Chapter 9: Magkahati

1202 Words
Chapter 9 Magkahati “Aray ko naman, baka humaba ang braso ko. Bakit niyo ba 'ko hinihila?" sabi ni Lori at sinimangutan ang dalawang kababata na humihila sa magkabila niyang pulsuhan. Wala pa ring gustong bumitaw bagkos lalong humigpit ang kapit ni Ivan. “Kunin mo na ang lahat pero huwag lang si Lori,“ banta ni Ivan kay Max. Binitiwan na ni Max si Lori. “Wala naman akong kinukuha," tugon niya sa kanyang pinsan. Kalmado lang pero may diin. “Inagaw na nga ng tatay mo ang Hacienda pati ang Mom ko. Manang-mana ka sa kanya,“ sabi ni Ivan at hindi natuwa si Max sa kanyang narinig. Hinablot ni Max ang kwelyuhan ni Ivan at kulang na lang ay suntukin. "Max, huwag!" sigaw ni Lori para maawat si Max. . Mabuti at pumagitna si Lori at napigilan ni Max ang sarili kaya binitiwan na nito ang kwelyo ni Ivan. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo dahil nanununtok din ako. Huwag na huwag mong idadamay ang tatay ko,“ babala rin ni Max. “Edi suntukin mo ’ko,” sabi ni Ivan. “Ivan!” hiyaw ni Lori. Nagsimula na naman kasi ang dalawa sa pag porma ng away. “Sige na Ivan, bumili ka na sa canteen. Mauubos na ang breaktime natin, pare-pareho tayong hindi makaka-kain.“ Umupo na si Lori sa tabi ni Max. Inilabas na ang baunan at nagsimula nang kumain. Lumakad na papuntang kantina si Ivan. Mabigat ang bawat hakbang niya dahil halata namang si Max ang pinili ni Lori na samahan. Mag-isa aiyang kakainsa unang araw ng klase. Habang papunta siya sa kantina, maraming kumpol ng mga magkakaibigan mapa-lalaki o babae man ang sumabay sa paglalakad ni Ivan. Marami ang gustong makipagkaibigan. Ngayon sila nagtangkang kausapin siya dahil mag-isa lang siya ngayon. Hindi kasi sila maka lapit sa kanya kapag nagkasama sila ni Lori. Bagamat naka ngiti siya sa mga lumalapit sa kanya, sa kalooban niya ay mas gusto pa rin niyang kasama si Lori. Ganoon pa man, marami siyang pwedeng kaibiganin at ipakita kina Lori at Max na isa siyang Montero at marami ang gusto siyang samahan. Nilibre niya ang iisang grupo ng magkaibigang babae na may apat na miyembro, mga kaklase nila ito. Kaya hanggang matapos ang breaktime, sabay sabay silang bumalik sa kanilang silid. Nadatnan nila sina Lori at Max na tapos na rin kumain. Napatigil sa kwentuhan ang mga ito nang dumating sila. Gusto sana ipakita ni Ivan sa dalawa na mas masaya siya dahil mas marami siyang kaibigan. Ngunit bakit gano'n? imbis na pasakitan niya si Lori dahil mas pinili nito si Max, siya ang mas nasaktan nang madatnan niya itong nakangiti pati ang mga mata nito ay ngumingiti rin habang kausap si Max. Oo na, aaminin niya sa kanyang sarili na nagseselos siya kay Max dahil lahat na lang ay inaagaw nito. Si Lori lang ang natatangi niyang kaibigan at ayaw niyang mawala ito sa kanyang tabi kaya gano'n na lamang ang inis niya kay Max. Gusto niyang agawin ang atensyon ni Lori kaya ipinakita niya na masaya siyang kausap ang iba lalo na ang isang kaklase nilang babae, Leader yata iyon ng grupo, ang pangalan nito ay Mayla. Kahit na kausap ni Ivan si Mayla, ang mga tingin niya ay nasa kinaroroonan ni Lori. Tahimik na sila ni Max at seryoso na rin ang mukha ni Lori. Kumakabog ang puso niya at natitigilan sa pakikipag-usap sa tuwing nagsasalubong ang mga tingin nila ni Lori. Panaka-naka rin kasi itong tumitingin sa kinaroroonan niya. Matapos ang maghapon, sa wakas ay natapos din ang klase. Magkatabi man sina Ivan at Lori sa upuan ay si Max pa rin ang unang kinausap ni Lori. “Sabay na tayong umuwi Max," yaya ni Lori at parang nagpintig ang tenga ni Ivan sa narinig. Pero wala naman magawa si Ivan dahil alam niyang galit si Lori sa kanya dahil sa masamang sinabi niya kay Max kanina tungkol sa tatay nitong si Rodel. Ngayon lang din napag tanto ni Ivan na maling-mali ang sinabi niya. Pero nahihiya siya na humingi ng tawad kay Max. Nagmukha tuloy siyang inggitero sa kanyang pinsan. Malapit lang din ang paaralan sa Hacienda at kayang-kaya nilang lakarin. Noong nakaraang taon ay naglalakad lang sila ni Lori papunta ng paaralan at gayundin pauwi ng bahay. Hindi naman nag aalala si Don Lando dahil wala. naman magtatangkang dumukot sa anak niya. Mababait ang mga tao sa Sta. Fe at ginagalang ng lahat ang mga Montero, at kinakatakutan naman ng mga masasamang-loob. “Halika na Max.“ Hinila ni Lori ang kamay ni Max at sabay na silang lumabas ng silid. Nasa likod lang si Ivan, nakasunod sa kanilang dalawa. Nasa labas na sila ng gate nang biglang hinablot ni Ivan ang backpack ni Lori kaya napilitan siyang kumalas sa pagkaka-hawak niya sa kamay ni Max at harapin ang salarin sa paghablot ng bag niya. Naka-pamewang si Lori at tinaasan ng kilay si Ivan. “Ano bang problema mo? Masyado kang papansin.“ Napasimangot si Ivan dahil sa sinabi ni Lori. “Ako na nga ang magbibitbit ng bag mo, aawayin mo pa ’ko," bwelta ni Ivan. “Sino ba nagsabing dalhin mo bag ko, eh kayang-kaya ko naman 'yan bitbitin,“ sabi ni Lori sabay irap. Binawi niya rin ang bag niya mula kay Ivan ngunit ayaw nitong ibigay. “Sorry na," paki-usap ni Ivan at tumulis pa ang nguso baka sakaling lumambot ang puso ni Lori “Huwag ka sa'kin mag-sorry," iyon lang ang sagot nito. Lalong isinukbit ni Ivan ang bag ni Lori sa kanyang balikat at naglakad na. Ayaw niyang humingi ng tawad kay Max. At bakit naman? iyon ang nasa isip niya. Dapat nga si Max ang mag-sorry sa kanya dahil unti-unti na nitong inaagaw ang lahat ng kanya. Lalo na si Lori. Malayo-layo na si Ivan at narinig niya ang patakbong mga hakbang ni Lori sa kanyang likuran. Naramdaman niya ang pagkuha nito sa bag nito kaya napilitan siyang huminto. “Bakit ka ba galit?“ hiyaw ni Lori. Napatingin si Ivan kay Max na nasa likuran naman ni Lori. “Kasi iba na ang pinapansin mo!“ bulalas ni Ivan at natahimik si Lori. Napa-uwang ang bibig nito at hindi malaman ang isasagot. “Ahm... eh. Eh ikaw nga kausap mo si Mayla saka grupo niya. Masaya ka naman na kasama sila... kaya..kaya anong problema mo?“ nauutal pang sagot ni Lori. Hinawakan ni Ivan ang kamay niya. Hindi ito inaasahan ni Lori kaya iiwas niya na sana ang kamay niya ngunit lalo pang pinisil ni Ivan ang kanyang palad, ayaw itong pakawalan. Uminit ang pisngi ni Lori at biglang nakaramdam ng kakaibang kaba. Bakit ganoon? palagi naman silang magka hawak-kamay ni Ivan pero bakit ngayon ay may halong kuryente na? “Gusto ko sa akin lang ang atensyon mo," seryosong sabi ni Ivan habang matiim na nakatitig sa mga mata ni Lori. Alam ni Lori na namumula ang buo niyang mukha dahil sa sinabi ni Ivan. “Gusto ko, Ivan... Ang gusto ko sana—“ nauutal na sabi ni Lori. Hinihintay ni Ivan ang susunod nitong sasabihin... ----------- TO BE CONTINUED... SALAMAT PO SA PAGBABASA. COMMENT NAMAN PO KAYO. PARA KASING WALANG NAGBABASA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD