation po.“ Ang anak pala ni Mayor ang salarin. Napatakip ng mukha at napasinghap na lang si Analiza. Masyado niyang nasaktan si Macky nang bigla na lang niya itong binalewala samantalang ito ang pinangakuan niya ng kasal. Hindi rin matanggap nito na pinagsusuntok siya ni Rodel. Siya na anak ng isang alkalde, kilala sa pagiging maangas ay binugbog ng isang hardinero. Ang pinakamasakit pa roon ay pinaasa siya ng isang matandang dalaga . “I will send my lawyer in my stead, Captain Flores. Thank you very much." Nakipag kamay si Analiza sa kapitan matapos nilang mag-usap. Nanlalaki ang mga mata ni Manay Lorna dahil sa hindi niya inaasahang narinig na sinabi ng pulis kanina. “Paanong nangyari 'yon? Parang nag-aaway pa kayo ni Rodel kagabi ah—” “Kanina lang po kami kinasal, Manang. Madalian lang.“ Wala nang masabi pa si Manay Lorna kaya niyakap na lang niya si Analiza at tuwang-tuwa ang kanyang puso dahil sa wakas sa haba ng panahon at daming hadlang ang pumagitna sa pag-iibigan ng dalawa ay nagpakasal na rin ang mga ito. Iyon nga lang napaka saklap, kung kailan pinag laban na nila ang isa't-isa, saka naman ito nangyari. Para na niyang nakababatang kapatid sina Analiza at Rodel. Sabay na lumaki sa Hacienda. Naging pipi't binging saksi sa lahat ng kaguluhan na nangyayari sa buhay ng mga Montero kaya pati si Manay Lorna ay nakiki dalamhati sa pinag dadaanan ng pamilyang buong buhay niya ay binigyan niya ng serbisyo. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, dumating na ang doktor. Pigil hiningang inantabayanan ng dalawa ang balita. Umaasang positibo ito. “Mrs. Cruz, the operation is successful." Nagpakawala ng malalim na paghinga si Analiza at napaluha sa magandang balita na hatid ng doktor. “Thank you so much, Doc." Tanging pasasalamat na lang ang masasabi ni Analiza. Binigyan pa sila ng Diyos ng isa pang pagkakataon. Kaya nang maari nang dalawin si Rodel ay agad na pinuntahan ni Analiza sa silid at hawak-hawak niya si Max. Pagmulat ng mga mata ni Rodel ang mag-ina niya ang unang bumungad sa kanya. Hirap man siya kumilos at magsalita, hindi siya napigilan ni Analiza na hagkan si Max. Tila alam na ni Max kung ano ang nangyayari kahit wala pa sa kanyang binabanggit. Napangunahan kasi ng pag iyak ni Analiza at Rodel. “Rodel, meet your son, our son, Max Lorenzo Montero Cruz." Inilagay ni Analiza ang kamay ni Max sa kanang kamay ni Rodel, 'yung walang benda para maghawak-kamay silang mag-ama. “Ang anak ko. Kasing pogi ko," biro ni Rodel kahit pa mahapdi ang kanyang opera. “Matalino rin siya at mabait. Mabuti at nagmana sa akin,“ biro naman ni Analiza habang lumuluha. Ipinagmamalaki nila ang kanilang anak. Ibinaling niya ang tingin kay Max. "Anak, siya ang totoo mong ama, si Architect Rodel Cruz. Siya ang may-ari ng kalahati ng Hacienda at plantasyon. At ako Max... Ako ang tunay mong ina.“ Tahimik na umiiyak si Max. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ng bata niyang puso. Bagamat maraming katanungan sa isip, mas nangingibabaw ang saya sa damdamin. Hindi siya makapaniwala na ang pinakamayamang angkan sa buong sentral Luzon ay ang kanyang pinagmulan na angkan. Parang ang hirap paniwalaan na nagmula siya sa mayamang pamilya kung ang kinamulatan niyang buhay ay puno ng hirap. Ang kinagisnan niyang ulam ay tuyo't talbos. Kaya gayon na lamang ang saya niya nang nakatikim ng karne at pure juice sa almusal. “Anong nangyari sa nakaraang siyam na taon, Honey?“ tanong ni Rodel. “Okay, ikukwento ko. Hindi ko alam kung maiintindihan na ni Max pero sisikapin kong ipaintindi.“ Umayos ng pwesto ang mag-ama upang makinig ng maigi kay Analiza. “Noong, usapan natin na magtatanan tayo—” “Noong hindi mo 'ko sinipot,” sabat ni Rodel. “Honey! just listen.“ hiyaw ni Analiza dahil ayaw niyang ma-abala ang kanyang ikukwento. Masama pa talaga ang loob ni Rodel sa nangyari kahit halos sampung taon na ang lumipas. “Sorry, Honey. Tatahimik na.” Nagsimula muli si Analiza sa pag kwento at matiim na ang mag-ama sa pakikinig. “Pinapili ako ni Papà, kung mag aaral ako sa London o ipapakasal niya ako sa matanda niyang ka-sosyo at papalayasin ka sa Hacienda. You know my Papa. Nakakatakot siyang magalit.” “Oo kilala ko siya. Pinakulong niya ako pagkatapos ay binugbog sa bilangguan. Kung alam mo lang ang paghihirap na dinanas ko sa kamay ng tatay mo—” “I'm sorry Rodel. Pinag laban kita pero wala talaga akong magawa. Sobrang galit niya sa'yo lalo na noong binuntis mo 'ko." Natigilan si Analiza sa pagkwento. Masyadong masakit para sa kanya na alalahanin ang nangyari noong pinagbubuntis niya si Max. “Anong nangyari noong buntis ka? Bakit nang namatay ang Don, hindi ka pa rin umuwi?" Pinawi ni Analiza ang kanyang mga luha bago muling nakapagsalita. “Sorry Rodel. Sana hindi ako naniwala sa Papa ko. Sa London ako nanganak. After I gave birth kay Max, kinuha siya sa'kin ni Papa at hindi ko na alam kung kanino siya pina-ampon. Si Kuya Lando ang naghanap kay Max. Gusto sana niyang sabihin sa'yo na nakita niya na ang anak mo pero nagbago ang lahat nang kinalantari mo ang asawa niya." Natahimik si Rodel. Napakabait ni Don Lando pero dahil gusto niya makaganti sa mga Montero, inakit at ginamit niya ang asawa nito. Hindi masisisi kung angkinin man ni Don Lando si Max at sabihin na bastardo niya ito. “Sabi ni Papa, may iba ka na raw. Nagpadala pa nga siya ng mga larawan na may kasama kang ibang babae." “Naniwala ka naman do'n, Liza? Ganoon kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo—“ “Hon! I said sorry. I was too devastated, exhausted, and gullible back then." Umiyak nang umiyak si Analiza. Hindi na niya kayang ituloy pa ang kanyang kwento. Lalong bumuhos ang luha niya nang hinaplos haplos ni Max ang kanyang likod at hinawi ang kanyang buhok. Pinunasan din nito ang kanyang luha. Napa-sweet na bata. Pinagpapasalamat na lamang niya at napunta ito sa mabait na tagapangalaga. Tinapos na ni Analiza ang kwento at kahit papaano ay nagkaliwanag na masalimuot nilang nakaraan. Walang dapat sisihin dahil hindi sila ang may kasalanan. Nagpasalamat na lamang sina Rodel at Analiza na sa kabila ng lahat, sa loob ng halos sampung taong pagsubok, sa wakas ay napagtagumpayan nilang lahat ng iyon at binigyan sila ng pagkakataon para buuin muli ang kanilang buhay at magsimula ng panibagong kabanata. Matapos nilang alalahanin ang nakararaan, biglang tumunog ang cellphone ni Analiza. Tumatawag ang kanyang OB-GYNE na kaibigan. Agad niya itong sinagot. Nakatunghay ang mag-ama kay Analiza habang kausap nito ang OB at lumuluha na tila nabigla pa. Humagulgol si Analiza matapos kausapin ang doktor. Nag-alala sina Rodel at Max. Kani-kanina lang ay masaya na sila, may bagong pagsubok ba muli sa kanilang buhay? “Honey, buntis ako. Magiging kuya na si Max!“ ------------- TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD