Chapter 6
MAG-AMA
“May sikreto ka pang hindi nalalaman. At dahil sa ginawa mo sa'kin ngayon, hinding-hindi ko ipapaalam sa'yo hanggang sa kamatayan ko. Kung matuklasan mo man 'yon at kamuhian mo ’ko, pwes patas na tayo!“
Hinila ni Rodel si Analiza pabalik sa kanyang mga bisig. Pumiglas man ito ay hindi niya papakawalan hangga't hindi nito sinisiwalat ang sinasabi nitong lihim.
“Bitiwan mo 'ko Rodel! pinaubaya mo na ’ko sa ibang lalaki 'di ba? Tigilan mo na 'ko!“
Lalong humigpit ang yapos ni Rodel at seryoso ang kanyang titig kaya napa pirmi si Analiza.
“Buhay ang anak natin? Iyon ba?“ kalmadong tanong ni Rodel ngunit may diin, umaasang sasagutin ni Analiza ng buong katotohanan ang kanyang tanong.
“Oo...“ Iniwas ni Analiza ang tingin sa mga mata ni Rodel na punong-puno ng poot, hinagpis, at kung ano-ano pang emosyon dahil sa inamin niya.
“Nasaan ang anak ko?“
“Mamatay ka sa kakahanap sa kanya, pero akin lang ang anak ko. Tingin mo magiging proud siya sa'yo? Ang ama niya ay isa nang halimaw. Nababalutan ng galit at paghihiganti ang puso—”
Pilit pa rin kumawala ni Analiza dahil masakit at nakaka-irita na ang yapos nito.
“Pakawalan mo na 'ko! Ano ba Rodel—”
“You're still underestimating me, Honey. I'm capable now. Hindi na ako isang hamak na hardinero na minamaliit niyo,“ bulong ni Rodel at pinakawalan na rin sa wakas si Analiza.
“Get out of my room. Ayaw na kitang makita. And please, huling pag angkin mo na 'to sa'kin. Huwag na huwag mo na ulit akong gagalawin. Go fúck your fúcking gold digger instead,“ sabi ni Analiza sa pagitan ng nag ngingitngit niyang ngipin dahil sa pinipigilang galit.
"Sure, Honey. I will," kalmadong sagot ni Rodel habang nagbibihis. pagkatapos ay hinalikan ang kanyang labi ng mabilisan saka umalis.
.
Kinagabihan, tinupad nga ni Rodel ang sinabi nito. Sinadya niyang ipakita kay Analiza na pumasok siya sa kwarto ni Bettina at sinadya ring naka-uwang ang pinto para makita at marinig nito ang kababalaghan na gagawin nila ni Betty.
Alam naman niyang sinasadya talaga siyang pasakitan ni Rodel. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya pinapahirapan ang puso niyang pagod na dahil sa binata. Nanatili pa rin siya sa likod ng naka-uwang na pinto at sumandal sa pader. Pinakinggan niya ang malanding boses ni Betty.
"Rodel, my loves! sabi ko na hindi mo 'ko matitiis. I know you have had loved me and missing me so very much.“
Napangisi man si Analiza sa balu-baluktot na Ingles ni Bettina, nananaig pa rin ang sakit sa kanyang puso. Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib at tahimik na lumuha habang pinapakinggan ang halinghing ni Bettina. Ang palakas na palakas nitong ungol. Alam niya kung ano pakiramdam nito dahil siya mismo ay binabaliw ni Rodel sa kama. Pinikit na lang niya ang mga mata at sinandig ang ulo sa pader, inaala ang masayang araw nila ni Rodel.
What have they become now?
Mahal na mahal naman nila ang isa't-isa pero bakit humantong sa ganito? Napakasakit. Hindi yata talaga sila itinadhana para sa isa't isa. Ito na ba ang tamang panahon para kalimutan ang lahat at magsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay? Bumalik na lang kaya siya ng London kasama ang anak niya?
Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni, may mala-anghel na tinig ang bumasag sa kanyang malalim na pag-iisip.
“Tita Liza, magpahinga na po kayo.“
Agad na minulat ni Analiza ang kanyang mga mata nang marinig niya si Max. Agad niya itong niyakap at tahimik na bumuhos ang kanyang luha.
“Gusto mo bang tumira sa London?“ tanong niya kay Max.
Napakalas si Max sa kanyang yakap at tila nagulat sa kanyang tanong.
“I'm sorry. I'm just kidding," maagap na sabi ni Analiza at pilit na ngumiti habang pinapawi ang mga luha na walang tigil sa pagpatak. “What are you doing here? Gabi na, hindi ka ba makatulog?"
Dahan-dahang sinara ni Analiza ang pinto para hindi makita at marinig ni Max ang ginagawa ng dalawa doon sa loob ng kwarto ni Bettina.
Ngumiti ng tipid si Max. Parang hinihiwa ang puso ni Analiza habang tinititigan ang mga mata ng batang nasa harapan niya, punong-puno ito ng kalungkutan. Kuhang-kuha nito ang matalas na mga mata ng kanyang ama. Para siyang tumititig sa mga mata ni Rodel.
“Namimiss ko po ang Inay ko, tabi kasi kami matulog no’n," sabi ni Max sa malungkot na tinig.
“Halika na sa kwarto ko, mas komportable doon, may aircon at makapal na comforter at mahigpit na yakap. Siguradong masarap ang tulog mo." Pilit na ngumiti ni Analiza para makumbinsi si Max na tabi silang matulog.
Isang matamis na ngiti ang tugon nito sa kanya at lumigaya na ang puso ni Analiza kahit papaano. Hawig talaga siya ng kanyang ama, hindi maipagkakaila. Kaya hindi na siya nagulat nang iba ang trato ni Rodel kay Max kumpara sa lahat ng bata sa Hacienda. Ramdam siguro ni Rodel ang lukso ng dugo. Ihahanda na rin niya ang sarili kung isang araw ay kunin na nito si Max nang walang pasabi.
Kinabukasan, abala si Analiza sa pag asikaso kay Max. Ngayon siya nagpapaka-ina. Hindi pa naman huli ang lahat para bumawi. Mauunawaan din ni Max lahat pero hindi pa ito ang tamang pagkakataon para malaman niya ang katotohan sa kanyang pagkatao. Masyado pa itong bata para maintindihan ang naging sitwasyon ng mga magulang niya. Kukuhain muna ni Analiza ang tiwala at loob ni Max bago niya ipagtapat ang lahat-lahat. Nasasabik na siyang ipaalam dito na siya ang tunay nitong ina.
Matapos ang almusal, nagpa-alam sina Max at Ivan, kasama si Lori na pupunta ng bayan para mamili ng gamit sa paaralan. Magpapasukan na kasi sa susunod na buwan. Gustuhin man sumama ni Analiza ay may appointment siya sa kanyang abogado mamayang hapon. Mukhang masaya naman ang dalawang binatilyo dahil kasama nila si Lori na mamamasyal at hindi na siya kailangan. Nagpabaon na lang siya ng malaking halaga para bilhin nila kung ano man ang gusto nilang bilhin at kainin.
Walang mapagsidlan ng tuwa si Max at hindi na napigilan pang halikan si Analiza sa pisngi para magpasalamat. Pilit na pinigilan ni Analiza ang pagpatak ng kanyang luha. Kulang pa ang lahat ng materyal na bagay na maibibigay niya para punan ang pagkukulang niya bilang isang ina.
---------
Alas diyes ng umaga, naisipan ni Analiza na maligo sa ilog. Nagdala siya ng basket laman ang mga baked niyang empanada. Magpi-picnic siya mag-isa.
Hindi niya alam ay kanina pa siya sinusundan ni Rodel. Habang naglalakad siya papuntang ilog, may humablot ng tangan-tangan niyang basket na nakasukbit sa kanyang pulsuhan.
Napatili siya sa gulat sa pag aakalang mandarambong ang dumagit sa kanyang basket. “Rodel!" hiyaw niya habang nakasalubong ang kilay samantalang isang mapanlokong ngiti lang ang tugon ni Rodel. Naka-simpleng damit lang ito at sumbrero.
Kinuha ni Analiza ng basket pero ayaw ibigay ni Rodel kaya nagpatuloy siya sa paglakad. Hindi niya pinansin ang binatang mukhang ganadong asarin siya. Naalala niya noong nasa highschool pa sila, ganyan na ganyan kung paano magpa-pansin si Rodel sa tuwing nilalambing siya. Ayaw na niyang alalahanin pa ang nakararaan kaya binilisan niya ang hakbang. Mas lalong binilisan ni Rodel ang paglakad at hinablot ang kamay niya. Aangal na sana siya ngunit hinawakan nito ang kamay niya na parang gaya noong bata-bata pa sila.
Lihim na nagagalak ang puso ni Analiza dahil sa mahabang panahon, ngayon niya lang ulit nakita ang mamahaling ngiti ni Rodel.
Pagdating nila sa ilog, para silang mga bata na agad naghubad ng damit tanging pang ligo sa ilog ang suot. Agad na nagtampisaw. Lumusong din sila sa bandang malalim, inalalayan ni Rodel si Analiza. Asahan ng magdidikit ang kanilang mga balat at mapapalapit sila sa isa't isa. Nauna nang yumakap si Analiza at banayad na hinagkan siya ni Rodel.
“Rod... may ginawa akong empanada—“
Tanging halik sa noo ang sagot ni Rodel. Paborito kasi niya ito. At lagi siyang binabaunan noon sa eskwela ni Analiza ng empanada na siya mismo ang may gawa.
Umahon na sila sa tubig at kumain.
“Sa susunod bawal ka nang maligo dito mag isa. Lalo pa't ganyan ang suot mo," sabi ni Rodel habang titig na titig sa wet look ni Analiza. Naka puting blusa lang kasi ito na manipis at kitang-kita ang hubog ng katawan. Nakaka-taas ng libido.
“Fine, Boss,“ sarkastikong sagot ni Analiza.
Pagtapos nilang kumain ay nagpahinga sila sa ilalim ng Kalachuchi at sumandal doon. Pinagmasdan ang payapang ilog. Hinawakan ni Rodel ang kamay ni Analiza.
“Ayaw mo ba ng ganitong buhay? Yung payapa lang? Mas gusto mo talaga makasal sa mas bata? Anak ng trapo?“
“Kaysa naman maging kabit ng isang social climber. Mas nanaisin ko na siguro 'yung sinabi mo."
Napangisi si Rodel, si Betty kasi ang tinutukoy nito.
“Paano kung... paano kung sa huling pagkakataon eh ipaglaban kita? kasi mahal na mahal pa rin kita...“
Napangiti na lang si Analiza ng tipid at ibinaling ang tingin sa malayo. "Gawin mo na lang Rod. Huwag mo na 'kong paasahin.”
Kapwa sila natahimik. Dinama na lang ang sariwang simoy ng hangin. Ilang sandaling walang nagsalita at si Rodel na rin ang bumasag ng katahimikan.
“Kailan mo balak ipakilala si Max sa akin? o may balak ka pa ba?“
Napatingin bigla si Analiza sa mukha ni Rodel. Tumutulo ang luha nito at punong puno ng kalungkutan ang mga mata. Alam na nga ni Rodel na anak niya si Max. Halata naman.
“Kapag pinakasalan mo na 'ko," nahihiyang sambit ni Analiza.
Napa-igtad si Rodel sa kinauupuan at agad na idinikit ang sarili kay Analiza na namumula ang pisngi. Tumitig ng maigi sa mga mata nito na waring tinitiyak kung seryoso ba ito sa kanyang sinabi.
.
“Ngayong araw pwedeng-pwede mo na pala ipagtapat sa kanya "
Nahampas tuloy ni Analiza si Rodel sa balikat. “Rodel, nagbibiro ka lang—“
“Never been so serious as this before in my entire life. Huwag na natin pahirapan pa mga sarili natin, Liz, let's get married."
Hinawakan ni Rodel ang mga kamay ni Analiza at hinintay ang sagot ng dalaga. Napangunahan na ito ng tuwa at luha kaya wala na itong masabi pa kundi tango na lang ng paulit-ulit. Nanginginig ang buong katawan nito at bumuhos na ang luha.
Kinuha ni Rodel ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigang alkalde ng kabilang bayan para kuning solemnizing officer.
Napailing-iling si Analiza, totoo nga na inalok na siya ni Rodel ng kasal at base sa narinig niya, ngayong araw ding ito gaganapin. Espesyal ang ganitong uri ng kasal, mabilisan, saka na aayusin ang mga papeles, uunahin muna ang seremonyas.
Agad na hinila ni Rodel si Analiza pauwi ng Hacienda.
“Honey, forgive me if it was too sudden. I just can't wait any longer for you to be my wife. Saka ko na ibibuhos ang yaman ko sa church wedding natin. Sa ngayon, pagtyagaan mo muna ang kaya ko.“
Tanging tango lang ang sagot ni Analiza dahil maski man siya ay sabik na sabik na. Hindi na mahalaga ang wedding gown, at kung ano ano pang bonggang seremonya. Ang mahalaga ay legal silang ikakasal ni Rodel.
Ilang oras lang ang paghahanda nila at dumating na rin ang magkakasal. Simple at elegante white dress lang ang suot ni Analiza habang si Rodel ay gwapong gwapo sa suot nitong white long sleeves at black pants. First time makita ni Analiza na naka brush up ang buhok nito.
Si Don Lando ang kanilang witness at si Fernan na kanang-kamay nito. Isang simpleng salo-salo sa buong Hacienda at plantasyon ang handa nila.
Sobrang bilis ng seremonyas tumagal lamang ng isang oras. Dineklara na sila bilang Mr. and Mrs. Cruz.
Kinahapunan, excited na si Rodel na makita si Max. Gusto niya itong supresahin kaya siya na ang nagpresinta kay Analiza na manunundo sa bayan.
Naiwan si Analiza para sa appointment niya sa abogado at isasabay na rin niya ang paglalakad ng matrimonial documents nila.
Gabi na pero hindi pa rin nakakauwi sila Rodel. Kakaibang kutob ang dumadagundong sa dibdib ni Analiza.
Maya-maya ay tumunog ang celphone niya at si Manay Lorna ang nakausap niya. Hingal na hingal ito at hindi mapakali.
“Senyorita! Huwag po kayong mabibigla pero... kailangan niyong pumunta rito sa hospital, si Rodel... nabaril!“
---------------
TO BE CONTINUED...
.